Chapter 2

"DIBA nag uusap pa kami ni Euan?" Sabi ko sa sarili saka tumayo at kumuha ng gamot sa sumasakit kong ulo. Di naman ako nagwalwal bakit parang hina-hangover ako sa lagay ko ngayon?

Habang umiinom ako ng gamot at tubig, ay napunta ay paningin ko sa may laman na cellophane na nakapatong sa mesa. Pagcheck ko, isang take out meal ito galing sa isang restaurant. At dahil nagugutom na ako ay nilantakan ko na. Chineck ko din ang phone ko kasi nagbblink ang led light niya, sign na may message o di kaya'y notification.

Fr: Euan Babe

Babe, sorry sa sinabi ko kanina.
Narinig lang naman kasi kita kanina sa floral field. Sorry din di kita sinipot dun.

See you tomorrow nalang babe. Kainin mo iyang binili ko para sayo ha?

Dito na ko bahay babe.

Nangumusta si mama sayo.

I love you babe.

"Oh, andiyan ka pala bata." Sabi ko sa batang kabute na nakaupo lang sa sofa, kung ano yung pwesto niya nung una naming pagkikita ayun din ang postura niya ngayon. Pasado 8pm na pagcheck ko sa relo. "Saan ka ba tumutuloy bata? Gabi na oh. Balik ka na sa inyo."

"Simula ngayon, dito na ako mamamalagi."

Nasamid ako sa sinabi niya. "A-anak ng!" Uminom muna ako ng tubig saka nagsalita, "Pasensiya na bata pero wala akong oras para pagsilbihan ka. Wala akong mga gamit para sayo. Kaya shoo ka," tinuro ko siya, "Di ako girl scout na laging handa. Alis ka wala kang mapapala sa pagstay mo dito."

"Edibumili ka ng mga gamit ko bukas na bukas." Tumayo siya at lumapit sa isa sa mga pintuan ng mga kwarto, "Ito ang magiging kwarto ko." Turo niya sa pintuan.

Tinitigan ko lang siya at hindi ako umimik. Ewan ko kung maotoridad tong batang to o demanding lang talaga. "Sino kaba? Kungmakaastaka parang kamag anak tayo ha? Close tayo?"

"Diba sabi ko anak mo ko?"

"Di ba sabi ko di nga kita ana--" natigilan ako sa sinabi ko.

Wala akong anak na maurize! Asan yung anak ko?

Kung nasaktan ako sa sinabi ni mama kanina na sinabi niyang hindi niya ako anak, ano nalang kaya tong 3 years old na laging sinasabing anak ko siya pero dinedeny ko?

Sus. Masungit naman siya eh. Di iyan masasaktan.

Umirap ako. "Tss." Tumayo ako at kinuhanan siya ng plato. "Osige iyan na ang kwarto mo. Kumain ka muna."

Siguro papraktisin ko na ang sarili ko na maging sweet sa batang to na parang totoong iniluwal ko talaga siya. Pwe. Ang hirap maging sweet!

"Busog ako." Sabi niya at pumasok na sa kwarto. Anak ng! Masamang tanggihan ang pagkain!

"Bahala ka diyan." Bulong ko at pinagpatuloy ang pagkain. Bahala siyang magkanda bahing-bahing siya sa alikabok. May dalawa akong kwarto dito sa bahay: yung isa kwarto ko then yung isa guest room. Minsan pumupunta si Ai dito para mag sleep over pero matagal na yung last sleep over niya, isang buwan na ata?

'Bahala ka oi! Linisin mo yang kwarto mo mag isa!' sigaw ko sa isip ko.





"OKAY na ba 'to?" Tanong ko saka tinanggal ang mga alikabok gamit ang feather duster. Oo tama, nilinis ko kasi tinamaan ng konsensya ang anak ng tokwa. "Eto kaya?" Pinagpag ko ang kamay ko pagkatapos ko i-arrage ang mga gamit sa magiging kwarto ni-- "Teka, ano pala pangalan mo bata?" Di naman siguro pwede na magkakasama kami sa iisang bahay pero di ko alam pangalan niya diba?

"Wala pa akong pangalan."

