Chapter 5

"Oh, Mau? Nagmamadali ka atang bumaba?" Salubong sa akin ni Ai pagbaba ko ng hagdan mula sa kwarto ni Euan.

"Uuwi na ko."

"Eh? Sayang naman outfit natin tas uuwi ka agad? Maaga pa uy."

"Sorry Ai." Tinalikuran ko na siya para makauwi na ako kaagad. Baka hindi ako makahinga kapag mananatili pa ako dun. Di ko kakayanin.

Drinive to ulit ang kotse ko pabalik sa bahay. Agad kong hinagis ang bag at napahiga sa sofa. Napabuntong hininga ako.

"Ang laki ng problema mo ah."

"Oh? Ba't gising ka pa?" Tanong ko sa bata. "Bawal ang nagpupuyat bata. Di ka tatangkad niyan naku."

"Hindi ako nagpupuyat," sabi niya at umupo sa tabi ko. Inayos ko ang upo ko. "Gusto mo pag-usapan natin iyan?"

Napaisip ako kung sasabihin ko sa kaniya. Eh hindi naman maganda kapag nagsasabi ng problema sa bata, eh wala pa silang alam at wala silang maipapayo sa atin kapag sa kanila pa sabihin. Baka tawanan lang nila tayo at bigyan pa tayo ng lollipop na puro laway.

Pero, iba naman siguro 'tong batang 'to?

"CHEERS bata..." Matamlay na sabi ko sabay cheers sa aming hawak na baso. Yung baso ko may alcohol, sa kaniya naman baso na may gatas. Andito kami sa rooftop at nag-tatagay.

Nilagok ko ang lahat ng laman sa baso ko saka nagsalita. "Nakipag hiwalay na sa akin si Euan." Pinahid ko ang basa kong labi gamit ang likod ng palad ko. "Nakipaghiwalay siya kasi aalis daw siya papuntang US para mag-aral. Ang sakit. Ang sakit sakit."

Pinuno ko ulit ang baso at nilagok. Yung sa bata naman, dahan-dahan lang niyang iniinom ang gatas niya.

"Diba sabi mo may mga lalaki pang dadating sa buhay ko? Hindi ko naman inasahang ganito makipag hiwalay sa akin ni Euan."

"Pwede bang sa susunod kung makipag hiwalay man sila saakin dapat mawalan na ako ng pagmamahal sa kanila, para hindi naman ganito kasakit."

"Pero ang haba na ng two years, bata! Tas yung isang taon na niligawan ako!"

"Oo, naging pa-hard to get ako pero hindi naman siguro yun ang dahilan kung bakit di na niya ako mahal diba? Kung iniisip niya na pinahirapan ko siya ng isang taong panliligaw sa akin, bakit umabot pa ng dalawang taon? Kung pwede namang prinangkahan na niya ako bago ko siya sinagot?"

"Anak ng! Mga lalaki talaga!"

"Wag mong lahatin." Sabi niya.

"Wala akong sinabi." Reklamo ko. "Mga lalaki talaga—Iba... Iba-iba sila dapat hindi ko dapat lahatin." Palusot ko. "Bakit? Parang pare-pareho lang naman sila bata ah!"

Hindi siya umimik. Lumagok nalang ako sa alcohol na nasa baso ko.

"Psh... Hindi naman ako manhid para hindi masaktan. Sana maisip niyang nasaktan ako ng sobra. Sana pumunta siya ngayon para mag-sorry."

"Kung pupunta siya ngayon. Promise papatawarin ko kaagad siya. Bumalik lang siya sa akiiiiiiinnnn"

"Kunin mo na ang lahat sa akiiiiinnnn... Wag laaannngg... Ang aking mahaaaaall" pumikit ako para madama ko ang lyrics ng kinakanta ko. "Alam kong kaya mong paibigin siya, sa akin maagaw mo siy—teka!" Napadilat ako at tinignan ang bata na inosenteng nakatingin sa akin. "Baka may iba na siya? May iba na siya?! May iba? Iba?"

