Pangungulila (Gabriela Silang)

Ilang taon na tayong magkasama
Sa piling mo, ako'y laging masaya
Alaala nati'y gustong balikan
'Di mawawalit sa puso't isipan.

Simula noong ikinasal tayo sa simbahan
Labis ang nadama kong kaligayahan,
Iyong pagkasi sa aki'y 'di mapapantayan
Pangako sa isa't isa'y 'di tatalikuran.

Bawat oras at minutong dumaan
O sa gitna ng madugong digmaan
Ikaw o hirang aking inaasam
Gumagaan ang aking pakiramdam.

Itong simoy na umaaliw sa akin
Sinugo ko na mahal upang ika'y sunduin
Sirain mong lahat ang sa ati'y balakid
Diego aking sinta, tangi kong pag-ibig.

Minsan, isang araw, kailangan mong lumisan,
Nais kong sumama't handa ko kayong tulungan
Dahil sa matinding panganib ang susuungin,
'Di ka pumayag na sumama sa iyong piling.

Dahil ayaw mo akong makitang nahihirapan
Na makipaglaban para sa ating lalawigan
Nag-aalala ka at baka ako ay mapaslang
At makita mo akong nakahandusay na lamang.

Sa tuwing ilang araw ka nang wala
Aking mahal, ako'y nababahala
At sa iyong muling pagbabalik
Sasalubong ang yakap at halik.

Simula nang dumaloy, dugo ng kamatayan
Ikaw ang yakap-yakap at masuyong hinagkan,
Nananatiling hawak ko pa ang iyong punyal
Ako'y labis na nalulumbay, Diego kong mahal.

Pagdaloy ng luha, hindi ko maiwasan
Tila ako ay bulaklak na nalagasan,
Sa pagmamahal mo, ako'y nangungulila
Mga alaala ay hindi mawawala.

Masidhing layunin para sa lalawigan
Ay aking itutuloy hanggang katapusan
Kitlin man ang buhay ko't aking tatanggapin
Muli kitang makikita't makakapiling.

Sa unang araw ng aking pakikibaka,
Pana, baril, gulok ang aking dala-dala
Mapanglaw na taghoy, kanilang maririnig
At kanilang madinig an gaming hinaing.

Sa krus na kahoy, pangalan mo'y naroon
Katawan mo'y sa lupa na nakabaon
Ngunit kaluluwa'y buhay hanggang ngayon
Kahit nahantong mo ang iyong pagyaon.

Ako'y lalakad na,
Dadalawin kita
Pagtapos ng digma…

----------------------*

Ika-31 ng Agosto hanggang Ika-1 ng Setyembre, 2011

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top