Chapter 1

» Hazel on the side «

Hazel's POV

5:59 am

Hallah! Malapit na mag-six. 7:30 pa klase ko! Jusme! Bumaba ako sa kama para gisingin si Sunshine. Magka-room kami sa Unknown Dormitory. Oo alam ko weird ang ang pangalan nang dorm namin. Sabi nang landlady namin, ilang ulit niya daw pinaghirapan at pinag-isipan yang pangalan na yan. Diba, ang talino? Ha!

Lumapit ako sa kama niya. Bale magkatabi kami lang ng kama at wala naman kaming ibang ka-dorm.

"Hoy, Sunshine! Gising na. Sumisikat na ang araw oh!" Niyogyog ko siya para tuluyang magising. Binukas niya ang mata at ako ay nananatiling nakatingin sa mukha niya. Pagkatapos nanlaki ang mga mata niya nang tignan niya ako.

"Ahhhhh! Zombie!!!!" Aba't! Sinong tinawag niya zombie!? Patuloy lang siya sa pagsigaw.

"Zombie! AHhHHH!!" sigaw niya ulit habang tinuturo ako. >_< Aray!

Dahil sa inis ko, binatukan ko na lang siya baka sakaling matuwid ang liko niyang utak.

Natauhan naman siya sa ginawa ko at ngumiti ... nang plastik. Halatang may nagawang di kaaya-aya.

"Oh, My beautipul Bespren. Andiyan ka pala? Hehe. Good Morning ^_^" Tinaasan ko naman siya ng kilay at pinandilatan ng mata.

"Ah. Sige bespren. Ligo na ako ha? Male late na tayo. Waahh!" Kumaripas siya nang takbo at hinablot ang tuwalya niyang nakasabit sa pintuan.

"LAGOT KA SA AKIN MAMAYA, SINATARAW! HUWAG KA NANG MAGTAKA KUNG DI KA NA SISIKATAN NG ARAW BUKAS!!" Nangati pa ang lalamunan ko matapos kung sumigaw. Bahala na kung makagising ako. Magtatago na l----

