Walo


Veron

"You may now go to your perspective groups", utos ni ma'am Semil sa amin sa subject niyang World Religion. Katatapos lang namin magbilangan ng 1 to 6 kaya masaya kong nilingon si Pat habang umaasang kapareho ko siya ng group number na 3. Siya lang ang kaibigan ko sa loob ng room. Minsan, kapag nahihiwalay ako sa kanya, pakiramdam ko, mag-isa lang ako.

"Pat!" masigla kong tawag sa kanya pero di niya ako pinansin. Parang wala lang siya narinig hanggang sa may nangalabit sa braso ko. Si Melanie pala kasama si Tiff. Tiningnan ko ulit si Pat pero ang saya-saya niya sa mga kaklase namin. Nakakalungkot lang na kabaligtaran ko siya. Kung ano'ng pagiging palakaibigan niya, siya namang pagiging malayo ko sa mga tao.

"Number 3 ka di ba?" tanong ni Melanie sa'kin. Si Tiff ay katabi niya habang nagseselpon at pangiti-ngiti sa kausap do'n. May ka-chat yata siya.

Nilingon ko ulit si Pat. Naghahalakhakan na sila ngayon. Mga kagrupo niya rin yata mga katawanan niya.

"Hayaan mo na si Pat diyan", rinig kong sabi ni Melanie. "Saka kahit kanino mo idikit yan, magiging kaibigan niya, di ba?"

Pinariringgan niya siguro ako dahil alam din nilang mahilig ako dumistansiya sa kanila. Alam kong mag-bestfriend sila ni Tiff. Nakakatuwa lang. Silang mag-bestfriend ay magkasama. Kami ni Pat, hindi.

"Sa bahay tayo nina Tiff mamaya pagkauwian. Doon natin gawin sa kanila. Ano g ba?" Nakakagulat naman. Sabi ni ma'am sa sunod na linggo pa naman daw ang pasahan. Marami pa kaming araw pero baka iniisip nilang mas maaga matapos, mas maganda kaya tumango na lang ako. "Sige. . pero puwede ba ako sa kanila?"

Baka kasi mamaya, bawal pala ako sa bahay nina Tiff. Alam kong may kaya sila at baka nakakahiya.

"Oo naman, di ba Tiff?" Siniko niya siya. Saka lang din ihininto ni Tiff ang pagseselpon nang sikuhin siya ni Melanie. Nawala ang ngiti sa labi ni Tiff at tumangu-tango rin. "Oo naman. Ano ka ba, ako lang 'to."

Hindi maganda pakiramdam ko sa kanila pero dahil groupings naman 'to, sige na. Bahala na.

"Sabay-sabay na tayo a. May inaasikaso lang ako", paalam ni Tiff habang ngumingiti pa rin sa kanyang selpon.

Tumunog na ang bell na ang ibig sabihin ay uwian na. Wala na rin si ma'am sa harap kaya nagkakagulo na ang iba. Nilapitan ko ulit si Pat. Nag-aayos na siya ng gamit para sa uwian. "Sabay na tayo labas, Pat", masaya kong sabi sa kanya pero parang wala siyang naririnig.

"Gagawin na namin pinapagawa ni ma'am," cold niyang sagot sa'kin. Di man lang niya ako magawang tapunan ng tingin. Isa-isa niyang nilalagay sa loob ng bag ang mga notbok at bolpen. Nakatayo lang ako sa harap niya. Ang sakit naman. Dati, ako ang hinihintay niyang umuwi at nagmamadali pa pero ngayon, mukhang ayaw na niya sa'kin. Hihintayin ko na lang siyang makalabas at iwan ako kaysa siya ang iwan ko.

Pagkaligpit ay di niya pa rin ako tinitingnan at kinakausap. "Tara na!" aya niya sa mga kasama niya kaninang nagtatawanan. Ang sasaya nilang tingnan. Tapos ako--

Si Pat lang ang kaibigan ko sa room na 'to. Si Carl ay sa ibang section 'yon pero wala akong magawa kundi sundan na lang siya ng tingin kasama ng mga kaklase namin.

