Labingdalawa

Nakaharap si Tiff sa salaming kasinglaki lang niya. Suot ang red two piece ay masaya niyang tinitingnan ang sariling katawan. Kinuha niya ang kanyang cell phone sa kama at binuksan ang kanyang camera. Kukuhanan ulit niya ng litrato ang sarili sa harap ng salamin.

Naisip niya pang bisitahin muna ang kanyang app na ginagamit para magkaroon ng komunikasyon sa kanyang mga kliyente. Mayroon pa siyang hindi nagagawang request nito. Nauna ang pagbayad sa kanya bago ang paggawa niya ng gusto nito.

Napangiti siya habang dahan-dahang niyang hinuhubad ang kanyang bra. Hindi pa man niya tuluyang nahuhubad ito ay bumukas ang kanyang pinto na siyang ikinagulat niya. Iniluwa ng pinto ang kanyang mga magulang. Nanlalaki ang mga matang napatingin sa anak.

"Oh my God!" di makapaniwalang bigkas ng kanyang ina. Napatakip ito sa bibig at di napigilang maluha. Ang kanilang unica hija, nagbebenta ng kanyang mga hubad na larawan online. Ang kaisa-isang anak nilang binigay nila lahat ng gusto at pangangailangan, nagsariling-sikap pa rin sa maling paraan.

"Tiffany!" galit na sigaw ng kanyang daddy. Nagmamadali itong lumapit sa kanyang anak na napako na sa kinatatayuan. Nanatili sa puwesto ang kanyang mommy. Emosyonal nitong tinitingnan ang kanilang nag-iisa at pinakamamahal na anak.

Kinuha ng kanyang ama ang manipis na kumot sa kama at ipinangtakip sa katawan ni Tiff. "Hindi namin tiniis na magtrabaho kahit pagod para lang gawin mo 'to," nanghihinayang na sabi nito habang itinatakip pa rin sa kanya ang kumot. Lumapit na rin ang mommy niya sa kanyang anak. Mahigpit niya itong niyakap. Si Tiff, di makapagsalita pero may mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata. Ano nga ba ang nag-udyok sa ganyang gawin ito? Pagsabay sa uso?

Matagal na silang abala sa kanilang mga trabaho para sa kanya. Wala silang kaalam-alam ng ginagawa ng kanilang pinakamamahal na anak.

"Ma, pa, I'm sorry", humahagulhol na sabi niya at niyakap ng mahigpit ang ina. Nakaramdam na siya ng hiya sa sarili dahil nasa harap na siya ng mga magulang. Bakit ngayon niya lang ito napagtanto.

"Hindi ka namin pinalaki para gawin ito, anak", naluluhang sabi ng kanyang daddy. Humihikbing  tinangkang yakapin ni Tiff ang ama pero umatras ito.

"Anak pa ba kita?" tanong nitong nagpakurot sa puso niya.

"Nagpapakahirap kami sa trabaho, mapalayo sa'yo para rin sa ikabubuti mo pero bakit ganito ginanti mo, Tiffany?" sumbat pa ng ama. Hindi sapat ang paghingi ng sorry niya dahil ginawa na niya ang hindi dapat. Naalala niya ang mga sinabi niya kay Veron. Nagawa pa niyang engganyohin si Veron pero ngayon, siya na ang hiyang-hiya sa sarili.

"Ma, pa", ito lang ang mga nasambit niya at nag-unahan nang tumulo ang kanyang mga luha. Niyakap siya ng ina, hinagod ang kanyang likod para aluin siya. Bilang isang ina, sobrang sakit ng ginawa ng kanyang anak. Pakiramdam niya ay kulang pa lahat ng ginawa niya para sa kanya, may pagkukulang at pagkukulang siya.

Hindi nakatiis ang kanyang daddy. Nilapitan siya nito at niyakap din. Sa balikat ng kanyang ama, isinusob niya ang mukha at doon hinayaang maglandas ang mga luha. Nakiyakap na rin ang umiiyak na ina niya sabay sabing ", Pasensya na anak kung may pagkukulang kami bilang magulang".

Sa labas ng pinto, nakasilip ang umiiyak ding si Melanie, ang kaibigan ni Tiff na komonsinte sa ginagawa ng kanyang kaibigan. Pinunasan niya ang luha, ngumiti rin nang makitang nagyayakapan ang magpamilya. "I'm sorry, Tiff", sabi niya pa.

"Tama si Veron no'ng sinabi niya sa'kin 'yon."

"Hindi pa naman huli ang lahat, Melanie. Ikaw ang kaibigan niya. Dapat ipinapaintindi mo sa kanyang mali ang ginagawa niya. Hindi mo dapat siya kinokonsinte".

