Chapter 9

Inilapag ko ang minion stuff toy na nakuha ni Ai para sa akin sa tabi ng bata na natutulog na ngayon. Inayos ko ang kumot niya at hinila pa kaunti paitaas para matakpan pati ang leeg niya.

Hindi ko pa pala siya nabibigyan ng pangalan.

"Promise. Bukas nalang." Bulong ko sa sarili. Pinatay ko ang switch ng ilaw ng kwarto niya saka lumabas at para makatulog na ako.

"BIBLE names."

"Ezekiel."

"Daniel."

"John."

"Simon."

"Peter."

"Hmm... Parang di naman bagay sa kaniya." Komento ko. At parang puro tungkol sa pag-ibig ata ang memoryado nun at hindi mga bible verses.

"Common names."

"Nico."

"Mike."

"Gerald."

"Kim."

"Justin."

"Unique names."

"Nephets. Baliktad ng Stephen."

"Nomen. Latin word for 'Name'."

"Beloven. Middle English of 'Love'"

"Bullet."

"Trigger."

"Rocket."

"Net."

"'Wag nalang po, doc. Baka yung sunod niyan eh cabinet." Grabe naman kasi mag suggest ng unique names si doc yung mga parts na ng isang gamit.

Pumunta pa akong ospital at bisitahin ang isang physician na kaibigan ni tita. "Parang wala naman akong bet sa mga sinuggest niyo po."

Tumawa siya. "Ay dahil wala ka pa namang anak, Maurize." Sabi niya. "Pag nagkaroon ka na ng baby, walang dudang makakaisip ka kaagad ng ipapangalan sa kaniya."

"Talaga po?" Sabi ko. "Gusto ko po yung unique. Pero hindi cabinet ah."

"Haha sige. Basta let me know kapag may good news, okay?"

"Anong good news? Sa akin po?" Tanong ko. "Ang aga ko pa para sa good news doc. Si tita muna hintayin natin para sa good news niya."

"Yeah, you're right Maurize. Magte-trenta na siya pero wala pang napapangasawa. Ikumusta mo nalang ako sa kaniya ha?"

"Sige po." Sagot ko. Tumayo na ako at nagpaalam kay doc na aalis na ako. Binigyan niya pa ako ng isang pocket book na may laman ng mga names na pwedeng ipangalan sa baby.

Bago ako dumiretso pauwi ay dumaan muna ako sa mental flat. Masaya akong binati at niyakap ni mama nang makita niyang binisita ko siya.

"Kamusta ka dito ma?" Iyan ang lagi kong tinatanong sa kaniya kapag binibisita ko siya dito.

"Maayos lang ako dito, anak." Sagot niya. "Ang sarap ng pagkain namin kahapon. Madami! Mayroong sabaw ng baka, pansit, lumpia, gulay, at prutas!"

"Talaga? Bakit ano pong meron? May birthday ba?"

"Oo anak. Birthday ng doktor ni Libeth. Kilala mo si Libeth? Yung palagi kong kasama at lagi kong nakakausap?"

"Ah... Opo kilala ko po siya." Sagot ko. Si Libeth ay mayroong depression dahil iniwan siya ng mga mahal niya sa buhay. Kaya si mama ang lagi niyang nilalapitan para makipag usap at para hindi siya malungkot.

"Anak, kelan ba ako makakauwi?" Tanong niya.

"Eh mama... Hindi ko pa nga natapos ang kuwento ko sa inyo."

"Kuwento?" Napaisip siya. "Ah! Oo yung kuwento mo! Sige, ano na sunod nun, anak?"

"Pero bago ko ipagpatuloy yung kuwento," tinabihan ko si mama sa pag-upo. "Ano muna yung nakaraang kinuwento ko sa inyo?"

"Ano..." Napaisip muli siya. "Once upon a time, there was a princess named Maurize."

"Then?"

"Then... She was lonely."

"She was lonely... But?"

"But... May 'but' pala?" Tanong niya sa akin.

"Opo. May binanggit ako na 'but'."

"But... But... She... Hindi ko na maalala anak." Sumuko na siya sa kakaisip kung ano karugtong ng kuwento ko. Ngumiti nalang ako at hinawakan si mama sa kabilang balikat.

"But, she met a prince named Euan. And he was her prince."

"Was... Because he's no longer her prince anymore now. But the princess still hopes for another prince to come and love her more than she could imagine."

"She will hope... And wait... Until the day comes when a prince holds her hand and kisses it."

"Parang may mali sa kuwento mo anak." Sambit niya. Taka kong tinignan si mama.

"Bakit po?"

"May bata kasi... Yung bata... Nung nakaraang araw?"

"Ah..." Hindi pala niya nakakalimutan yung tungkol sa bata. "Opo... Anak ko po iyon."

