Salamat Ama't Ina

Dedicated to precy_justin

Oh, mahal kong ama't ina
Para sa inyo ito aking sinta
Tula na aking ginawa
Kagabi bago ako humiga

Ako'y nagpapasalamat kay Bathala
Na kayo ay ibinigay Niya
Na aking maging ama't ina
Upang sa akin ay s'yang mag-alaga

Pangalawa sa Diyos, ako'y inyong binuhay
Na may pag-ibig at pusong dalisay
Ako nama'y natutuwa ng tunay
Dahil kasama ko kayo habang buhay

Buong puso akong nagpapasalamat sa Kanya
At sa inyo aking ama at ina
Ngayon ang mundo ay nakita ko na
Kung gaano karikit at kaganda

Ngunit habang tumatagal ako sa mundo
Nababatid ko na ang buhay ay sadyang mapagbiro
Dahil ang mundo na tinuturing kong paraiso
Kasalatan pala ang dala nito

Batid kong saksi ang Diyos sa inyong pagsisikap
Upang igapang kami sa hirap
Ngunit kayo'y laging bigo sa hinaharap
Dahil ang buhay ay puno ng paghihirap

Alam ko rin na kayo'y nahihirapan
Sa mga pagsubok na dumaraan
Pero mahal kong magulang
Tibayan ang inyong kalooban

Kahit tayo'y maralita
At pinagkaitan ng biyaya
Basta tayo'y may pananampalataya
May darating ding pala

Talagang ang hirap ay isang palamara
Ngunit 'wag mawalan ng pag-asa
Kahit bagyo pa ang problema
Alam kong ito'y ating makakaya

Isisigaw ko sa buong madla
Na lumaki kami sa marangal na kita
Na may takot sa Lumikha
At may pag-ibig sa kapwa

Kunting tiis na lang mahal kong magulang
Alam kong darating ang tamang panahon
Basta sa landas 'wag tayong malihis kailan man
Siguradong biyaya'y ating makamtan

Salamat din sa pagdidisiplina
Sa pagmamahal at pag-aaruga
Kahit kayo'y nahihirapan na
Sa katigasan ng inyong mga mutya

Ang masasabi ko'y patawad ama't ina
Sa mga pagkakamali na aming nagawa
Ngunit dahil kami'y mga bata pa
Kailangan pa ang inyong paglinga

Lalo na sa bunsong inyong minumutya
Kailangan pa ang inyong suporta
Dahil hindi ko pa makakaya
Na tumayo sa sarili kong mga paa

Karangalan ko po ama't ina
Na mapabilang sa ganitong pamilya
Maralita man ngunit masaya
Ang puso ko po'y tumataba na

Hindi ko po kailangan ang materyal na bagay
Upang mamuhay ng matiwasay
Ang kailangan ko'y masayang buhay
Na mararanasan ko habang buhay

Ayos lang kung ang mutya ninyo'y nahihirapan
Basta 'wag n'yo lang kami pababayaan
Kami ay maligaya naman
Sa ating pagsasama at pagmamahalan

---- Kelly_Gracious

Written on:
      November 29, 2012

Purpose:
      Sinulat ko ito dahil proyekto namin para sa family day. Isa ito sa paborito kong sinulat dahil bukod sa iniyakan ko 'to, iniyakan din mga guro, kaklase at syempre ni mamang.

Signature:
       Deo gratias!

Dictionary:
       Sinta - minamahal
       Bathala - Panginoon, Diyos
       Karikit - kaakit-akit, maganda
       Batid - alam, nalaman
       Kasalatan - kahirapan
       Maralita - mahirap
       Pala - biyaya, grasya
       Palamara - taksil, lilo
       Paglinga - pag-aalaga

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top