"Hayaan mo na siya", sabi ng isang boses sa gilid ko. Si Melanie pala ulit. Ikinawit niya ang kamay niya sa braso ko at hinila na ako palabas. Hindi naman kami magkaibigan para hawakan niya ako pero baka ganito lang ginagawa ng mga pala-kaibigang tao.

"Let's go sa bahay ni Tiff!" masigla niyang itinaas ang kamay sa hangin. Nilingon ko naman si Tiff. Busy pa rin siya sa kaka-selpon. May pangiti-ngiti pa siyang nagagawa. Hindi ko rin alam ba't ako kinakabahan.

PAGKARATING namin sa bahay nina Tiff ay namangha ako sa ganda nito. Ang linis ng bahay nila, dalawang floor lang din kagaya ng sa amin pero ang kanila, may maliit na swimming pool sa harap at sa magkabilang gilid ng pool ay may mga malalaking halaman. May isang mesa at dalawang upuan pa sa tabi ng pool. Ayun yata 'yong tambayan.

Binuksan na ni Tiff ang pinto ng kuwarto niya. Pagkabukas ay lalo akong namangha. Kulay pink ang background ng dingding niya, tiles ang sahig na kinulayan ng itim at puti, may mga nakatabing kompyuter at laptop sa gilid. Malalaki rin ang stuff toys na nakapatong sa ibabaw ng mesa at kama niya.

"Ganda 'no?" tanong ni Melanie sa'kin.

"Oo nga. Ang ganda".

Isinara na ni Tiff ang pinto. Ako naman ay binubusog ko ang mga mata sa mga nakikita ko. Walang-wala ito sa bahay namin. Mahal na mahal siguro si Tiff ng mga magulang niya at ibinibigay ang mga gusto niya. Ang hawak niyang cellphone, kung di ako nagkakamali, 'yon ay isang iphone na nagkakahalaga ng libu-libo, libu-libong siguro pang-isang taon ko nang panggastos.

Humiga si Melanie sa kama ni Tiff. Si Tiff naman ay wala pa rin tigil kaka-selpon. Ngumingiti-ngiti pa rin siya sa screen ng cellphone niya. Baka kausap niya boyfriend niya kung meron man.

Napadako ang mga mata ko sa sandals na nakapatong sa ibabaw ng upuan katabi ng kama niya. Naaalala ko ang ganitong sandals. Ganitong sandals ang nakita ko sa banyo ng bar na yon. Banyong may nag-se-sex at malas ko pa talaga noon. Naalala ko na naman pero madami naman may sandals na kapareho ng kay Tiff.

"Tiff, kumusta yang kausap mo?" tanong ni Melanie sa kanya. Ako ay kunwaring tumitingin-tingin lang sa mga gamit ni Tiff. Mukhang mamahalin kasi ang mga gamit niya. Nakakainggit lang.

Lumapit si Tiff sa kaibigan. Nagtabi sila sa kama at kita ko pang ipinakita ni Tiff ang cellphone kay Melanie tapos sabay silang nagngitian. Hindi naman ito yong uri ng ngiting kinikilig. Ito yong uri ng mga ngitian ng mga taong may nagawang achievement pero ngayon, parang ibang klaseng achievement e. Yong gano'n. Tumatayo ang balahibo ko sa lugar na 'to. Dapat di na lang ako sumama.

"Veron, lika!" Tinatawag na nila ako. Lalapit ba ako o tatakbo na lang pauwi? Lumunok muna ako bago nilapitan sila sa kama at umupo katabi ni Tiff.

"Di ba mahilig ka rumaket?" tanong ni Tiff. "Kung sa'n may mapagkakakitaan, do'n ka di ba?"

Hindi ako makasagot. Sabi na nga ba hindi ito tama. May mali sa nangyayari. "Oo," tipid na sagot ko. "Bakit?"

