epilogue / inggo

FEELING ni Inggo naging child of divorce siya no'ng nag-break si Migo at Jiya.

It was the worst three years of his life.

Never did he think na magb-break ang dalawang 'yon. Akala niya nga mauuna pa siyang mag-fuck up with Rinn kaysa kay Migo na ang tagal-tagal nang ka-relasyon si Jiya.

Pero nasasakal na si Jiya. Desperate na si Migo. They were both ruining themselves and each other.

Ang sakit lang marinig si Migo kakaiyak at makita siyang walang kabuhay-buhay, parang nasiraan na talaga ng katawan at puso at utak nang wala si Jiya, at makita na parang walking corpse na lang din si Jiya sa New York na hindi nga masabi-sabi ang pangalan ni Migo out loud...Christ. Hindi alam ni Inggo kung paano niya nakaya ang maging best friend nilang dalawa without tearing himself into two.

Pero mahal niya sila, e.

Humirap lalo no'ng galit na galit si Rinn kay Jiya at sila mismong dalawa ni Inggo ang nag-aaway dahil sa pagtatanggol ni Inggo sa kaibigan.

Kaya no'ng nagbalikan sila, shutangina, kinuha na ni Inggo ang chance para mauna sa kasal kasi deserve nila 'yon, putangina.

Pero hihingi muna siya ng approval. #Respect.

"So you're asking for my blessing to propose to her," ulit ni Migo slowly, eyebrows furrowing, "pero wala akong choice kundi ibigay 'yon. Tama ba?"

May hawak kasing baril si Inggo gamit ang kamay niya tapos tinutok niya 'yon sa ulo ni Migo. "Oo."

"Bakit ka pa humingi sa 'kin, tangina ka?"

"I will always respect my girl's first man, Migo," sabi ni Inggo with a shrug. "'Tsaka ikaw ang maglalakad sa kanya sa aisle, 'di ba, bago ka tumabi sa 'kin as best man?"

"Oo. Putangina mo, oo na, sige na. Tanggalin mo na 'yang baril, tangina, 'di ako sure kung tamang desisyon na magiging bayaw kita pero pinagkakatiwalaan na kita kay Mau. Alagaan mo 'yon, inutil ka!"

Not a second with Rinn is taken for granted. Nakita ni Inggo kung paano nadurog si Jiya at si Migo sa paghihiwalay nila at nangako siya sa sarili niya at kay Rinn no'ng tulog siya that if there's an ending point to their love, it would be when they're both six feet under and not a second before.

Doctor na siya. Accomplished journalist si Rinn. May bahay na sila together. He wakes up beside her and goes to sleep beside her and loves her and is loved by her in all the seconds in between.

Wala na siyang ibang kailangan kundi ang maging asawa na niya at mag-start na ng pamilya nila.

Medyo tinopak lang siya nang malaman niya na buntis na si Rinn a week before their wedding. Binigyan siya ng fiancé niya ng baby shoes, then she said, "May nag-first place na sa swim team mo."

Inggo looked at her, shocked, and asked na parang tanga, "Pa'no 'to nangyari?"

She laughed and said, "You were there, Inggo."

Oo nga naman, he was there. He was really, really there.

Tumitig lang siya sa wall for twenty minutes. Tapos nakipag-handshake with Rinn bago siya umiyak.

Shhhhhhhhh.

Ibabalik niya na lang sa tiyan ni Rinn kung kamukha ni Migo kasi halos masakal niya si gago when he refuses to let go of Rinn's hand during the part where he gives her away na nakipag-agawan pa sila ni Inggo sa altar. Tapos he cleared his throat pa no'ng nagtanong ang officiant kung may objections ba. Bwisit.

But he will not deny it—masaya si Inggo na bayaw niya si Migo. Susunod na sila and Jiya makes sure of it.

Nagtanggal siya ng sapatos, nasa may harap talaga ng mga babaeng naka-gather para sa bouquet throwing ni Rinn.

Natatawa si Migo sa tabi ni Inggo. "Kunin mo 'yan, baby!" sigaw niya.

Nang itapon ni Rinn ang bouquet nang nakatalikod, ibang babae ang nakakuha.

Pero inagaw ni Jiya with a matching hair flip at tinuro 'yon kay Migo. "Gagawin mo 'kong Salas, Miguel."

Sinampal-sampal si Migo sa likod niya while he laughs and grins.

Rinn walks over to Inggo with a smile that melts his bones. "Hi," she whispers, leaning up to kiss him.

Inggo smiles in her mouth, his tux brushing her dress. He slides his hand to her nape and presses his words to her ear. "Hi, Mrs. de Paz."

And Inggo will never get tired of Rinn looking at him like if he's not with her, it's not where she wants to be.

If she's not with him, it's not where he wants to be, either.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top