Chapter 15
Hazel's POV
"What do you think you're doing?"
Seriously, tinatanong pa ba yan Mr. Daryll?
"Isn't it obvious?" Tinalikuran ko siya at humarap ulit kina Nami at George.
"Hindi naman sa nangingialam ako. Hindi ko alam ang nangyayari kung bakit kayo nagsusuntukan dito pero I kindly suggest na sana huwag kayo rito gumawa ng eksena.Can't you settle this privately?"
Naiinis talaga ako ngayon. Tinignan ko si Nami. This girl. Ano kayang minahal sa kanya ni Kuya Daryll? Damn it!
"I'm sorry for the trouble. Sorry po." Napatingin ako kay Kuya Daryll habang nagpapaumanhin sa mga taong nasa paligid namin. Nakahinga naman ako ng maluwag ng umalis na yung mga tao pwera na lang sa bestfriend ko na nakatayo at nakatingin sa amin.
Naghalungkat ako sa bag ko ng band-aid kung meron. Luckily, may isa. Inilagay ko iyon sa palad ni Kuya Daryll at umalis na.
Nang makalapit ako kay Sunshine ay tinignan niya ako ng mga mapanuring tingin.
"Concern lang sa image ng school natin. Naka-uniform pa naman sila. Huwag kang judgmental." Inirapan naman niya ako at tsaka binatukan. Bwisit talaga 'to.
"Mukha mo, Hazel! Sa akin ka pa talaga nagpalusot no? Bali-baliktarin mo man ang damit mo, kilala na kita. Gutom na ako! Tayo na!" Hinila na niya ako papasok sa McDO.
"Hazel! Wait lang!" Napatigil kami sa pagpasok ng tawagin ako ni Kuya Daryll. Nagtaka naman ako kaya liningon ko siya.
"Oh ano? Sasabihan mo na naman siya na pakielamera? Naku Kuya huwag kang abuso sa pananakit sa kanya. At alam mo bang mahal ang band-aid? Be thankful!" Siniko ko naman si Sunshine sa tagiliran na siyang nagpa-aray sa kanya. Sino ngayon ang pakielamera samin? Jusko!
"Ahmm. No. I ... I just want to thank Hazel. Thank you." Tumingin siya sa akin na siyang nagpalakas ng tibok ng puso ko. "Bilang sorry na rin sa mga nagawa ko, pwede bang sumabay na ako sa inyo. Libre ko." Aish! Ayan na naman yang Sorry na walang humpay eh. Hindi na lang ako yayaing mag-date.
"Pinapatawad ka na namin bes! Tayo na! Tara!" Sinamaan ko naman ng tingin si Sunshine. Basta pagkain, nagkakaroon ng bestfriend. Abnormal talaga 'tong babaeng 'to. Hindi na nahiya.
"Ikaw ang sinaktan, SinatAraw? Ikaw!?" Sabi ko na lang sa kanya. Nag-peace sign naman siya bago kami pumasok kasama si Kuya Daryll na hindi ko alam kung ano ang nginingitian. Si Sunshine kasi, nakakahiya.
--
"Hmm. Sarap talaga kapag libre." Pinalakihan ko ng mata si Sunshine habang subo ng subo sa pagkain niya pero nginitian niya lang ako.
Nasa isang table kami sa tabi ng glass wall na may apat na upuan kaya bale dalawahan ang upuan per side.
Magkatabi si Sunshine at Kuya Daryll habang ako mag-isa. Alone. Tsk.
Kaya habang kumakain ako, hindi ako nagsasalita at nasa pagkain lang ang mata ko pero ang atensyon ko ay sa pinag-uusapan nila. Close na sila niyan? Eh halos pagmumurahin na niya si Kuya Daryll nung una ah!
"Kumusta naman pagre-review niyo ni Hazel, Kuya?"
"We're doing fine. I think." Hindi ko alam kung bakit tumingin pa siya sa akin habang sinasabi iyon. Ngumiti na lang ako ng bago tinuloy ang pagkain.
"Hindi naman sa pagiging usyuso, Kuya ah." Bigla akong kinakabahan sa sasabihin ni Sunshine. "Bakit ... ano ... bakit nakipag-away ka na naman sa ex ni Nami kanina? Nakikipagbalikan ka--- (ow)!" Sinipa ko kasi paa niya. Gustong-gusto ko rin namang malaman kung bakit pero baka sabihan na naman kami na pakielamera ng bespren ko. Kaya as much as possible pinipilit kong mag-behave sa kakadaldal. Sinenyasan ko si Sunshine na wag nang ituloy yung sasabihin dahil bigla kasing tumigil sa pagkain si Kuya Daryll.
"Ah. Hehe. Biro lang, Kuya. Nevermind mo na lang. Sorreh. Sarap talaga ng pagkain dito." Dahil doon nagging awkward tuloy yung atmosphere kaya natahimik kaming tatlo.
"I don't know." Medyo hindi naming inaasahan yung pagsagot niya. Tiningnan ko si Sunshine, ganun din siya sa akin. Hindi naming alam ang isasagot. "Nasalubong ko lang din sila kanina. Siguro dahil sa galit at selos kaya di ko napigilang tignan sila ng masama kaya nasuntok ako." Hindi pa rin talaga niya makalimutan si Nami. Hindi ko talaga alam kung anong ginawa ni Nami sa kanya kung bakit ganito kaapektado si Kuya Daryll sa kanya even though harap-harapan nitong sinaktan.
I know. I can feel something. Something deeper sa kung bakit ganito kamahal ni Kuya Daryll si Nami. Kahit ganoon siya katanga sa pag-ibig, I know there's a fucking deep reason why he's holdin' unto her tightly and it fucking hurts to think that even though I'm doing everything para sa kanya, hindi ganoon kadaling burahin ang nagging relasyon nila.
Dahil siguro tumahimik at nakatungo lang ako, mas lalong naging awkward ang paligid namin. I can't help it tho. Alam niyo yung ganun? Yung kahit ilang ulit kang saktan ng taong minamahal mo, kahit ilang ulit kang mainis sa kanya, sa huli mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal mo sa kanya. And that ... I think we, Kuya Daryll and me, are on the same boat.
We're holding unto someone even though it hurts. Why? Because even though it hurts, they made us happy.
I guess, mahihirapan akong makapasok sa puso niya. Should I just give up? Can I still hope for something?
To Be Continued
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top