Labinglima ( Ikalawang Bahagi )
"Hindi ko alam?" Nagkibit-balikat na lang si Carl sa tanong ni Veron. Ang totoo ay hindi niya talaga mahitsurahan nang maayos ang lalaki lalo na't sa malayo lang niya ito nakikita pero alam niya, may sumbrero ito.
Tiningnan nila ang paligid ngunit wala naman silang makitang gaya ng sinasabi nila.
"Tutuloy pa ba tayo?" tanong ni Veron sa kanya.
"Veron," mahinang tawag sa kanya ni Carl. "Ano kaya ang kailangan niya?" tanong niyang ang tinutukoy ay ang lalaking madalas niyang makitang nakatingin sa kanya/kanila sa malayo.
Nanahimik si Veron. Masyado na yata siyang naging pakialamera, padalus-dalos ng desisyon kaya heto ang kanyang kapalit.
"Hindi ko alam, Carl", an'ya. "Gan'to na lang", nakaisip siya agad ng ideya. "Kapag nakita natin siya ngayong araw, ire-report na natin 'to sa pulis".
"Sa mama mo, hindi mo sasabihin?"
Napaisip siya. Kailangan pa ba? Tutal nakikita niyang nagbabago na ito, may pakialam na rin naman sa kanya si Lily.
"Sasabihin ko rin", sagot niya. "Ikaw? Sa mama mo?"
Umiling si Carl. "Hindi naman importante buhay ko kay mama". Nalungkot ang tono ng kanyang boses. "Binubugbog ako ng asawa niya tapos sasabihin niya, para naman daw sa'kin 'yon".
Nakaramdam siya ng lungkot para sa kaibigan. Napakapait ng kapalaran sa kanilang dalawa. Hinihintay na lang niyang maging mabuti ang buhay ni Carl sa kamay ng kanyang pamilya.
"Kung alis ka na kaya sa inyo? Di naman tama na lagi ka na lang sinasaktan niyan".
Umiling-iling si Carl. "Di ko puwedeng iwan mga kapatid ko".
Mga kapatid nito sa ina ang tinutukoy niya. Kahit pa di niya buong kapatid ang mga ito, tunay pa rin ang pagmamalasakit na binibigay ni Carl sa kanila.
"Pero sinasaktan ka na ng baliw na yan. Sumbong na natin sa barangay, Carl", suhestiyon ni Veron.
Umiling na naman si Carl. "Wala pa akong pupuntahan kapag pinaalis ako".
Si Veron naman ang nakaramdam ng lungkot sa sinabi ng kaibigan kaya nakaisip na naman siya ng paraan. "Kung sa amin ka na lang?"
Natawa si Carl at inakbayan na ang kaibigan na walang ibang ginawa kundi tulungan at maging sandalan niya sa buhay.
"Ayoko nang dagdagan problema mo".
"Pero hindi ka naman problema sa'kin a?"
Nginitian lang siya ni Carl. Isa sa ugali ng binata ay nginingitian na lang nito kahit gaano kabigat ang nararamdamang problema.
"Tara na punta na tayo sa plaza", masaya niya pang sabi. Kung titingnan, di naman makikitang maraming iniindang pahirap si Carl.
Kahit salungat pa rin si Veron sa pagiging martir ni Carl, sabay na rin silang naglakad para pumunta sa plaza. Nag-unahan pa silang tumakbo at kung sino ang mahuli ay siyang taya.
Sabay na nagtatawanan ang dalawa na para bang wala nang bukas. Hanggang sa makarating sa plaza ay nagtatawanan pa rin ang dalawa. May mga photo booth, food trucks, free taste, at mga nakahandang pagkain na ipinamimigay sa mga batang naroroon. May mga batang naglalaro sa paligid, nagtatakbuhan, taya-tayaan, may kumakain sa isang tabi, mayroon namang nakaupo lang.
"Baliw ka". Hinampas na naman ni Veron si Carl.
"Bakit na naman ba?" iritable nitong sabi. Paano ba naman, wala naman siya ginagawa tapos bigla siyang hahampasin.
"Puro bata nandito e. Malaki na tayo", ani niya. Tama naman, mga batang edad 3 hanggang 15 ang nandirito. Kasa-kasama lang nila ang kanilang mga magulang na gumagabay sa mga anak. May mga kumakantang bata, may nagsasayawan pa.
"Ako lang ang lumaki", pang-iinis pa ni Carl. "Ikaw, hindi".
Pinandilatan ni Veron ng mata ang lalaki at sisipain na sana pero lumayo ito. "5'4 kaya ako, malaki na rin 'yon kaya wag mo ako iniinis diyan", reklamo niya.
Tinawanan lang siya ni Carl at tinuro ang pila ng mga bata na binibigyan ng mga pagkaing naka-styro. "Pila ka na", nakangising turo pa nito kay Veron.
"Ayoko. Hindi na ako bata", reklamo niya. Tiningnan niya ang mga batang pumipila, may mga mukhang 16 naman. 19 pa lang naman siya kaya puwede pa.
