Labimpito


Carl

"Magpagaling ka, ha?" ani Veron habang pinupunasan ang mukha at leeg ko ng basang bimpo. Nakaratay ako ngayon sa higaan niya habang siya, katabi ko.

"Kapag dumating ang mama mo, hindi ba siya magagalit sa'yo na nagpapasok ka ng lalaki sa bahay ninyo?"

Hininto niya ang pagpunas sa noo ko. Umupo na siya katabi ko. "Hindi syempre, gusto lang kita alagaan. Sabi mo nga ayaw mo muna sa inyo".

Napangiti ako. Kahit pa may sakit ako, makita ko lang siyang kasama ko, masaya na ako. Kita ko pang nasa ibabaw ng mesa niya ang rosas na binili ko para sa kanya kanina.

"Iingatan ko yan", sabi niya. Nakita niya palang tinitingnan ko ang bigay ko sa kanya. Pinikit ko ang mga mata ko. Ang bigat sa pakiramdam, parang gusto nang bumagsak nang tuluyan ng mga talukap ng mata ko.

Tumayo na siya at pinindot ang electric fan nila para umikot ito. Nakatutok lang kasi sa akin kanina.

"Pahinga ka lang diyan, Carl". Nakangiti siyang tumayo at iniwan na muna ako.

Bumuntong-hininga ako. Sinasariwa ko sa isipan ko ang lahat ng nangyari aa bahay namin. Hindi ko alam bakit pa ako nagtitiis sa kanila. Siguro ay iniisip ko kapakanan ng mga kapatid ko.

Narinig ko ang mga boses ng taong nag-uusap sa labas ng kuwarto ni Veron. Siguro, dumating na ang kanyang mama. Rinig ko rin ang boses ni Veron na nakikipag-usap sa isang tao. Mayamaya pa, punasok ulit siya sa kuwarto niyang abot-langit ang ngiti. Ang saya-saya tingnan ni Veron.

Tumabi siya sa'kin at umupo saka kinumutan niya rin ako.

"Nandiyan si mama", simula niya. "Sinabi kong nandito ka kasi ayaw mo pa umuwi sa inyo. Sabi lang niya, di ka raw puwede magpagabi dito".

Totoo nga yatang nagkaayos na sila ng mama niya. Nakakainggit lang. Sana ako rin. .

"Carl, naalala mo no'ng nag-bike ka, umangkas ako sa'yo tapos sumemplang tayo?"

Naalala ko 'yon. Hiniram ko lang ang bisikleta na
'yon para maiangkas si Veron kasi di pa raw siya nakakaangkas sa bisikleta buong buhay niya.

"Sorry, puro galos nga nakuha natin do'n".

Natawa lang siya at sinabayan ko na siya sa pagtawa niya. Pakiramdam ko, wala akong sakit kasi nandito na ang gamot ko, si Veron.

"Ay!" May bigla yata siyang naalala. "May ginawa akong listahan para sa'yo".

Nangunot ang noo ko. "Ano'ng listahan?"

May kinuha siya sa kanyang drawer at sinimulan niyang basahin ang nakasulat dito.

"Para kay Carl".

"Gusto mo ba marinig?" tanong niya. Kahit ano naman sabihin niya, basta marinig ko lang boses niya, masaya na ako.

"Oo naman".

"Mga rason kung bakit ko nagustuhan si Carl." Napangiti na naman ako. Bakit ang dali sa kanyang pangitiin at pasayahin ako.

"Mabait, masipag, maalalahanin, mapagmahal, responsable, mataas ang pangarap sa buhay, laging nandiyan para sa'kin". Hininto niya muna ang pagbabasa at tiningnan ako.

"Masyadong mahaba pero meron dito pinaka-favorite ko". Ngumiti siya at inilapit sa'kin ang ulo niya. Naaamoy ko ngayon ang kanyang mabangong buhok. Ang sarap langhapin. Pumikit ako para mas madama ang amoy ng kanyang buhok. Ang amoy ng babaing mahal ko.

"Mahal na mahal niya ako", tiningnan niya ako at kinindatan. Dugtong pa niyang ", Gano'n din ako sa kanya, mahal ko rin siya".

Kinuha niya ang bulaklak na binigay ko at inilagay sa dibdib ko. "Salamat sa lahat, Carl".

"Ginagawa ko lang kung ano ang dapat, Ron", sagot ko. Totoo naman. Karapat-dapat siyang mahalin kahit pa tingin niya sa sarili niya ay hindi.

"Kasi. . gano'n ka kahalaga sa'kin".

Sana lagi ganito, kami lang dalawa, masaya akong kasama siya, sinusulit bawat oras kasama siya.

"No'ng mga panahong ang dami kong problema, nandoon ka kasama ko".

Kadramahan na naman ni Veron pero ayos lang, kami lang naman nagda-dramahan sa isa't isa.

"Ngayong bumubuti na ang mga bagay-bagay, nandito ka pa rin kasama ko".

"I like her, Carl".

Natawa ako. Alam niyang gusto ko rin si Veron, pati siya may gusto na rin sa kanya.

"But I won't take her from you while you're here. I promise".

Sumeryoso ang mukha niya. Noong nasa grupo pa nila ako, pakiramdam ko ginamit lang nila ako. Ayoko naman sanang ngayon, gagamitin niya ulit ako. Di na ako papayag.

