Chapter 4
"Huy, anong ginagawa mo dito?" Malakas na bulong ko sa batang naging kabute na naman dahil bigla na namang sumusulpot at dito pa talaga sa mall. Nasa labas ako ng women's CR at nasa loob pa ng cubicle si Ai. "Pano mo ko nahanap?"
"Wala lang. Binabantayan ka."
"Ano?" Lumilingon-lingon pa ko bago hinawakan ang kamay ng bata at sinama sa paglalakad. Nilabas ko ang phone at tinext si Ai na tinakasan ko siya at nagsinungaling na may titignan ako saglit. Eto naman kasing batang to bigla nalang magpapakita dito. Eh pano pag nawala pa to dito sa mall? Ireklamo pa ako na ang pabaya kong nanay? Anak ng!
Pumunta ako sa isa sa mga kiosk ng mall para bumili ng fruit shake.
"Ano gusto mong shake, bata?"
"Strawberry."
"Okay. Isang strawberry at isang melon shake po." Sabi ko sa miss na nagbabantay ng kiosk. Pagkatapos ay pumunta kami sa mga bench sa second floor. Walang masyadong tao at tahimik dito kaya malaya kaming magkwentuhan.
"Masarap ba?" Tanong ko sa kaniya. Tumango lang siya.
"Magkwento ka." Sabi niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. "Tungkol sa buhay mo." Nagtitigan kaming dalawa at nakikita ko sa kaniyang mga mata na handa siyang makinig sa kwento ko. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang mga ulap sa langit bago nagsalita.
"Broken family kami," panimula ko. "Hindi si mama ang piniling pakasalan ni papa pero nabuo na nila ako bago nakabuo si papa sa ibang babae."
"Pangarap ni mama na maikasal sa isang malaking simbahan, kung saan mafi-feel niyang siya ay isang prinsesa na maglalakad papunta sa altar at ang prinsipe niya ang maghihintay sa kaniya sa dulo."
Uminom muli ako ng melon shake at nagpatuloy, "Ngunit, delivery room ang takbo niya para iluwal ako, mag-isa. Walang kasama. Ang nurse ang umaakay sa kaniya palakad sa gitna ng pasilyo at doktor ang naghihintay sa kaniya sa dulo."
"Ang nasa simbahan, ibang babae ang nakasuot ng puting gown at si papa ang naghihintay sa kaniya sa altar." Inilapag ko na ang shake kong ubos na saka pinunasan ang basa kong mga palad, "Naging mabait ang tadhana sa amin sa una, ang prinsipe ng iba ay nanatiling prinsipe ni mama. Magkasama kaming tatlo kahit alam naming uuwi at uuwi parin si papa sa kaniyang totoong prinsesa. Mahirap din lalo na't sikreto lang ang aming pagsasama bilang isang pamilya."
"Pero hindi lahat ay nagtatagal, natigil ang pagpunta ni papa nang tumakbo siyang mayor ng siyudad. Tanggap na namin ni mama yun."
"Naging pasaway ako. Yun na din siguro ang dahilan kung bakit nagkaroon ng sakit sa pag iisip si mama. Dahil lagi niya akong pinapangaralan at sinasabing maging masunurin akong anak pero naging swa-il ako. Naging pangit ang ugali ko." Naalala ko nung lagi niyang hinahanap ang anak niyang lalaki dahil yung anak niyang yun ay masunurin, mabait at hindi siya sinisigawan.
"Ikaw ang tinutukoy niya."
Nilingon ko siya, "Huh?"
"Ikaw ang tinutukoy niyang masunurin, mabait at hindi siya sinisigawan."
"Huh?" Tumingin ako sa malayo at nag isip. Hindi ko naman sinabi yun ng malakas ha? Nasa isip lang yun, diba?
