Chapter 14

HAZEL'S POV

Natapos naman ang review namin sa araw na ito ng ... medyo okay! Pauwi na ako at naghihintay ng tricycle para makauwi na ako sa dorm namin. Thursday ngayon so meaning uuwi ako bukas ng hapon sa bahay namin.

Naghihintay pa ako ng kasama ko sa tricycle kasi di naman aalis tong tricycle hangga't wala pa sa apat ang sakay nila eh dadalawa pa lang kami. Ako nasa loob yung isa nasa likod ng driver. Kinuha ko na lang yung librong nire-review ko kanina para naman di ako mainip nang may tumabi na sa akin pero diko tinignan. Busy ako sa pagbabasa.

"Naks naman. Pati ba naman sa tricycle Hazel?" Ibinaling ko agad ang tingin ko sa nagsalita.

"Yo! Sabay na tayo bespren ah! Nahiya naman ako sayo eh noh? Hinihintay kita tapos malaman -laman ko kay Kuya JR na umuwi ka na. Grabe naman yang pagmamahal mo sa akin eh noh?" Umirap pa siya pagkatapos magreklamo. 'Tamo to. Malay ko ba kung umuwi na siya. Napaikot na lang ako ng mata. Sakto namang may sumakay na ding isa kaya sinabi ko na ang destinasyon namin. Chos!

"Kuya sa McDO po samin. Eto po bayad. Dalawa po."

Nagulat ako nang hinampas ako nang katabi ng pagkalakas-lakas!

"I really love you, bestfriend! Sobra! Large Fries, McFloat, Chicken Burger, Large Coke, Sundae at ---"

"May balak ka pa bang pauwiin ako sa bahay namin o bubutasin mo ang bulsa ko at mamalimos na lang dito?"

Umismid naman siya pero di nawala ang ngiti. Pagdating talaga sa libre eh naku, good mood hanggang tommorow yan!

Nakarating kami sa harap ng McDO. Pagbaba namin sa tricycle hindi ko agad naabot ang pamasahe namin sa driver dahil napansin ko ang kumpulan ng tao malapit lang sa McDO.

"Hoy Bespren! Iaabot mo ba yan o may balak kang mag-ride-and-run?"

Nawala naman agad ang atensyon ko sa kumpulan doon at iniabot ang pera sa driver. Ang sama pa ng tingin sakin. Akala mo totohanin ko talaga ang sinabi ni Sunshine. Grabe lang, Kuya!

Tumalikod na ako sa pag-aakalang nauna na si Sunshine na pumasok pero nang mapansin kong wala pa siya sa loob ay kinabahan ako. Inilibot ko ang tingin ko para hanapin yung babaeng yun at laking dismaya ko nang makita ko siyang nakikipagsiksikan sa kumpulan ng tao kanina.

Napalo ko ang noo ko sa kaabnormalan ng kaibigan ko. Wala akong choice kundi sundan siya.

Sukdulan na talaga ang katsismosahan nito't nakisiksik at nanunulak pa. Ano ba kasing pinagkukumpulan doon?

Lumapit ako doon at may naririnig akong mga boses. Nagsasagutan. May nag-aaway ba? Juskolord! Akala ko pa naman kung ano. Bakit kaya ang mga Pilipino sadyang di mapigil-pigilan panoorin ang mga bagay na dapat eh pinipigilan?

Umiling-iling na lang ako sa thought na iyon. Aalis na lang ako dito at hihintayin si Sunshine sa harap ng McDO.

"BESPREN!!!" Natigil ako sa paglakad ng marinig ko ang boses ni Sunshine. Liningon ko siya at nakitang pilit itong sumiksik palabas sa kumpulan ng tao. Linapitan ko siya at hinila.

"Ano bang ginawa mo doon? Naku Sunshine yang pagiging tsismosa mo, ipagpaliban. Inuuna mo pa talaga yan kaysa sa pagkain--"

"Bespren! Si Kuya Daryll! Si Kuya Daryll!"

Naudlot ang pagrereklamo ko sa kanya. Si Kuya Daryll? To turo siya sa kumpulan ng tao habang sinasabi ang mga yun.

Kung kanina naiiling ako sa pakikisiksik ni Sunshine ako naman wala akong pakialam. Sumiksik ako at todo paumanhin sa mga naaapakan at natutulak ko makarating lang sa harapan.

"George! Tama na!"

Nakarinig ako ng pagbagsak sa lupa. Nasa harap na ako at kitang-kita ko si Kuya Daryll na nasa sahig. Dumudugo ang labi. Madumi ang uniform. Maga ang pisngi. Oh God!

"George. Please!"

Nabaling ang tingin ko sa babaeng nagsalita. Ang mataray na pagmumukha niya kapag nakikita ko sa school, pag-aalala ang nakikita ko. Si Nami. Pilit niyang pinipigilan ang isang lalake. Pamilyar siya sakin. Schoolmate ko siya at ang ipinalit ni Nami kay Kuya Daryll.
Nakayakap si Nami sa likod nung George. Gulo-gulo ang buhok at may dumi ang damit. I'm getting this.

Tinignan ko si Kuya Daryll na ngayon ay nakatayo na. Ang sama ng tingin niya sa lalake.

"Just who give you the damned right to punch my face, asshole?"

Kita ko ang galit at inis sa mukha niya habang matalim na tinitignan si George.

Mas lalong nainis yung George at susuntukin sana ulit si Kuya Daryll nang bigla na lang umentrada ang pakielamerang ako.

"No! Stop!" Humarang ako sa pagitan nila. Kita ko ang gulatvsa bawat mukha nila. Narinig ko pa ang "Oww. Nice! Love Square na!"

Tumalikod ako at nilapitan si Kuya Daryll. Nanliliit ako sa katangkaran niya. Nandun pa rin ang dugo sa labi niya. Pero ang mata niya. Pinanliitan niya ako ng mata.

"What do you think you're doing?"

Itutuloy...

There! Updated na! Sorry for the long wait! XD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top