"Eh?" Lumaki butas ng ilong ko. "Ah!gusto mo bigyan kita ng pangalan? Tutal anak naman kita... Hm... Ano kaya magandang pangalan?" Tumingala ako sa kisame at nag iisip ng ipapangalan sa kaniya.

Ano kaya mga trending na pangalan ngayon?

"Ano gusto mo? Abner? Conrado? Antonio? Amorsolo?"

"Ang baduy mo." Komento niya. Anak ng! Bastos!

"Oy, iyang dila mo ha ang bastos! Putulin ko yan eh!"

"Tss. Totoo naman eh. Ang baduy mo magbigay ng pangalan." Sabi niya saka inirapan ako. Lumapit siya sa kama at sinubukang tumalon pero di siya maka akyat. Ilang ulit pa niyang sinubukan hanggang napabuntong hininga nalang siya dahil hindi niya magawa. Haha! Ang liit kasi!

"Haha ang cute mo." Sabi ko saka siya hinawakan at inangat para makahiga na siya sa kama. Oo cute siya, pero masungit at bastos. Eh sinong gustong magkaroon ng anak na kagaya nito?

'Bakit? Gusto mo yung pangit ang bata pero mabait?'

'Oo naman! Bahala na kung pangit. Busilak naman ang kalooban. Kesa kung maganda o gwapo nga pero angpangit ng ugalidiba? Wala rin.'

'Luh parang di ka naman tinamaan noh?'

"Huy. Punta ka na sa kwarto mo." Sabi ng bata.

Tumikhim muna ako bago magsalita. "Okay. Sweet dreams." Pinihit ko na ang doorknob at lumabas. Sumandal ako sa pintuan ng kwarto niya at nakipag usap sa konsensiya ko

'siguro kaya bastos magsalita yung bata kasi bastos ka rin.'

"Ganun ba yun?" Medyo nasaktan kasi ako na pinagsalitaan niya ako na parang magkaedad lang kami. Walang respeto sa nakatatanda kumbaga. Hayyy... Maitulog na nga lang to.

"OH? Nagstart na pala practice niya?" Salubong ko kay Ai na nakaupo sa bleachers ng soccer field ng school namin.

"Mga 20 minutes na simula nung nagpractice sila. Gusto mo?" Inalok niya ko ng burger at ice tea pero tumanggi ako.

"Busog pa ko. Ang aga aga nagrerecess ka na."

"Sorry naman. Di ako nakapag breakfast sa bahay."

"Bakit? Pang breakfast ba iyang kinakain mo? At tsaka bat di ka kumain sa bahay niyo 6am pa oh." Sabi ko saka pinakita sa kaniya ang relo ko.

"Wala lang." Sabi niya sabay kibit-balikat. "May inaantay kasi ako saka para makita na rin si Kiel magpractice. Hehe."

"Luh." Umusog ako kaunti papalapit sa kaniya. "Sino ba yan?"

"Shh! Mamaya ko na ikukwento."

"Hala teh sumisikreto ka na ha..." Siningkitan ko siya ng mata at kinilatis ang outfit niya ngayon. "At ang kikay mo sa damit mo ngayon ha. Ang landi Ai."

"Di ah! Eto na normal kong porma ano ka ba."

"Edi okay." Nagkibitbalikat ako at tinignan ang mga nagpapractice na soccer players sa field. Isa doon sa mga player ang isa pa naming bestfriend, si Kiel.

Soccer varsity si Kiel. Kiel Gilroy. Psychology student din siya. Nakilala namin siya ni Ai nung summer break after kami grumaduate sa high school. Nag bakasyon kasi kami sa probinsya ng family ni Ai at taga doon din si Kiel. Yes, probinsiyano siya at nung nag 1st year college na kaming tatlo dito, medyo mahirap sa kaniya ang mag adjust sa una pero kalaunan nama'y nasanay na siya. Napakatalino niyan. At talented. Aside sa marunong sa sports, hilig niya din ang sumayaw at kumanta, maganda boses niya pero madalang lang namin siya naririnig kumanta dahil nahihiya daw siya. Kahit nga kaming mga bestfriends niya ayaw pagbigyan. Sikat din siya dito sa school, varsity eh, MVP din. Idol ko iyan. At kung papipiliin ako kung si Messi ba o si Kiel, siyempre si Kiel dahil di ko naman kilala si Messi.

