CHAPTER 3

CANDICE POV

Ang pangalan daw niya ay Sage at siya raw ay savage. Pucha, napa-roll eyes ako ng slight. May kakaibang sparkle sa kanya na parang cheap Christmas lights na nagpipilit mag-shine. In fairness, akala ko dugyot siya, pero nung malapitan... semi-dugyot lang pala. Yung parang naligo siya, pero yung tubig galing sa ulan na may mixture ng tubig sa kanal.

Kanina ko pa siya sinasamaan ng tingin, pero habang tumatagal, parang ako pa yung naaakit. Bakit ganun?! The more na titigan ko siya, the more na nagiging pogi siya sa paningin ko—parang accidental discovery lang. Pero teka, rewind tayo. Pogi nga, oo, pero yung hygiene niya? Jusko, pass na ako. Actually, parang naligo siya sa paksiw. Nakaka-kilig sana pero ibang ugh yung dala, mapapa-ugh ka sa asim.

Pagdating namin sa istasyon ng pulis, aba, parang naglalakad lang siya sa mall. Chill na chill, parang hindi siya suspect. Yung iba, nagwawala, nag-iiyak, "Wala akong kasalanan, hindi ako yan!" pero siya? Walang resistance. Deadma. Feeling ko tuloy, either matured na siya o baka naman sobrang sumuko na siya sa buhay. Yung tipong, "Sige na, kulong na ako. Libre naman pagkain at wala nang problema sa upa." Goals? Medyo. Pero sana naman hindi ako dumating sa point ng buhay ko na pipiliin ko na lang makulong para mairaos ang pang araw araw ko.

Aaminin ko, nakaramdam ako ng guilt. Baka naman kasi totoo ang sinasabi niya at hindi siya snatcher? Baka nage-explore lang siya ng minimalist lifestyle—walang bahay, walang gamit, pero punong puno ng adventure? Baka nga tulungan ko pa siyang mag-upgrade sa buhay sa loob ng kulungan. Free meals, walang utang, at bonus na unlimited chismis sa mga ka-selda niya. Aba, parang mas maginhawa pa buhay niya kesa sa akin. At ayan, ako pa ang nagmukhang kontrabida. Ako na nga nag-tip-off, ako pa ngayon ang nalugi sa konsensya.

"So Mr. Sage, you are accused na inisnatchan mo raw itong si Ms. Candice, tama ba?" tanong ng pulis. Kasi nga, naikwento ko na yung nangyari kanina, ngayon siya naman ang tinatanong.

"Look, wala akong inisnatch na kahit ano. In fact, I helped her. You know what, I can't do this. I need to call my Appa. I need my lawyer," sagot niya, seryoso pa. Hala, lawyer agad? At sino daw ang tatawagan niya—Appa? Ano 'to, K-drama? Parang mas sanay siya sa milk tea-han kesa samgyupan. Pero okay, kung Appa ang kailangan niya, go lang. Pero yung tatawag pa siya ng lawyer? Ang OA naman! Anong gagamitin niyang pera? Yung ninakaw niya sa akin?!

"We just need your statement, Mr. Sage, para maayos natin ito," sabi ng pulis. Tumango ako. Gustong-gusto ko nang malaman kung saan patungo ang kwento nitong si Asimo. Baka mamaya magsinungaling na naman siya e. Hindi na lang umamin na masamang tao siya.

Huminga si Asimo ng malalim bago muling nagsalita, parang ang bigat ng dinadala natin d'yan ah? Sabagay, ikaw ba naman mabisto, "Okay, so here's what happened. I booked this Grabbed app. Then may snatcher na may dalang envelope akong nakasabay. He tried to snatch me, pero wala siyang nakuha—nabutas lang niya yung paksiw na dala ko. Nabubo pa nga sa shirt at pantalon ko."

Paksiw? Wait—dun ba galing yung unique scent niya? So hindi yun inborn sa kanya?

"Ang modus nila may envelope tapos lalaslasan ka. Isn't that a thing here? My Yaya told me na talamak yun dito."

Ayan na, naguguluhan na ako. Ngayon may Yaya na siya? Hindi lang pala siya snatcher, delulu rin.

"So I ran and tried to catch him. That's where I met this woman sa jeep. Dun sumakay yung snatcher, hinabol ko lang siya. I did not snatch her, it was the other guy who did."

