Pito

Inalis ni Lily ang puting kumot sa kanyang katawan. Pinatong niya na lang ang kanang paa sa matigas at mabalbong binti ng lalaki. Ikinawit din niya ang dalawang kamay sa braso nito at sinimulang halik-halikan ang leeg. Gumalaw naman ang lalaki, inalis ang kamay niya at umupo kaya natigil siya sa ginagawa.

Umismid na lang siya't binalik na lang sa katawan ang kumot para takpan ang hubad na katawan. Tumalikod rin siya sa foreigner na katabi sa kama. Naiisip niyang ayaw na nito ang ginagawa nilang dalawa.

"I'm just thinking if--" sabi ng lalaki habang tinitingnan si Lily. Umupo na rin si Lily. Inipit niya ang kumot sa magkabilang kilikili. Tinabihan na rin niya siya at niyakap pa. Sa lahat ng naging kostumer niya, ang Amerikanong ito ang pinaka-nagustuhan niya. Bukod kasi sa mataas itong magbigay, nakakausap pa niya ito tungkol sa buhay.

"You should quit this kind of job", dugtong nito. Umirap lang si Lily. Inalis niya ang kamay sa pagkakayakap sa lalaki at humalukipkip. Sa lahat din ng kostumer niya, ito lang ang naglakas-loob na sabihan siyang umalis na sa ganitong uri ng trabaho.

"This is my only source of living. If I quit, I won't have money".

Tiningnan siya ng foreigner nang may malasakit bilang tao. "You said you have a 19-year-old daughter, right?"

"Yes and what about her?" ngunot ang noo niyang tanong. Hindi yata tamang may nakikialam na naman tungkol sa anak niya.

"Take her as a motivation to quit this kind of job, Lily. There's better opportunity for you, not a place like this".

Napatawa siya sa sinabi ng Kano. Hindi niya gusto ang mga ma-dramang tao. Anak nga niya kinaiinisan niya pag nagda-drama, ito pa kaya?

"You know". Dinuro niya ito. "I hate dramatic people. I hate you too".

Kinuha ng foreigner ang wallet na nakapatong sa mesa. Sa loob ng pitaka ay dinukot niya ang isang larawan at ipinakita kay Lily. "She's my daughter", pagpapakilala nito sa anak. Nakangiti ang dalaga sa picture, blonde at kulot ang mahaba nitong buhok na nakasuot ng school's uniform. Matangos ang ilong nito at kasingkulay ng ama.

Nang makitang nakita na rin ni Lily ang picture, itinabi na niya ulit. "I lost her because of prostitution", nakayukong pagkukuwento ng lalaki sa kanya. "She was killed in a bar by a murderer and made it look like a suicide".

Blangko ang ekspresyon ng mukhang tinaasan lang siya ng kilay ni Lily na para bang walang pakialam. "What are you trying to tell me?"

"What am I trying to say?" Sumandal sa pader ito at saka siya tiningnan. "I will return in England next Monday", dugtong ng Amerikano. Nakaramdam ng kaunting kirot sa puso si Lily pagkarinig niyon. Napatingin siya sa kama habang iniisip na trabaho niya naman talaga ito: ang parausan, pasarapan, gamitin sa kama pero iiwan din siya, iiwanan lang ng pera. Tanggap na niya 'yon.

"I can't take it anymore having sex with you while I have my own legal wife and children waiting for me", sabi pa nito. Bumaba ang tingin ni Lily sa sarili dahil sa sinabi nito. Own legal wife, samantalang siya, kailan ba naging legal? Sino nga ba siya para sa mga lalaking nakilala niya? Kung hindi pokpok, mistula pa siyang isang  kabit, isang babaing makati at taga-sira ng relasyon ng iba.

Hindi siya makapagsalita. Nag-iisip muna ng sasabihin at nang may maisip siya, ani niya sa lalaki ", Then leave. That's all everyone did to me because it's just my job, to be a sex worker. Everyone leaves me". Di niya namalayan ang sariling nagdadrama na kahit pa 'yon ang pinakaayaw niya sa mga tao.