"Isama mo naman siya ulit dito anak. Gusto ko siyang makilala." Sabi niya at ngumiti ng matamis sa akin.

[READY ka na Mau?]

"Oo. Paalis na ko."

[Sige. See you nalang sa venue.] Sabi ni Ai sa kabilang linya bago ito binaba. Nakaayos na ako at paalis na papunta sa venue ng 21st birthday ni Blanche Hermosa, anak ng isa sa mga co-designers ni Tita.

Pagdating ko sa bar na venue ng party, sumalubong sa akin si Ai sa entrance wearing a Fushia maxi dress.

"Kakarating ko lang din about ten minutes ago pero as soon as I entered and meet some designers, ikaw agad ang hinahanap nila." Sambit niya sa akin habang dahan-dahan kaming naglalakad papasok. "May potential raw tayo in terms of fashion, nagtaka lang sila kung bakit interior designing ang pinili nating course. Pero sigurado silang magiging in-demand na interior designer ka, Mau. Pero kung gusto mo raw mag contribute sa fashion industry, welcome ka naman daw nilang i-accompany." Humagikhik siya at humawak sa braso ko. "Basta kung nasaan ka, andun ako ha?"

Tumawa ako. Napaka clingy talaga. "Oo na. Pero ikaw yung mas may potential sa fashion industry kaya kung may opportunity, i-grab mo na agad."

"Oo naman."

Pagpasok namin sa mismong venue, rinig namin ang kalmadong musika na tumutugtog sa paligid.

Andito ang mga fashion designers na kakilala ni tita at hindi na ako magtataka kung makita namin siya dito. Halatang napaka espesyal ng party na 'to at hindi basta-basta ang mga bisita. Base sa mga suot nila, napaka- high class. Sinalubong kami ng mama ni Blanche na isang fashion designer din.

"Hello, Maurize. Welcome to Blanche's birthday celebration." Bati niya na may malaking ngiti sa labi.

"Hello tita. Nice to see you again po. Where's Blanche?"

"Over here is our colleagues. But at the other side of that door," tinuro niya ang isang pintuan na may sign na VIP Hall. "That's where the true party is. Blanche is in there."

"Oh. Sige po we'll go ahead na po." Sabi ko at nagpaalam na kami para makapasok sa VIP hall.

Pagkapasok pa lang namin sa VIP hall, malakas na kabog ng musika ang sumalubong sa amin. Andito ang mga ka-edad namin na anak din ng isang designer.

"Maurize! Aiessa!" Salubong sa amin ni Blanche. "Good you're here!"

"Happy birthday Blanche!" Sabay naming bati ni Ai sa kaniya.

Pumunta kami sa mahabang sofa at umupo dun. "Thank you so much. Alam kong nagtataka kayo kung bakit ayokong tumanggap ng gifts dahil your presence and presence of everyone is already enough and so far this is the best birthday ever!" Niyakap niya kaming dalawa ni Ai.

"Oo naman Blanche. And congrats nga pala at dahil naging sikat ang mga designs mo sa ibang bansa." Sabi ko sa kaniya.

"You're welcome, Mau. Oh, maiwan ko muna kayo ha? Enjoy the party!" Sabi niya at nagpaalam sa aming dalawa.

"Ay Mau oh, look! Ang daming mga gwapings sa dance floor! Pumili ka na!"

"Huy, ako ka ba!" Hinampas ko ng mahina si Ai sa braso. "Anong pumili ka diyan. Ako pa gawin mong malandi."

"Eh! Para naman maka move on ka na agad ni Euan noh! Sige na, sayaw ka na dun!" Tinutulak tulak niya ako papunta sa dance floor.

"Ai naman eh!" Nagdabog ako. "Mamaya na. Kumuha ka muna ng margarita doon." Sabi ko sabay turo sa bar counter gamit ang labi ko.

"Sige na nga!" Umalis siya at naglakad papunta sa bar counter at ako naman bumalik sa pagkakaupo sa sofa.

Minamasdan ko ang mga taong nagsasayaw sa dance floor. Parang wala silang problema kapag sumasayaw sila. Ang saya nila tingnan.

Ilang sandali lang ay bumalik na si Ai. Pero para siyang kinikiliti nang makalapit na sa akin. "Mau, tingnan mo to oh!"

May pinakita siya sa aking tissue paper na may nakasulat na mga numero. "Phone number 'to ni ano... Rill? Ryle? Rils? Ano nga name niya?"

"Ai talaga, kung makahingi naman ng number hindi pa alam ang pangalan."

"Hindi ko kasi narinig ng mabuti. Hindi niya din sinulat ang name niya dito sa tissue... Hayys sayang... Ay ayun oh!" Tinuro niyavang isang lalake na naglalakad na may bitbit na bote ng light alcohol. "Siya yun! Siya may ari ng number na to!"

