Mga Pundasyon ng Ambassador

Ang mahusay na bagay sa Wattpad ay ang komunidad nito. Ang bawat isa sa mga Ambassador ay nakatuon sa pagtulong na panatilihin ang pagiging positibo ng Komunidad, pagtulong na panatilihing ligtas ito para magamit at ma-enjoy ng lahat, at makapag-ambag sa paglago nito.

Ang pagiging Ambassador ay nangangahulugan na nais mong may maibalik sa Komunidad. Nakatuon kami sa pagtulong sa mga tao na mahanap ang kanilang daan, ipakita sa kanila kung saan nila mahahanap ang kapaki-pakinabang na impormasyon, bumuo ng kamangha-manghang mga reading list, at subukang hikayatin at palaguin ang mga bagong manunulat.

Ang mga Ambassador ay mga boluntaryo. Hindi sila sumali upang magkaroon ng lakas o kasikatan, ngunit nagtatrabaho sila nang tahimik sa likod ng eksena upang masiguro ang maayos na pagpapatakbo ng Komunidad.

Ang mga Ambassador ay isang positibong puwersa sa Komunidad. Ang mga Wattpad user ay iba-iba, magiliw, at iba-iba ang nais, at ang mga Ambassador ay kinakatawan din ang mga iyon. Ang pagkakaiba-iba ng mga Ambassador at ng Komunidad na kanilang pinagsisilbihan ay nangangahulugan na kailangang mayroon kaming pasensya, pakikiramay, at pang-unawa, at nirerespeto rin namin ang magkakaibang pananaw at ideya ng Komunidad.

Ang boluntaryong aksyon ay parang isang bato na itinapon sa payapang tubig; kahit ang pinakamaliit na aksyon ay gumagawa ng alon, at ang aming boluntaryong pagsisikap ay inaabot ang malayo at malawak upang pagbutihin ang Wattpad Community.


Ang Ang Ibig Sabihin ng Pagiging Ambassador?

Bilang isang  Ambassador, kailangan mong ayusin ang iyong sariling oras. Bagama't nagtatrabaho kami para magproseso, ang mga patakaran, alituntunin, pagsasanay at suporta ay ibinibigay sa lahat ng panahon. Dahil sa pagiging virtual ng role, ikaw ang magdedesisyon ng kung ano ang gagawin mo, gaano karami ang gagawin mo sa bawat araw, at kung kailan mo gagawin ito.

Inaasahan namin ang team na maging matapat at walang kinikilingan, at hindi nagpapakita ng paboritismo. Ang pagsali sa Ambassadors ay hindi ginagarantiya ang kaligtasan mula sa aming pangkalahatang alituntunin.

Kapag naging Ambassador ka na, magiging kinatawan ka ng aming dedikadong pangkat ng mga Ambassador. Kailangan mong maging maingat sa iyong pakikipag-ugnayan, maging maalam sa mga alituntunin, at kumilos nang naaayon sa mga inaasahan sa isang Ambassador.

Teamwork is dream work. Para maging isang Ambassador, kailangan mong maging bukas sa pagkatuto ng mga bagong bagay. Maging bukas na magbigay at kumuha: *magbigay* ng iyong oras at kaalaman na mayroon ka para sa benepisyo ng team at ng buong Komunidad at *kumuha* ng feedback mula sa mga miyembro ng iyong team, Wattpad Staff, at pinakaimportante, ang Komunidad. Sinasabi namin ito dahil lahat ng aming ginagawa ay umiikot sa mga pagbabagong nakikita natin sa Wattpad.

Ang komunikasyon ay mahalaga!

Hindi mo kailangang maging perpekto - wala ni isa sa amin ang ganoon. Lahat tayo ay nakagagawa ng pagkakamali, ngunit natututo tayo mula roon, at ang mga Ambassador ay sumusuporta at pinalalago ang bawat isa upang makapagtrabaho kami sa pinakamahusay na paraan bilang isang pangkat na susuportahan ang Komunidad na ating minamahal.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top