Chapter 3

Nasa sinapupunan pa lang ako ni mama Laura nang nagkaroon ng anak si papa sa ibang babae. Ang kinalungkot ni mama ay yung ibang babae ang pinakasalan ni papa. Pero kahit ganun, kahit pa-sikreto lang, di kami pinabayaan ni papa at inalagaan pa kami ng mabuti, kahit kada weekend umuuwi siya sa legal niyang pamilya.

Natigil lang nung tumuntong ako ng 14 years old nung tumakbo bilang Mayor dito sa siyudad si papa. Si mama at ang kapatid niya na si Tita Lyra ang nag aalaga sa akin pero dahil hindi na nagpakita sa amin si papa, naging lakwatsera ako. Gabi-gabi, pumupunta ako ng mga club. Yun pala ang dahilan kung bakit nawalan ng bait si mama. Hindi niya naiisip ang sarili niya dahil sa pag aalala sa akin dahil madaling umaga na ako umuuwi ng bahay o minsan sa ibang bahay ako nakikitulog.

Si Tita Lyra na ang nag-alaga sa akin nang mapasok si mama sa mental hospital. Kilala si Tita Lyra dahil isa siyang fashion designer, kaya nakilala din ako ng mga tao dahilang alam nila siya ang nag aalaga sa akin. 18 ako ng naging independent na ako, binilhan ako ni Tita ng sarili kong bahay at savings para sa tuition ko at sa araw-araw kong gastusin.

Ngayon madalang nalang ako pupupunta ng party kapag may okasyon. Nakakalimutan ko ng pansamantala ang mga problema kapag nakapag inom ako o kaya'tly makapagsayaw sa dance floor.

Bago pa nagkasakit sa isip si mama, may sinabi pa siya sa akin nung kumain kami ng breakfast,

"Anak, kahit kailan, wag na wag kang magtatanim ng galit sa papa mo ha? Kasi alam kong may rason ang lahat ng nangyari. Alam kong mahal na mahal niya tayo."

Siguro medyo galit ako kay papa dahil pinili niya yung iba kesa sa amin. Kami yung una, pero lumalabas na kami yung kabit. Pero kami nalang yung iintindi eh. Kasi wala kaming karapatan na sabihing kami ang dapat priority ni papa. Anak ng buhay naman oh.

8am na, nagtext si Tita Lyra na pupunta daw si papa doon sa bahay niya kaya dapat pumunta din ako. For the first time.

Eh kaso di na ako makakapunta dahil diba nabilaukan ako? Malamang nasa langit na ako ngayon.

Joke lang. Eto na papunta na ko doon.

"Ano... Bata..." Kinalabit ko yung batang kabute na naging dahilan ng pagkabilaok ko kagabi. "Alis muna ko ha? Dito ka lang. Kung gutom ka tawag ka lang sa landline magpa deliver ka ng pagkain alam mo naman pano gumamit ng telepono eh. Andyan yung number ng mga restaurant. Bye bye--- ah este see you later." Tumango lang siya kaya lumabas na ako ng bahay at inandar ang kotse ko. Matalino naman siya eh kaya na niya iyan diyan.

Ilang minuto at nakarating na ako sa harap ng bahay ni Tita. Bababa na sana ako nang mag ring ang phone ko.

Sta. maria Mental Flat calling...

Oh? Anong meron at tumawag sila sakin?

"Yes hello, good morning."

"Good morning ma'am. Pwede po ba kayo dumaan dito sa Flat? Tungkol po sa mama niyo, May problema po kasi..." Ang nurse.

"Bakit? Anong nangyari kay mama?"

"Nagwawala na naman po. Hinahanap ka po."

Habang nag uusap kami sa nurse ay naririnig ko ang sigaw ni mama na nagwawala. "Sigesige papunta na ko diyan." Binaba ko ang telepono at inandar ulit ang makina. Tinawagan ko si tita

"Tita, sorry, I can't come. May nangyari kay mama sa flat. Kelangan ko siyang puntahan ngayon kasi nakalimutan ko ding bisitahin siya kahapon."

"Ganun ba? Sige puounta din ako mamaya doon. Mag iingat ka Mau."

"Sige po. Pakisabi nalang kay papa next time nalang."

"Sige."

Pagdating ko sa flat, bumungad agad sa akin si mama na nagwawala parin. Halos di siya malapitan ng mga nurse.

"Wag kayong lumapit! Ayoko sa inyo!"

"Ano bang nagyayari dito?" Tanong ko sa mga nurse.

"Ma'am... Tulong... Ayaw niya pong kumain. Ayaw niya din kaming palapitin sa kaniya."

"Ma... Ma... Kalma lang..." Sabi ko kay mama sabay yakap sa kaniya. Niyakap din niya ko ng mahigpit.

"Anak... N-natatakot ako... N-natatakot ako..." Nanginginig niyang sabi.

