Labing-apat ( Unang Bahagi )


"Dali, bilis-bilis, Veron!" Nagmamadaling hinihila ni Pat ang kaliwang kamay ng kaibigan habang bumababa sa hagdanan ng kanilang eskuwelahan.

"Teka", aniya at huminto muna. "Ano ba meron sa canteen?" tanong niya pa. Matapos ang ilang araw niyang pag-absent, sa wakas ay nakapasok ulit siya. Nakabenda pa rin ang kanyang pulsuhan dahil kailangan niyang itago. Halata kasi kung ano ang ginawa niya rito. Hindi pa rin niya nakikita si Carl nang araw na 'to. Si Pat ay nakipagbati na rin sa kanya. Hindi siya nito natiis lalo na't marami na rin silang pinagsamahang dalawa. Aniya, nagtampo lang siya dahil si Carl ang naging madalas niyang kasama.

"Basta", sabi na lang ni Pat at inalalayang makababa si Veron sa hagdanan. Ginawa na lang niya ang sinabi nito. Kasabay niya itong pumunta sa canteen habang nakakawit ang kamay nito sa kanyang braso.

Wala naman espesyal sa canteen. Pinaupo lang siya ni Pat sa isang bakanteng puwesto. Sa harap niya umupo si Pat at hindi sa tabi niya. Mayamaya pa, inaayos na nito ang mga bangko na para bang may uupo roon. Nire-reserve na niya kumbaga.

"Bakit mo ginagawa yan? Sino ang darating?" tanong niya. Inilinga niya ang paligid para tingnan kung may paparating pero wala.

"Basta, watch and learn", nakangiti nitong sagot sa kanya. Si Pat talaga maraming alam. Luminga-linga siya. Si Carl kaya ang darating? Hindi niya pa ito nakikita ngayong araw. Humikab siya at napatakip sa kanyang bibig.

Niyuko niya muna ang ulo sa mesa para umidlip saglit tutal recess naman at 40 minutes ang kanilang recess. Medyo mahaba-haba rin.
Si Pat ay nakaupo lang sa harap niya. Di niya alam kung ano ang plano nito. Sumilay sa labi ni Pat ang ngiti habang nakatingin sa likuran ni Veron.

"Waiter!" tawag ni Pat sa kung sinumang nasa likod ni Veron. Nangunot ang kanyang noo.

"Waiter?"

"One order of love song, please", dugtong pa ni Pat kaya nagtaka na siyang lumingon kung sino 'yon. Tama nga siya, si Carl papalapit sa kanila. Nasa likuran niya sina Drew, Shaun at Adril. Tila bumagal ang oras na 'yon sa paningin niya at di na rin niya napigilang ngumiti.

Malinis ang suot na polo ni Carl, gayun din ang suot nitong pantalon at itim na sapatos, pati ang gupit nito, nagpagupit na rin siya at ang kanyang mukha, maaliwalas. Para bang hindi nagka-black eye at nasaktan gaya ng kuwento ni Drew sa kanya sa ospital.

Napanganga lang siya sa nakikita. Palapit na sa kanya si Carl.

"Ayan na", kinikilig na si Pat sa kanila. Walang kaide-ideya si Veron kung ano ang nangyayari. Ang alam lang niya ay nandito ang grupo nina Drew ngunit ngayon, kasama na ulit si Carl. Saka lang siya nagkaroon ng ideya nang makitang may dalang gitara si Drew, si Shaun naman ay may bolpen sa kamay.

Haharanahin ba nila ako?

"One, two, one, two three go", pag-lead pa ni Adril para magkasilbi sa kanilang grupo.

Nagtatakang napangiti si Veron. Kakantahan siya ng mga ito?

"I wanna know
Whoever told you I was letting go🎵"

Nagsimula nang kumanta si Carl. Ito ang kantang madalas niyang kantahin tuwing uwian na nila at sabay silang uuwi. Ito rin ang isa sa kantang pinangarap niyang marinig mula sa isang lalaki.
Tuluyan nang nakalapit silang tatlo sa upuan at nagsipag-upo sa mga upuang inayos ni Pat para sa kanila.

