Pahabol Na Kabanata

I'm looking at the wall of our house when two hands started hugging me from the back. It's Veron. Hinayaan ko lang siyang yakapin ako nang patalikod. Ilang segundo pa, nasa tabi ko na siya. Tinitingnan din ang mga pictures namin sa dingding.

Mga graduation photos, memories, the screenshots from the video where we sang her a song, any photos that reminds us of our teenage days. Hindi namin syempre makakalimutan ang kaibigan ko, si Carl. May picture siya dito habang kinakantahan si Veron.

"Nakaka-miss 'no?" tanong niya rin sa'kin.

"Sobra."

Inakbayan ko na siya at sabay naming pinagmamasdan ang mga pictures. "Wala sa plano kong mahalin ka, Veron."

Wala naman talaga sa plano ko. Di ko nga maisip na siya pala ang mamahalin ko. Hinangaan ko lang siya sa tapang niya noon. I never imagined she'll be my destiny.

"Sana masaya na siya kung nasaan siya ngayon," sabi niya habang nakatingin sa picture ni Carl. "Sana masaya siya para sa'kin, para sa atin."

I'm sure he is. Nakikita niya naman sigurong ginagawa ko kung ano ang sabi niya. Mamahalin ko si Veron sa abot ng makakaya ko. Hindi ko lang din 'to gagawin dahil ito ang gusto niya. Gagawin ko rin 'to dahil 'yon ang gusto ko.

"Veron! Drew! Kain na! Luto na ang ulam!" sigaw yon ni Mama Lily. I finally got the chance to call her as my mom after we got married.

Lumapit sa'kin si Veron at dinampian ako ng halik sa leeg. "I love you," sabi pa niya.

I smiled at her and kissed her neck back gently. Dampi lang din ang ginawa ko sabay bulong sa kanyang 'I love you more'.

"Kain na tayo?" Hinawakan na niya ang kamay ko pero di muna ako nagpatinag sa pagkakatayo.

Kinabig ko siya palapit sa'kin at kinuha ko na ang oras na 'to para halikan siya. Dinikit ko lang ang labi ko sa kanya at inaasahan kong igagalaw niya ang labi niya. Tama nga ako, ginagantihan niya ako.

"Tara na?" yaya na niya kaya bumaba na kaming dalawa.

Sina Tita Kara at Mama Lily, naghahanda na ng pagkain sa mesa. Napadaming pagkain, may hotdog, may buko salad, may pritong manok, may ginataang langka, pritong tilapia, parang lagi kami may handaan.

"Upo na kayo," utos ni Tita Kara at naupo na kaming magkatabi. Nginitian niya pa ako pagtingin ko sa kanya.  I'm so inlove with her.

Naalala ko pa ang pag-uusap nila ni Mama Lily noon no'ng inaayos nila ang problema nilang mag-ina.

"Ang dami kong pagkukulang sa'yo, Veron."

Umiiyak lang si Veron habang nakikinig sa sinasabi ni Mama Lily.

"Pasensya ka na sa lahat, nak. Pangako, di na mauulit. Magsisimula ulit tayo. Umalis na ako nang tuluyan sa trabahong 'yon at di na ako babalik ulit."

Tinitingnan ko ang paraan ng pag-aasikaso ni mama Lily sa amin kahit kasal na kami ni Veron at malaki na rin pareho. Para siyang isang ina na unang beses nagkaanak. Siguro nga, hanggang ngayon, ginagawa niya pa rin ang pangako niya kay Veron, ang magbabago.

Just like what Mama Lily wanted for Veron, ayaw namin parehong sumunod siya sa naging buhay niya dati. Nagsimula sila ulit pero ngayon, kasama na ako. Kasama ko na si Veron.

"Ayaw mo ba ng pagkain?" tanong ni Veron dahil napansin niyang di ako gaanong kumakain. Mabagal lang ang pagsubo ko. Hanggang ngayon, naiisip ko pa rin, ano kaya ang buhay namin kung buhay pa si Carl? Kung nandito pa sana siya, wala akong Veron. Wala akong pamilya na ganito kasaya. Wala akong uuwiang mapagmahal na asawa.

Sa dinami-rami ng mga nangyari, isa ang natutunan ko. Sa buhay natin, may mga taong darating na mamahalin tayo anuman ang nakaraan natin at pinagdaanan noon. Alam ni Veron na dati akong bully, dati akong drug addict pero tinanggap niya rin ako. Kung tinanggap niya ako dahil sa awa, hindi pa rin ako magsasawang mahalin at patunayan sa kanyang totoo ang intensiyon ko sa kanya.

"I love the food." Nginitian ko si Veron. "So delicious."

"Akala ko di mo nagustuhan e," Mama Lily utters.

Nginitian ko rin siya. "Ang sarap po ng luto ninyo, ma."

"Sige kain lang kayo diyan," sabi pa ni Tita Kara.

Kumakain na kaming lahat nang may biglang nag-doorbell. Nagkatinginan kaming lahat. Sino kaya ang inimbita nila?

"Ay si Tuyon yon," parang kinikilig na hininto ni Tita Kara ang pagkain at lumabas.

Napapailing na rin si Mama Lily at Veron. Tuyon, ang nasa edad 60s na rin na boyfriend ni Tita Kara. Naniniwala akong love is not about age but it is about the right time. Kahit pa malapit na sila mag-senior ay nahanap pa rin nila ang isa't isa.

"Sige na papasukin mo na dito 'te," habol pa ni Mama Lily kay Tita Kara.

Nagpatuloy na kami sa pagkain. Pansin kong tapos na si Veron kumain kaya hinihintay niya na lang ako matapos.

Pagbalik ni Tita Kara, kasama na niya si Kuya Tuyon. May bitbit pang bulaklak at pizza si kuya. Natatawa na lang ako. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig. Kahit pa matanda na sila, ang effort nandoon pa rin. Walang pakialam sa iisipin ng iba.

"Kain po, kuya," yaya ni Veron pero umiling ito.

"Busog pa ako hihi. Pumunta lang ako dito para makita si Kara." Kita ko ang kilig sa mukha ni Tita Kara. Di niya ito maitago. Talaga namang bagay sila.

Namumuti na ang ibang buhok nilang dalawa, nagsisimula na mangulubot ang ibang parte ng katawan at may mga ngipin nang hindi tumubo pero sige pa rin, para sa pag-ibig.

"Pag-ibig nga naman," natatawang sabi ni Mama Lily.

Tiningnan ko si Veron na napapangiti kina Tita Kara at Kuya Tuyon. Mukha talaga silang masaya. Halata naman ang saya sa kanila. Wala lang sa kanila ang edad nila dahil nagmamahalan silang dalawa.

It's one of the things that I've learnt about love. It's selfless. It's pure. It's just. . unexpected. Just like what happened to us, Veron. She's supposed to end up with Carl but it's me she married to.

It's me, Drew Oliver, former bully and drug addict who fell inlove with an ex prostitute's daughter, Veron Padilla-Oliver, my wife.




and this is the end of our story

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top