Tumingin ako sa pulis at mukhang na-capture na si mamang pulis sa kwento ni Asimo. Aba, huwag mong sabihing naniniwala ka na dito?!

"By any chance, ito ba ang sasakyan na nabook mo?" tanong ng pulis, at ipinakita ang litrato ng isang kulay pulang kotse na may plate number ROB666.

Tumango si Asimo, "Yep, yan nga yun."

Nagpakita pa ng mga litrato yung pulis, at OMG, si poging katabi ko sa jeep kanina yung nasa isang picture. Kinilig naman ako ng konti. Naalala ko kasi yung sweet moments namin kanina.

"Paki-identify dito yung mga nakita mo."

Itinuro ni Asimo yung si pogi, tapos may itinuro pa siyang isang matanda. Nagpatuloy yung pulis sa pagtatanong, "Patingin nung app na sinasabi mo." Tapos pinakita naman ni Asimo ang phone niya.

"Confirmed, yan nga yung ginagamit ng sindikatong iyan," sabi ng pulis, at tumayo na siya habang tinataktak yung mga papel at litrato na hawak niya. "I think we're done here. Ongoing na ang paghuli sa sindikatong yan. Contactin na lang namin kayo pag may update sa kaso."

Teka, sandali nga. Ano 'yun?! Maniniwala na lang siya kay Asimo?

"Saglit lang po! Paano na yung wallet ko? Hindi niyo ba siya kakapkapan?" tanong ko.

Sinaman ako ng tingin ni Asimo, "Miss, hindi ko alam bakit gustong-gusto mong makapkapan ako, onti na lang, iisipin ko nympho ka," sabi niya, tapos ako pa ngayon ang manyakis! Eh siya nga, parang ayaw bitawan yung yakap niya sa akin sa jeep kanina.

"Excuse me, kasuhan kaya kita ng sexual harassment?! Baka nakakalimutan mo, chinansingan mo ako sa jeep kanina!" banta ko.

"Hoy!" sabi ni Asimo, tiningnan ako mula ulo hanggang paa, tumitig pa sa katawan ko, "Kung manchachansing ako, sa sexy na. Sexy ka ba ha? Para ka dyang pancake! Flat!"

Ako? Na-offend siyempre! "Excuse me?!"

Sasagot pa sana ako nang pinigilan kami ng pulis. "Tama na yan, sige na. Ms. Candice, wala ka ring sapat na ebidensya na itong si Mr. Sage talaga yung nagnakaw ng wallet mo. Saka tugma yung sinasabi niya sa sindikatong hinuhuli namin. Babalitaan na lang namin kayo. Yang away niyo, kung di pa tapos ay ituloy niyo na lang sa labas."

Magmamaktol pa sana ako kaso itinaboy na talaga kami ni mamang pulis. Badtrip naman e.

"Ugh nakakainis!" sabi ko nang makalabas kami sa presinto. Yung si Asimo katabi ko ngayon napapakamot din sa ulo. Nagkatinginan kami at sabay kaming umirap sa isa't isa. Naglakad na ako, kasi naman naibalik nga ang wallet ko, wala namang pera! Maglalakad tuloy ako pabalik ng opisina, medyo malayo pa naman.

Yung si Asimo, nakita ko sa peripheral vision ko sinasabayan ako maglakad, hala, ano ba 'to sinusundan ako?! Para akong may stalker sa tabi ko! Nagpatuloy na lang ako maglakad, trying to ignore him, pero shux! Kung saan ako pumunta, dun din siya napunta. Ano ba 'to, hindi pa ba siya tapos na sirain ang araw ko?!

Tumigil ako at pinamewangan siya. "Hoy Asimo, ako ba sinusundan mo?!" tanong ko sa kanya, taas kilay pa. Kaso hindi niya ako pinansin, nagpatuloy lang siyang maglakad. The audacity of ignoring me?! Ako pa talaga!

"Hoy Asimo!" tawag ko ulit, at tumigil siya, naumpog tuloy ako sa likod niya. Di naman masakit, konti lang, pero in fairness, ang stiff ng likod niya! Pero ang asim niya talaga! Tumingin siya sa akin, tapos pinamewangan ako.

"Hoy Pancake, ako ba sinusundan mo?" tanong niya, taas kilay pa. Aba, nireverse uno card ako?!