"Ikaw ang tinutukoy niya, dahil ganun ka pinalaki, isang mabait na bata," inilapag na din niya ang naubos niyang shake sa tabi nya. "At dahil naging pangit ang ugali mo pagkatapos kayo iwan ng papa mo, hinahanap niya yung anak niyang lalaki, which is yung dating ikaw."
"Bakit? Lalaki ba ko dati?" Naguguluhan kong tanong. Luh hindi ako naging tomboy noh.
"Hindi."
"Eh bakit niya hinahanap eh lalaki? Kung pwede namang babae?"
"Tanungin mo nalang siya." Sabi niya saka ngumiti. Dahil dun Lumitaw ang kakyutan niya.
"Ano ba sa tingin mo ang maging prinsesa?" Tanong niya. Napaisip ako.
"Siyempre, gaya ng sa mga fairy tales, makakahanap ang isang prinsesa ng isang prinsipe and they will live happily ever after." Sagot ko.
"Ayun lang ba?"
"Oo, bakit?"
"Sa tingin mo ba perfect ang buhay ng isang prinsesa sa una?"
"Hmm..." Inisip ko si Cinderella. Hindi naging perfect ang buhay niya. Naging mahirap iyon dahil sa step mother at mga step sisters.
"Hindi perpekto ang mga buhay nila sa una, Ma...u." sambit niya. "Si Cinderella tumitira kasama ang stepmother at step sisters niya, ginawa siyang alipin. Si Snow white, nagkaroon din siya ng stepmother at namatay ang papa niya. Si Aurora, natusok ang daliri niya sa karayom ng isang spinning wheel."
"Bakit? Anong meron sa karayom at hindi naging perpekto buhay ni Aurora?" Tanong ko. "Ah! Na-tetanus siya tama. Tsk tsk hindi din madali ang matetanus ha. Gagastos ka pa para mag-injection. Sabagay libre naman iyon sa mga health centers."
"Hindi naging perpekto ang buhay ni Aurora dahil matagal na panahon siyang natutulog. Matagal na panahon niyang hindi nasilayan muli ang kapaligiran. Ngunit sa kabila ng imperpektong buhay ng mga prinsesa, may prinsipeng dumating upang gawing perpekto ang buhay nila dahil sa isang bagay."
"Ah... Pag-ibig!" Sigaw ko.
"Tama. Dahil sa pag-ibig, lahat ng bagay ay nagiging perpekto. Gawin nalang nating halimbawa ang trabaho," kumukumpas-kumpas pa siya sa kamay niya. "Kung mahal mo ang iyong trabaho, ang magiging resulta mo ay maganda. Perpekto."
"Ahh... Tama ka diyan bata." Komento ko. Di ko akalaing may ganito palang abilidad ang batang 'to. Ang galing sa words of wisdom.
"Ang point ko dun, ikaw ay isang prinsesa. Isang prinsesang may imperpektong buhay. Pero darating ang prinsipeng nakalaan para sayo upang ayusin at at gawing perpekto ang buhay mo."
Ilang minuto ulit naging tahimik lang kami nang may tumawag sa akin sa phone ko. Sabi dumating na yung binili ko kagabi. Yung mga gamit ng bata.
Tumayo ako, "Tara uwi na tayo." Aya ko. Tumango siya at tumayo na din para makauwi na kami.
"AYAN! Ano sa tingin mo?" Tanong ko sa kaniya. Inarrange ko na ang mga gamit niya dito sa kwarto niya. Puro kulay blue ang mga gamit niya. Binilhan ko din ng wallpaper ang kwarto niya na kulay blue. May baby crib siya pero binilhan ko din siya ng maliit na kama na babagay sa laki niya ngayon.
Tinignan niya ang kabuuan ng kwarto at nakikita ko sa mukha niya na na-aamaze siya. "Maganda..." Komento niya.