"Hindi porket uso, kailangan na gawin."

Pagkalabas sa kanilang kuwarto, nagmamadaling tumakbo si si Carl para puntahan ang room nina Veron. Tatlong araw nang hindi pumapasok si Veron. Tuwing pupunta siya sa kanilang room, wala ito. Wala sa canteen, maging sa bahay nilang minsan niyang dinadaanan,  walang sumasagot kapag tinatawag niya ang pangalan ni Veron. Kakaunti na lang ang mga nag-uuwian marahil ay kanina pa ang uwian. Naiwan lang siya sa room nila dahil may iniutos ang kanilang Science teacher sa kanya.

Nanlumo siya pagkarating sa room nina Veron. Wala nang tao, nakasarado na ang mga bintana at pinto. Bumuntong-hininga siya at sumandal na lang sa kung saan madalas sumandal si Veron. Naalala niya ang paglipad ng buhok nito habang bumabagay ang ganda nito sa view ng ulap.

Ngayon ay madilim na ang paligid. Ipinapaalala rin sa kanya nang araw na pumunta sila sa sementeryo, nasugatan ang dalaga at muntik pa silang mahuli ng mga tanod.

"Wala si Veron", saad ng isang boses sa likuran niya. Nilingon niya ito. Si Pat ngunit bakit kaya nandito pa rin ito gayung nagsiuwian na ang mga kaklase niya. "Hindi na siya pumapasok. Ilang araw na", dugtong niya pa. Kumabog ang kanyang dibdib. Halu-halo ang kanyang naiisip. Baka may masamang nangyari na sa kanyang kaibigan.

"May ideya ka ba kung ano ang nangyari sa kanya?" usisa niya pa.

Tinaasan na naman siya ng kilay ng mataray na si Pat. "Malay ko? Sinabi ko na nga sa'yong di siya pumapasok. Kung may idea ako, sasabihin ko sa'yo pero wala".

Tumikhim siya at muling nagsalita. "Tingin mo ba, ayos lang siya?"

Nangunot ang noo ni Pat saka humalukipkip. "Hindi ako manghuhula kaya di ko alam".

"Kaibigan ka rin niya", mahinahong ani niya kay Pat. "May pakialam ka naman sa kanya, di ba?"

Tinarayan na naman siya ni Pat. "Sorry, that question is beyond my privacy". Pagkasabi niya niyon ay umalis na parang gano'n gano'n lang. Bumuntong-hininga ulit siya. Bakit kaya gano'n ang kaibigan niya. Ang taray masyado, nagtatanong lang naman siya.

"Beyond privacy nalalaman, tsk! Nagtatanong lang naman ako", nasabi na lang niya sa sarili. "Sinabi ko bang English-in niya ako?"

Pagkaalis ni Pat ay tumakbo na siya. Nagbabakasakaling maaabutan na niya ito sa bahay nila, nakauwi na o di kaya ay hinihintay siya sa labas ng geyt. Hindi na niya inisip kung masasagasaan siya. Ang nasa isip niya ay ang pag-asang nakauwi na si Veron sa kanila.

Hinihingal siyang nakarating sa bahay nina Veron. Sa labas, makikitang walang ilaw sa loob ng bahay nila, nakasara ang pinto, bintana at nakakandado ang kanilang geyt. Wala pa rin sila. Wala pa rin ang hinihintay niya. Nakaramdam siyang tila may tao sa kanyang likuran. Pinagmamasdan siya kaya tumalikod siya para tingnan ito. Hindi niya gaanong maaninag ang hitsura nito pero dahil sa mga dumadaang sasakyan, nailawan din ito.

Isang lalaking nakatayo lang, nakasumbrero, mga 6 na metro ang layo sa kinatatayuan niya at tinitingnan siya. Kung di siya nagkakamali, siya ang tinitingnan nito o ang bahay nina Veron. Napalunok siya. Nakakakilabot ang lalaki. Nakatayo lang ito, walang ginagawa pero ang mga mata ay nakatingin sa kanya o sa bahay nina Veron.

Nakatayo lang din si Carl. Baka namamalikmata siya o di kaya ay di naman talaga siya ang tinitingnan ng lalaki. Ilang saglit pa, naglakad na palayo ang lalaki. Nawala rin ang kaba niya pero naisip niya, hindi kaya ang bahay nina Veron ang tinitingnan nito? Kung 'yon man ang totoo, ito kaya ang unang besesn na pumunta ito rito at ang pinakamisteryosong tanong:

Sino siya at ano ang kailangan niya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top