4 | Pagsalakay [1]


Isang malakas na palahaw ang bumalot sa buong paligid. Sa lakas, halos masira na ang pandinig ng bawat isa na naroon. Sapat na ang uri ng hiyaw na iyon para malaman nila kung gaano kasakit ang dinanas ng may-ari ng tinig.

Ang ikinagulat nila, galing ang tinig kay Feng Du.  Nakatalikod ito sa kanila kaya hindi nila alam kung ano ang nangyari. Nakita na lamang nila ang panginginig ng katawan nito saka unti-unting bumagsak patalikod. 

"Feng Du!"

Kasabay ng nahintakutang sigaw ni Jie Lou, bumagsak sa lupa si Feng Du. Nanginginig ang ang kamay nito habang hawak ang ari at nagumpisang mamilipit sa sakit sa lupa. Doon lamang napagtanto ng lahat ang nangyari.

Sinipa ni Yunxiao ang iniingatang yaman ni Feng Du.

Kita ang gulat at takot sa mata ng mga naroon, walang magawa si Yunxiao kung hindi umakto na parang walang kasalanan. "Nakita niyo ang lahat. Sumugod siya sa akin. Wala akong ginawa. Itinaas ko lamang ang kanang tuhod ko. Sino magaakalang sasalubungin niya 'to? Ang malas."

"Katapusan ko na!" pagulong-gulong na sabi ni Feng Du habang sapo pa rin ang kanyang ari na may bahid ng dugo. "Patayin mo siya, Jie Lou, patayin mo!"

Galit na napakuyom ng palad si Jie Lou. "Yunxiao, napakasama mo. Talagang gumamit ka ng nakakahiyang paraan para labanan ang kamag-aral mo."

"May hangganan ang pagkakaroon ng kapal ng mukha," kibit-balikat na sagot ni Yunxiao. "Nakita ng lahat, siya ang sumugod. Marami ang makakapagpatunay niyon sa akin."

Napatiim-bagang na lamang si Jie Lou. Kahit siya, wala siyang nakitang mali. Pero alam niyang may mali. Nakapagtataka na bigla na lamang bumulagta si Feng Du.

"Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi ka makakawala," galit na wika ni Jie Lou. "Ngayong araw, sisirain ko ang iyong pagkalalaki at lulumpuhin ko ang iyong mga binti. Ipaghihigante ko si Feng Du!"

Kumislap ang kanyang katawan nang sumugod siya. Gayunpaman, marahil may bahagyang takot, hindi siya lumusob sa harap katulad ng ginawa ni Feng Du, kung hindi sa gilid at saka pinakawalan ang kanyang kamao. Dinig ang pagpunit ng suntok na may lakas ng isang libong kati sa hangin.

"Ang lakas! Hindi ako makapaniwala na isa lamang siyang nakakatandang mag-aaral ng pakikidigma. Katapusan na ng lalaking 'yon."

"Kailangan mong malampasan ang mabalakid na ika-limang chakra bago marating ang ika-pitong chakra. Kapag nagawa mo na iyon, isa ka nang maituturing na nakakatandang mag-aaral ng pakikidigma. Ilan naman kaya ang chakra na nabuksan ng lalaki?"

"Batay sa suntok niya na may lakas na mahigit isang libong kati, sa tingin ko kakabukas pa lamang niya ng ika-limang chakra. Pero sapat na iyon para pahirapan ang binata."

"Yunxiao, umiwas ka!" tarantang hiyaw ni Bai Han. Nagpakawala siya ng suntok para tulungan ang kaibigan. Bagaman wala siyang panama kay Jie Lou, maaari lamang na mabali ang kanyang buto sa suntok nito. Pero sa isang taong kasing hina ni Yunxiao, tiyak ang kamatayan nito.

Clang!

Hinawakan ni Yunxiao ang puluhan ng itim na espadang bakal na nakabaon sa lupa at saka ito inangat at tinutok paharap kay Jie Lou. Pero napakabigat ng espada para sa kanya dahilan para magmukha siyang nahihirapan at mabuwal anumang oras kung sakaling humangin ng malakas.

Bam!

Isang dagundong ang kumawala nang tumama ang suntok ni Jie Lou sa mismong matalim na bahagi ng espada.

"Huwag! Pakiusap! Huwag! Nagkamali ako! Patawarin mo ako, munting panginoong Yun."

Isang matinis na sigaw ang namayani sa paligid. Nakita nang lahat si Jie Lou na nakatakip ang kaliwang palad sa kanang kamao nito na may dumadaloy na dugo. 'Di matawarang sakit ang kanyang nararamdaman mula sa kanang kamay. Ang mas ikinatakot niya, naputol ang kanyang mga daliri mula sa salpukan.

Napahinto sa gitna ng paglusob si Bai Han. Natigagal maging siya.

"Anong nangyari?"

Sa pagkakatong iyon, alam maging ng mga tanga na may kung anuman na mali.

"Ano ang nangyayari? Sa tingin ba niya mananalo ang kanyang laman sa talim ng espada dahil isa siyang mandirigma na may Yuan Qi?"

"Paanong nagkaroon ng ganyang katanga sa mundo? At sa tingin ko may kung anuman na mali sa lalaki na may espada!"

"Sa tingin ko din. Pero tiyak na walang Yuan Qi ang binatang 'yon. Tingnan mo, mukha siyang pagod kahit paghawak lang ng espada. At saka, nakita ko na si Jie Lou mismo ang sumuntok sa talim ng espada."

"Oo, katulad ng naunang lalaki. Nakapagtataka."

Namamanghang nagusap-usap ang mga nanood. Hindi nila makita ang hiwaga sa likod ng pangyayari. Bagaman wala na ang dating lakas ni Yunxiao, maroon pa rin siyang pambihirang mata ng isang Pinakadakilang Mandirigma na minsang nakatayo sa tuktok ng Pang-siyam na Kalangitang Estado. Tinantiya niya lamang ang oras ng suntok ni Jie Lou at saka itinutok ang espada sa kamao nito kung kailan hindi na kaya nitong umiwas.

"Hmph! Kung hindi ko kayang harapin ang kahit isang simpleng mandirigmang mag-aaral, mas mabuti pang patayin ko na lang sarili ko," malamig na singhal niya habang bitbit ang espada sa balikat at saka lumakad palapit kay Jie Lou. "Dahil ang lakas ng loob mong sugurin ang mga kaibigan ko, pipilayin ko ang iyong magkaparehong kamao!" Malakas na hinataw niya ang espada pababa.

Nakaramdam ng panganib si Jie Lou. Bagaman mabagal, nasindak siya nang malaman na alam ng espada ang kanyang kahinaan at daan para makatakas. Tila ba na kusa niyang ipinaalam ang kahinaan at humiga sa sangkalan— naghihintay na lamang na katayin. Ngayon lang siya nakaramdam ng kahinaan, hindi niya naramdaman iyon kahit pa sa harap ng mga mandirigma sa Panimulang Estado!

"Huwag! Pakiusap! Huwag! Nagkamali ako! Patawarin mo ako, munting panginoong Yun."

Humataw ng husto ang espada sa kaliwang kamao nito, dahilan para bumulwak ang ga-ulap na dugo. Ngayon, nababalot sa dugo ang magkaparehong kamay nito.

"Gusto mo kong patayin? Haayan mo akong durugin ang iyong pagkalalaki!"

"Huwag! Pakiusap! Huwag! Nagkamali ako! Patawarin mo ako, munting panginoong Yun."

BAM!



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top