Chapter 1

NALILIGAW ako. Hindi ko alam kung nasaan ako. Tila ba walang katapusan ang paglalakbay ko patungo sa lugar na hindi ko rin naman alam kung saan.

Marami akong nakakasalubong na naliligaw din. Hindi ko mawari kung dapat ko bang ikagalak iyon o dapat akong mabahala.

Kahit na gustuhin kong tumigil sa paglalakbay ko ay hindi ko magawa. Para akong naliligaw na saranggola at hangin na ang siyang bahala kung saan man ako mapadpad.

Sa kabila ng pagkaligaw ko, sa palagay ko ay masasabi ko ng nakarating na ako sa paroroonan ko.

May karamihan ang mga taong nagkakagulo, may mga nag-aayos ng tolda, lamesa at upuan, mayroong mga naglilinis sa loob ng bahay, may mga nakikiusyoso habang ang mga batang hindi pa hubog ang isip ay naglalaro lamang sa labas.

Mas lalong nagkagulo ang mga tao ng dumating na ang isang sasakyan, lula niyon ang puting kabaong, kung saan naroroon ang katawang lupa ko.

──────⊱◈◈◈⊰─────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top