Chapter 8


[Halika na Mau! Magsisimula na yung laro nila Keil!]

"Oo na. Oo na. Pababa na ko oh." Binilisan ko ang paglalakad para makahabol ako sa pagsisimula ng sportsfest namin. At ang unang game na gaganapin ay soccer. Nalate naman kasi ako ng dating sa campus at kinailangan ko pang iwan yung mga gamit ko sa locker na nasa third floor.

"Anak ng... Nakalimutan ko..." Mahinang sabi ko at binalikan ulit ang daan pabalik sa locker room. Naiwan ko yung extra battery at power bank para sa phone ko. Hindi pwedeng hindi ko mai-record and game ni Keil. Madelete man lahat ng mga files ko sa phone, wag lang ang video ng mga games ni Keil. Number 1 fan ako ng bestfriend kong iyan.

Bago ko pa nabuksan ang locker ko ay may narinig akong boses ng babae sa kabilang side nitong locker.

"Honey, okay na ba yung plano?" Narinig ko ang pagsara ng locker. "Ligpitin mo na siya agad. Ayokong sumasagabal siya sa atin... Yes, I cheated on him kasi ayoko na sa kaniya... Saan mo siya itatapon? Sa likod ng campus? Can you look somewhere else more hideous? Ugh... Fine... Okay. Call you later... Bye... I love you."

Hindi ko nakita kung sino ang may ari ng boses na iyon kaya binalewala ko nalang at kunwari ay hindi ko siya narinig.

Ngunit, pagkatapos ng kasiyahan sa sportsfest, may bumabagabag sa akin tungkol sa narinig ko sa locker room.

'Ligpitin mo na siya agad.'

'Saan mo siya itatapon? Sa likod ng campus?'

Nung una, inisip ko na baka may inutusan lang siyang magtapon ng basura sa likod ng campus.

'I cheated on him kasi ayoko na sa kaniya.'

Pero kelan pa nagcheat ang isang tao sa isang basura?

Kaya dahil dun, pagkatapos ng sportsfest, dumiretso ako sa likod ng school campus. Masukal at mahahaba na ang mga damo dito, posibleng may ahas dito at kagatin ako. Wala naman sana.

Napatalon ako sa gulat nang may naapakan ako. Akala ko ahas, kamay pala ng isang tao, at nakita ko doon ang nakahandusay na katawan ng isang lalake. Bugbog sarado ito, ang daming pasa sa braso at mukha. Chineck ko ang pulso niya at nalaman kong buhay pa siya. Bigla ay tinawagan ko sa telepono ang mga body guard ni tita at sinabing may emergency.

Napag-alaman kong siya yung boyfriend ng half sister kong si Vielle Montes. Siya si Axel Mejares. Sikat silang dalawa sa campus at sila ay tinaguriang campus couple.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko kay Axel.

"Last week, napag alaman kong may iba si Vielle," paliwanag niya. "Kanina nagtext siya sa akin na pumunta ako sa parking lot para mag usap kami, at para maayos yung gusot sa aming dalawa. Nagtaka ako kung bakit sa parking lot pa, kung pwede namang sa loob nalang ng campus. Kahit ganun ay sinunod ko ang utos niya. Pero mga lalaking naka itim ang sumalubong sa akin doon at pinagsusuntok ako. Nawalan ako ng malay at nagising ako kung saan mo ko nakita."

"Are you threatening me?" Tanong niya.

"Why? You feel threatened?" Ngumisi ako.

"Oy oy tama na iyan." Awat ni Ai sa amin. "Pagpasensiyahan mo na 'tong si Maurize, Miss Montes. Pasensiya na yung tungkol sa test. Pagbigyan mo nalang kami tutal isang beses lang naman yun eh. Di na mauulit."

"Psh." Inirapan niya kami. Pagkatapos ay ngumisi ng peke. "I'm so sorry guys." Sabi niya sa mga blockmates namin. "Joke lang naman yun. Diba Alcante?"

"Hm... Oo nga." Ngumisi din ako ng peke. "Hindi naman masama ang ugali ni Montes eh. Mabait siya. Mana sa papa niyang mayor. May malasakit." Sabi ko din sa mga blockmates. Pakiramdam ko susuka ako. Kung alam ko lang eh nagdala sana ako ng cellophane pang salo ng suka ko.

"Yeah right." Sang-ayon niya. "Alis na ako ha? See you around."

"Hindi ko talaga alam iyang ugali ni Montes, Mau." Banggit sa akin ni Ai. "Ngayon ko lang nakitang para siyang may kasamang kampon ng kadiliman? May galit ba siya sa iyo?"

"Ewan." Hindi ko alam kung may alam siya tungkol sa akin at ano ang koneksyon namin ni mama sa papa niya. Basta ang alam ko, mabaho ang budhi ng babeng iyan.

