Crush Ko Si Sir

Simula noong unang araw ng pasukan
Hindi ko batid, bigla ko lang naramdaman
Lihim na paghanga sa isang katulad mo
Maniwala ka, tapat ito at totoo.

Araw-araw, pagpasok sa paaralan
Minsa'y ika'y sumasagi sa 'king isipan
Minsan hindi ka makita o malapitan
Sapat na sa akin na ika'y masulyapan.

Tahimik lang ako, hindi halata
Na ako rin sa iyo ay may paghanga
Hindi naman siguro iyon masama
Basta't tiyakin lang na ito'y nasa tama.

Kahit ibang mag-aaral, may paghanga rin
'Pag nasa silid-aralan tiyak na kikiligin
Ngunit kalauna'y, nabunyag aking lihim
Ngunit mga kamag-aral ko lang nakapansin.

Kasaysayan, paborito kong asignatura
Matagal na simula noong ako'y bata pa
Naku! Bakit naging paborito pa kita,
At isa sa mga naging inspirasyon pa?

Nang ako'y nasa ikalawang semestre na
Isa ka sa mga bigla kong naalala
Naku! Sa una ay mahirap tanggapin
Na 'di na kita nakita sa aking paningin.

Sabi ko na nga ba, panandalian lang
Ang bilis ng panahon, 'di ko namalayan
Ngunit ito'y nag-iwan ng karanasan:
Unang beses ko sa gurong hinangaan.

----------------------*

Ika-8 ng Pebrero, taong 2013

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top