Pagwawakas

Dedicated to KangMariaClara

Ito na ang aking pagtatapos
At natutuwa ako ng lubos
Pasasalamat ko'y sa inyo humahaplos
Dahil pagbabasa n'yo ay tinapos

Hihingi rin ako ng patawad
Kung may natamaan ay 'di ko hangad
Makasakit sa kapwa'y 'di ko pangarap
Dahil ang dibdib ko'y sa sakit nagliliyab

Sana'y ibigay n'yo sa'kin ang pag-unawa
Aral lang ang nais kong ibigay, madla
Patawad kung ako ay nagkasala
At paumanhin kung ako'y nakaabala

May nais din sana ako'ng hihilingin
Sana madla ay inyong dinggin
Mga akda ko pa sana'y inyong mahalin
Dahil kayo'y nagbibigay inspirasyon sa'kin

----  Kelly_Gracious

Written on:
       September 2, 2017

Purpose:
       Para po sa lahat ng bumabasa sa lahat ng mga sinulat ko. Maraming-marami pong salamat at patawad na rin kung may natamaan ako. Sana wala. Salamat sa inyo at dahil diyan ay magbibigay ako ng tatlong halik. Mwa.mwa. mwa.

Signature:
        Deo gratias!

Dictionary:
        Lubos - sobra
        Hangad - pangarap

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top