Chapter 2
KALIWA'T kanan ang naririnig kong hagulgol ng mga tao sa loob ng bahay matapos na mailagak sa loob ang kabaong na naglalaman ng katawan kong wala ng buhay.
Dala ng kuryosidad ay sumilip ako sa loob ng kabaong. Narinig ko ang bulungan ng mga pamilyar subalit hindi ko matukoy kung sino na mukha lang daw akong natutulog ng mahimbing.
Wala silang kamalay-malay na nakangiwi na ako ngayon habang pinagmamasdan ang sarili kong walang buhay.
Ang pangit ko.
Gusto kong ayusin ang lipstick na kulay kahel, hindi naman iyon nababagay sa akin. Ang eyeshadow na kulay blue ay hindi rin akma lalo na sa ganitong okasyon. Namumula rin ang mga pisngi ko dala ng makapal na blush on. Sunod-sunod akong napailing. Kung maaari lang akong bumangon mula riyan.
Dumagdag sa pagngiwi ko iyong litratong pinili nila. Siguro naman ay marami akong litrato na maaari nilang gamitin, sino at bakit iyan ang pinili nila?!
Wala sa sarili kong nahampas ang litratong iyon na biglang natumba na siyang ikinagulat ng lahat. Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko ng mapansin ko ang matandang babae na katabi ko na mahigpit na napahawak sa hawak niyang rosaryo at nagdasal ng pabulong.
──────⊱◈◈◈⊰─────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top