Chapter 2

Hazel's POV

"Argh! Bwiset! Kainis naman eh!" Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa dorm namin ni Sunshine ganyan na agad ang ibinungad ko.

"Ano ba kasing nangyare? Bakit ang init ng ulo mo?" At kanina pa siya tanong ng tanong kung bakit ako nagkakaganito. Bahala siya jan. Wala ako sa mood. Nagderetso na lang ako sa kama at nahiga ng nakadapa. Pakialam ko ba kung naka-uniform pa ako. Hindi ko naman ikakamatay. Tsk!

"Aba't... Hoy Hazel! Huwag mo akong ginaganyan! Huwag ako pagdiskitahan mo! Naku-naku! Pag ako napuno kukurutin talaga kita! Naaasar na ako sayo!" Paninigaw na naman sa akin. Ang lakas talaga ng bunganga nito. Pag diko lang talaga bestfriend to inuntog ko na sa unan!

"Pwede ba tumahimik ka! Pagalitan pa tayo ng landlady eh!!! Sino ba kasing may sabing maasar ka sa akin?! Ni-request ko ba!? HA!" Umupo ako mula sa pagkakahiga at nag-crossed arms nang nakabusangot ang mukha. Pustahan tayo, maganda pa rin akong tignan! Oh yeah!

"Eh bakit ka naninigaw!? Naghahanap ka nang away!?" Napatayo ako agad sa sinabi niya at nasagot na. Nakakagalit na ang paninigaw niya. Bakit kasi di na lang siya tumahimik.

"Ikaw kaya nauna! Bakit ka kasi nangingialam!?" Napamaang siya sa sinabi ko at nagtataka ang mukha niya. Nakabawi naman siya agad at sumigaw ulit.

"Ako bestfriend mo kaya may paki ako!" Yeah right. Psh. Sasagot na sana ulit ako ng may nakisawsaw na nakasilip ngayon sa pintuan namin.

"HOY! GABI NA ANG INGAY NIYO! NAKAKARAMI NA KAYO AH! RES-"

"SHUT UP MAITIM NA INTSIK!" sabay naming sigaw pabalik kay Chita. Nakikijoin pa eh. Dagdag sakit ng ulo. Lumapit ako sa pintuan dahil nakita kong bubuka na naman ang bibig niya.

"ANG-"

*KABLAAG!!*

Sinarado ko na ang pintuan bago ko pa marinig ang bunganga niyang kasing-amoy ng kanal. Grabe! Nagto-toothbrush ba yun!? Lul! Pagtalikod ko nakita ko si Sunshine na naka-upo sa kama niya at nakatingin sa akin. Walang ekspresyon ang mukha niya.

"Pakielamera ba talaga ako, best? Sumusobra na ba ako?" Biglang napalitan ng lungkot. Hindi naman ako agad nakasagot dahil diko inaasahang ganon ang sasabihin niya. Ngayon ko lang nakita at narinig magtanong ng ganon ang bestfriend ko.

"B-best... Hindi... Kung sa mga sinabi ko kanina, hindi ko yun sinadya. Nadala lang ako sa inis ko at paninigaw mo. Sorry!" Napatungo naman ako sa kinatatayuan ko matapos kung sabihin iyon. Napabuntong-hininga naman siya at nilapitan ako.

"Sorry rin sa paninigaw ko. Nag-aalala kasi ako sayo kanina dahil sa inaasta mo. Sorry." Niyakap niya ako pagkatapos niyang sambitin iyon. Ngayon lang kami nag-away ng ganun. Hayy..

"Tama na nga. Di bagay ang drama sa iyo. Dika artista. Haha!" Pang-aasar ko na naman. Napangiti naman siya. Umupo kami sa sahig at sinimulan kung i-kwento kung bakit ako naiinis kanina. Karapatan niyang malaman. Diko lang masabi kanina dahil inis talaga ako.

"Alam mo naman siguro ang break-up scene nina Nami at Daryll diba?" Tumango siya at halatang interesadong-interesado sa sasabihin ko. "Tapos nandoon ako diba? Umextra ako sa drama nila?"

"Oo! Nakita ko yun. Yung pagtakbo mo agad nung nasuntok si Daryll. Naloka nga ako kasi "Knight in the Shining Skirt-blouse" ang peg mo kanina eh. WAHAHA. Babae nga lang tapos ang napansin ko, hindi ka umalis sa tabi niya. Grabe! Ganun ba talaga kakapal ang mukha mo bespren? Pffft..." Napairap na lang ako sa sinabi niya. Ang talas talaga ng dila eh. Tapos tatawanan ako? Maubusan ka sana ng supply sa oxygen. Tignan natin kung makuha mo pa akong inisin.