"Tsk tsk tsk. Naku, wag mo nga yung patulan! Baka magsumbong pa iyon sa papa niya kasuhan ka pa!"

"At ano ikakaso niya sa akin? Cheating? Talking back? Arguing? Debating?"

"Wala naman ganung kaso, Mau." Sabi niya at nag pout.

"Kung walang kasong ganun, eh di walang maisasampang kaso ang papa niya sa akin. O sino pang attorney tawagin niya."

"Sabagay..." Sang ayon ni Ai. "Pero parang may galit talaga siya sa iyo Mau. Feel ko talaga."

"Ay naku huwag mo na problemahin yun," sabi ko saka isinabit ang braso ko sa braso niya. "Balita ko may party na magaganap bukas."

"Talaga?!" Nagtatalon talon siya sa tuwa. "Bongga! Kaninong party?"

"Birthday ng anak ng isa sa mga co-designers ni tita. Ininvite tayo ng celebrant sa isang bar."

"Wow! Sige sige gusto mo punta tayo ngayon sa mall at mag shopping? My treat!" Masiglang sabi ni Ai. Napangiti ako. Takaw talaga sa party. Haha.

"Eh eto?" Pinakita niya sa akin ang isa pang dress na sabi niya babagay sa akin para sa party.

"Okay lang."

"Anong okay lang?" Halata sa kaniyang frustrated na siya. "Kanina ka pa okay lang ng okay. Oh eto nakapili na ako ng maxi dress na susuotin ko. Eh ano ba dito sa sampu ang gusto mo?"

"Kahit saan diyan. Ikaw bahala."

"Ang hirap kaya lalo na't bagay naman sa iyo ito lahat. Naku..." Napakamot siya sa ulo at tinignan muli ang mga nakuha niyang damit.

Pinakita niya sa akin ang isang pastel pink ruffle dress.

"Eto bagay sa'yo."

"Talaga?"

"Oo naman. Wala ata sa mga damit dito ang hindi nababagay sa'yo."

Napatawa ako. "Totoo ba iyan o binobola mo lang ako?"

"At kelan pa kita binola ha, babe? Totoo kayang bagay sa'yo... Oh eto." Pinakita niya sa akin ang isang pastel pink ruffle dress. "Eto oh. Gusto ko ito ang suotin mo mamaya."

"Sige nga..." Kinuha ko ang dress na iyon mula sa kamay niya at pumasok sa fitting room. Tinignan ang sarili ko sa salamin bago lumabas.

"Parang hindi naman bagay sa akin 'to, babe."

"Ano ka ba?" Nilapitan niya ako at hinawakan sa bewang. "Bagay na bagay sa'yo. At ikaw ata ang pinakamagandang babae na nabubuhay sa mundong ito, na mahal na mahal ko."

"Ihh... Binobola mo lang ako. Yun nalang oh." Tinuro ko ang kumikinang na black dress na may side slit. "Gusto ko yun. Yun nalang ha?"

"Anything for my babe."

"Huy, Mau."

"H-hah?" Tinignan ko si Ai.

"Natulala ka? Bakit? Nagandahan ka nitong ruffle dress?" Tanong niya habang hawak hawak ang dress.

"Hah? Ah... Oo..." Naalala ko nung sinukat ko iyan at kasama ko si Euan. Buti andito pa iyan. "Tingin mo babagay iyan sa akin?"

"Oo naman! Dali, sukat mo." Tinanggal niya sa hanger ang dress at inabot sa akin. Pumasok ako sa fitting room pero umabot pa ako ng tatlong minuto bago gumalaw at isukat ang damit. Naiisip ko na naman kasi yung mga oras na magkakasama kaming dalawa ni Euan.

Ano ba! Kala ko ba mag mo-move on ka na?

"Wow! Maganda iyan sa party, Mau! Omg!" Nilapitan niya ako at inayos pa ang ruffles na nasa balikat ko. "Ikaw na yata ang pinakamagandang babae sa buong mundo, parang natalo mo na si Kim Kardashian! Yan na suotin mo wag ka nang umangal ha!" Komento ni Ai paglabas ko ng fitting room.

Kung ito ba yung pinili ko dati, pupurihin din ba ako ni Euan kagaya ng pagpupuri sa akin ni Ai?

"Hehe..." sabi ko nalang. "Sige. Eto yung pipiliin ko."

"Okay. Tara na bayaran na natin 'to."

Pagkatapos naming mamili ng damit, dumaan muna kami sa arcade hall. Agad tumakbo si Ai isang claw machine.

"Halaaa!" Kumikinang ang mga mata niya habang minamasdan ang mga stuff toys sa loob ng machine. "May minions, doraemon, hello kitty, kumamon, Tweety bird. Oh! May snoopy din!"

