Sakit na di ko alam

Dedicated to Kelly_sister

Sakit na di ko alam kung saan nagmula,

Sakit na di ko alam kung kailan nagsimula,
Puso ko'y kumikirot na parang nahihiwa,
Nagdurugo kahit takpan ng pakana't pakaliwa.

Kailan ko ito naramdaman?
Kailan ako nasugatan?
Kailan ako umiyak nang walang dahilan?
At kailan ako sumabay sa pighati ng ulan?

Isip ko ay nalilito,
Puso ko ay natutuliro,
Ako ba ang may hawak sa ako?
Bakit di ko masagot ang tanong na nabuo?


--- Kelly Gracious

Written on:
        April 2, 2021

Purpose:
       Tulad ng pamagat ay di ko rin alam. Nabuo na lang sa isip ko nang minsang gusto kong mag-siesta pero di ako makatulog.

Signature:
       Deo gracias!

Diksyunaryo:
       Nagdurugo - sumasakit ang puso
       Pighati - sakit na nararamdaman

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top