"The heck?! Stop calling me Pancake, and no. I'm not. Bakit naman kita susundan?!" sabi ko at di ko na siya hinintay na sumagot pa. Inunahan ko na lang siya maglakad. Ano bang trip nito?! Pero ayun nga, triny ko na ulit siya i-ignore kaso kung saan talaga ako magpunta, sumusunod siya. Para siyang langaw tas ako yung tae. Teka—parang lugi ako dun. Ano pala, para siyang ano, para siyang bee at ako yung flower ganun. Still he's annoying!

Nilingunan ko siya and I caught him smirking, tapos bigla siyang sumipol, parang sinasadya niya akong inisin?! To my frustration, mas binilisan ko pa lakad ko. Ramdam ko siya bumilis din ng paglakad.

Hanggang sa makarating ako sa intersection, medyo bothered talaga ako sa ginagawa niyang pagsunod sa akin, kaya mas binilisan ko pa. Pero nang patawid na ako, biglang nag-red light na pala at... muntik na akong mabangga! Pagkatapos nun parang naging slow motion lahat.

May humila kasi sa damit ko at natumba ako sa ma-muscles na braso, at... ayun para kaming bida sa K-drama, hala!

Pero naputol ang pagfafantasize ko nang pagtingin ko, nakita kong si Asimo pala ang nagligtas sa akin. At ngayon ko lang siya lubos na natitigan, ang pogi pala talaga niya lalo na sa malapitan!

Parang may ilang segundo rin na tumigil ang oras. Di ko tuloy mapigilang hindi mapangiti, parang may awkward tension na hindi ko maintindihan. Tapos itulak pa niya ako palapit sa kanya para hindi ako tuluyang matumba. Ayun, halos mabaliw na yung mga alaga kong balahibo sa pwet sa sobrang kilig. Achk! Ang romantic na sana, magkatitigan na kami... I was so close to him kaso kasabay ng pag-ihip ng hangin ang biglaang pagkapit sa ilong ko nung kakaiba niyang scent. Ugh, the scent of chaos! Sobrang strong talaga. Napangibit tuloy ako at naubo ng konti, gusto ko pa sanang isavor yung sweet moment pero pamatay vibe talaga yung aroma niya!

"Hoy Pancake, are you okay?!" tanong niya sa akin nang maitayo ako. Hala, mas lalo siyang pumogi sa paningin ko nang marinig ko ang boses niyang mas malalim pa sa butas ng pusod ko?! Di ko tuloy mapigilang hindi mapangiti. Pero teka nga, muntik na ako mabangga dahil sa kanya e! Paano ba'to?

Pinagpagan ko muna yung damit at palda ko, tapos inayos ang buhok ko kunwari cool at collected ako. Syempre, hindi pwedeng magpakita ng kahinaan sa harap niya. Bakit? Kasi kahinaan ko ang mga pogi. Oo na, at aminado ako. Kung may checklist ako sa lalaki, unang requirement ay pogi!

Bakit? Kasi simple girl lang ako and as a simple girl, simple lang din ang pangarap ko, pogi. Gusto ko yung tipong kahit mag-away kami, maiisip ko pa rin, "Hala, pogi pa rin siya kahit nakakainis!" Pero kung pangit? Jusko, baka mauna pang mag-sorry yung salamin niya kesa sakin.

Sabi nila nasa pangit daw ang true love. Ay weh? Hindi ako convinced. Ang true love, nandiyan lang yan, pero kung pwede naman sa pogi, bakit mo ipipilit sa pangit? Wag na tayong sumugal uy!

Lagi nilang sinasabi, "Mababait daw ang pangit." Syempre pangit ka na nga, kung hindi ka pa mabait, ano na lang ang io-offer mo sa mundo? Yung "charm" mo na ikaw lang ang naniniwala? Pero seryoso, hindi laging totoo na mababait ang pangit! Ang dami kong kilalang pangit na manloloko. Kaya kung lolokohin din lang ako, aba, dun na ako sa pogi. At least may face value pa rin kahit masakit like "Okay, understandable, pogi kasi." Unlike sa pangit—teka, ano pang excuse mo? Hello, wala kang pambawi! Stick to your lane, okay?

