Labingwalo
Lily
"Sigurado kang di ka na babalik dito, ha?"
Bumuntong-hininga ako at tiningnan si mama Aber. "Opo ma Ber." Binuga ko ang usok ng sigarilyo ko at sinulyapan siya. "Para sa anak ko, aayusin ko na buhay ko".
"Sus". Mukhang di pa siya naniniwalang nakaramdam ako ng konsensiya sa ginawa ng anak ko noon. "Talaga lang ha?" paniniguro niya pa.
Itinuro niya ang mga pumapasok na kostumer sa loob kahit pa alas-singo pa lang naman ng hapon. "Di mo mami-miss mga yan?" tanong niya pa.
Inirapan ko na lang siya. "Ayoko na te 'no? Pagod na perlas ko. Saka--" Tiningnan ko isa-isa ang mga lalaking pumapasok sa loob ng bar. Ang iba sa mga yan, mga may syota na, ang iba pamilyadong mga lalaki nang kulang sa rounds sa mga misis nila. Kasuka na pala ang trabaho ko. Ewan ba't ako nagtagal dito.
"--nakakakonsensiya na," dugtong ko.
Tiningnan ako mula ulo hanggang paa ni Mama Aber. "Ikaw ba yan, Lily? Kailan ka pa tinamaan ng konsensiya?"
"Mula nang maglaslas ang magaling kong anak", walang buhay kong sagot. "Gusto ko rin maramdaman maging ina".
Pumalakpak na parang di makapaniwala si mama Aber. "Kakaiba. Sinapian ka ng konsensiya".
"Kaya huling punta ko na dito, ma Ber", sabi ko pa. Gusto ko rin makasama sina Veron at ate Kara. Di naman kami gumagala. Ngayon sanang aayusin ko na buhay ko, puwede na kami makapasyal man lang. Babawi ako sa anak ko.
"Ay si Harold?" pag-iba ng usapan ni Mama Aber. "Nasabi mo na ba?"
Si Harold ang huling kliyente ko no'n. Di na siya nagpakita matapos nang huli naming kita sa condo niya.
"Ewan ko ba sa lalaking 'yon. Di na nagparamdam".
Bumukas ang pinto ng bar at pumasok ang isang lalaking laging nakasumbrero kahit saan magpunta, kahit pa mayaman, barumbado at mukhang luma lagi ang suot.
"Andiyan na pala", habol din ang tingin ni mama Aber na sabi. "Mukhang alam niyang nandito ka".
Luminga-linga si Harold at nang makita niya ako, kunwari di ko siya nakita. Lumapit siya sa puwesto namin ni mama Aber.
"O siya, may aasikasuhin pa ako. Ingat, Lily", paalam ni mama Ber at umalis na nga.
"Kumusta?" bungad ni Harold sa'kin.
"Ba't ka ba laging naka-sumbrero?" inis kong tanong. Ako ang naiinitan sa kanya e.
"Mainit sa labas. Mainit sa Pilipinas. Alam mo naman".
"Alis na ako", paalam ko na. Amoy-alak na naman siya e. Hinawakan niya ang braso ko at pinaupo ako. "Alis ka na agad e kararating ko lang?"
Tinaasan ko siya ng mataray kong kilay. "Ba't ka ba nandito?"
Sa pagkakaalam ko, noong huling kita namin, sabi niya, benta ko raw sa kanya ang anak kong si Veron sa halagang P100,000. Hindi ako pumayag at pagtapos no'n, di na siya nagpakita.
"Payag ka na ba sa alok ko?" bigla niya pang sabi.
"Kahit mamatay pa ako," nilapit ko sa kanya ang mukha ko, "di ko hahayaang magpokpok din ang anak ko".
"Pero sabi mo no'n gusto mo nang ipaampon anak mo di ba?"
Naalala kong sinabi ko nga 'yon pero nagsisisi na ako. "Ano'ng pakialam mo kung sinabi ko 'yon?" singhal ko.