"Ano na? Itutuloy ko o tatawa ka habang-buhay?" Tawa pa kasi ng tawa eh. Hagalpak pa. Yung tipong nang-iinis talaga. Nanadya ganon.

"Pfft.. Haha. Tu-haha-loy mo na. Haha!" Tinignan ko lang siya at tumigil naman. "Ehemm. Hindi pwede kung habang-buhay akong tatawa bespren. Maubusan ako ng hininga nun." Iyon na nga eh! Iyon ang gusto kong mangyari. Tsk!

"So yun, hindi ako umalis kasi pinigilan ako ni Daryll. Siyempre sinunod ko. Chance na iyon. Tapos ng natapos na ang scene nagpasama siya sa akin." Napanganga naman siya tapos tumalon talon at tumili tili. Hallah! Yung gamut niya pakiabot!

"Kyaaah! Nakakakilig iyon! Sinamahan mo! Kinausap ka! Sign iyon. May gusto siya sa iyo!!! Waaahhh!" Naalarma ako nang tumigil siya sa pagtatalon. Oh please. Huwag! Alam ko ang susunod na gagawin nito. "Oh my Gahdd. Ang swerte mo bespren. Yaah!" Hinampas hampas niya ako habang sinasabi niya sa akin iyon.

"Aray naman! Pwede ba! Tao ako. Hindi ako manhid! Masakit bespren! Masakit!" Napatigil naman siya at tumingin sa akin.

"Oh. Masakit ba?" tanong niya sa akin.

"Hindi hindi. Masarap bespren. Paki ulit nga. Ang sarap pala mahampas. Try kaya natin ng baseball bat sa IYO eh noh? Mas masarap iyon." Napanganga naman siya sa sinabi ko at umurong palayo sa akin. Nyemas to! As if naman gagawin ko iyon.

"Huwag. Huhuhu T^T!" Paiyak effect niya sa akin. Malala na talaga. "Teka nga.." Tumingin ako sa kanya nang bigla siyang magseryoso. Nag-iisip ng seryoso. "Kung ganoon ang sinabi niya sayo, anong kinainis mo doon? Di ba dapat matuwa ka?" Shoot~ Buti nagtanong na. Akala ko mauudlot na naman ang usapan eh.

"Yun na nga eh. Ganito yun..."

Flashback

"Zel, pwedeng... sumama ka na muna sa akin?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Nagulat naman ako doon kaya nabitawan ko ang kawawang cellphone ko. Ahuhu. Nagkahiwa-hiwalay na ang mga kaluluwa. Pupulutin ko sana nang magsalita ulit si Daryll.

"Ano na!?" Napakunot-noo ako nang Makita kong naiinip niyang tinanong sa akin iyon. Anong ibig niyang sabihin? At bakit niya ako niyayaya para samahan siya? Ako ba ang gusto niyang makasama habang malungkot siya at ako ang inaasahan niyang magpapasaya sa kanya? OH MY GOD! Praise the Lord! Thank you! Thank you! Thank you!

"Ang tagal mo naman!" Pinulot niya yung ibang parts ng cellphone ko at binigay sa akin pero may pwersa ang pagbibigay niya. Parang naiinis na siya. Asus! Hindi makapaghintay. Huwag kang mag-alala sasama talaga ako para makalimot ka. Lul!

"Tutunganga ka na lang jan? Pwede ba huwag mo akong tignan. Kung nagwagwapuhan ka sa akin huwag mo namang ipagkandalakan. Nagpapasama ako kasi pinapatawag tayo sa office." Natigilan ako sa kinatatayuan ko at parang binagsakan ako nang building sa Makati. Yun pala. Tapos kung makapagsalita, ang yabang-yabang. Nasaan ang mabait na Daryll? Ilabas niyo!

"Ha? Bakit? At bakit ... bakit mo ako pinigilan kanina nung paalis ako pagkatapos kitang tulungan?" Pinipigilan ko lang mapuno ako dahil sa mukha niyang naiinis habang nakatingin sa akin. Halatang ayaw akong kausapin. Bwiset talaga! Ayan kasi asyumera masyado! Tsk!

"Alangan namang papalayuin pa kita! Ang hirap mo hanapin. Magpapakapagod pa ako kung nanjan ka na naman. At yung pagtulong mo, salamat na lang. Kung dika nakialam nakaganti sana ako sa gonggong na iyon. Pakielamera kasi. Nagmukha tuloy akong mahina. Buti hindi kita sinigawan dahil may hiya pa ako sa katawan at awa para sa tulad mong nangingialam." Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nasampal ko siya. Ang... ang bastos niya! Ang yabang. Nakakainis! Nakakaasar! Nakakabanas! Bwiset siya! Isa siyang.. isa siyang.. uhh.. whatever!