Hinagod ko ang likuran niya, "Shhh... Wag kang matakot ma, andito na ko..."

"Natatakot ako... Natatakot ako... Natatakot ako..." Nakita ko ang luha sa kaniyang mga mata kaya niyakap ko pa siya ng mahigpit at pinakalma.

"Wala kang dapat ikatakot ma. Andito ako. Di kita pababayaan..." Pinaupo ko siya. "Kelangan mong kumain ma, para lumusog ka pa." Kinuha ko ang mangkok na kanina pa hawak ng isang nurse at sinubuan si mama.

"Hindi mo ko iiwan, anak?" Tanong niya sa akin habang nanatili pa sa ere ang kamay ko na may hawak na kutsara.

Ngumiti ako. "Oo naman ma. Pangako."

Pagkatapos ko siyang pakainin ay pinatulog ko siya sa kwarto niya dito sa flat.






"ROOK on a5."

Move ko na. Nag move ako ng pawn.

"Pawn on d4." Tinignan ko ang kalaro ko ng chess ngayon at pinagmasadan siyang i-move ang pawn niya paabante. "Pawn on e5."

Kinain ng pawn ko ang pawn niya. "Ano ba iyang e5 e5 Lala..." Tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo ko. Kanina pa siya nagsasalita ng ganiyan kada galaw namin sa chess pieces. Andito kami sa park sa likod ng flat at naglalaro ng chess.

"Gaya ng mga chess pieces, etong mga squares sa chessboard ay may mga pangalan din."

"Ay? Bongga..." Bulong ko at tinignan siyang maggalaw ng isang chess pieces. "Knight in e4."

Si Eula, nickname niya Lala, 3 years na siyang namamalagi dito sa mental flat. May psychological behavior siya na naghahallucinate siya ng mga bagay na hindi naman talaga andiyan o hindi nag eexist sa place na iyan.  Pero magaling siya sa math, sabi ng nurse niya. Minsan nag ma-math contest silang dalawa at masasabi ng nurse na napaka genius niya in terms of numbers. Una kaming nagkakilala one year ago ng bigla lang niya akong niyaya mag chess. Pero ako yung laging talo.

"Check." Sambit niya nang ma-check niya ang king ko. Naghanap ako ng ibang way para igalaw ang king ko para hindi ma check. Nagawa ko naman.

"May napapansin ako ngayon sayo..." Sabi niya nung hinihintay ko ang move niya. Napatingin ako sa kaniya.

"Ano?" Hindi pa naman kami nakapag parlor ni Ai so wala namang bago sa buhok ko. Yung damit ko naman, wala akong bagong bili at tsaka ilang beses ko na ding nasuot ko ito. Hindi naman ako nag ccontact lenses, yung bracelet lang ata yung bago sakin ngayon? Kakabili ko lang nito kahapon kasabay nung pagbili ko ng mga gamit ng batang kabute.

Sumingkit ang mata niya habang tinitignan ako deretso sa mata, "May hinahanap ka. Tama?"

"H....huh?" Naguguluhan kong tanong. Sumilip ako sa ilalim ng mesa nitong pinatungan ng chessboard namin. "May naiwala ba ko na nakita mo Lala? Wala naman ata akong naiwala..." Sinilip ko pa ang mga damuhan kung may nahulog na maliit na bagay. O baka naghahallucinate na naman siya?

Narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"Hindi bagay. Kundi tao."

Inayos ko ang pagkakaupo ko at tinignan siya ng naguguluhan parin. Minsan talaga ang gulo kausap ni Lala.

"Tao? Manghuhula ka na Lala?"

"Aside sa magaling ako sa numbers, magaling din ako magmasid. Check. Talo ka na." Sabi niya nang wala nang available move ang king ko kaya hinawi niya ang lahat ng chess pieces na nakapatong sa board at inihilera labing anim na pawn sa board.

"Maraming tao ang dadating sa buhay mo," sabi niya pa at pinitik isa-isapatumba angmgapawnpero-- "Maliban saisa."

"Anggulo mo Lala di ko gets." Reklamo ko.

"Di ko din gets." Sabi niya. Luh.  Kelangan ko na bang tawagin ang nurse niya?

Di naman na kailangan dahil tumayo na siya, "Magpapahinga na ako. Sana makilala mo na ang taong dadating sa buhay mo at mananatili sa tabi mo habang buhay... Mau." Ngumiti siya bago tumalikod at pumasok. Prinoseso pa ng utak ko ang mga sinabi niya bago ko niligpit ang pinaglaruan namin at pumasok na sa loob. Nagpaalam muna ako bago umalis para makipagkita kay Ai.








"ASH blonde? Or burgundy?"

"O etong ombre? Purple pink?"

"Ay! Nice tong may color green sa dulo. O di kaya'y pink."

