Dalawampu't Dalawa
Lily
Tiningnan ko ang anak kong nakahiga, mahimbing nang natutulog sa hospital bed. Pakiramdam ko, napakawalang kuwenta kong ina. 'Yong panahong dapat ay nasa tabi niya ako para naiwasan sana niya maging bayolente at muntik pang saktan sarili niya, sana nandoon ako pero wala e. Nasa trabaho ako. Naghahanapbuhay para may panggastos sa gamutin ng sugat niya.
"Take care of her po, tita".
Napatingin ako sa lalaking nagsalita at nagdala raw ng anak ko dito sa ospital. Sinakay raw nila sa isang van na pagmamay-ari ng binatang ito. Kung hindi raw dahil sa kanya, baka napaano na si Veron.
"Tita?" tinaasan ko ng kilay ang lalaking ito. Ano ba siya ng anak ko?
"Sino ka ba?" tanong ko pa. Gusto ko lang naman malaman.
Siniko ako ni ate Kara at mahinang binulong sa'kin na ", Umayos ka naman, Lily. Bawasan mo kasungitan mo".
Masyado na yata ako masungit. Tiningnan ko ulit ang binatang kumakamot sa batok niya at kita kong sinusulyapan niya ang nagpapahinga nang si Veron. Wag niya sabihing gusto niya rin anak ko? Ganda naman ng anak ko.
"Ako po si Drew Oliver", pagpapakilala ng binatang siguro mga 2 taon din ang tanda kay Veron. Kaedaran lang yata to ni Carl, ang pumanaw na kaibigan ni Veron.
"Kaibigan po ako ni Carl". Nanamlay ang boses niya. "Nanghihinayang po ako sa buhay ng kaibigan ko at ayoko lang din pati si Veron, mawala".
"Ehem. Ehem", kunwaring umuubo ang isa pang kaibigan ni Veron na si Patricia. Ngumingiti-ngiti pa. "Ehem", pag-ulit niya pa.
"Close kayo?" tanong ko sa Drew na 'to. Hindi ko gaanong kilala ang anak ko pero ang alam ko, di naman siya palakaibigan sa mga lalaki o mali lang ako ng naiisip.
Siniko na naman ako ni Ate Kara. "Yang kasungitan mo, Lily".
Katwiran ko naman ", Nagtatanong lang ako, ate. Masama ba magtanong?"
"Hindi po gaano pero marami po akong atraso sa anak ninyo".
Nagtaray na lang nang kusa ang mukha ko. "Marami kang atraso sa anak ko?"
Pilit niyang tinatago ang kaba pero kita ko 'yon. "Ah kasi po--"
"Naku hijo, pagpasensyahan mo na 'to si Lily. Salamat sa pag-aalala mo sa pamangkin ko".
Nakangiti pang nagpapasalamat si Ate Kara. Nginitian ko na rin siya para magpasalamat. "Salamat", tipid kong sabi. Dami pala atraso nito sa anak ko. Kung anu-ano man yon, dapat bumawi nga siya.
"Tita, gusto ko pong makatulong sa inyo", hirit pa ng binatang ito. Pinopormahan yata nito ang anak ko a. Lakas ng loob tawagin akong tita.
May iniaabot siyang sobre sa'kin ngayon. "Heto po".
Hindi ko ito inaabot kaya si Ate Kara na ang nag-abot. "Para saan ito?" tanong niya sa kanya.
"Tulong financial po sa bayarin dito sa ospital pati na rin ang gamutan ni Veron sa sugat niya", nakangiti niyang sabi. Kinuha ko ang sobre at nakita ko kung gaano karami ang laman nito. Siguro nasa 30k ito pero bakit napaka-galante naman nito sa pera. Gano'n siguro siya kayaman.
"Hindi ko matatanggap 'yan". Binalik ko sa kanya ang pera. Kahit maghirap ako nang maghirap basta kakayanin kong bumawi para ako ang makabawi sa anak ko.
Nangunot ang noo niyang tiningnan ako at ang sobre. Si Ate Kara naman ay binawi ang sobre.
"Maraming salamat, hijo. Malaking tulong ito sa amin".
Si ate naman ang siniko ko. "Ate, balik mo yan."
Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Aminin mo na, kailangan natin ng pera saka grasya na 'to tatanggihan mo pa ba?"
Napabuntong-hininga na lang ako. Masyadong nakakahiya. Sa taray-taray ko kanina, tatanggapin ko rin pera niya?
"Salamat pero bakit mo kami binibigyan ng ganito kalaking pera?" usisa ko. Baka mamaya, buhay pala namin kapalit dito.
"Gusto ko pong-", tiningnan niya ulit ang nagpapahinga nang si Veron, "--gumaling si Veron at makatulong sa inyo".
Napangiti ako. Mukhang seryoso naman siya. Tatanggapin na lang namin 'to. Malaking tulong na rin ito.
