Lihim
Ano ba itong aking nararamdaman?
Sadyang di ko maintindihan
Ako nga ba ay talagang nagmamahal
Pakiramdam na itinago ng kaytagal.
Sa araw-araw na minamasdan kita,
Lalong lumalalim aking nadarama
Sa tingin ko ako'y nagmamahal na nga,
Sa 'sang katulad mong mala-diyosa ang mukha.
Sa pagdinig ng mala-anghel mong tinig,
Aking puso'y agad mong napaibig,
Sa iyong marahan at simpleng hagod,
Agad nawawala ang aking pagod.
Ngunit ngayong nais ko nang ipagtapat,
Upang mailabas ko na nang maluwat,
Ikaw pala'y mayroon ng ibang mahal
At ako sa iyo'y balewala na lang.
Sana'y noon ko pa ipinagtapat,
At hindi ako nagpakatorpe dapat
Nang kahit paano ay nalaman mo,
Ang nilalaman at lihim ng puso ko.
----------------------*
Ika-3 ng Agosto, taong 2012
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top