Chapter 3

Hazel's POV

----

SA Hallway..

"Hoy! TABI!" Huh?

Bago pa ako makagalaw ay naramdaman ko na ang mukha kong humahalik sa lupa. Arrgh! Ang sakit nun ah. Tumayo ako at nanlilisik ang matang tinignan ang walang puso't bitukang nilalang na bumangga sa akin pero nagulat ako at mukha ng "romantic rival" (ika nga ni Juvia sa Fairy Tail) ko ang bumulagta sa akin. Si Nami Perez.

"Anong tini-tingin tingin mo!?" tanong niya sa akin. Tsk! Ang angas ah. Pwes, harapin mo ang pinakamaangas ngayon. Di porke mahal ka nang mahal ko, sasantuhin kitang uod ka.

"Oh? Assuming ka ata masyado? Yung nasa likuran mo ang tinitignan ko. Ayun oh!" Nginuso ko ang likod niya pero sa totoo wala naman talaga akong tinitignan sa likod niya. Tumingin naman siya.

"Pffft... Uto-uto! Hahaha!" Asar naman ang mukha niyang humarap sa akin. Mas maganda pa rin ako. Dahil malakas ang pakiramdam ko, naagapan ko agad ang balak niyang pagsampal sa akin. Bago pa dumapo iyon sa face ko ay nahawakan ko na ang kamay niya.

*smirk*

"Ano bang problema mo ha?" Pinipilit niyang alisin ang kamay niya pero lalo ko namang hinihigpitan.

"Aray! Ano ba! Pag nakita ka ni Daryll lagot ka! *ngising unggoy* Problema ko? Problema ko lang naman ang makating katulad mo! Na pinapantasya mo si Daryll! " Binitawan ko ang kamay niya at yumuko.

"Ano?! Diba totoo?  Na hanggang pangarap ka na lang sa isang hearthrob na katulad niya? Na umaasa kang magugustuhan ka niya.?" Nanatili pa rin akong nakayuko.

"Diba sabi nga niya, di siya magkakagusto sa isang tulad mo!? Hahaha! How pathetic isn't it bitch? The Crazy Martyr dreaming the most popular who have been and will always be mine! Para sabihin ko sayo, hinding hindi ako ipagpapalit ni Daryll sa isang tulad mo! And FYI, nagkabalikan na kami kagabi! Aww! How sweet diba? Nanlalake na nga ako, binalikan pa niya ako, ganoon ako kaganda!"

*smirk ulit ako*

*PAK!* Sinampal ko ang ubod bulok na pagmumukha dahil sa mga sinabi niya! Wala siyang karapatang lokohin si Daryll.

"Tell me, sinong pathetic sa ating dalawa? Sa tingin mo ba lagi mong ikakasaya yang bulok mong gawain!? Bitch? Are you referring to your own self? Ikaw ang makati! Hindi kontento sa iisang lalake! Ganoon ka ba kadesperadang mawalan ng supply ha? FYI din Ms. Nami Perez, darating ang oras na si Daryll mismo ang iiwan sayo! Dahil sa oras na ito, naka schedule na ang karmang darating sayo at isa pa.. *PAK* Don't call me crazy! Dahil di mo kilala ang binabangga mo!" Hindi siya makapagsalita sa mga sinabi at ginawa ko. Psh! Buti naman tumahimik.

"Gusto mo pa nang final touch sa blush-on mo?" Itinaas ko ang kamay ko pero bago ko pa masampal ulit si Nami dumating si Daryll.

"Stop that, Hazel!" pigil niya sa akin. Pagkatapos nun ay..

*Wapak*Sinampal niya ako.At todo ngiti si Nami sa ginawa sa akin ni Daryll.

"Pwede bang tigilan mo na kami!? Bakit mo siya sinaktan!? Hindi ba't sinabi ko nang hindi kita gusto at hinding hindi mangyayari iyon! Anong mahira--"

*BOG*

Pinipigilan kung umiyak. Ayokong umiyak. Nasuntok ko siya... ulit. Masakit. Masakit ang binitawan niyang mga salita. Masakit... ulit. Pero this time,

*KABLAG* Gustuhin ko mang bogbogin siya di pwede. Ayokong ma-guidance.

"Hindi ako makapaniwalang ang Daryll na nakilala ko. Ang MABAIT na Daryll na nakilala ko ay magiging ganito. Alam mo bang gustong-gusto kitang saktan, bogbogin at patayin!? Pero hindi ko magawa kasi... kasi Mahal kita. Pero ngayon, sa ginagawa mo, YOU DON't DESERVE MY LOVE! YOU DON'T DESERVE ME! *BOG* Tama nga si Bespren, hindi ikaw ang para sa akin. Kailangan kong imulat ang mata ko sa paligid ko. HIndi lang ikaw ang lalake sa mundo. SA araw na ito, pinapangako ko, ang baliw na martyr na katulad ang magpapabagsak sa inyo. Ang magpapaluhod sa inyo para magmakaawa sa akin!" At bago ako umalis "WAIT TILL MY REVENGE KILL YOU!"

--------

LOL XD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top