"Oy oy oy makakagoal na siya, tingnan mo," kinalabit ko si Ai na kumakain parin at tumingin kay Kiel na makakagoal na pag nasipa na niya ng malakas ang soccer ball.

"Ay?" Dismayado kong sabi nang hindi niya sinipa papunta sa goal at sinipa sa gilid para ma-out ang bola. Tumayo ako,  "Hoy! Ayusin mo naman pagpapraktis mo! Anak ng! Bat di mo ginoal?!" Galit kong sigaw at siniguradong maririnig niya yun. Tahimik ang field at umeecho ang boses ko.

Lumingon siya sa gawi namin at nakita kong ngumisi siya. "Peace!" Sabi niya sabay peace sign, "Practice pa naman to!"

"Anak ng! Ayusin mo bibigwasan kita mamaya!" Binalaan ko siya pero siyempre joke lang na bibigwasan ko siya. Sayang naman kagwapuhan niya.

"Oo na!"

"Kalma Mau. Kay aga-aga high blood ka."

"Eh Ai naman kasi, di niya talaga sineseryoso ang pagpapractice."

"Sus. Okay lang iyan," uminom muna siya sa iced tea niya at pinunasan ang bibig gamit ang tissue, "Sa actual game naman alam nating siya ang pinakamagaling."

"Confident ka na dun?"

"Oo! Ilang games na ba ang naipanalo nila at ilang beses na ba siya naging MVP?"

"Hm... Ilang beses na din."

"Oh diba?" Nilukot niya ang wrapper ng burger at isiniksik sa may butas malapit sa inuupuan niya, "Magtiwala ka lang sa kaniya. Keri niya yu-- wait wait wait---" tumingin siya sa bandang ibaba sa mga dumadaan na mga estudyanteat tinuro ang isang lalaki. Si Nite iyan ha?

"Bakit anong meron kay Nite?"

"Crush ko siya Mau. shh! Wagmongsabihinparangawa"mabilis niyang bulong.

"Talaga?" Tinignan ko si Ai saka tinignan ulit si Nite na naglalakad na papalayo, "Bat ngayon mo lang sinabi?"

"Ano ka ba! Nung saturday ko pa lang siya naging crush. Ang bait niya kasi. Plus nung pagiging gentleman niya kasi hinatid niya tayong lahat. Super turn on kaya yun."

"Anong super turn on dun?" Tumayo na ako at pinagpag ang pwetan ko, "Mannerism niya yun. Ang pagiging kind sa iba. Dun ka na ma turn on kapag sayo lang siya naging kind. Una na ko."

"Uy teka lang!" Tumayo na din siya at sinabayan ang paglalakad ko. "Alam ko naman eh. At tsaka crush lang naman OA mo teh."

"Mau parlor tayo mamaya? Magpapakulay ako ng buhok." Dagdag niya pa.

"Na naman? Eh halos maging walis tambo na iyang buhok mo sa dami ng kemikal na pinapalagay mo sa buhok mo."

"Ang sama mo naman."

"Di ako pwede. May pupuntahan pa ko." Ano nga yung appointment ko ngayon?

"Ano pala gagawin mo?"

"Hm... Teka nakalimutan ko." Iniisip ko pa ano yung pupuntahan o gagawin ko ngayon.

"Sus. Excuse mo talaga Mau panis na."

"Uy hindi ah! May gagawin talaga ako after class..." Ano nga yun? Anak ng! Nagiging ulyanin na ba ako? Ano nga yu-- "Ah! May bibilhin ako sa mall." Tama. May bibilhin pala ako. Yung utos ng batang kabute.

"Sigurado ka ba diyan?" Siningkita niya ako ng mata.

"Oo naman. Kung ayaw mong maniwala edi wag."

"Ang harsh mo! Hahaha!" Isinabit niya ang braso niya sa braso ko, "Bukas nalang tayo magparlor? Okay na?"

"Hm... Tingnan natin."





"MISS? Hingi naman suggestions oh." Sabi ko paglapit ko sa isang saleslady dito sa toddler section ng mall.

"Yes ma'am, what can I help for you?"