"Sinabi ko lang pero di ko gagawin". Inayos ko na ang sling bag ko at iiwan na siya. Nilingon ko pa siya. "Kuskos mo na lang yan sa pader. Ako lang ang naka-sex mo no'n sa kama pero di ako papayag na pati anak ko, igagaya ko sa kawalanghiyaan ko".
Iniwan ko na siya ro'n. Sapat na lahat ng ginawa kong kababuyan sa sarili ko. Sapat na lahat ng panghuhusga sa aming mag-ina. Sapat na 'yon dahil ayoko na. Ang dami ko nang natutunan at napagtanto nang makita kong nakahandusay sa sahig si Veron at walang tigil sa pagtulo ang dugo niya.
Sapat na 'yon para maging ina na ako ngayon at iwan ang pagiging isang puta.
Bago umuwi, dumaan muna ako sa isang bakery para bumili ng isang cake kahit wala namang may birthday. Gusto ko lang ipakitang magbabago na ako para kay Veron. Ang nabili ko lang ay ang halagang 500 pesos dahil ito na muna ang kaya ko. Ang flavor din na napili ko ay mocha. Magugustuhan niya kaya ito?
Sa totoo lang, hindi ko kilala ang anak ko. Hindi ko alam ang mga gusto niya at ayaw kasi naging ina lang naman niya ako sa papel pero sa gawa, hindi.
Binuksan ko na ang geyt ng bahay nang maramdamang may nakatingin sa'kin. Paglingon ko, aba si Ednang tsismosa lang naman pala.
Nakatingin sa'kin bitbit ang anak niya. "Tingin-tingin mo?" tanong ko. Umiling lang siya at naglakad na paalis.
Isa siya sa mga dakilang tsismosa ng buhay namin. Pinagkakalat niya lahat ng tsismis na puwedeng ikalat pero sa'kin, di oobra yon dahil nilalabanan ko kahit sino. Lalo na ngayon, kahit ikamatay ko pa basta para kay Veron.
Wala pang tao sa bahay. Kahit si ate Kara, wala pa. Nasa palengke pa yon at inuubos mga paninda niya. Binaba ko na muna ang cake at nilagay sa ref namin. Malinis ang bahay. Pagtingin ko sa bakuran namin, wala na ang mga upos ng sigarilyo ko. Si Veron ang naglilinis niyon lagi tuwing hinuhulog ko mula sa bintana.
Kahit ganoon ang trato ko sa kanya, lumaki pa ring mabuting bata ang anak ko. Pumasok na lang muna ako sa kuwarto niya para tingnan ang lagay ng kuwarto niya. Hindi ko rin hilig na bisitahin ang kuwarto niya. Sa madaling salita, wala akong pakialam sa anak ko noon.
Ngayon ko lamang ito nagagawa. Sa ibabaw ng mesa niya, mayroong nakapatong na artificial rose. Ito marahil bigay sa kanya ng kaibigan niya kahapon na si Carl. Kaibigan daw pero di naman kaibigan ang turingan.
Tiningnan ko ang kama ng anak ko. Pinaalala nito ang naging trabaho ko. Kung sinu-sinong lalaki ang pinatulan ko. Kung sinu-sinong lalaki ang hinayaan kong gamitin ako. Nag-positive na ako sa isang std noon pero di pa ako nadala. Sige lang nang sige.
"100k, ayaw mo?"
"Pag-iisipan ko". Hubo't hubad pa ang katawan ko no'n nang tanungin ako ni Harold kung payag akong ibenta ko ang anak ko sa kanya. 100k kada makaka-isa siya.
"Oo o hindi lang ang isasagot mo, Lily".
Umupo na ako at napaisip nang malalim. Kahit ganoon ako sa anak ko, kahit nasabi ko sa kanyang magpokpok na rin siya, mahirap din sa aking isiping ibebenta niya rin ang laman niya para malamnan ang sikmura.
