Kabataang Pilipino
Dedicated to TeacherAnny
Mga ginoo't binibini ngayon Tila nilimot ang makalumang panahon
Kasabihan ni Rizal ay sa lupa'y ibinaon
Nilipad ng hangin, kaugalian ng Pilipino noon
Kabataa'y nasaan na't
Tila nilamon ng sosyal medya
Kinabukasa'y wala ng halaga Payo ng magulang ay di na alintana
Sa sosyal medya'y nagkalat ang masisilang katawan
Pagmumura't pananakit sa kapwa'y ginawang katatawanan
Kahit dignidad ay masira, hangad pa ri'y kasikatan Masakit isipin ito'y niyakap ng lipunan
Sa messenger, akala'y mensahe'y mahalaga
Pero kalaswaa'y sa mata'y ipinakita
Neneng, totoy ilang taon ka na ba?
Salitang inosente't banal ay nakalimutan mo na
Salitang respeto'y wala ng tasa Mabuting pag-uugali'y binabalewala
Pagsabiha't ituwid ang maling paniniwala
Ang nasa tama pa ang naging masama
Ang mala-Maria Clara sa lalaki'y nakakatawa
Ang mala-Crisostomo Ibarra sa babae'y nakakadismaya Salitang binibini't maginoo sa labi't isip ay wala na
Kulturang Pilipino sa lipuna'y wala ng mahika
Kailan ito niyakap ng panahon?
Kailan ito iniwan ng makabagong henerasyon?
Ang lipunan ba ang may sala? O ang maka-tao't, maka-Diyos ay wala ng halaga?
Mga ginoo't binibini, maghunus dili ka
Kaluwasan ng kaluluwa'y bigyang importansya
Huwag masyadong masilaw sa henerasyong marangya
Pagkat ang buhay ay may hanggana
--- Kelly_Gracious
Written on:
August 7, 2020
Purpose:
Awareness para sa lahat ng kabataan.
Signature:
Deo gratias!
Diksyunary:
Alintana - pansin
Tasa - halaga
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top