"O eto kayang highlights?"

"Ano sa tingin mo Mau?"

Si Ai yung daldal nang daldal dito sa loob ng parlor. Nagbabasa kami ng mga catalog ng mga haircut styles at colors na magugustuhan namin at babagay sa buhok habang hinihintay namin ang turn para kami naman ang i-accompany ng bakla.

"Huy." Nilingon ko siya matapos niya kong kalabitin.

"Ano?"

"Kanina pa kita kinakausap. Ano ba color gusto mo?"

Binalik ko ang tingin ko sa catalog. "Kung anong irerecomenda ng mga sisteret, edi yun pipiliin ko."

"Okay. Same."

Matapos ang ilang minuto, natapos na ang customer na nauna sa amin.

"Lina kayo teh! Morisa! Long time no see!" Sabi ni Ebony. Ang totoo niyang pangalan ay Ebonito.

"Ikaw din Ayisa!" Sabi naman ni Carrie. Carcardo ang totoo niyang pangalan. At sila ang nagmamay-ari nitong parlor sa loob ng mall.

"Yes teh! Sisteret Carrie at Ebony! Namiss ko kayo!" Masayang bati ni Ai sa kanila. Morisa ang tawag nila sa akin while kay Ai is Ayisa.

"Sisteret, ano bagay na hairstyle at hair color para sa akin?" Tanong ni Ai habang hinahaplos ang buhok niyang puro split ends. Kung sasabihin ko talaga yun sa kaniya at laitin ang buhok niya siguradong masasaktan siya. Pero totoo naman. Eh parang every week nagpapakulay iyan. Joke lang.

Mga dalawampung beses lang ata sa isang taon.

"Slash cut ang bagay sayo teh... At tsaka ash blonde. Pak! Ganders and ating Girlie Bobis! Lika na..." Hinila na ni Carrie si Ai at pinaupo na.

"Oh ikaw teh, kelan mo planong umupo para makapagsimula na tayo? 48 years?" Biro ni Ebony sa akin dahil nanatili parin kaming nakatayong dalawa.

Ngumiti ako at umupo na sa upuan kasunod ni Ai. "Bob cut teh. Tas magpapakulay ako ng color light pink sa dulo."

"Yes teh. Sureness!"

Habang inaasikaso na nila ang buhok namin ay tinext ko si Euan. Hindi ko pala siya natext kahapon at ngayong araw. Hindi din ako nakipagkita sa kaniya.

To: Euan babe

Babe

Hindi ka nagtext?

How are you?

Busy ka?

Oyy...

Baaaaaabbbbbeee


"Hindi nagrereply?" Tanong ko sa sarili ko. Binalewala ko nalang at naglaro ng games sa phone ko. Baka busy lang yun. Pagbigyan.










"AYY Mau? Medyo mahaba na yung buhok mo tapos naisipan mong i-bob cut? Broken hearted lang teh?"

"Wala lang." Feel ko lang talaga magpa short hair. Hindi naman lahat ng nagpapashort hair broken hearted ha?

"Mau may ichecheck tayo sa may Korean shop may bagong labas silang beauty cosmetics. Tara tara!"  Hinila niya ako papuntang second floor ng mall kung saan andun ang isang korean shop na tinutukoy niya.

Habang naglalakad kami papunta doon, ay napadaan kami sa isang airline shop.

"Uy Mau! May promo papuntang Palawan oh! Wow!" Isinabit niya ang braso niya sa braso ko, "Sana makapunta tayo ng palawan noh? Maganda dun!"

"Sige Ai, saka na pag may trabaho na tayo para naman mabawi natin yung igagastos natin diyan. Mahal kaya ang pumunta ng Palawan."

"Sus mas mahal ang sa ibang bansa." Komento niya. "Tapos makakabili tayo ng isang isla dun---wait wait wait. Is that Euan?" Sabi niya at may tinuro. Sinundan ko ang direksyon ng daliri niya at nakaturo siya sa isang lalaki sa loob ng airline shop. Si Euan nga. Anong ginagawa niya diyan?

Nagulat ako nang pinindot ako ni Ai sa tagiliran. "Yieeee baka may surprise si Euan sa'yo kaya siya andiyan. Kunwari nalang hindi mo siya nakita ngayon. Haha!" Bahagya niya akong hinila at nagpatuloy sa paglalakad. "Mahilig mag surprise yang babe mo eh. Tapos masu-surprise ka nalang bukas bibigyan ka niya ng ticket para sa inyong dalawa papuntang Palawan! Waaaa~"

Hindi ko alam ang isasagot ko. Pero bakit hindi man lang ako naexcite? Siguro isu-surprise niya talaga ako. Edi okay. Maghihintay ako at magugulat sa surprise niya.

Pero bago pa kami makapasok sa Korean shop may naaamoy akong baby powder.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top