And They Lived...

"Hello, Y/N! Still finishing your manuscript?"

Ito ang naging tanong ni Marcus sa'yo habang tinatapos mo ang draft para sa istoryang iyong sinusulat sa Word. Hanggang sa kasalukuyan ay halos hindi ka na makatulog sa sobrang subsob mo sa pagsusulat, at kahit isang linggo pa bago ang mismong deadline ay nagagawa mo nang tapusin ang huling act nang sa gayon ay makapagpahinga ka bago ka magpatuloy sa susunod na araw.

"Nasa climactic confrontation na ako. It's too intense but luckily, I'll manage to hang on to those things. Ang kailangan na lang ay checking para pagdating sa final draft, dapat polished na at nang maipasa't i-print iyon sa publisher ko."

Naiintindihan naman niya iyon sapagkat sa unang pagkakataon ay unti-unti nang nalalago ang pangarap mo na mahawakan ang librong iyo mong pinaplano ilang taon ang nagdaan. Dagdag niya, "Bilang isang taong sinubaybayan ko ang journey mo as a writer ay konting-konti na lang, maaabot mo na ang pangarap mo na maging sikat na writer hindi lang sa Pilipinas, pati na sa buong mundo.

"Mahal, alalahanin mo na kahit undiscovered ka o popular, huwag mong kalimutan kung saan ka nagsimula, okay?"

Napangiti ka nang marinig mo ang sinabi ng nobyo sa'yo na siyang hudyat upang kiligin ang sistema ng iyong sarili dahil dito. Isang taon na kayong nagsasama at hanggang sa mga oras na ito'y hindi ka niya pinabayaan, lalo na noong mga panahong nangangarap ka bukod sa isang writer. Napalingon ka sa mga textbooks na siyang babasahin mo pero sinantabi mo muna iyon dahilan para patapusin ang isang librong inipon mo galing sa iyong puso, isip, diwa, at maging ng iyong kaluluwa.

Binalik na lamang ang iyong tingin sa harap ng screen bago ka huminga nang maluwag, "Marcus, kinakabahan ako."

"Bakit naman?"

"What if..." Napatigil ka sa pagsasalita habang kaharap mo ang nobyong palaging all-ears kapag namomoblema ka, "What if my debut novel ended up unsuccessful? Natatakot ako na baka magkaroon ito ng lukewarm reviews since masakit itong story na ginawan ko. You know that it was inspired by real events, right?"

He nodded, "Then what should I do now?"

He breathes in and out through his nose before giving you some piece of advice, "Y/N, huwag kang kabahan, okay? Lahat inilaan mo, makapagsulat ka ng nobelang tatatak sa panlasa ng marami sa'yo. Oo, may mabibigyan kang positive at negative reviews, pero isa lang ang masasabi mo — focus ka sa kung ano ang makakapag-improve sa'yo bilang isang manunulat. Huwag kang panghinaan ng loob, okay po?"

Agad kang tumango sa sinabi ni Marcus sa'yo, ngunit ilang saglit pa ay napangiti ka na lang sapagkat napahikab siya sa harap ng kamera, senyales na inaantok na ito at mukhang kailangan niya nang matulog nang mahimbing.

"Alam mo, ang cute mong humikab. Hula ko, 'di ka makatulog, ano?"

Napailing tuloy siya sa'yo. "Saka, cute ba iyang ginawa ko kanina sa lagay mong iyan? Nakakahiya nga, e!"

"Ayos lang! Tayong dalawa lang naman ang nandito, e. Gabi na rin masyado."

"Sa bagay." After that, he gently commanded that he's going to sleep for which you answer, "Sige. Papanoorin kitang natutulog habang tinatapos ko itong draft ng story ko ngayon."

"Okay, Y/N. I love you."

"I love you too." Kinuha ni Marcus ang kanyang unan at humiga sa harap ng screen, habang ikaw ay bumalik sa document kung saan ka tumigil. Habang tinitipa mo ang ilan sa mga salita ay sumilay ang mga ngipin sa iyong mukha na kung iisipin mo'y nababaliw ka na pero hindi.

