23 / inggo

PUTANGINANG special friends 'yan.

Mayro'n na bang na-special friend-zoned na ganito? Survey lang naman.

Ito kasi 'yon. Okay lang naman kay Inggo. Gets niya naman na may apprehensions si Rinn, at gets niya yung mga apprehensions na 'yon. Intindi niya, kasi siya ang may gawa n'on, e. May reputation siya, may mga kasalanan siya kay Rinn, kailangan niya pang i-prove na hindi na siya aalis...gets. #SelfAwareness.

Pero putangina??? SPECIAL FRIENDS???

Barney & Friends 'yan, ampota. E 'di shing.

Well. Ito gusto ni Rinn. Wala siyang magagawa until his first year of medical school is over. Sapat na 'yon na time para patunayan sa kanya na sigurado na si Inggo.

Christ. Hindi niya alam na pwede siyang makaramdam ng ganito. Gets na niya kung bakit wala nang lumabas sa bibig ni Migo kundi "Valle", "Valle", "Putangina", at "Valle".

Nakakatakot. 'Di alam ni Inggo ginagawa niya. Sa putanginang special friends pa nga lang, hindi pa sila, nase-stress na si Inggo, kaya siguro mas okay na ganito muna sila bago siya maging isang mahiwagang boyfriend.

Uy. Inggo de Paz, boyfriend. HAHAHAHAHA.

Pota.

Putanginang kinginang nakakatakot 'yan, mas nakakatakot pa sa nasilipan ni Inggo na pubic hair ni Migo—

"'Tol," sabi ni Cas, handing him a glass.

Inggo wrinkles his nose at the shot and puts it down. "Ano?"

"Makakaahon na 'ko sa kahirapan sa 'yo. Tingnan mo 'to." Pinakitaan siya ng phone ni Cas, snickering. "May 130 orders na 'ko sa Google Form ng preorders."

Inggo furrows his eyebrows.

INGGO DE PAZ GRAD PICS PREORDER FORM
Disclaimer: walang actual na Inggo de Paz na kasama, sorry

"Putangina ka, boy!" Inggo smacks his head. "The fuck, puta ka, benta ko kaya yung sa 'yo?!"

"Papagalitan ka ni Addie. Susuntukin ako ni Jiya kung si Migs. Si Buenca, may kalandian na, baka ma-turn off daw."

"Tanginang 'yan, bentahan na parang isda sa tindahan ng mga single?"

Okay, technically, single pa rin siya para sa mga kaibigan niya. Sa kanila na lang ni Rinn na may exclusive special friends agreement sila.

"Bro, ibebenta ko sa Ateneo Trade 'tsaka sa University Trade, makakapag-provide na 'ko para sa pamilya namin ni Addie." Cas grabs him in a hug. "Maraming salamat."

"Tulungan kita, pengeng commission, kailangan ko rin para sa kabuhayan namin ni Valle," singit ni Migo, natatawa sa Google Form responses. "Potanginang 'yan, 130?! Ampota, may discount 'pag galing na sa kwarto, Burgundy 501! HAHAHA!"

"'Tol, may group order option pa 'yan, 'tsaka kung toga, corporate, o casual," Anton adds, snickering, sitting beside Inggo.

Inggo slaps his forehead. Putanginang mga kaibigan niya na 'to. "Peste, akin na copies n'yo." Nag-angat ng tingin si Inggo sa dance floor, pero 'di na niya makita yung girls. Kinabahan siya. "Huy, putangina, where are the girls?"

Napatingin tuloy si Migo 'tsaka si Anton.

"Dito." Cas tips his chin sa may left ng dance floor. "Kita ko sila."

Protocol kasi nilang mga lalaki, 'pag nasa bar sila o club o kung ano man, kailangan nila bantayan 'yang mga babae nilang tropa. Baka kung ano mangyari sa kanila—parang kay Rinn.

Pota. Umiinit dugo ni Inggo 'pag naiisip niya 'yon.

Bantay nila kahit drinks nila 'tsaka yung mga nakikisayaw na lalaki. Okay lang naman kung gusto rin nila (ni Van, actually, kasi siya lang ang single), pero kung hindi, aba, pota. Tatayo na 'tong apat.

Pero gusto na niyang umuwiiiiii.

Joke. Gusto na niyang puntahan si Rinn. Ilang araw na rin silang hindi nagkikita kasi tuloy-tuloy ang schedule nila sa finals. 'Pag uwi niya galing his last exam, d-in-rag na siya ng mga kaibigan nila dito sa BGC para mag-celebrate.

Single Inggo would've been super g. Siya pa nga mismo magyayaya. Pero special friend Inggo was not happy.

Still isn't.

Nilabas niya phone niya at t-in-ext si Rinn.

whats up

Minsan...minsan, bobo talaga 'tong si Inggo.

Pero 'di niya rin kasi alam ang sasabihin, kinakabahan siya.

He feels his mouth curving nang mabilis na mabasa ni Rinn 'yon.