"What the-WHY DID YOU DO THAT!?" Nanlilisik ang mata niya pero hindi ako nagpatinag. Sinuntok ko siya sa mukha at pinagsisipa.

*Bog! Blag* Pak*

"For your information Mr. Peralta,*bog* hindi ako nangialam. Pasalamat ka nga at may baliw na tumulong sayo pero ang kapal talaga ng mukha mo at ako pa ngayon ang sinisisi mo ha! Akala ko pa naman mabait ka. ! Pumunta ka mag-isa mo! Di ko maatim makasama ang tulad mo. Bastos! Mayabang! Tse!" Galit na galit na ako sa oras na iyon kaya bago ako umalis binigyan ko siya ng final move.

Bumwelo ako at siya naman ay nakatayo na pero nakapikit dahil sa suntok ko. Humanda ka!

"Hoy, Daryll!" Binuksan naman niya ang mata niya pagkatapos nun,

"HAZELLLLLLLLLLLL KICK!!!!" At ayun tulog! Psh! Wala! Mahina. Nilapitan ko siya.

"Sorry..." Oops! Kahit ganon siya, siya pa rin My Loves ko noh! XP "...Pahinga ka muna My Loves. Pagod ka na. Pati puso mo. Relax ka muna diyan. Hayaan mo, gagawa ako ng paraan para maging masaya ka ulit." Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at bumulong "Dahil kahit ilang babae pa ang mauna sa akin, hindi ako susuko sayo. Mahal kita at ikaw ang ideal man ko. Ang ideal man ng baliw na tulad ko. Magpapakamartyr ako hangga't mapansin mo ako." Napangiti ako sa mga sinabi ko. Yaan na! Tulog naman. Lalayo na sana ako nang bigla siyang nagising at tinulak ako!

Aray ko! Yung pwet ko!

"Ang kapal naman ng mukha mong ilapit ang mukha mo sa akin!" sigaw niya sa akin habang dinuduro ako. Hindi na ako makapagsalita. " Hoy Ms. Para sabihin ko sayo, kahit kailan di ako papatol sayo! ". Aray! "Si Nami lang ang mamahalin ko!" Biglang parang may tumusok na kung ano sa puso ko nang sabihin niya iyon. " At kung inaakala mong tapos na ang lahat, HINDI! Dahil babalikan ko siya! *smirk* My Loves mo mukha mo!" Pagkatapos nun umalis na siya at naiwan akong nakaupo. Napatungo ako sa kinauupuan ko. Hindi ko namalayang may pumatak na tubig sa lupa. Uulan ba?

Tumingin ako sa langit pero may araw naman. Wala nang tao ngayon sa paligid ko. Nagsipasukan na sa klase nila. Hindi ko alam kung napapansin nila ako dito at yung ginawa ko kay Daryll kanina.

Naalala ko lahat ng sinabi niya. Bakit parang... ang sakit! May naramdaman akong tumulo sa mukha ko. Luha! Umiiyak ako. Para saan?

*END*

"Nakakainis bespren kasi...*sniff* kasi kahit gaano kasakit siya nagsalita kanina, bakit siya pa rin ang mahal ko? Bakit iniisip ko na nadala lang siya sa nangyari sa kanila ni Nami. Na sa akin lang siya nagbunton ng galit? Bakit *sniff* Bakit ganon? Bakit hindi ako napapagod at sumusuko?" Niyakap ako ni Sunshine at hinagod ang likod ko.

"Ssssh! Tahan na. Ibig lang sabihin noon. Nababaliw ka na." humiwalay ako ng yakap at tinignan siya ng masama. Kung kelan kailangan ko ng advice niya saka pa ako inaasar. Anong klaseng bespren to? "*chuckle* Nababaliw ka na... sa kanya. Nang dahil sa pag-ibig mo sa kanya nagiging baliw ka na. Hindi masama magmahal at umasa pero may limitasyon iyon. Huwag mo namang gawing tanga ang sarili mo sa kanya. Huwag kang magpaka-martyr sa taong pinamukha na sa iyo na wala kang pag-asa. Please lang bespren, madami pa jan." Sinuklian ko na lang nang ngiti ang mga sinabi niya. Okay! Binabawi ko na ang sinabi ko kanina kung anong klase siyang bespren.

"Pero.... Siya lang ang nakikita ng puso't mata ko, bespren." Totoo naman eh.

"Then let your eyes look around. Let your heart find someone who deserves you. Hindi ako papayag na bansagan ka nilang "Baliw na Martyr", dahil ikaw, si Hazel Mae Antonio, ang taong bespren ko."


------

LOL XD Ayan na. Salamat


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top