Ito ang mukha kung saan malapit ka nang matapos sa victory at nang maisulat mo ang aftermath ng iyong mga karakter sa istorya. Pagkatapos ay nagpahinga ka muna nang ilang saglit subalit nang makapunta ka na sa susunod na kabanata ay inaalala mo kung saan ka nagsimula.

Dahil noong mga araw na nangangapa ka na makabalik sa pagsusulat ay hindi mo sukat akalain na maaalala mo ang isang taong naging parte ng buhay mo subalit sa huli, tuluyan ka nang naiwang sugatan nang dahil sa kanya. Rito mo naalala ang karakter na ginawan mo sa istorya — na sa bawat kilos, galaw at pagkatao nito'y kuhang-kuha na agad sa ex-boyfriend mo. Kung paano siya manamit, tumawa, pakiligin...

Saktong-sakto ay agad nagpatugtog sa radyo ng isang tugtugin pagkatapos ng saglitang commercial break, and it was an unexpected song request you didn't know they needed. At habang kumakanta ang orihinal na singer nito'y may iilang linyang tumama sa iyong kaluluwa kasabay ng paglitaw ng mga bagay na kahit masakit, gagawin pa rin nila para sa'yo...

***

Maki's so perfect in your eyes.

That's what you thought about him.

Kasalukuyan mo siyang pinapanood na naglalaro ng volleyball kasama si Katrina na nagpapahinga at umiinom ng tubig na siyang kasa-kasama niya tuwing training habang ginagala mo ang iyong tingin sa iyong first boyfriend who's also your first love as well.

"Hoy, Y/N!" Agad kang nagulat nang tawagin ka ni Katrina habang nililinga ang iyong direksyon sa kanya. "Hanggang ngayon manghang-mangha ka na naman sa boyfriend mo, ha! Baka mamaya sa sobrang perfect niya e gagawin mo naman siyang fictional character sa story mo. Jusko ka!"

"Grabe ka naman! Alam mong nagsusulat ako tapos sasabihan mo pa ako ng ganito?"

"Y/N, in all honesty, first time mong makakapagsulat ng story na may character na walking green flag. Kasi sa totoo lang, kapag binabasa ko mga drafts mo, hala, naiinis ako sa mga leading man or leading lady ng main character. Paano, mga red flags?"

Napatawa ka na lang nang mahinahon nang marinig mo ang sinasabi ng kaibigan mo sa'yo, ngunit natigil iyon nang marinig niyo ang sipol ng pito, senyales na tapos na ang game at agad pumunta si Maki sa'yo upang punasan mo ng pawis gamit ang kanyang panyo.

"Ano, kamusta laro ko?" aniya habang dinadampi mo ang panyo sa kanyang noo bago mo siya sagutan.

"Maayos naman. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na ang taas pa rin ng talon mo sa volleyball at ang galing mo pa!"

"Hay naku, Y/N..." Nang matapos ay hinagod niya ang iyong buhok na siyang hudyat upang mangamatis ang iyong pisngi sa kilig na sa kanya mo lamang naramdaman, "Kaya mo ako nagustuhan, ano? Dahil ba sa magaling ako sa sports?"

"No," you answered. His soft voice soothes you in a way that you took a step forward before wrapping your hands onto his nape, "Dahil gentleman ka, mabait, matalino, soft at higit sa lahat, walking green flag."

He softly chuckled right in front of you and he's about to kiss your reddish lips when suddenly, Katrina fake coughs at the back of the two of you, "Akala niyo hindi ko kayo nakikita ni Maki, ha!"

Sa sobrang hiya ay binitawan mo na lang ang iyong mga kamay at agad kang naglabas ng ngipin sa boyfriend at sa bestfriend mo, feeling guilty about what you did to him. "Sorry. Bakit ka ba kasi nakiki-third wheel ka sa'min?"

"Wala lang," anito sa'yo. "Baka kasi wala akong jowa kaya ganito ang nangyayari."

"Katrina, huwag kang mag-alala," wika ni Maki sa iyong kaibigan habang inaakbayan ka sa kanyang balikat dahilan upang mapalingon at tuluyang magwala ang sistema mo dahil dito. "Soon enough, makakahanap ka rin. Hindi lang ngayon, pero may darating na taong mas better na magmamahal para sa'yo."