Narinig ko siyang tumawa. "Baliw."

"Uy! Hindi ako baliw!" Kumikibot kibot ang labi ko at sumisinghot singhot. "Baka may iba na nga siya... Ang sakit. Ang sakit sakit..."

"Alam mo... Hindi mo naman dapat ine-emote ng ganiyan ang boyfriend mo—ahh ex mo na pala."

"Huh? Ex ko na ba talaga siya?" Tanong ko. "Pwede extend muna? Di pa ko handa na maging ex siya. Extend lang ng tatlong araw, pwede?"

"Ewan ko sayo." Inirapan niya ako saka uminom ng gatas. May naiwan pang marka ng gatas sa ibabaw ng labi niya. "Hindi ka naman dapat magluksa kapag iniwanan ka ng lalaki. May purpose kung bakit nang iwan sila. At alam mo yun."

"Na may darating pang mga lalaki na mamahalin ko at isa dun ang tatay mo?"

"Hm." Tipid na sagot niya.

"Yung huling lalaki ba na mamahalin ko, yun na ang tatay mo?"

"Hindi ko masasabing oo, hindi ko din masasabing hindi. Tingnan nalang natin kung darating na ang araw na yun."

"Ang daya." Bulong ko.

"Hindi ako madaya. Ni hindi ko nga din alam kung sino ang tatay ko. Kaya nga dapat tulungan mo ko."

"Tinutulungan naman na kita ha? Reklamador!"

"Aba! Nagsalita ang reklamador!"

"Hala? At kelan pa ako naging reklamador, aber?"

"Pakinggan mo sarili mo."

"Psh." Inirapan ko siya saka napatingin sa langit. Maraming bituin na kumikinang sa kalangitan. "Ang ganda ng mga bituin." Komento ko.

"Konti pa lang iyan."

"Bakit? May mas rarami pa ba niyan?" Pero alam kong may mas rarami pa diyan pero yung ibang stars, nasa pinakamalayo na yun at hindi na makikitang kumikinang.

"Dahil maliwanag dito sa siyudad, konti lang ang nakikitang mga bituin sa kalangitan. Subukan mong pumunta sa mga probinsiya."

"Mas madami dun?" Masaya kong tanong sa kaniya. "Sige! Punta tayo dun soon para makakita pa tayo ng mas maraming mga bituin." Nae-excite ako na makakakita ako ng mas maraming bituin kesa dito sa nakikita ko sa siyudad.

"Mabalik nga tayo..." Sabi niya. Anak ng! Nakalimutan ko na nga saglit ang tungkol sa breakup namin ni Euan tas binabalik niya?!

"Wag kang maging desperada sa isang lalaking desidido nang hiwalayan ka. Hayaan mong siya ang magsisi sa ginawa niya."

"Oo nga naman." Sang-ayon ko sa sinabi niya. "Ang ganda ko naman para habulin pa siya, ano?" Nag flip hair pa ako. Pero anak ng! sayang parin yung 2 years!

"Hindi eh! Sayang parin talaga yung dalawang taon!" Nagmamaktol na ko at nagsisipa na sa hangin.

"Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan." Sambit niya. "Kung gusto niyang di kayo magkahiwalay, gagawa at gagawa siya ng paraan para hindi matuloy iyon, kahit ano pang paraan na kaya niyang gawin. Kung ayaw na niya sa iyo, siyempre gagawa siya ng maraming dahilan at lalo kang ilalayo sa sarili kiya. Eh kita naman sa dalawa mong mata ano ang desisyong ginawa niya diba?"

"Ayaw na ba niya sa akin?" Bulong ko habang nakatingala sa nagniningning na mga bituin.

"Hindi naman ata sa ganun, ginawa niya lamang iyon para sa ikabubuti mo. Baka ang kinakatakutan niya eh darating ang araw na masasaktan ka ng dahil sa kaniya."