"Let's do something to make her happy".

Ano naman kaya 'yon?

"Let's sing her a song, surprise her. I know you missed her, right?"

Hindi ko nga maitanggi. Na-miss ko siya. Ilang araw din siyang di pumasok e.

"Sagot ko na ang gitara. Si Shaun na sa pentap at ikaw na ang kumanta".

Magandang ideya pero mukhang pomoporma lang siya sa kanya.

"Hindi ibig sabihin nito, inaagawa ko na siya sa'yo. I just want to say sorry through this way".

Si Drew. Isa rin pala sa dahilan no'n kung bakit ako umalis sa kanila, dahil sa mga pinagsasabi niya tungkol kay Veron. Di ko nga aakalaing magseseryoso siya sa babaing gusto ko pa.

"Ang lalim naman ng iniisip mo", biglang sabi ni Veron.

"Ah wala, masama lang talaga pakiramdam ko", pagdadahilan ko. Masakit ang ulo ko, nahihilo, parang gusto kong matulog nang matulog.

"Pahinga ka lang sa'kin, Carl", sabi niya pa. Niyakap na naman niya ako at kinumutan din ang sarili niya. Napaka-inosente niya. Gusto kong umiyak kung gaano ako ka-suwerte sa kanya. Gusto kong ipagsigawan sa mundong siya si Veron, ang babaing pangarap ko.

"Sabi mo sa'kin no'n, ayos lang mapagod pero wag susuko".

"Tahan na. Ang pangit mo kapag umiiyak ka".

Pinunasan niya ang luha niya. Iiwan na naman ako nito mag-isa dito. Tumayo siya, sinamaan ako ng tingin at aalis na nga pero hinabol ko siya.

Inabot ko sa kanya ang tissue na galing sa McDo.

"Ano yan?"

"Tissue", mabilis kong sagot. "Pamunas mo ng uhog mo. Tingnan mo, iyak-iyak ka pa".

"At bakit ko tatanggapin yan? Tissue mo galing McDo?" Kinabig niya ang kamay ko at nag-walk out na naman siya. Diyan siya magaling, ang iwan ako.
Mag-walk out dahil alam niyang hahabulin ko siya.

"Ron!" sigaw ko. Sana marinig niya. "Ayos lang mapagod pero wag susuko!"

"Ang saya-saya ko kaya, Carl. Ngayon, nandito ka, katabi ko, si mama, umalis na sa trabaho niya, bati na kami ni Pat. Ang saya lang", pagkukuwento niya pa.

Saksi ako sa lahat ng paghihirap niya kaya ngayong sumasaya na ang mga nararanasan niya, mas masaya rin ako sa kanya. Kapag nalulungkot siya, nalulungkot din ako at kapag masaya siya, mas masaya ako.

"Ako rin", tugon ko. "Masayang-masaya ako para sa'yo, Ron".

"Sana sa'yo rin 'no? Sana maging maayos na rin sa inyo sa bahay ninyo".

Tiningnan ko ang paraan niya ng pagkukuwento. Naalala ko pa kung paano niya inisip na saktan ang sarili, umiyak gabi-gabi dahil ayaw na niyang mabuhay tapos ngayon, heto siya, ang aliwalas ng mukha niya. Ang. . saya niyang pagmasdan.

"Ron, puwede ba akong matulog saglit?" paalam ko. "Gusto ko nang magpahinga".

Sinalat niya ang noo kong mainit pa rin. Pati ang leeg ko na pakiramdam ko ay napapaso ako sa init ng balat ko.

"Sige tulog ka lang diyan. Maya, kain tayo, ha? Lulutuan kita ng lucky me".

Nginitian niya ako. Napaka-maalaga niya rin sa'kin. Wala akong masabi kundi 'sobrang suwerte' ko sa kanya. Pinikit ko na ang mga mata ko para makapagpahinga na. Sa pagpikit ng mga mata ko, siya pa rin ang inaalala ko.


~~~

"Ano'ng sinisilip-silip mo diyan?" Napasapo sa dibdib si Lily sa panggugulat ni Kara sa kanya. "Ate naman, tinitingnan ko lang ginagawa ng anak ko", rason niya at maingat na niyang isinara ang pinto saka lumayo sa pintuan.

"Ikaw ha?" nakasunod pang pang-iintriga ni Kara. "Hayaan mo na yan si Veron. Saka kilala ko yang batang yan, si Carl, madiskarte sa buhay yan".

Napangiti si Lily. "Ayoko lang matulad ang anak ko sa'kin 'te. Bukod sa napariwara ang buhay, nagkamali pa ng desisyon sa pagpili at pag-iwan sa lalaking mahal ko".

Nilapitan siya ni Kara at mas kinausap pa. "Hindi pa naman huli ang lahat para magbago. Nagbabago ka na nga di ba?"

"Alam ko ate pero kulang pa e. Ipasyal kaya natin si Veron, sama natin yang kaibigan niya".

Napangiti si Kara sa kanyang tinuran. "Magandang ideya yan. Sige ba para makapag-loving loving pa lalo yang dalawa". Humagikhik pa siya na nagpataray sa mukha ni Lily.

"Tigil-tigilan mo ako kakaganyan mo 'te. Pauuwiin ko na talaga yan kahit may lagnat kung loving loving lang pala gusto".


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top