Ilang Taon Na (Kay Heneral Macario L. Sákay)
Ilang taon na nung kita'y nakilala,
Simula nooong ako'y elementarya
Baitang anim, doon nagsimula,
Pagbasa ng talalmbuhay mo't paghanga.
Lagi, ako ay mayroong nakikita
Mga lalaking tila iyong kamukha,
Kapag ang buhok nila'y mahaba na,
Bumabalik ang aking alaala,
Alaala na ako ay sinusundan
Ng isang anino, saan ma't kailanman
Dahil sa 'yo, natuto akong lumaban
At natuto akong maging makabayan.
Ilang taon na nang iyong itatag
Dahil sa iyong tapang na nakatatak
Ang 'yong Republika ng Katagalugan,
Layuni'y mapalaya ang ating bayan.
Mapalaya laban sa mga dayuhan
Kaya'y kayo'y sumugod, ika'y lumaban
At ipinagtanggol ang mga mamamayan,
Upang magkaroon na ng kalayaan.
Ilang taon ring ika'y nakipaglaban,
Minsa'y nagwawagi at may kabiguan
Sagisag ng tapang nating Pilipino
Lumaban sa Kastila't Amerikano.
Ang tingin ng iba, isa kang tulisan
Kaya't ika'y hinuli't pinaratangan,
Ikaw ay hinabla at inakusahan,
Ng mga Kano, parusa'y kamatayan.
At ilang taon na nang ika'y paslangin,
Kahit paano'y may nagawa ka pa rin,
Ang iyong laban ay itutuloy namin,
Sino ang gagawa? Kundi kami pa rin.
Halos ilang taon na ang nakakalipas,
Pagkamakabayan mo ay walang kupas,
Kahit ang iba ay hindi ko kilala,
Ikukwento ko, para maalala ka.
At ilang taon na ang nagdaan,
Hinding-hindi ka namin malilimutan
Pati ang 'yong nagawang kabayanihan,
Mananatili sa 'ming puso't isipan.
----------------------*
Buwan ng Hulyo, taong 2011
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top