"Ganiyan naman ang pag-ibig diba? Hindi nawawala ang sakit. Gaya ng sa mga fairytale," inisip ko ulit ang mga prinsesa sa mga fairytales. "Sa kuwentong iyon tao sila, nasasaktan din."

"Pero iyon ay dahil sa imperpektong buhay. Hindi naman sakit dulot ng kanilang minamahal..."

"Bakit? Porque't happily ever after na sa ending, eh hindi na sila makakaharap ng struggles sa buhay?"

"Eh fairytales lang iyun... Kuwento lang iyon. May panimula at wakas. Kung ang wakas ay happily ever after, eh di happily ever after, wala nang kadugtong."

Kelan ba ako magkakaroon ng happily ever after? Yung happily ever after na talaga? Walang kadugtong?

Kinabukasan, pumasok ako ng campus na may sakit sa ulo. Naparami nainom ko kagabi. Tsk! Eh di sana gatas na lang din ininom ko kagaya nung sa bata!

"Ai..." Bulong ko kay Ai na nasa tabi ko at nagte-take notes sa discussion ni prof.

Nilingon niya ko. "Oh bakit?"

"May gamot ka ba diyan sa sakit sa ulo? Grabe parang minamartilyo na ulo ko."

"Naku... Punta ka clinic. Gusto mo samahan kita?"

"Uh..." Kung aalis ako sa klase at pupunta sa clinic, mami-miss ko ang mga discussions ni prof.

"Anyway class, may test tayo bukas about nitong discussion ko ngayon. Make sure aralin niyo ito mamayang gabi ah?" Sabi pa niya.

Anak ng. Ayoko nang umalis.

Pero habang nananatili ako dito sa klase, mas lalong pinupuk-pok ang ulo ko. Kung kanina martilyo, ngayon parang poste na ng kuryente. Baka mamaya nga isang buong bahay na ang humampas sa ulo ko.

Hindi ako makapag concentrate sa discussions ni prof. Anak ng martilyo! Di bale, hihingi nalang ako ng notes ni Ai para may mapagaralan ako mamaya sa bahay.

"AI, about nung kagabi..."

"Ah yun?" Sagot niya. "Kainis ka. Umuwi nalang din ako kasi umuwi ka na eh. Eh ano pang gagawin ko dun eh wala ka? Eh hindi ko din naman nakita si Euan."

Naglakad kami papunta sa food court para maglunch. Nakainom na ako ng gamot at hindi na sumasakit ang ulo ko.

"Pero, sayang yung effort ko ha. Nag ayos ako ng bonggang bongga pero nauwi sa wala." Dugtong niya.

Ako din naman. Kung alam ko lang na makikipagbreak sa akin si Euan eh di sana hindi na ako nag ayos at nagsuot lang ako ng pambahay at kalat ang buhok. Eh di sana hindi ako nakapag tawas para maamoy nita yung baho ng kili-kili ko at hindi siya makapagsalita. Eh di sana na postpone yung break up namin. Joke lang. At tsaka hindi kaya maamoy kili-kili ko.

"Ano bang nangyari kahapon ba't nagmamadali kang umuwi kagabi?"

Sasabihin ko na ba?

"Ano kasi... Ai..." Anak ng breakup naman oh. Ba't nagdadalawang isip pa akong sabihin kay Ai ang tungkol sa hiwalayan namin ni Euan? "Ano...Break—"

"Hi Aiessa and Maurize!"

Si Nite. "Oy Nite! Halika join ka sa table namin." Sabi ni Ai.

Umupo naman si Nite at nilapag sa table ang tray na dala niya.

"Kumusta naman Nite? May pinagkakaabalahan ka ba ngayon?"

"Wala naman Aiessa, tapos na yung case study ko sa field at mga plates. Kayo?"

"Wala naman din aside sa field. Ay, teka, diba may tinanong ako sa'yo Mau?" Anak ng.