Rinn: hi, kuya inggo :) im out for dinner w a friend.

The hell.

anong friend

Rinn: w/ chris. sa shakeys.

Aba. Aba, putangina.

the fuck. ok.

Binagsak ni Inggo glass niya sa table. Nagulat mga kaibigan niya.

Tanginang 'yan. 'Di naman dapat sasama dito si Inggo kung 'di lang namilit mga kaibigan niya. Tapos na kasi sila sa finals, grad na lang. Pota, e 'di kasama niya sana si Rinn.

"Pota," sabi ni Migo. "Ano, may plans na yung plans mo?"

Natawa si Anton 'tsaka si Cas. "May listahan tayo ng backups para sa 'yo, bro. Nang-iwan ng numbers," sabi ni Cas.

"O kung gusto mo mas convenient, may lalapit na," sabi ni Anton, tipping his glass towards the two girls na papunta sa kanila.

"Bye." Tumayo si Migo. "Ayokong makipag-bardagulan si Valle dito."

"Hoy, gago—" Inggo starts to say, protesting, pero tumalikod na siya.

"'Tsaka si Addie. Bye." Umalis si Cas with him.

Anton slaps Inggo's shoulder with a grin, standing up. "Bro, sorry. Sasamahan kita kung wala lang akong kausap, pero kaya mo na 'yang dalawa. Reward mo sa thesis mo."

Putangina.

Ang pahamak talaga ng buhay fuckboy, 'no?

Kanina pa siya pinagtitinginan, trying to catch his eye. Gano'n mag-scope si Inggo noon, naghahanap ng interesado enough to flirt with him from across the floor or from the bar, tapos lalapitan siya o lalapitan niya.

E walang tinitingnan si Inggo. At all. Wala naman dito yung gusto niyang tingnan.

Tapos ngayon, naglakas-loob 'tong dalawa na puntahan siya, tapos lumayas pa 'tong mga traydor niyang kaibigan.

He admires the courage. He does. He'd be down if this was Inggo before Rinn.

"Hi," sabi n'ong isa, smiling at him flirtatiously. "Mind if we sit?"

Inggo sighs. Ayaw niya maging rude. "No."

Tumabi sa kanya on either side ang dalawa just as his phone buzzes.

Rinn: ilugar mo pagseselos mo, kuya inggo :)

ok. nagseselos ako, bgc.

"What's your name?" tanong n'ong isa, mas lalo pang lumapit sa kanya.

"You're Inggo de Paz, right?" sabi n'ong nasa kanan niya.

"Yeah." He knocks back his soda with one gulp, watching his screen for Rinn's reply.

Pero binasa niya lang.

Nainis lalo si Inggo.

o ano

Rinn: what?

nilugar ko na. uuwi ka ba o hinde

Rinn: kuya inggo, ure celebrating with ur friends din diba? im celebrating din after our philo orals.

Saktong pagkabasa niya n'on, naramdaman niya na may kamay sa thigh niya at isa sa shoulder niya, creeping up to his face.

Ugh. Kadiri.

Bago pa siya halikan, Inggo stands up, cringing. "Sorry, girls."

He brushes past the people to head outside para makatakas, taking out his cigarettes. He bites the stick between his teeth and lights it.

Nakatatlong sigarilyo si Inggo bago siya pumasok ulit, pero sana hindi na lang. Nakakainis panoorin si Migo with his hands on Jiya's hips while she grinds on him, o kaya si Cas at si Addie na mukhang tangang nagro-robot moves sa dance floor.

Ang tagal bago sila pumayag umuwi. Three AM na. Bwisit na si Inggo, baka tulog na si Rinn.

Ayaw niyang i-text, nagtatampo siya.

"Ikaw palagi ayaw umuwi no'n, anyare sa 'yo?" Migo slurs with a laugh from the backseat. Nakaupo sa lap niya si Jiya. Putangina. Dami-daming space sa likod, kailangan sa lap nakaupo? Pukengina. "Napagod ka sa dalawa sa banyo?"

"O sa labas n'yo ginawa?" tanong ni Anton sa tabi niya sa kotse, natatawa.

Pre-Rinn Inggo would've been happy to wink and say, "Basta. 'Wag n'yo na alamin."

Or pre-Rinn Inggo would've stayed pa sa club to drink himself stupid. Hindi siya ang nagiging designated driver ng mga kaibigan niya, pero ano siya ngayon?

Designated driver na masungit, 'di na nga nagsasalita. Putangina.

"Leave him alone," sabi ni Jiya, clicking her tongue. "Inggo doesn't ask us shit about our sex lives, so shut up kayong dalawa."

"Kasi narinig niya na—" sinumulan sabihin ni Migo, pero sinarado niya bibig niya sa tingin ng girlfriend niya. "Ehem."

Inggo blows Jiya a kiss sa rearview mirror. Migo turns her head para sa cheek lang mapunta yung kiss.