"Hoy! Ano ba!? Ang aga-aga nambubulabog kayo! Respeto naman sa mga natutulog pa! Bwiset!" Isa sa mga ka-dorm rin namin ang nagreklamo pero sa sunod na room siya. Si Chita! Asus. If I know kahit di na siya pipikit, mukha pa rin yang tulog!. Intsik nga ang mata eh. Maiitim nga lang. Pfft! Haha. Bad Hazel. Bad!

~~~~~~~~
"Best, nakagawa ka ba nang assignment mo sa English?" Umiling naman ako kay Sunshine bilang sagot sa tanong niya. Nandito na kami sa school. English ang subject namin at nasa room na kami.

"Bakit? Ano na namang ginawa mo? Babagsak ka sa English niyan o kaya maincomplete ka. Magpakasipag ka naman. " Hinayaan ko na lang siyang dumakdak at nakatangang humarap sa white board.

Hindi na ako gumawa ng assignment kasi wala daw yung instructor namin. Kaya ayun, bagsak sa kama agad ako nang mag-GM sila akin. Hindi ko nga sinabi kay Bespren. Sarap kasi pagtripan eh. Bwahaha.

*Boink* Nagulat ako sa kung sino ang lumapastangan sa ulo ko. Naalog ang utak ko kaya di ako naka-react agad. Tinignan ko si Sunshine dahil alam kong siya na naman ang bumatok sa akin.

"Bakit mo ako binatukan!?" Sigaw ko sa kanya habang himas himas ko ang ulo ko. Tumawa naman siya at pinaghahampas ako. Tapos bigla na lang siya nagpoker face.

"Gantihan lang. Akala mo diko alam na trinaydor mo ako na wala pala ang instructor natin? Ha! Para sabihin ko sayo, mas malakas ang radar ko kesa sayo! At alam mo ang latest update, friend? Yung prinsepe mo oh!" Pagkarinig ko sa prinsepe at naghanap ako agad sa kung saang direksyon nginunguso ni Sunshine. Hilahin ko kaya bibig niya. -_-

Nang makita ko siya. Nagtwinkle twinkle ang mga mata ko at naging slow mo ang paligid. Tapos siya naman ay biglang lumiwanag ang buong katawan niya na animo'y isang anghel na bumaba sa langit. Hayy! Kailan ka kaya mapapasaakin?

"Nami!" Naputol ang pagiimagine ko nang sumigaw si Daryll. Tinignan ko ang direksyon kung saan siya nakatingin at nakita ko yung Girlfriend niya at .. . Oh My Gash! May kasamang lalake at nakapulupot pa ang kamay sa braso nito. Nasa hallway sila at nasa tabi naman ako nang binatana kaya kitang kita ko sila.

Nagulat si Nami, yung girlfriend niya, nang makita si Daryll. Anong nangyayari?

Tumingin ako kay Daryll at halatang galit na galit siya tapos tumingin ako kay Bespren pero nagkibit balikat siya. Tinuon ko na lang ang pansin sa maaring mangyaring eksena ngayon. Uy, di ako tsismosa ah! Curios lang.

"Anong.Ibig.Sabihin.Nito.Nami?!" madiin na tanong ni Daryll kay Nami. Psh. Nagpatango tango naman ako. Oo nga! Anong ibig sabihin nang pamumulupot niya sa ibang lalake.

"D-daryll a-akala ko b-ba di k-ka papasok?" nanginginig ang boses ni Nami at napabitaw siya sa lalake. Takot siguro. Ha! Sige matakot ka, kung ano ano kasing kalandian ang gingawa mo! Eh kung sana ako--

"Just answer me!!!" Muntik na akong mahulog sa upuan dahil sa pagsigaw niya. Jusko! Nagulat ako doon ah.

"D-daryll... Let me--" Hindi natuloy ang sasabihin ni Nami nang magsalita ulit si Daryll.

"Is it true!? Is it true that your flirting with that asshole!? Anong nagawa ko? Ha, Nami? Minahal naman kita ah!? Binibigay ko lahat ng gusto mo! Iniintindi ko lahat ng kaartehan mo!" Ay ang harsh ni My Loves.

*Bog*

"DARYLL!" Nagulat ako nang bigla na lang matumba si Daryll dahil sa suntok nang lalake ni Nami. Mabilis akong lumabas nang room at nilapitan siya.

"Daryll! Okay ka lang? Hallah. Dumudugo bibig mo." Ngumiti naman siya ng pilit at inabot ang kamay ko. Masakit ang paghawak niya pero hinayaan ko na lang. Inalalayan ko siyang tumayo dahil mukhang matutumba siya pag walang tutulong sa kanyang tumayo. Pagod na pagod ata siya. At wait!! O_O. Did he just hold my hand!? OhMo! Kyaaah.

Aish. Mamaya kana magcelebrate Hazel. Ano ba? Pigilan mo yan.

Walqng imik naman siyang tumingin sa akin at bakas ang lungkot, galit at inis. Hindi man lang ba siya magpapasalamat ?? Tumango na lang ako at aalis na sana. Umextra lang. Nyaha. Pero

"Dito ka lang Hazel" Tumango na lang ulit ako. Speechless mga mare. Sa wakas napansin din niya ako. Nahawakan. Kyaah! Magpapapiyesta ako.

"Nami." Tumahimik naman ang paligid nang magsalita ulit si Daryll. Oh? Ang dami na palang nanunuod. Kahiya naman kaya kinuha ko na lang muna ang cp ko para i-text sana si Bespren kung nasaan na siya.

Nagulat ako sa naging sagot.ni.Nami nang tinawag siya.ni Daryll "Tapusin na natin ito. Bye!" WHAT!? WHY!? Este, talaga !? Break na sila? Tama ba ako nang rinig?

"Tapusin na natin ito. Bye!" nagflashback ulit. Waaaah! So, single na si My Loves?

Tinignan ko si Daryll. Hindi siya gumagalaw at gulat na gulat. Nakaalis na din si Nami at yung lalake niya. Bakas rin ang lungkot sa mga mata niya.

Pwede ba Hazel. Nalulungkot na nga ang tao, nagsasaya ka naman. Anong klaseng pag-iisip meron ka. sigaw nang konseniya ko. Aww! Nga naman. Tumahimik na lang ako. Naramdaman ko namang paalis na si Daryll sa tabi ko. Gusto ko sana siyang damayan kaya lang sa ibang time na lang siguro. Hayaan ko na lang muna siya. Lalakad na sana ako nang tumigil si Daryll at nagsalita. Nakatalikod siya sa akin kaya likod niya ang nakikita ko.

Malamang naman Hazel. Alangang mukha niya ang makita mo pag nakatalikod. Okay ka lang? Ang epal talaga ng konsensiya ko. Iniling iling ko na lang ulo ko dahil sa mga naiisip ko. Sheesh.

"Zel, pwede bang.... sumunod ka na muna sa akin"

Ano daw!?

~~~~

Haha. UD na ulit. Yay! Thank you ulit.

DarkSlayer_7

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top