"Ah oo... Hehe."

"Ano nga yun? May sinabi ka diba? Break ba yun? Anong break?"

"Ah! Ha ha ha... Ano yun..." Anak ng. "Sabi ko breakpad ng kotse ko pina-change ko kagabi. Mahirap na baka mahagilap ng aksidente sa daan. Mas mabuti nang handa."

"Ay? Yun pala?" Dismayadong sabi ni Ai. "Akala ko kung ano. Ay Nite! May event ba na darating? Para naman makapag party party tayo?"

"Naku, wala eh. Pero I will inform you kapag may events para ma-invite kayo. Okay?"

"Okay... Hihi..." Kinikilig na sabi ni Ai. Sus. Grabe naman tong si Ai napaka pabebe.

Habang nagkekwentuhan kaming tatlo dito sa table namin ay nahagilap ng mata ko si Euan na papalabas ng food court.

"Uh guys, wait lang ha."

"Oh? San punta mo Mau?"

"Sa labas. May iche-check lang ako. Diyan lang kayo."

Nagmadali akong lumabas para mahabol ko si Euan. Nahabol ko naman siya dahil dahan dahan lang siyang naglalakad papunta sa building nila.

"Babe!" Sigaw ko. Hindi siya lumingon.

"Euan!"

Napatigil siya kaya tumakbo ako ng kaunti para makalapit sa kaniya.

"Euan... Mag usap naman tayo oh... Hindi ko kaya ang ganito..." Pakiusap ko sa kaniya. Nanatili lang ang paningin niya diretso sa harapan niya.

"Euan..."

"I'm sorry, Mau. Pero kung makikiusap kang balikan kita, hindi ko magagawa iyon."

"Bakit? Ano bang mali sa akin? Anong gusto mong gawin ko? Gagawin ko lahat! Please..." Pumunta ako sa harapan niya at hinawakan siya sa kamay. "Wag mo kong hiwalayan, please...Hindi ko kaya..."

Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "Pakiusap din, Maurize... Tama na."

"No!" Tumaas ang boses ko. "Ayokong tanggapin na nakipaghiwalay ka na sa akin. Wag naman ganito Euan! Para saan pa yung dalawang taon na relasyon natin!"

"Kung tayo parin hindi rin naman mananatili sa normal Maurize! Aalis din naman ako at mawawalan ako ng oras sayo. Mas mabuti nang  wala na tayo para malaya ka na!" Lumayo siya ng kaunti sa akin. " Malaya kang makaksgalaw na wala kang pinoproblema na boyfriend sa ibang bansa nag iisip sayo kung bakit hindi ka tumatawag, hindi ka nagtetext! Alam mo ba yun?"

Hindi ako nakapagsalita. Tinitigan ko lang siya sa mata para alamin kung desidido na talaga siyang maghiwalay kami.

At ang nakikita ko sa mga mata niya na nahihirapan siya.

"Ang gusto ko lang naman na andito ka lang palagi sa tabi ko..." Bulong ko.

Wag kang maging desperada sa isang lalaking desidido nang hiwalayan ka.

Napayuko ako nang maramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

Pinunasan ko ang luha ko bago magsalita. "Sorry. Sorry kung nahihirapan ka na dahil sa akin. Sige. Alis na ko." Nakayuko akong umalis sa harapan niya pero napigilan niya ako nang hawakan niya ang braso ko.

Napatingin ako sa kaniya. Ilang segundong nagtitigan kami bago siya nagsalita.

"You're right, I deserve nothing. You deserve better, Mau, and I hope one day you'll meet one."

Kelangan ba talaga deserving yung taong mamahalin natin?

"It doesn't mean I don't deserve you today, I won't deserve you tomorrow..." Dahan dahan kong inalis ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. "I already understand it, Euan. And I hope, too,  one day someone will deserve you."

May dahilan ang lahat ng bagay. Yun nalang ang isipin mo, Maurize.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top