Tiningnan ko ulit si Asimo. Matangkad lang siya ng konti sa akin, pero sa halip na sagutin ko siya, inirapan ko siya tapos bigla akong nag-flip ng hair. "Hoy, Pancake!" tawag niya sa akin at hinabol ako. Sabi na e, hahabulin niya ako! I kind of expected that.

Tumigil ako sa gitna ng kalsada, feeling ko may sariling runway ako, as if the streets are mine. Malayo pa naman bago mag-green light. Nagpose ako ng konti, hands on my hips, "Hoy Asimo..." sabi ko sa kanya, pero pinutol niya ako sa kalagitnaan ng speech ko. What a bummer.

"Alam ko na 'yan, irereverse uno card mo ako, ha? Pwes, pancake, hindi kita sinusundan. Tumabi ka nga d'yan," sabi niya at tinulak ako ng very light. Sabi na e, hindi niya ma-resist na walang physical contact. I knew it, kanina pa lang nung niyakap niya ako sa jeep. Gustong gusto niya na hinahawakan ako.

Palakad na sana siya palampas sa akin nang bigla ko siyang hawakan sa braso. Ayun, si Asimo na-shock, kasi siguro hindi niya in-expect yung ginawa ko. Love language niya ay physical touch siguro?! Gawd, if that is so ay same kami!

"Hindi yun," sabi ko sa kanya, medyo flirty. Tapos hinaplos-haplos ko ang braso niya, as if may magic touch! Ayun, nag-on tuloy yung pabebe kong self, kasi naman, hindi ko kayang hindi magpabebe sa harapan ng isang poging tulad niya.

Nilingunan niya ako and there he looked at me super confused. That's when I started to talk again, "Kashe ano... kanina mo pa kashe ako shinushundan, you even hugged me sha jeep, kinindatan mo pa ako pagbaba mo, taposh ngayon, you are even ishtalking me na and even shaved me. Shho... anew na?"

"Shaved? Kailan kita inahitan?" tanong niya na sobrang nagtataka.

"Shaved like ligtas," sabi ko sabay hawi ng buhok ko papunta sa ears ko. OMG, haba talaga ng hair ko, baka naaapakan na ng mga tao, patrim ko na kaya?

"Inaatake ka na naman siguro. Ganyan ka rin kanina e bigla kang nagka-identity crisis," sabi niya sa akin, sus, in denial siguro siya. Pero feeling ko talaga nahulog na siya sa charm ko. Alam ko naman na hindi ako pangit, kasi wala namang nagsabi sa akin na pangit ako. People always tell me I'm either cute or pretty. Plus, I may be 30 but baby face pa rin. Sabi nga nila, para raw akong imortal, parang di ako tumatanda kaya sure ako may face value ako uy.

Ayun, eto ako, feeling flirty pa rin, dahil why not? Inabot ko ang tenga niya, then I whispered, "Weg ke neng meheye keshe, shebehen mew ne leng sheken kung type mew akeew." sabi sa kanya. Kahit papaano nasha-shy pa rin ako, kasi ayaw ko naman mag-assume, pero hello, obvious na obvious naman na type niya ako!

Yung mukha niya parang nacoconfuse na ewan! Parang gusto niyang umamin pero nagdadalawang isip—sobrang in denial!

Magsasalita na sana siya, pero baka magtanggi pa siya, eh halata na halata na type niya ako. Kaya ayun, tinakpan ko ng hintuturo ko ang mga labi niya. "Sshhh, that's okay, baby boy," sabi ko, tapos may konting kembot na ngiti. "But just to let you know, I may be your tita already," sabi ko, tapos tawa ng mahinhin para demure. "Don't fall too hard ha, bagets, I might not catch you and you'll fall real bad," I added, then flipped my hair like it's no big deal. Nag-flying kiss pa ako, may wink as a bonus. Ewan ko na lang kung hindi siya maghabol sa akin! Oh, Candice, you're so irresistible!

He was standing there, totally shook, like who wouldn't be, right? I left him hanging in the middle of the street, kasi hello, red light na! But seriously, my grin wouldn't fade. Like, what's up with today? Should I thank Jessa for getting me tipsy last night? 'Cause, no joke, this might actually be a blessing in disguise. Maybe the universe is saying, "Candice, your love life's not in your car, it's in public transport, girl!" I guess it was meant to be na ma-snatched ako, but not just by anyone—this snatcher's after my heart, as in, seryoso!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top