Unknown Textmate

Dedicated to AngelaaaaFamyyyy

Naging masaya ako nang lumabas ang number mo sa aking telepono.

Akala ko'y babae ka pero nagkamali ako.

Naging kaibigan kita,
kahit ilang isla ang pagitan nating dalawa.

Ang sabi mo'y gusto mo akong maging sa'yo,
nagulat man sa mensahe mo pero napangiti ako.

Nabasa ko lang at di narinig
pero puso ko ay kinikilig.

Natatandaan ko pa, sixteen ako nang maging tayo kahit hindi ako sigurado sa nararamdaman mo.

Hindi mo nakita ang mukha ko at ganun din ako sa'yo pero totoo itong nararamdaman ko.

Hindi ako sigurado kung bakla ka talaga at pinaglalaruan lang ako pero boses mo pa lang ay napapasaya ako.

Saya na panandalian,
dahil kinuha mo rin ng mabilisan.

Naging kayo ng classmate ko,
nakakatawa ang biro mo.

Nang dahil sa'yo, wala na akong tiwala sa mga lalaking nakikilala ko lang sa telepono.

Ikaw ang unang lalaki sa buhay ko pero salamat sa'yo dahil natuto akong maghintay sa aking Crisostomo.

At nasisiguro kong, ang lalaking bago kong mundo ay habang buhay magiging kanya itong aking puso.

--- Kelly Gracious

Written on:
          June 29, 2020

Purpose:
          Wala lang. Naaalala ko lang ang noon.

Signature:
           Deo gratias!

Dictionary:
            Crisostomo - Karakter sa Noli Me Tangere

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top