"O sige na. Tulog ka na. Grabe kapagod mag arrange ha." Inabot ako ng three hours at siya hinayaan ko lang manood ng cartoons sa sala. Ayun umuna na siyang kumain at ako pa yung walang kain ngayon. Humiga na siya sa kama at pumikit na agad. Napangiti ako. "Goodnight." Sabi ko bago ko pinatay ang ilaw ng kwarto niya. 8am pa lang naman. Maaga pa para sa akin.
Habang kumakain ako at nanonood ng TV biglang nagring ang phone ko. Tumatawag si Ai.
"Oh Ai."
"Ano? Kumusta na? Ang sama mo ha hindi mo man lang ako hinintay."
"Sorry, biglaan eh."
"Bakit? Ano ba yun?"
"Uh..." Ano sasabihin ko? Na biglang sumulpot ang anak ko sa mall kaya sinamahan ko? "Ano... Kasi-"
"Ah! Naghanap ka siguro ng isusuot ngayon noh?"
"Huh?" May event ba ngayon? Party? Walang namang nag invite sa akin na mag party. "Bakit? Anong meron?"
"Ay? Hindi mo alam?"
Pinatay ko ang TV saka siya tinanong. "Bakit? Ano bang meron?"
"Ano ka ba! Tungkol sa boyfriend mo hindi mo alam?! Susko!"
Hindi naman nagtext sa akin si Euan. At tsaka wala akong natanggap na text na sinasabing may surprise siya sa akin.
"May party pala sa bahay niya! Napadaan ang taxi ko sa bahay niya kaya nakita kong madaming mga kotse sa labas at ang daming tao sa loob. May party Mau sugod ka na dun."
"Eh..." Wala siyang sinabi sa akin na pupunta ako. May tinatago kaya siya? "Ah sige papunta na ako dun."
"Sige, sunod nalang ako sa iyo Mau. See you there."
Binaba ko na ang telepono saka tinapos agad ang pagkain bago ako nag ayos. Suot ko ay isang red off shoulder dress at inayos ko ang buhok ko into bun. Pagkatapos ko mag red lipstick at magsuot ng red heels ay lumabas na ako. Bago ko makalimutan ay sinilip ko muna ang bata sa kwarto niya. Mahimbing na siyang natutulog.
Drive ko ang sarili kong kotse papunta sa bahay nila Euan. Pagdating ko dun, tama nga si Ai, madaming kotse sa labas ng bahay nila. Di naman niya birthday ngayon ah? Ahh baka kay tita? O kay tito? Parang hindi naman ngayon yung birthday nila sa palagay ko.
"How long will you be there?" Narinig kong tanong sa isa sa mga bisita. Kinakausap nito si Euan na nakatalikod sa akin.
"As soon as I finish my studies tita." Sagot ni Euan.
"Just be safe. And do well."
"I will."
"Nga pala? Where's Maurize? Bakit wala pa siya?" Singit ng tita, mama ni Euan.
"Uh... Mom...She-"
"Hi tita, I'm sorry I'm late." Bati ko kay tita saka nag beso.
"Oh my iha, you know kanina ka pa namin hinahanap ng daddy niya. Ba't natalagan ka?"
"Uh... May inasikaso lang saglit." Sabi ko saka ngumiti. Sinulyapan ko si Euan at nakikita ko sa mukha niya na nagulat siya sa pagdating ko. "Hey babe. Sorry na-late ako..." Palambing na sabi ko sa kaniya sabay hawak sa kamay niya. "I'm invited, am I not?" Bulong ko malapit sa tenga niya. Hindi siya umimik.
"Sige, dun muna ako iha ha? Para makapag usap kayo ni Euan." Paalam ni tita.
"Sige po." Sagot ko. Hinawakan ko si Euan sa bewang at sinulyapan ang buong paligid. Andito sa likod ng bahay nagaganap ang party. At nakita ko ang malaking poster sa gitna at nakasulat 'Despedida Party'
"Despedida party, huh?" Nilingon ko siya. Para siyang tuod na hindi makagalaw sa tabi ko. "Wala ka atang sinasabi sa akin babe? Anong nangyari?"
