Kay Supremo Andres
Supremo,
Batid ng bayan
Ang turo mo sa amin
Na
"Ang lahat ng mabubuting hangarin
Ay makakamtan
Kung ikaw ay mahinahon,
Matiyaga, makatwiran,
At may pag-asa sa
Iyong gawain."
Tulad mo,
Payak ang aking
Pamumuhay
Kahit lumilikha ako
Ng mga larawan ng
Ating bayan
Ay hindi mabilang
Na mga papuri,
Nananatiling
Nakakapit sa lupa
Ang aking
Mga paa.
Tulad mo,
Anak din ako
Ng mga dukha
At naging tungtungan ko ito
Upang
Paunlarin
Ang aking dunong,
At hasain
Ang aking galing
Ngunit
Hindi ko malimot
Ang aking pinagmulan.
Kung kaya't
Sa panahong ito,
At sa mga
Darating pa,
Sa loob ng
Bulwagang Katipunan,
Ipipinta ko
Ang iyong payak
Lantay na
Hangarin
Ang iyong pagsulong
Ang iyong paninindigan.
Supremo,
Isa lamang akong
Abang manlilikha
Ngunit
Marunong akong
Tumanaw ng
Utang na loob.
Mapagkumbaba man tayo pareho,
Idadambana ko pa rin
Ang iyong
Kakisigan,
Katapangan,
At kabayanihan.
Maliitin man nila
Ang pagkatalo
Sa iyong
Pakikipaglaban,
Malaki ang pananaw
At ambag mo
Sa pagbuo
Ng Haring Bayang Katagalugan.
At ang likhang ito,
Tampok sa iyong larawan
Dakilang Supremo,
Ay para
Sa mga
Panahong darating
Upang matanto
Ng mga
Susunod na
Salinlahi
Na
Hindi basta pabubusabos
Ang mga
Tulad mong
Nabuhay
Sa sariling
Pawis.
----------------------*
Ika-1 ng Setyembre, taong 2012
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top