"Hindi", agaran kong sagot.
"Bakit ang bilis mo sumagot? Pag-isipan mo muna."
Umupo ako sa kama ni Veron at hinaplos ang unan niyang hinihigaan. Sana naman naging mabuting ina ako sa kanya. Ang dami kong kasalanan sa anak ko. Tama si Ate Kara, di pa huli ang lahat.
Ang lalaking kaibigan ni Veron, minsan ay nakikita ko silang magkasabay na pumapasok at umuuwi. Sigurado ako, sabay na naman sila uuwi mamaya niyon. Minsan din ay nakikita kong nagkakargador sa palengke ang batang 'yon. Mukhang masipag naman.
"Lily!" Tinatawag na ako ni Ate Kara. Nakauwi na pala siya.
Lumabas na ako sa kuwarto ni Veron at nilapitan si Ate Kara na nakaupo sa upuan at hinihingal pa.
"Di pa ba umuuwi anak mo?" tanong niya.
Sumilip ako sa bintana para tingnan kung nakauwi na siya pero wala pa ang anak ko.
"Kanina ko pa siya hinihintay, ate".
"Baka kasabay niya si Carl. Wag kang mag-alala. Hinahatid naman ni Carl si Veron pauwi dito".
Nabawasan ang kaba ko. Ngayon lang naman kasi ako nagkaroon ng concern kung umuuwi ng gabi si Veron. Tiningnan ko ang orasang nakasabit sa dingding.
6:59 P. M na.
"Binilhan ko ng cake si Veron, te", masaya kong saad kay ate. Napangiti siya.
"Aba e bumabait ka na nga".
Bumabait na nga ako? Ako man ay naninibago sa kinikilos ko pero gusto ko rin naman kasing baguhin buhay ko.
"Mamaya kainin na natin pag-uwi niya".
Natahimik ako saglit. May biglang sumagi sa isip ko.
"May naikuwento sa akin iyang anak mo," simula ni Ate Kara. "Meron daw sumusunod na lalaki sa kanya, sa kanila ni Carl".
Nangunot ang noo ko. "Lalaki?"
"Oo raw", dugtong niya pa. "Hindi ba niya nabanggit sa'yo?"
"Kaya nga tinanong ko sa'yo kung nakauwi na siya kasi baka mamaya, mapaano".
Ngayon lang ako nakaramdam ng kaba. Ganito pala nararamdaman ng isang ina.
"Wala siyang sinasabi sa akin 'te".
"Baka di mo pa nakukuha nang tuluyan ang loob at tiwala niya." Baka nga. Baka nga kulang pa talaga lahat ng ginagawa at gagawin ko.
"Pati si Carl, nagsumbong sa akin na mayroon nga lalaking minsan, nakamasid sa kanya, sa kanila ni Veron".
Si Harold ang naalala ko. Hindi kaya balak niyang kuhanin sa akin ang anak ko? Diyos ko po! Wag naman po sana. Nagsisimula pa lang ako bumawi sa pagiging ina.
"Noong isang araw lang sinabi sa akin ni Veron. Nauna si Carl na magsabi sa akin kaya di ko muna pinaniwalaan baka kamo, namamalikmata lang".
Hindi ako mapalagay sa kinauupuan ko. Ano na ang gagawin ko?
"Bakit di ninyo po sinabi sa akin agad, te?" Tumayo na ako at lumabas ng bahay. Kung kailangan sunduin ko na sa eskuwelahan si Veron kung nandoon pa siya, gagawin ko. Kahit pa di ko alam kung saan do'n ang room niya.
May mga luhang pumapatak galing sa mga mata ko. Ano ba ito? Akala ko ay naging bato na ang puso ko. Hindi pala.
Diyos ko po! Alam ko pong wala akong karapatang magdasal dahil isa akong makasalanang tao pero magdadasal po akong iligtas ninyo po ang anak ko. Kahit wag na po ako ang maligtas, ang anak ko lang po.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top