Ho U?

Dedicated to Mia_MagandaEmpaynado

Ikaw ang lalaking nagturo sa'kin kung paano magmahal ng kakaiba.

Ikaw ang nagparamdam sa'kin kung paano maging masaya.

Sa mga mabulaklak mong salita, kilig ko'y umaapaw sa ligaya.

Sa mga titig mong pambampira, sarili ko'y nadadala.

Natatandaan ko pa no'ng tayo ay unang nagkita.

Kaba sa dibdib at panlalamig ng kamay ay hindi ko kayang pigilan dahil sa'yo,

Hindi lang mga mata ko ang nabihag mo, pati puso ko'y kinulong mo.

Kaya nang ligawan mo ako'y binigay ko sa'yo ang apat na letrang nagpabago sa buhay ko.

Apat na letrang nagsasabing --- OO. MAHAL. DIN. KITA!

Apat na letrang nagsimula sa kwentong pag-ibig nating dalawa.

Kwentong pag-ibig nating dalawa na pinamagatan kong "Ikaw ang lahat sa akin!"

Ikaw ang lahat sa akin dahil sa unang pahina ng kwento ay puno tayo ng pagmamahalan.

Ikaw ang aking inspirasyon,

Sa bawat pagtapak ko sa orasan patungo sa'king pangarap, pangalan mo ang sinisigaw ng puso kong nangangarap.

Minu-minuto, oras-oras tayong nagpapalitan ng mensahe upang malaman kung anong ginagawa nating dalawa.

Mga mensaheng nagpapabaliw at nagpapasabog sa'king puso't isipan.

Kahit asin sa'tin nilalanggam.

Ngunit nang dumating ang kwento na'tin sa bandang gitna ay napansin ko nang may nagbago.

Mahal kita kaya nagbulag-bulagan ako.

Hindi ko pinansin dahil pinanghahawakan ko ang pangako mong tayo hanggang dulo!

Pinagpatuloy ko ang kwento nating dalawa ngunit bakit..... umaagos ang aking mga luha na parang isang batis?

Bakit dibdib ko ngayon ay naghihinagpis?

Hindi ko kayang pigilan dahil punong-puno na ako sa'king nararamdaman.

Sana no'ng niligawan mo ako ay binigyan mo ng kuta ang relasyon na'tin.

Upang hindi ako umasa na habang buhay tayong magkasama.

Sana sinabi mo na lang na pang-isang buwan lang ang relasyon na'tin.

Dahil hindi ka siguradong tayo ba talaga ang para sa isa't isa.

Nagsimula akong masaktan ng mahalin kita!

Ngunit bakit hindi ka pa nakuntento?

Nang nasa dulo na tayo ng ating kwento ay dinurog mo na ang puso kong sayo'y sumasamba!

Ngayon alam ko na!

Hindi tayo ang nakatakda.

Dahil ikaw! Ikaw ang unang bumitaw sa kamay ko.

Ngayon sinusumpa ko, darating ang panahong hindi ka na maaalala ng puso ko.

At sisiguraduhin kong masasabi ko sa iyo ang salitang 'Ho u?'

---- Kelly_Gracious

Written on:
December 9, 2017

Purpose:
Wala lang. Nakarinig lang ako ng mga talinghagang salita kaya ko ito naisulat.

Signature:
Deo gratias!

Dictionary:
Umaapaw - napupuno, puno na, labis-labis
Naghihinagpis - nasasaktan
Kuta - may limitasyon

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top