Chapter 6

"Babe." Tawag ko.

"Hm?"

"Pag may work na tayo, punta tayo sa iba't ibang lugar. Mag tour tayo!"

"Oo naman. Kapag naging successful engineer na ako lilibutin natin ang mundo."

"Pangako iyan ha?"

"Oo naman. Gagawa din tayo ng dream house natin."

"Sige. Gusto ko iyan. Tapos pag kinasal na tayo yung bahay natin may playground para sa mga anak natin at may little classroom dapat ha?"

"Oo naman. Pag yung mga anak natin lalaki, tuturuan ko silang mag basketball at gagawin ko silang drink buddy."

"Drink buddy ka diyan. Turuan mo pang mag-walwal mga anak natin."

"Haha joke lang. Ano pang gusto mo?"

"Gusto ko every week may family day tayo, magba-bonding tayo ng weekends."

"Oo naman. Tapos kada uwi ko galing sa work dapat ang mga anak natin ang unang sasalubong sa akin sa gate. Lagi akong magdadala ang pasalubong sa inyo."

"Talaga?"

"Oo. Huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat para matupad lahat iyon."

"Mga inhinyero puro salita." Bulong ko saka kinakat ang dulo ng ballpen na hawak ko. Nagtetest kami at heto ako nakatulala.

Kasalan ko bang nakatulog ako kakaiyak at nakalimutang magreview kagabi?

"20 minutes left."

"Anak ng..." Tinignan ko ang papel ko at wala man lang itong sulat kahit pangalan ko sa ibabaw. Kinalabit ko si Ai. "Ai. Uy..."

"Oh bakit?" Bulong niya. Yumuko ako ng kaunti para hindi ako makita ni Prof.

"Hindi ako nakapagreview kagabi. Pakopya naman oh."

"Pambihira..." Hinablot niya ang papel ko at kinopya doon ang sagot niya. "Ano bang ginawa mo kagabi at hindi ka nakapag review?"

"Mamaya ko na ieexplain."

"Oh eto." Binalik niya ang papel ko. "Hindi lahat ng sagot diyan pareho ng sa akin."

"Walang problema yun Ai. Salamat talaga."

"Sus. Ano pa ang magkakaibigan, diba?" Sabi niya saka kumindat.

Pagkatapos ng test, pwede na kaming umuwi. Bukas pa naman iche-check ang mga test papers.

"Bakit ba hindi ka nakapagreview kagabi ha, Mau?" Tanong ni Ai sa akin habang naglalakad kami patungong floral field.

"Eh ano kasi..." Oo sasabihin ko na. Hindi ko naman kasi kakayaning maglihim kay Ai.

Umupo kami sa isa sa mga bakanteng mesa sa field at inilapag ang mga gamit dun.

"Di ko naman kasi kayang maglihim sa'yo Ai kaya sasabihin ko na."

"Ano yung sasabihin mo, Mau?" Nagulat kami nang sumulpot si Kiel.

"Oh Kiloy! Grabe ha hindi mo man lang kami dinadalaw!" Sabi ni Ai saka hinampas si Keil ng mahina sa braso.

"Bakit? Anong selda ba kayo?" Tumawa siya at umupo. "Wag kayong mag-alala, pagkatapos ng sportsfest hindi na ako mawawalan ng time sa inyo. Dadalawin ko na kayo palagi."

"Dapat lang."

"Oh, ano Mau? Di ba may sasabihin ka?"

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Wala na kami ni Euan."

"ANO??!!" Sigaw ni Ai na nakaagaw ng atensiyon sa mga estudyante na nandirito sa field. "PUTING PUSA KAYA KA HINDI NAKAPAGREVIEW?" At wala siyang pakialam kung tinitignan na kami ng masama ng mga estudyante sa paligid. "ANG BABAW NG RASON MO—joke lang. Ano? Bakit naman?"

"Sa ibang bansa na daw siya mag-aaral. Hindi niya kaya ang long distance relationship."

"Tsk tsk. Masamang balita iyan." Sambit ni Kiel sabay iling. "Na ang isang Maurize Alcante ay hiniwalayan ng isang Euan Saavedra. Baka bukas nasa entertainment section na siya ng school paper."

"Ano namang meron dun?" Tanong ni Ai. "As if naman showbiz si Mau. Sikat lang siya sa mga co-designers ng tita niya. Pustahan walang Maurize Alcante na lalabas sa school paper."

"How about Euan? Isang anak ng successful engineer. Sikat siya dito."

"Lalabas iyan." Singit ko sa kanilang pagtatalo. "Knowing na madaming tsismosa sa campus na 'to madali lang silang makasagap ng balita. Eh ano naman kung lalabas?"

"Oo nga Mau." Sang-ayon sa akin ni Ai. "Sus. Sabihin ko pa nga sa mga tsismosa na hindi kawalan si Mau. Marami pang nakapila."

"Lul. Asan?" Lumilingon-lingon si Kiel sa paligid. "Pakita mo sa akin, asan yung mga nakapila?"