"Gusto ko lang pong malaman kung nahuli na po ba ang mga may gawa nito sa kanya, sa kanila ni Carl?"
Nagkatinginan kami ni Ate Kara. Nang gabing 'yon, nakatakas ang mga lalaking nambiktima sa kanila. Hindi ko alam bakit ako, hindi nila binaril o pinaputukan man lang. Parang target nila ang anak ko.
"Napakabuting kaibigan po ni Carl." Tiningnan niya na naman si Veron sa kama at tumingin din sa'kin. "Mahal na mahal niya po ang anak ninyo."
Nakita ko nga no'ng niyakap niya si Veron nang gabing 'yon. Di ko alam na senyales na pala yon na mawawala na siya. Akala ko pa, si Veron ang babawiin sa'kin. Nanghihinayang ako sa batang
yon at nagpapasalamat din. Nagawa niyang saluhin ang mga bala na dapat sana ay kay Veron napunta. Dapat sa'kin na lang para pareho pa silang buhay ngayon at magkasama.
"Pinaghahanap na sila ng mga pulis". Mga gagong 'yon. Sa dami ng mapagti-trip-an, bakit anak ko pa, bakit sila pa. Sila pang marami pang puwedeng gawin. Naalala ko rin-ang lalaking yon, ang lalaking bigla na lang nagtatakbo at pinaputukan ang dalawang nakasakay sa motor, yong isa natamaan sa likod at balikat. Kung di ako nagkakamali, si Harold 'yon. Di ko alam kung ano ginagawa niya doon pero salamat na rin sa tulong niya.
"At sisiguraduhin kong makukulong sila", dugtong ko pa. Di ako papayag na di makakamtan ang hustisya sa ginawa nila kay Veron at pagkamatay ng kaibigan niya.
"Dapat lang po kasi binawi nila sa'kin ang kaibigan ko kung kailang nagkaayos pa lang kami".
Ang dami naman isyu ng batang 'to. Kanina, dami raw atraso kay Veron, ngayon nagkaayos sila ni Carl.
"Sagutin mo nga tanong ko". Naglakas-loob na ako. Itatanong ko lang sa kanya para sigurado na rin.
"Gusto mo ba ang anak ko?"
"Lily, ano'ng tanong yan?"
Tiningnan ko si ate at ang Drew na 'to. Hinihintay ko ang sagot niya. Di siya makapagsalita e. Tiningnan ko rin si Veron na tulog na tulog pa rin.
"Ano? Nagtatanong lang ako. Di naman kita bubugbugin kung oo man o hindi sagot mo".
Natatawa siyang tumingin sa sahig bago sumagot. "Opo".
Kita ko rin ang reaksiyon ni Patricia na natatawa at si ate na parang kinikilig.
"Pero wag po kayo mag-alala. Hindi po masama ang intensiyon ko sa anak ninyo".
Pagtingin ko sa labas ng pintuan, may nakasilip na dalawang lalaki. Nakalitaw ang dalawang ulo nila at mukhang nakikinig sa pinag-uusapan namin. Sila siguro ang mga kaibigan ng lalaking ito. Mukhang nanggaling pa sila sa kung saan dahil may kasa-kasama silang pulis na nakabuntot sa kanila.
Sumeryoso ang mukha ko. Humalukipkip sa harap niya. "Siguraduhin mo lang".
"Tinatakot mo naman yong bata", mahinang sabi ni ate pero bahala na. Kailangan ko bantayan ang lalaking ito. Boto na ako sa Carl na 'yon e. Ngayon, may bago na naman.
"Sigurado po ako", mukhang sinsero naman niyang sabi.
Pinaypay ko sa mukha ko ang sobre na may lamang pera na bigay niya. "Sigurado?"
"Opo. Sigurado po", pag-ulit na naman niya.
"Saka isa pa po, binilin po siya sa'kin ni Carl".
Nanindig ang balahibo ko pagbanggit niya sa pangalan ni Carl. Baka mamaya, nandito pala siya kasama namin.
"At nangako rin po ako sa kaibigan ko, ipaparamdam ko kay Veron ang mga pinaramdam niya".
Umiling-iling ako. "Hindi madali yan, hijo". Alam kong di pa matanggap ni Veron ang pagkawala ng kaibigan niya. Alam kong masakit pa rin sa kanya at sariwa ang lahat kaya alam kong mahihirapan ang lalaking ito.
"Kakayanin ko po para sa kaibigan ko at kay--", sinulyapan na naman niya si Veron. Ilang beses na niya siya sinulyapan. "--Veron".
Napangiti ako. Dapat ba akong malungkot dahil ganito ang nangyayari sa aking pamilya o maging masaya kasi may panibagong pag-asa?
Tiningnan ko si ate na nakangiti lang sa'kin ngayon. Bakit kailangang mangyari na may mawala at may darating. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top