Paghanga
Dedicated to BINIBININGSHANEEE
Ginoo, patawad sa aking kapangahasan
Pagtitig sayo'y di ko mapigilan
Batid kong, sayo'y walang karapatan
Ngunit matindi ang aki'y nararamdaman
Katangkaran mo'y aking tinitingala
Kakisigan mo'y, dibdib ko'y natutuwa
Kaputian mo'y liwanag sa aking mga mata
Kabaitan mo'y saki'y nagpapahanga
Reading glasses mong, saki'y nagbibigay ng atraksyon
Lalo na ang paglilingkod mo sa Panginoon
Ikaw ang Crisostomo Ibarra na aki'y binubulong
Sa hangin habang ako'y nasa kwarto at nakakulong
Pero batid kong hindi na maaari
Dahil sayo'y meron ng nagmamay-ari
Isa kang magandang alaalang mapapawi
Sa puso't isip kong nagpipighati
---- Kelly Gracious
Written on:
June 12, 2020
Purpose:
Wala lang. Inspire lang ako.
Signature:
Deo gratias!
Dictionary:
Batid - alam
Pangahas - hindi dapat
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top