"Wala pa ngayon. Bukas pustahan marami nang pipila kasi available na si Mau hahaha!"

"Mga kalokohan mo talaga Ai."

"Bakit? Seryoso ako! At pupusta talaga ako! Magkano gusto niyo? Ten thousand?"

"Sugalera!" Sigaw ni Kiel sa mukha ni Ai.

"Ang sama ng ugali mo Kiloy!" Marahan niyang sinabunot ang buhok ni Kiel.

"Ara—Aray!"

"Magpraktis ka na baka ako pa ang sumipa niyang ulo mo!"

"Oo na! Ang sungit!" Binitbit na niya ang bag niya pang-training. "Alis na ko. Text text nalang ha? Ai... Mau..."

"Osige. Ingat ka Kiel." Sabi ko saka kumaway.

"Sige na Kiloy! Babye!"

Pag-alis ni Kiel sakto namang nag-ring ang phone ko na nakapatong sa mesa. Tumatawag ang isang numer na pag-aari ng taong minsang naging parte ng mundo ko.

"Hello..."

[Maurize... Anak...] Sagot ng nasa kabilang telepono. Si Papa. [Andito ako sa Khav's Cafe. Meet me here.]

"Okay. Bye." At in-end ko agad ang call. Tumayo ako at binitbit ang bag ko.

"Oh? 'San punta mo?"

"May imi-meet lang ako. Kita nalang tayo bukas Ai." Sabi ko saka bumeso.

"Osige. Mag text ka lang ha? Ingat ka."

"Sige."

PAGPASOK ko sa cafe, wala akong ibang nakitang tao kundi siya lang. Nirenta niya ang buong cafe. Ano bang hindi nagagawa ng isang mayor ng siyudad?

"Maurize." Bati niya sa akin at humalik sa pisngi ko. "Kumusta ka na?"

"Ayos lang... Pa..." Sagot ko. Ngayon ulit kami nagkausap ng ganito kalapit after 10 years.

Umupo kaming dalawa at ilang saglit lang may nagserve sa amin ng kape.

"Tungkol sa mama mo..."

"Ah." Sambit ko. "She's recovering naman na. She's fine. Lagi ko siyang binibisita dun sa mental flat."

"Oh... Good to know..." Dahan dahan siyang tumango. Sumimsim muna siya ng kape bago nagsalita ulit. "I've heard you have a same class with my daughter."

With HIS daughter.

"Yeah. Isang subject lang naman."

"You two get along?"

"No." Amin ko. Inikot-ikot ko ang hintuturo ko sa bibig ng baso ng kape. "Never have we exchanged handshakes."

"But I hope you two can get along someday. Mabait na bata si Vielle."

Sana mali ang tingin ko sa kaniya. Sana tama iyang sinasabi mo tungkol sa kaniya, Papa.

Dahil may nakita akong pagkatao ng anak mo na hindi magugustuhan ng ibang tao. At ako lang ang nakakita nun.

Tumayo na ako at inilahad ang kamay sa harap niya. "It was an honor to meet and talk with you, Mayor Marlito Montes. Until next time."

"Oh..." Nagdadalwang isip pa siya kung makikipagkamay siya sa akin pero tinanggap naman niya ang kamay ko at nagshake hands kami. "Take care, anak. Call me often."

"If I'm free, I will." Sagot ko saka naglakad palabas ng cafe.

Pagpasok ko sa kotse ko, naamoy ko ang baby powder kaya paglingon ko sa backseat, andun ang batang kabute nakaupo at nakatingin sa akin.

"Tek—teka... Paano ka nakapasok?"

"Hindi mo na-lock kotse mo." Sabi niya sabay turo sa mga lock ng pintuan ng kotse at hindi nga ito naka lock. Kaya pala nabukas ko nalang kaagad at hindi ko nagamit ang car key ko.

"Kung wala ako dito, baka nanakaw na mga gamit mo dito sa kotse."

Napabuntong hininga ako. Nawala sa isip ko dahil sa pag-iisip tungkol kay papa, kung ano yung pag-uusapan namin. Kinamot ko ang likod ng tenga ko. "Sorry. Di na mauulit."

Lumabas siya ng kotse at binuksan ang passenger seat. Doon siya umupo.

Tahimik lang kaming dalawa habang nakatingin sa harapan. Ni hindi ko pa naaandar ang kotse. Wala na din si papa sa cafe, nakaalis na.

"Ayaw mo ba sa papa mo?" Tanong niya. Nilingon ko siya.

"Hindi naman sa ayaw ko. Nasasaktan lang ako pag naiisip kong may iba na siyang pamilyang minamahal." Sagot ko at napabuntong hininga ulit.

"Iniisip ka parin naman niya ah."

"Hindi. Oo. Siguro... Ewan. Pero ayokong mapalapit sa kaniya."

"Bakit naman?"

"Baka ako pa ang maging dahilan kapag magkaproblema ang pamilya niya." Rason ko. "Ayokong maging sanhi na masaktan sila, bata. Okay lang kung ako yung masaktan. Wag lang ako yung makasakit."