Kinuha na ni Pat ang kanyang cell phone para kuhanan ng larawan ang tagpong 'to at kuhanan na rin ng video para sa loveteam ng taon, ng 'VeRl'.
Kinikilig din ang iba pang estudyante na nanonood sa kanila. Nagsipagkuhanan na rin ng cell phone ang iba para picture-an sila. Naglapitan pa ang iba para makiusyoso.

Ang mga babae ay sinimulang kurutin, tulak at hampasin ang katabi. "Sana ako rin!"

Tumabi sa kanya si Carl. Kaya pala hindi umupo si Pat sa tabi niya, si Carl pala ang para rito. Nakagat niya ang pang-ibabang labi habang tinitingnan siya sa nakakatunaw na paraan ni Carl.

Sinabayan na rin ng pentap ni Shaun ang pagkanta ni Carl. Pati si Drew, sinimulang maggitara.

"Of the only joy that I have ever known
Girl, they were lying🎵"

"Just look around
And all of the people that we used to know"

Mas lumapit pa sa kanya si Carl. Nakangiti ito. Wala siyang pagsidlan ng tuwa kung gaano siya kasaya nang oras na 'to. Nandito na ang lalaking pinangarap niya, nandito na ang lalaking naghihintay sa kanya at hihintayin siya kahit gaano pa katagal. .

"Have just given up, they wanna let it go
But we're still trying"

Tila silang dalawa lang ang nasa canteen ng oras na 'yon. Kahit alam niyang maraming nakatingin, pakiramdam niya ay oras nila itong dalawa.

"So you should know this love we share
Was never made to die❤️"

Tiningnan niya ang mga kaibigan ni Carl. Napaka-supportive nila sa kanya. Nang tingnan niya si Drew, nakangiti ito sa kanya habang naggigitara.

I'm glad we're on this one-way street

Napatakip siya sa kanyang bibig. Gusto niyang isigaw ang kanyang nararamdaman. Gusto niyang sabihing sobrang saya niya. Pakiramdam ni Veron ay nakalutang siya sa langit kasabay ng hiling na sana ay wag nang matapos ang oras na ito.

"Just you--" tinuro siya ni Carl at tinuro rin ang kanyang sarili. "-and I"

Just you and I

Inulit niya pa. Gustung-gusto niyang yakapin ang binata at sabihin sa kanya kung gaano kalaki ang naging parte nito sa buhay niya.

"Woah!" Nagpapalakpakan na ang mga nanonood sa kanila. Ang iba ay nagtutulakan pa talaga para makita ang nangyayari.

Sumasabay sa ritmo ng kanta ang pag-pentap ni Shaun at paggitara ni Drew. Halatang pinlano nila ito para sa kanya. Nagkasabwat pa talaga sila para rito.

"I'm never gonna say goodbye
'Cause I never wanna see you cry"

Ako rin Carl, hinding-hindi ako mamaalam. Kung mamaalam man ako, pangako, babalik ako para sa'yo.

"I swore to you my love would remain
And I swear it all over again and I"

Hinawakan ni Carl ang kanyang kamay bago dinugtong ang liriko ng kanta. Sa pagkakataong ito, sumabay na ang tatlo sa pagkanta, sina Shaun, Adril at Drew.

"I'm never gonna treat you bad"

Nangingibabaw ang boses ni Drew. Nilakasan niya pa yata para rin kay Veron.

"Cause I never wanna see you sad"

Totoo ito. Hinding-hindi ginusto ni Carl na makitang malungkot siya.

"I swore to share your joy and your pain"

Sinamahan siya nito sa hirap at saya ng buhay niya. Kahit nakakapagod labanan, nagpatuloy siya at magpapatuloy kasama si Carl.

"And I swear it all over again
All over again"

Hindi niya napigilan ang sarili. Niyakap na lang niya bigla ang binata nang mahigpit. Napangiti sa galak si Carl. Kitang-kita sa mga mata niyang nagustuhan ni Veron ang ginawa nila. Ito naman ang gusto niya talagang mangyari, ang makitang masaya lagi si Veron.

"Wag mo na ulitin yon", bulong sa kanya ni Carl. "Sabi ko sa'yo lalaban tayo nang magkasama e".

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top