"At ang dali mo lang nakuha number niya ah." Sabi ko habang tinitignan ang numero na nakasulat sa tissue.

"Oo naman. Sabi ko kasi may kaibigan ako na gusto makipagkilala sa kaniya. At ikaw yun. Tapos ayun hiningi ko number niya at binigay din naman niya."

"At tsaka okay din daw kung magmeet kayo ngayon. Hihihi." dugtong niya na kinikilig. "Ang gwapo niya Mau! Sige na i-save mo na number niya at baka mawala pa iyang tissue!"

"Hays. Oo na eto na." Nilabas ko ang phone ko at sinave ang number.

"Sasayaw lang ako." Paalam ko kay Ai at tumayo pagkatapos kong magsave ng number sa phone at uminom ng kaunti ng margarita. Pumunta ako sa gitna ng dance floor at sinabayan ang indak ng nakakaaliw na musika.

Gusto kong maalis ang lahat ng dinadama kong sakit at ang mga masasakit na ala-ala na aking naranasan sa buhay. At sa taong mahal ko. Hindi sa gusto kong kalimutan si Euan, pero gusto ko nang makaalis sa hawla na nagdudulot lang ng sakit sa akin at ng pagkawasak ng puso ko.

Kung paano niya ko pinupuri dahil magaling ako magsayaw... Sa mga oras na lagi siyang andiyan nanonood at nag-aabang sa akin... Mga panahong nasa tabi ko lang siya at minsa'y hindi siya nawawala sa paningin ko.

Sana hindi na sakit ang maramdaman ko habang iniisip ang mga alaalang iyon. Sana magmistulang masasayang alaala na lang iyon at magpasalamat dahil naranasan ko ang maging masaya kasama siya.

Nagsasayaw parin ako nang magulat ako dahil bigla nalang akong hinila ni Ai sa kung saan. Tumigil lang kami nang may lalaking nakatayo sa harapan namin.

"Ano ba Ai—"

"Hi. Siya nga pala yung friend ko na binanggit ko kanina." Sabi ni Ai sa kaniya. "Sige. Maiwan ko na kayo. Enjoyyy..." Pinanood ko si Ai na umalis at bumalik sa puwesto namin.

"Hi. Your name is...?"

"Ah.." nilingon ko ang lalaking nasa harap ko. "I'm Maurize. And you?"

"I'm Rilch."

"Huh? You're rich?" Grabe naman 'tong lalaking 'to. Anong tingin niya sa akin, kelangan ko ng pera?

Tumawa siya na pati yung mata niya sumisingkit. "No, I'm Ril-ch. R-I-L-C-H."

"Ahh... Rilch." Ang unique ng name niya ah.

"HAHAHA. Nakakahiya nga yun." Sambit niya. Andito kami nakaupo sa labas ng bar at nakukuwentuhan tungkol sa mga embarrasing moments namin sa buhay. Napag alaman ko ding pareho ang college na pinapasukan namin, journalism ang course niya. Mahilig din siya sa photography kaya next time daw ipapakita niya yung mga photo collections niya sa akin.

"Uhm... Ano Maurize..." Sabi niya pagkatapos ng ilang segundong katahimikan. "May boyfriend ka na?"

Nilingon ko siya. "Kakabreak lang namin nung nakaraan. Ikaw?"

"Matagal na panahon na nung huli akong nagka-girlfriend. A year ago to be exact." Tumingin siya sa harapan at nakatitig sa tahimik na kalasada. "Kinailangan niya akong hiwalayan dahil aalis siya sa ibang bansa upang mag-aral."

Tumingin din ako sa harap at tumitig sa kalsada gaya ng ginagawa niya. Napabuntong hininga ako. "Pareho pala tayo."

"Pero hanggang ngayon, hindi parin ako maka move on sa kaniya. Ang hirap kasi lalo na't siya yung pinakamamahal ko."

Ako kaya? Mahihirapan kaya akong maka move on lalo na't unang boyfriend ko si Euan at siya ang pinakamamahal ko?

Sinusubukan ko naman na ngayon. Kasi acceptance is the key on moving on ika nga nila.

"Time heals naman, Rilch eh." Sambit ko. "Darating ang araw na makaka move on ka. Makaka move on tayo."

"Sawi ako sa pag-ibig kasi hanggang ngayon, may sakit parin akong nararamdaman dulot ng pag-iwan niya sa akin."

"Ako din." Pareho kami ng nararamdaman. Pakiramdan na nasaktan at naiwanan.

Nilingon niya ako. "Thanks for tonight, Maurize." Inangat niya ang palad niya at naghihintay na mag high five. "Team sawi?"

Ngumiti ako at nag high five kaming dalawa. "Team sawi."

Hanggang ngayon, naghihintay parin ako sa taong magiging dahilan ng kasiyahan ko. Na masasabi kong ang sarap talagang magmahal.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top