"Parte ng pagmamahal ang masaktan." Dugtong ko. "Pero hindi pagmamahal ang makasakit ng iba."

"Hindi sa ganun." Sambit niya. "Nakakasakit tayo ng iba dahil tao tayo. Pagmamahal parin ang makasakit sa unang pagkakataon. Dahil sa susunod, gumagawa tayo ng paraan upang ayusin ang pagkakakamaling iyon. Pero kung iuulit mo iyon ng ikalawang pagkakataon, hindi na iyon pagmamahal. Either pagkamuhi, o pagkabalewala sa damdamin ng iba."

"Tatandaan ko iyan, bata."

Bigla kong naalala si mama. "Bibisitahin ko si mama ngayon. Gusto mo sama ka?"

"Tara."

Napangiti ako at inandar na ang kotse.

Sta. Maria Mental Flat

"Good morning Ms. Alcante." Bati ng nurse sa akin pagdating ko.

"Good morning." Pumasok na ako at nakasunod lang ang bata sa likuran ko. Bigyan ko na kaya siya ng pangalan? Sige mamaya.

Bago pa kami dumiretso sa kwarto ni mama ay nakita ko si Lala na naglalakad papalapit sa amin. Tinignan niya ang bata na kasama ko.

"Ang gwapong bata naman niyan, Mau."

"Talaga?" Tinignan ko ang bata. Inosente lang itong nagpalinga-linga at tila parang inoobserbahan ang buong paligid. Oo, gwapong bata itong anak ko. Ang tanong ko sino ba ang tatay nito at bakit ganiyan kagwapo ang bunga namin? "Hehe. Salamat."

"Anak mo ba siya?"

"Uh... O—" bago ko pa tapusin ang sagot ko ay nilapitan na siya ng nurse.

"Lala, tara na, kelangan mo nang magpahinga." Sabi sa kaniya ng nurse. Takang tinignan siya ni Lala.

"Bakit? Kakapahinga ko lang kanina."

"Eh kasi..." Alalang tinignan ako ng nurse, "Kasi po—"

"Hindi, okay lang ako." Inalis ni Lala ang pagkakahawak sa kaniya ng nurse. "Pupunta lang ako dun sa park."

"Eh sige po." Walang nagawa ang nurse kaya umalis nalang siya. Bago pa naglakad papunta ng park si Lala ay nilingon niya ako, "Pwede ko bang isama ang bata?" Tukoy niya sa batang kasama ko. Tumango naman ako at sinabihan ang bata na sumama sa kaniya. Nung pumunta na sila sa park ay dumiretso na ako sa kwarto ni mama.

Dala dala ko ay basket na puno ng prutas at inilapag ko ito sa mesa niya pagkapasok ko. Dumaan kami kanina sa isang fruit stand bago dumating dito. Andun si mama nakatalikod sa akin at nakatingin sa tanawin na nasa labas ng bintana.

"Hi ma." Bati ko. "Kumusta ka na?"

Hindi sumagot si mama. Inayos ko ang gusot ng bedsheet ng higaan niya at inilagay sa tamang pwesto ang unan. "Nagusap kami ni papa kanina."

Nilingon niya ako. "Ano pinag-usapan niyo, anak?"

Tinitigan ko ng ilang segundo si mama bago magsalita, "Nangumusta lang po. Saglit lang naman iyon."

"Galit ka ba sa kaniya?"

"Hindi po." Malumanay kong sagot at tinabihan si mama. "Kasi, sabi niyo, hindi dapat ako magalit sa kaniya dahil may rason ang lahat ng bagay, Ma."

"Tama iyan, anak." Niyakap niya ako. "Namiss kita." Niyakap ko naman siya pabalik.

"Namiss din kita ma."

"Magaling na ako anak." Proud na sabi niya. "Pwede na ba tayong umuwi?"

"Uhm..." kelangan ko pang kunsultahin ang doktor niya kung maayos na ba talaga ang kalagayan ni mama. Dahil minsan nang sinabi ni mama dati na magaling na siya pero hindi pa pala. "Sige. Uuwi tayo ma pero sa isang kondisyon."

"Ano iyon, anak?"

"Kelangan mo munang manatili ng ilang araw, at may kuwento ako kada araw na natitira bago tayo makauwi. Okay ba iyon ma?"

"Sige, sige." Inayos niya ang pagkakaupo niya. "Ngayon ka ba magsisimulang magkuwento?"

"Opo." Inisip ko pa kung ano ang ikukwento ko. Ang hirap pala pag impromptu kang mag sstory telling. "Once upon a time, there was a princess named Maurize."

"Ikaw iyon anak." Nakangiting sabi ni mama. Ngumiti din ako pabalik sa kaniya.

"She lived in a house, alone, and she felt lonely, not until he met a prince named Euan." Patuloy ko.

"She felt loved by her prince."

"But one day— he broke—"

"You met a little boy that said he's your son." Singit ni mama sa kuwento ko.

"H-huh?"

"Yung bata na kasama mo ngayon, anak mo yun, diba?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top