"Napaka-arte", paanas na sabi ni Carl. Si Carl na ang lumapit sa pila habang si Veron ay naiwan. Hinding-hindi siya pipila, iyan ang sabi niya hanggang sa marinig niyang kumakalam ang kanyang sikmura.
Napangiwi siya.
Pipila na ba ako?
"Pipila na yan", pang-aasar pa ni Carl. Nginusuan niya ito sa inis pero sa huli, pumila na rin siya. Nakakahiya man pero lulunukin na niya ang hiya lalo na at grasya ito.
"Dami pa sinabi, pipila rin pala", di pa rin tumitigil na pang-iinis ni Carl.
Inirapan na lang niya ito at di na pinansin. Nasa iisang pila lang sila, si Veron sa likuran ni Carl. Si Carl nasa harap niya. Tumalikod si Veron para tingnan kung sino ito. Isang paslit na nasa edad 4. Mag-isa lang itong pumipila. Nilinga niya ang magulang nitong nakatingin, di naman pala inaalis ng ina ang mata sa kanyang anak.
Napangiti siya. "Mauna ka na", nakangiti niyang saad sa batang lalaki. Mahaba ang pila kaya naisip niyang paunahin na lang ang bata. Baka nagugutom na rin ito.
Si Carl ay nakatingin sa ginagawa niya. Natatawa pa ito sa pagiging bida-bida ni Veron.
"Wews bida-bida", natatawa niyang saad at umayos na rin ng pila na parang walang nangyari. Di niya pinakinggan ang sinabi ni Carl. Pinauna na niya ang bata na walang imik. Baka nahihiya ito.
"Salamat po", tugon ng bata sa kanya na siyang ikinangiti niya. Kahit nagugutom din siya, pauunahin na niya ang sa tingin niya'y mas kailangan makakain.
Napangiti si Carl sa ginawa ng kanyang babaing mahal. Nai-imagine niyang ganito rin ang gagawin ni Veron sa kanilang anak. Magiging mabuting ina ito. Pinalis niya sa isipan ang kanyang imahinasyon. Kailangan pa nga nila magtapos sa pag-aaral tapos ang iniisip na niya agad, anak.
Lumingon ulit si Carl sa kanya at nahuli siya ni Veron na nakatingin sa kanya. Nakaramdam siya ng hiya at umayos na ulit sa pila. Matagumpay naman silang nabigyan ng pagkain. Hawak ang kanilang mga pagkain, humanap sila ng puwestong mauupuan.
"Ayun", turo ni Carl at doon na sila umupo. Agad na binuksan ni Carl ang styro, ang laman nito ay carbonara, pritong manok at may sandwich pa. "Sarap", natatakam na sinunggaban na ni Carl ang pagkain habang si Veron ay nakatingin sa kawalan. Mukhang malalim ang kanyang iniisip.
"Hoy, kain na", sabi niya sa kanya. Tiningnan siya ni Veron habang panay ang kain. "Nakita ko siya kanina", ani Veron. Nahinto sa pagkain si Carl at tiningnan siya.
"Yong lalaki? Nasaan na? Bakit di mo sinabi sa'kin?" sunud-sunod na tanong ni Carl sa kanya.
"Natulala na lang ako e".
Tinakpan na lang ni Carl ang kanyang pagkain. Ramdam niya ang pag-aalala sa kanyang kaibigan.
"Ano'ng ginawa niya kanina?"
Tiningnan siya ng kaibigan. "Tiningnan niya ako, Carl. Para bang--" may pag-aksiyon pa siya ng kamay sa hangin. "Para bang alam niyang nandito ako".
Luminga sa paligid si Carl para tingnan kung nandito pa ang lalaki pero wala na yata.
"Tapos, umalis agad siya pagkakita sa'kin", basag ang boses niyang sabi. "Yong lalaking tinutukoy mo, tingin ko, siya yon Carl. Siya yong nakasabay ko sa dyip".
Hindi na mapigilan ni Carl ang pagkabog ng kanyang dibdib. Nag-aalala siya para kay Veron. Nag-aalala siya sa babaing mahal niya.
"Hindi kaya oa lang tayo?" mungkahi naman ni Carl. "Baka naman hindi tayo ang kailangan niya, di ba?" Pilit niya pa kinukumbinsing hindi nga sila ang kailangan nito.
"Hindi e. Hindi ko na alam", naguguluhan na niyang sabi kay Carl.
"Baka mamaya, nandito pa rin siya." Tumayo na si Carl. Nilinga niya ulit ang paligid. Sa dami ng tao, di niya naman makita lahat kung nandito nga ba ang lalaking 'yon.
"Umuwi na tayo", aya na niya sa dalaga. Nag-aalala siya para sa buhay nito. Paano kung dahil sa simpleng bagay na ganito, mawala sa kanya ang dalaga? Hindi niya kakayanin.
Tumayo na rin ang nananamlay na si Veron. Uuwi na siya at magpapahinga na rin. Baka mamaya, nagha-hallucinate na siya dala ng mga naiisip na kung anu-ano.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top