"Lily, you chose this job." Natigilan siya sa binanggit ng lalaki. Pinili nga niya ang trabahong ito dahil dito siya kumikita. Ito na ang naging buhay niya. "Didn't you?"

"And you still have conscience with you, I know it. Besides, you have a child. Isn't it enough reason to start a new life without being a--"

Pinigil na ni Lily ang idudugtong ng lalaki. "Without being a prostitute, a paid woman, a sex worker, a woman with no respect in herself".

Nanaig ang katahimikan sa kanilang dalawa pagkatapos niyang barahin ang sasabihin nito. Tumalikod na siya. Di na niya kaya ang mga sinasabi nito sa kanya. Gusto nitong makonsensiya sa mga ginagawa niya. Dinampot na ni Lily ang mga damit na nakakalat sa sahig. Una niyang dinampot ang itim na panty katabi ng sandals niya at mabilisang isinuot, sumunod ang kulay-pulang bra na nasa paanan. Panghuling sinuot niya ay ang black fitted bodycon. Pinagpagan niya ang sariling suot. Padabog din niyang kinuha ang bag sa taas ng mesa.

Sinulyapan niya ulit ang lalaki. Dalawang linggo niya rin itong naging kliyente. Sa dalawang linggo na 'yon, hindi lang naman puro sex ang ginawa nila. Nagkakilanlan sila, nagkausap tungkol sa kanilang estado sa buhay pero mula ngayon ay pinuputol na niya ang komunikasyon sa lalaki. Para na rin sa ikabubuti ng buhay nito bilang isang padre de pamilya at asawa.

"I'm leaving", walang buhay niyang paalam. Inayos na niya ang bag na suot. Mabigat ang mga hakbang at ang totoo ay ayaw niya pang iwan ang lalaki pero kailangan. Isa lang siyang bayarang babae, pinili niya maging bayaran at pagkatapos na bayaran, kailangang iwan na rin siya. Ito ang buhay ng isang puta. No strings attached. Bawal mapalapit sa mga lalaki, bawal mahulog ang loob. Sex at pera lang ang kailangan. Kasama na rito ang dignidad at respeto sa sarili na matagal na niyang nilunok para sa pera at para makaangat sa buhay kahit papaano.

Pagkalabas ay humugot siya ng malalim na hininga. Gusto niya pang silipin sa loob ang lalaki at makapagpaalam man lang nang maayos pero para saan pa ba kapag ginawa niya iyon. Naglakad na siya palayo sa pinto na 'yon. Sana rin sa paglakad niya palayo, hindi lang ang foreigner ang maiwan kundi ang pandidiri rin sa sariling laman at katawan.

HINIHINGAL na ibinaba ni Carl ang basket ng mga prutas at gulay sa harap ng puwesto ng isang tindera. "Ito na po, ma'am", magalang niyang sabi. Pinunasan niya ang tumatagaktak na pawis galing sa noo at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.

"Bili na kayo!"

Maririnig sa paligid ang iba't ibang sigaw ng mga tindera para lapitan ng mga kostumer na dumadaan. Maaamoy ang mga sariwang isda kaliwa't kanan. Nagkalat din ang mga prutas at gulay na ibinebenta.

"Ay teka, sandali ah," paalam ng tindera sa kanya kasi may mga bumibili pa. May mga tatay, may mga nanay pero karamihan ay mga nanay. Dala ng mga 'to ang mga supot na iuuwi at lulutin pagdating sa kanya-kanyang bahay.

Hinintay niya na lang matapos siya sa pag-aasikaso ng mga nagtitinda para mabayaran na. Tinanaw niya sa malayo ang mga dumadaang tao. Noong nabubuhay pa ang kanyang ama, kasa-kasama siya nito mamalengke ng iuulam. Tinuruan pa siya nito paano kumilatis kung sariwa o hindi ang mga isda. Pati ang pagtawad ay natutunan niya rin sa kanya.