***

Sa sandaling inaalala mo ang mga happy memories ng dalawang karakter sa iyong istorya ay sumasabay din ang mga masasayang alaala niyo ni Maki, ang ex-boyfriend mo noong High School. Katulad niya, volleyball player ito at mapagmahal subalit sa likod nito'y may itinatagong sikreto na hindi nalalaman ng kahit na sino maliban sa kanyang sarili.

You found a glimpse over someone else; that even if your male character's perfectly fine, you're wishing that it was Maki who did it all over again for you to be in love.

Nang makaramdam ka ng uneasyness sa iyong sarili ay tuluyan mong pinatayan ng camera ang call at panoorin na lamang si Marcus na natutulog pa rin sa kama, pero ang hindi niya alam ay lumalandas na ang mga luhang tumatahak papunta sa iyong pisngi dahil sa susunod na dalawa pang kanta: isa kay Olivia Rodrigo, at isa kay Ysabelle.

Did he get déja vù when she's with him? Ito ang tanong na lagi mo itong nasasambit noon pagkatapos mong malaman na may ibang mahal ang kinakasama mo sa terminal kung saan ka sasakay. You remembered one time that when you're waiting for the van to come out, naririnig mong nag-uusap sina Maki at ang bago niyang babae sa tapat ng silid kung saan ka nakatayo, at ang mas masakit ay muntik-muntikan niya nang tawagin ang pangalan niya gamit ang pangalan mo na siyang pinagtaka niya.

"Y/N? Sinong Y/N?" rinig mong tanong ng babae kay Maki habang sila'y humihinto sa kinatatayuang mga bar sa likuran nito. Pinapanood mo siyang nagtaka habang kausap niya ang magandang babaeng mas matangkad nang kaunti sa kanya, payat, may kulay na buhok at mukhang galante: something that you're not capable of.

At ang mas masakit pa nito'y sinagot niya ang tanong ng babae: "Si Y/N? Hayun, 'yung taong kinukwento ko sa'yo. 'Yung palaging pinapampusta ng mga tropa ko."

His answer unexpectedly crushed your heart into pieces after he answered that he was only just his type. Na kaya ka minahal ni Maki ay dahil sa ginawa ka lang niya bilang target sa pustahan.

Napakasakit nito para sa'yo sapagkat minsan ka lang nagmahal sa isang taong katulad niya... tapos ganito ang mangyayari?

Maki's so perfect in your eyes.

That's what you thought about him.

Not until you found out that it was all for a bet. You thought that he's a green flag, but no. He has rose-colored stains all over his soul that influences you to be blinded by love.

He's absolutely an actor... and you hate to think that you're just his type.

The last song came. And you suddenly have the guts to end your call with Marcus because of the pain you felt a long time ago. You're still weeping, reminiscing the fact that your ex was making a fool upon you pero pinili mo pa rin na magseryoso alang-alang sa relasyon niyong dalawa.

Sa paniniwala mo, lahat titiisin mo alang-alang sa pag-iibigan niyong dalawa, pero paano kapag napagod ka na? Habang ika'y lumuluha sa mga kantang nagpapaalala sa'yo ay sumasabay na rin sa ritmo ng tugtugin ang linyang nagpasapo sa iyong emosyon:

"You wore them more with her, I knew and I was scared, I let myself fall deeper but I was prepared."

You recalled when Maki explained his side and admitted the truth, and that one...

"Oo, inaamin ko. I'm so madly in love with Aesira. I'm so sorry."

...pained you the most. At least nalaman mo na ang pagkakamaling nagawa niya sa'yo, pero sa pagkakataong ito ay hindi mo na kinaya pa.

Tinapos mo na. You don't need more signs because you knew that you deserve better more than him.

Your last line before walking away is so powerful, he himself left speechless because of this: "Alam mo, dapat pa lang hindi ko na binigay ang mga tula na sinulat ko para sa'yo. I will let you go, but please... you should be with her because I can't compete over someone like me. Thank you for writing our story together. At least... we have a painful epilogue, right? I'd rather be slow dancing in the dark alone than sharing it with you all along when in fact, you didn't care about me after all."

- END -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top