Yumuko siya at lumunok ng lawak base sa pagtaas baba ng adams apple niya. "I'm sorry Mau."
Kinalalas ko ang pagkakahawak ko sa kaniya. "Let's talk." Naglakad ako papasok sa bahay at sumunod naman siya. Pagpasok namin sa kwarto niya saka ko siya hinarap. "Explain."
"Look... I don't know how to say it to you."
"Bakit? Anong mahirap sa pagsabi na aalis ka para mag-aral? Saan ka ba pupunta?"
"Sa US." Sagot niya. "And I'm sorry if I have to say this Mau but... Let's break up already."
Let's break up already
Let's break up already
Let's break up already
Let's break up already
Let's break up already
Let's break up already
"Wow. Haha." Anak ng. Ang dali lang niyang sabihin iyan sa akin! "Hindi mo na ba ako mahal at ganiyan nalang kadali akong bitawan?"
"I took a lot of courage already Mau kung paano ko sasabihin sayo-"
"You already said it! Congrats! You're brave enough!" Sigaw ko.
"You know how much I love you Mau... Pero aalis ako, ayokong mahirapan ka."
"Sa anong paraan na mahirapan ako? Ano sa tingin mo ha?" Padabog kong hinagis ang dala kong bag sa sahig. "Tell me! Mahirapan ako na iiwan mo ako at tapos na tayo?! Ha?!"
"Mahihirapan ka pag naging Long distance ang relasyon natin..." Lumapit siya at hinawakan ang mga kamay ko. "Ang gabi dito, umaga dun. Kelangan nating mag adjust. Alam kong mahihirapan ka. Mahihirapan ang relasyon natin. Baka di natin kayanin."
"Hindi pa nga nangyayari, kung ano-ano na ang pinagsasabi mo." Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Masyado kang negative, Euan."
"Yan naman ang mangyayari pag LDR, diba? Darating ang araw na ayaw mo na sa akin at habang malayo ako may mahanap ka nang iba."
"Nag cconclude ka na agad na hindi magwo-work ang relationship natin kapag malayo tayo sa isa't isa!" Lumayo ako ng kaunti sa kaniya at tumalikod.
"I'm not stating a conclusion! I'm stating the possibility!" Napataas na din ang boses niya.
Hinarap ko siya. "At paano ka makakasigurong ganun nga ang mangyayari? How can you be so sure? Ilang probability ang meron ka na mawawalan ng saysay ang relasyon natin kapag malayo ka na? Ha?" Tinuro ko ang daliri ko sa ibang direksyon. "Tingnan mo yung iba. Yung mga LDR. They're staying strong! Kahit mahirap, kinakaya nila! Lumalaban sila! Eh sa kaso mo hindi pa nga nangyayari sumusuko ka na!"
"I'm sorry." Tumulo ang luha niya. "I'm sorry if im not strong as what you think of me. Naduduwag ako, Mau."
"You really want us to break up?"
Hindi siya nagsalita at yumuko ulit.
"Sumagot ka para maklaro ko!"
"Yes!" Sigaw niya na siyang nagpagulat sa akin. "I'm sorry. Hindi ko na kaya. At hindi ko kakayanin pagkatapos nito."
"Bakit?" Pinunasan ko ang luha ko na kanina pa pala tumutulo ng hindi ko namamalayan. "Nasasakal ba kita? Hindi ba ko naging mabuting girlfriend sayo?"
"For me, you're the perfect girlfriend." Sabi niya. "The perfect girlfriend no one can have except me. But I don't deserve your perfection..."
"Dati, oo, you deserve it, Euan. Dahil naging perfect boyfriend ka rin sa akin. Pero ngayon, I don't think so." Pinulot ko ang shoulder bag ko at hinawakan na ang doorknob. Nakatalikod ako sa kaniya, "Nothing will deserve to a person who is coward to face obstacles. Nothing deserves to a quitter like you." Huling sabi ko saka umalis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top