Pagkatingin niya sa di kalayuan, sa kasunod na tindahan ay nakatayo ang isang pigura ng lalaking mukhang kilala niya. Tinitingnan-tingnan niya ito pero nakatalikod ang lalaki kaya di niya gaanong makilala kung siya nga ba ito.

"Ito hijo o", iniaabot na pala ng ginang ang bayad sa kanya. Singkuwenta na rin at pangdagdag pa sa gastusin niya sa eskuwela. Malaking tulong na rin ito lalo na magko-kolehiyo na rin siya, sila ni Veron.

"Salamat po, nay". Magalang siyang ngumiti sa matanda at tinanggap ang pera. Ibinulsa niya agad ito. Hinanap ng mga mata niya ang lalaki kanina. Nakatayo pa rin ito sa puwesto kung saan niya nakita kanina.

"Aloy!" tawag niya rito. Tumingin sa  gawi niya ang lalaki pero hindi agad siya nito nakilala. Nangunot muna ang noo nito bago nahitsurahan kung sino ba siya.

"Carl?"

"Ako nga 'to", masaya niyang sagot. "Ano'ng ginagawa mo rito? Di ka na pumapasok a. Ang huling araw na nakita kita ay yong--" Napaisip siya kung kailan nga ba ang huling araw na nakita niya ito. Di na niya maalala.

"Uuwi na ako sa Baguio, Carl. Napabisita lang ako dito kasi mami-miss ko ang palengke dito sa atin", sagot ng kinausap na nagngangalang Aloy pala.

Tiningnan niya ang hawak nito. Wala itong hawak o binili man lang. Tiningnan niya rin ang mga mata nitong may kapansanan. Magkalapit ang itim sa mga mata ni Aloy. Sa madaling salita, isang duling si Aloy. Naalala niya pa kung paano niya ito ipagtanggol sa mga nambu-bully dati. Isa na sa mga bumuska (nam-bully) sa kanya ay ang mismong dating mga kaibigan niyang sina Shaun, Drew at Adril.

"Nakikita mo ba mangyayari sa'kin, Aloy?" biro niya rito. Dati, isa sa mga rason kung bakit siya na-bully ay dahil daw may kakayahan siyang malaman kung ano mangyayari sa isang tao kapag tinitigan niya ito nang ilang segundo. Hindi rin siya naniwala noon pero minsan, tumama ang sinabi nito sa kanyang mangyayari. Baka nagkataon lang iyon.

Tinitigan nga siya nito. Hinawakan pa ang kanyang kamay. Nakangiti naman si Carl na tahimik na inoobserbahan ang ginagawa ni Aloy.

"Malabo Carl e", sagot nito.

"Malabo? Ano ibig sabihin kapag malabo?"

"Ibig sabihin, ikaw na may hawak ng mangyayari sa'yo".

Natawa si Carl sa sinabi nito. "Ako naman talaga, di ba?"

"Minsan, hindi e. Minsan, hawak ng ibang tao ang mangyayari sa'yo".

Nakaisip pa ng ipapahula si Carl ng mangyayari. "Ay sa amin ni Veron? Ano nakikita mong mangyayari sa amin?" natutuwa niyang tanong. Umaasa siyang maganda ang isasagot nito.

"Wala".

"Ano'ng wala?"

"Walang kayo", bigla nitong sabi. Natawa na lang siya pero sa loob-loob niya, wala nga talagang sila.

"Pero Carl, mag-iingat kayo ni Veron lagi", bilin pa ni Aloy sa kanya.

Umiling lang ang lalaki at nagpaalam na. Tinapik nito ang balikat niya. "Basta ingat".

Naiwan nagtataka si Carl sa sinabi nito pero ngumiti na lang. Hangga't kasama siya ni Veron, ligtas ang dalaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top