Alam nga pala nilang rumaraket ako kung saan may pera: paglalabada, pag-aalaga ng anak ng iba, pagbantay sa computer shop at katulong sa pagtitinda ng grocery store, 'yon ang ilan sa mga ginagawa ko para magkapera.

Inabot sa'kin ni Melanie ang cellphone ni Tiff, "Tingnan mo 'to."

Nagtataka ko silang tiningnan. Sinesenyasan lang nila akong tingnan ang nasa cellphone ni Tiff kaya hinawakan ko na. Kung anuman ang nandito, ipinagdarasal ko na. Sinimulan ko nang basahin at intindihin ang nasa cellphone na 'to.

Send me your pic without clothes.

Yah, you're so sexy, baby. I like it.

How much do you want?

I already sent it to your bank account.

Nakakasuka! Hindi ko aakalaing ganito sila. Kung husgahan nila si Carl na adik kahit di nila alam ang buong nangyari, sila rin pala ay mga adik sa ibang paraan. Ibinalik ko na sa kanila ang cellphone na 'yon matapos basahin ang mga text messages ng isang foreigner na kausap ng isang tao. Naka-blurred ang mga picture na s-in-end at ang chats ng kausap ng foreigner na yon pero alam ko kay Tiff yon.

"Bakit?" nagtataka pang tanong ni Melanie.

"Yan ang dahilan kung paano ko nabibili ang mga gusto ko. Ikaw rin alam ko marami kang gustong bilhin at paggastusan". Hindi niya ako madadala sa pang-eenganyo niyang ganito.

Wala rin pala siyang pinagkaiba sa ibang tao pati na rin sa mama ko. Pare-pareho lang silang kapit sa patalim at kahit alam na mali, ginagawa pa rin mandamay ng iba. Gusto pa yata nilang ipagmalaki na ito ang ikinabubuhay nila. Nakakahiya sila!

"Wala naman problema diyan e", hirit pa ni Melanie. Bakit pa ba nila tinatangging walang problema dito? Kinokonsinte nila ang pagiging uhaw ng mga tao sa laman.

"Picture lang 'yan, 'no ka ba, Veron saka ito na uso ngayon para magka-pera", nandedemonyo pang sabi ni Tiff.

Tumayo na ako. Hindi ko na kaya 'to. Hindi porket uso ay kailangan gawin. Hindi porket ginagawa ng iba, gagawin ko na rin. May respeto ako sa sarili ko kahit pa ang nagpalaki sa'kin ay wala. Kahit pa ang mga taong 'to ay wala.

"Naiintindihan ko kung yan ang ikinabubuhay ninyo pero alam ninyong hindi yan tama, di ba?"

Nagkatinginan silang dalawa bago sumagot si Melanie. "Tama man o mali, ang mahalaga ay kumikita ka".

Tumayo na rin si Tiff hawak ang cellphone sa kamay. "Saka mama mo nga di ba, trabaho na magpagamit sa iba't ibang lalaki?" Halos mabingi ako sa sinabi niyang 'yon. Gusto ko siyang sampalin at iparamdam din sa kanya kung paano tapak-tapakan ng iba ang pagkatao ko dahil lang isa akong anak ng pokpok.

"So bakit mo pa iisipin kung tama o mali 'yon kung do'n ka naman nabubuhay?"

Wala akong lakas ng loob na isigaw ang nararamdaman ko. Sobrang baba na ng tingin ko sa sarili dahil sa mga naririnig ko galing sa mga tao. Napakaduwag kong lumaban pero hindi ako iiyak.

Hindi na ako nagsalita. Nagtatakbo na ako palabas ng kuwarto ni Tiff at ng bahay nila. Narinig ko pa ang pagtawag ni Melanie sa pangalan ko pero di na ako huminto sa pagtakbo hanggang sa makalabas nang tuluyan sa bahay nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top