Kabiguan

Dedicated to avanillus

Libu-libong sundalo
Ang umaatake sa puso ko
At sa sobrang sakit nito
Parang magwawakas ang buhay ko

'Di ko alam kung anong gagawin
Sa araw-araw kapag ako'y gumigising
Kabiguan bakit ka dumating?
Ngayon ang buhay ko'y wala ng ningning

Hindi mo ba alintana?
Ang dibdib ko'y nahihiwa
Kapag naaalala sa tuwi na
Ang kabiguan na aking nagawa

---- Kelly_Gracious

Written on:
      July 2, 2015

Purpose:
      Wala lang! Sinulat ko lang ito dahil bored ako sa klase ni ma'am Filipino. Parang high school kung magturo. Nakakaantok!

Signature:
        Deo gratias!

Dictionary:
        Ningning - kislap
        Alintana - hindi alam
        Tuwi na - palagi

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top