"Babe, ano gusto mong stufftoy na kukunin natin?"

"Yung snoopy, babe."

"Gusto mo ikaw kumuha?" Inabot niya sa akin ang isang token. "Try mo babe."

Excited akong naghulog ng isang token sa machine at nagsimula na ang timer. Itututok ko na sana sa snoopy pero hindi ito maabot ng claw.

"Hindi," sabi ni Euan at hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa controller. Naghulog siya ng panibagong token. "Wag kang mag hanap sa malayo. May snoopy naman dito sa malapit eh." Kintrol namin ang claw at nakatutok ito sa isa pang snoopy. Ilang segundo ay bumaba ang claw at kukunin na ang snoopy, pero dumulas ang stufftoy. Naghulog uli si Euan ng token. "Ganiyan naman ang mga claw machine. Kapag hindi mahigpit ang hawak, dudulas at dudulas ang nahahawakan ng claw. Hanggang hindi na niya ito maabot muli.

'Bakit? Hindi ko ba nahawakan ng mahigpit si Euan kaya nadulas siya sa kamay ko? Hanggang hindi ko na maabot?'

"Ano?! Tulala na naman?"

Nilingon ko si Ai na nakapamewang na sa harapan ko. "Ano bang iniisip mo? Eh kanina pa kaya ako nagsasalita dito at tinatanong ka kung anong stuff toy gusto nating kunin?"

"Ah. Sorry Ai..." Tinignan ko ang mga stufftoy sa machine at tinuro ang minion stufftoy. "Yung minion nalang. Kasi malapit sa butas."

"Osige." Naghulog siya ng token at tinutok ang claw sa minion. Sinabayan niya ng pagsayaw ang musika na tumutugtog sa machine habang hinihintay ang claw na bumaba at kunin ang stuff toy.

"Okay ka lang, Mau?" Tanong ni Ai habang naglalakad kami sa parking lot papunta sa mga kotse namin. "May sakit ka? Trangkaso?"

"Wala naman Ai. Okay lang ako." sagot ko. Nang makarating na kami sa kaniya-kaniyang kotse ay pinasok ko ang mga pinamili ko sa backseat.

"Okay. Next week, mag-sleep over ako sa bahay mo ha? Namiss ko na matulog dun."

"Sure." Sabi ko at ngumiti.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at drinive ang sarili naming kotse.

Pagdating ko sa bahay, tulala na naman ako. Umupo ako sa sofa at tinitigan ang sariling repleksiyon sa TV. Napatingin din ako sa mga DVD tapes sa ilalim nito.

"Babe, marami akong nabiling DVDs. Ano gusto mong panoorin natin ngayon?" Tanongniya.

"Uhm..." Tinignan ko isa-isa ang mga title ng binili niyang tapes. "Yung The Longest Ride."

"Sige." Isinalang na niya sa DVD player ang tape na pinili naming panoorin. Yakap yakap niya ako habang nanonood ng pelikula.

"It is about sacrificing in order to make the relationship work." Mahina kong bulong nang maalala ko kung ano yung naintindihan ko sa buong istorya ng pelikulang pinanood namin dati.

"Love is synonymous to pain, and sacrificing is pain."

Nilingon ko ang nagsalita. Yung bata, nakatayo sa gilid ng sofa. Umusog ako at sinenyasan siya na lumapit at tumabi sa akin. Nung makaupo na siya sa tabi ko, napabuntong hininga ako.

"Ang pag-ibig hindi lang puro pagmamahal. Kelangan mo ding magsakripisyo kaya kahit masakit, kakayanin mo dahil yung sakripisyo mo ay para sa mahal mo at para manatili ang pagmamahal." Dugtong niya.

Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Ang sakit, hindi mananatiling masakit. Dahil darating ang araw na yung sakitna nararamdaman mo dati ay isa palang aral, dahilan para mas lalong tumibay ang pagmamahalan."

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hindi ko lang kasi matanggap na wala na kami ni Euan at ang pagbitaw sa kaniya ay isang sakripisyo sa akin.

Natigil lang ako sa pag-iyak nang maramdaman ko ang pagyakap sa akin ng bata. Taka akong tumingin sa kaniya.

"Bata..."

"Gusto kong maibsan ang sakit na nararamdaman ng puso mo. Gusto kong kalayaan at pagtanggap ang magiging laman niyan dahil ayokong dumating ang araw na hindi mo kakayanin ang sakit at hindi mo na mararanasan ang maging masaya muli."

Tinatak ko sa puso at isip ko ang mga sinabi ng bata. Niyakap ko din siya pabalik, at mahigpit.

Dadating ang araw na mararanasan ko ang maging masaya muli kapiling ang taong mahal ko. Hihintayin ko iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top