Pagkahatid sa kanila sa bahay ni Ji at ni Anton, Inggo drives to Blue with one hand on the wheel and the other with a stick between his fingers, elbow resting on the window ledge.

Tama siya na tulog na si Rinn. Walang sumagot sa doorbell niya.

Inggo sighs and calls her, leaning his arm against the door. He just wants to see her, tapos uuwi na siya.

"Hello?" Rinn whispers, voice heavy with sleep.

"Hi, Rinn," Inggo whispers back. "Can you open the door? I'm outside."

Natahimik siya nang ilang segundo. "Outside?" she croaks, and Inggo hears her moving. "Outside where?"

He bites his lip and smiles. "Your unit, saan pa?"

Binilisan ni Rinn gumalaw. His smile widens to a grin. Hehe.

When she opens the door, her eyes go wide, like she really can't believe he's here. Nagtaas pa siya ng kamay para hawakan ang shirt niya. "Kuya Inggo," she breathes.

Minsan—hindi, laging nagugulat si Inggo sa mga kayang gawin ni Rinn sa kanya.

He's supposed to be annoyed she went out to dinner with some gago, but he can't help but laugh again as he steps forward and hugs her, bringing his arms around her small body. Rinn's hands hesitantly go to his waist, and Inggo breathes in her scent, nosing her neck. Hay.

"You smell good," Inggo whispers, barely keeping himself from kissing her.

"You smell like alcohol and cigarettes," Rinn whispers back. "Wait, are you really here?"

Inggo frowns, stepping back. She looks confused and dumbfounded.

He takes her hand and puts it on his chest. "O. Ayan. Ba't gulat na gulat ka?"

Her fingers spread themselves over the fabric of his shirt. Inggo bites his lip to keep from groaning. "Well," Rinn starts, cocking her head to the side, still touching him, "galing ka sa party. Where there's girls."

"Ah, yeah. Tumabi dalawa sa 'kin and put their hands on me. One tried to kiss me."

Rinn's hand drops.

Inggo blinks. "What?"

"Wala." She smiles at him. "'Di naman tayo, so it's not my business."

Uh. Uh?

"So 'di ko rin business na you went out to have dinner with another guy? Tapos 'di mo sinabi?" tanong ni Inggo, honestly confused. 'Di siya sure ano ba protocol sa special friends na ganap nila. Puta.

"Just like it's not my business na you're selling your grad pics."

Shit. "Si Cas 'yon. I didn't even know."

"Well, I did. My friends did. Nag-group order pa sila."

Inggo blinks. Isa lang ang gusto niya malaman. "Kasama ka do'n?"

"Oh my God." She steps back to close the door in his face. "Goodnight, Kuya Inggo."

Inggo pulls out his wallet, takes out the three copies he saved for her (isang toga, isang casual, isang corporate), and slides them under the door. "Rinn, 'di mo kailangan mag-order. Ikaw lang naman bibigyan ko. Don't worry, Cas will close the Google Form."

"Ba't mo naman in-a-assume na gugustuhin ko nito?" Rinn snaps at the same time she grabs the photos off the floor. "Your face is stupid."

Inggo grins. "You like my stupid face, you came all over it."

O, 'di ba, binuksan niya yung pinto.

Rinn looks scandalized.

Bakit? Totoo naman.

"KUYA INGGO, OH MY GOD."

"Let's get Shakey's," sabi niya, kissing the top of her head habang sinapak-sapak siya ni Rinn.

Hindi pa sila, pero may karapatan si Inggo magselos.

Practice lang.

*

from: DOMINGO JASMIN DE PAZ <[email protected]>

to: MAUREEN SALAS <[email protected]>

Good day, Ms. Salas!

Attached in this email are the soft copies and raw photos of my graduation pictures for my special friend.

I accept any and/or all of the following responses listed below. The last, however, is required.

1. (♡ヮ♡)

2. (っˆڡˆς)

3. (✿˶˘ ³˘)~♡

4. 25 pictures of you

Have a great day!

Warm regards,
Domingo Jasmin C. de Paz
BS Chemistry
[email protected]

[Attachment: 25 files]

*

from: MAUREEN SALAS <[email protected]>

to: DOMINGO JASMIN DE PAZ <[email protected]>

Good day, Mr. de Paz!

Your email was received. Thank you so much.

As requested, for my special friend:

(♡ヮ♡) (っˆڡˆς) (✿˶˘ ³˘)~♡

Attached also are my 25 pictures. Have a great day as well!

Warm regards,
Maureen E. Salas
AB Communication
[email protected]

[Attachment: 25 files]

*

from: DOMINGO JASMIN DE PAZ <[email protected]>

to: MAUREEN SALAS <[email protected]>

Received, Ms. Salas. These files are much appreciated, thank you.

(♡ヮ♡) (っˆڡˆς) (✿˶˘ ³˘)~♡

Warm regards,
Domingo Jasmin C. de Paz
BS Chemistry
[email protected]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top