Nasaan ka na?
Dedicated to SweetieNiss
Oh, Crisostomo Ibarra,
Nasaan ka na ba?
Bakit hindi kita makita?
Tatanda na ba akong dalaga?
Matagal na kitang hinihintay
Delay ba ang eroplano kaya 'di ka nakasakay?
'Wag kang mag-alala, maghihintay ako ng habang-buhay
Kahit tumanda pa ang aso ko't mamatay
Hindi ako maghahanap ng iba
Sayo ako ay kuntento na
Kahit 'yang mukha mo'y parang pinaputukan ng bazooka
Ipaparetoke ko 'yan kapag ako'y nagkapera
Mamahalin kita ng tapat
Kaya sa'kin ika'y magpahanap
Dahil ikaw lang ang karapat-dapat
Sa pag-ibig na aking pinapangarap
---- Kelly_Gracious
Written on:
July 18, 2017
Purpose:
Naisulat ko ito para sa aking Ibarra. Katulad ng pagmamahal niya kay Maria Clara, kaya gusto ko ring makahanap ng katulad niya. Ang lalaking ako at ako pa rin ang mamahalin kahit isang daang taon kaming malayo sa isa't isa. He he. Ngayon alam n'yo na kung bakit NBSB ako.
Signature:
Deo gratias!
Dictionary:
Crisostomo Ibarra - ang lalaking nagmahal kay Maria Clara. Ang main character sa obra ni Dr. Jose Rizal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top