"Ano... Ano bang mga gamit ng bata, yung 3 years old?" Wala akong alam anak ng. Eh hindi naman ako malapit sa mga bata at tsaka nung nagkaisip na ako hindi ko maalalang nag feeding bottle pa ba ako or whatsoever. Nakakastress naman!

"Okay ma'am. Nag fefeeding bottle pa ba siya ma'am?"

"Hindi eh." Malay ko ba. Hindi naman siya sumipot sa bahay ko na may hawak na feeding bottle. "Ah sige iyan din bibili ako ng feeding bottle."

"May sipsters din po o di kaya'y pacifier. We have this soft sole shoe and toddler clothes. May cotton bedsheet set din kami which is safe sa baby niyo po dahil its. hypoallergenic."



"OKAY na ba to Miss?"

Tumawa niya ng mahina. "First born niyo po?" Tanong niya.

"Uh... Oo eh. Hehe."

"Halata naman po."

Oo nga miss. Halata nga. Halatang wala akong alam. Kung ano lang ang sinasabi niya yun din ang pinipili ko para bilhin. From baby crib to rattle, baby lotion, baby wash, baby moisturizer, mga damit pang 3 years old na sure akong kakasya sa kaniya, wait. Parang may nakalimutan ako.

"Wait lang miss. May nakalimutan pa." Pigil ko sa kaniya bago kami pumunta sa cashier para bayaran na ang mga pinili ko.

"Ano po iyon?"

"Baby powder." Tama tama tama.

Pumunta ako pabalik sa mga baby lotions at hinanap ang mga baby powder.

Yung amoy ng baby powder niya... Ano ba yun?

"Familiar naman yung amoy niya eh. Saan dito?" Nalito ako sa mga iba't-ibang kulay ng baby powder sa harap ko.

No choice, bibilhin ko bawat kulay ng powder na ito para malaman ko pagkauwi. Hayy.

Pagkatapos kong bayaran ay may hi-nire akong deliverer ng mall na siya na ang magdeliver ng mga pinamili ko papunta sa bahay. Sa dami nun? Tatlong malalaking karton? Di kasya sa kotse ko yun. Chineck ko ang oras at quarter to 7 na. Nag take out muna ako ng pagkain sa isang restaurant bago umuwi sa bahay. Baka gutom na yungbata dun panigurado.

"I'M home!" Sigaw ko pagkapasok ko ng bahay. Nakita ko naman siya nanonood ng TV. "Luh? Alam mo pano i-on ang TV?"

"Siyempre. Isasaksak ko lang yung saksakan tas pindot nung power button sa remote."

Ewan ko kung nagyayabang siya na alam niya o sinasabi niyang ang bobo ko naman para di ko malaman na matalino siya. Waw ha.

"Kain muna tayo." Tumayo na din siya at umupo sa dining table. Naglabas ako ng dalawang pinggan at inihain ang binili kong special chopsuey at fish steak. At rice. "Kumakain ka ba nito?"

"Okay lang." Sabi niya saka nagsimula nang kumain.

"Nga pala, pumunta akong mall para bilhan ka ng mga gamit. Bukas pa nila sa umaga idedeliver kasi gabi na eh. Eh wala din naman akong ibang pupuntahan kaya pumunta nalang ako ng ma--- HALA!"

Tinignan niya ko. "Anong hala?"

"Aish!" Napasabunot ako sa ulo ko. Nakalimutan ko! Anak nggggggg! "Nakalimutan kong puntahan si mama anak ng punta naman oh!"

"Edi bukas mo na puntahan."

Eh sinabi kong ngayong araw ako pupunta. Anak ng, bukas na nga lang.

Eh pano pag umasa si mama na pupunta talaga ako pero di ako sumipot?

"Imposible yan. Galit siya sayo kahapon."

Malay mo. Tas mas lalo siyang nagtampo sayo ngayon na di mo siya binisita.

"Aish. Bukas na nga eh!"

"Katakot mo naman," tawa niya. "Baka matuluyan ka na niyan ah."

Pimikit ako at umiling ako ng ilang beses bago pinagapatuloy ang pagkain. "Kumain ka na lang diyan bata para lumusog ka pa. Ayoko ng anak na malnourished."

"Opo," sumubo siya ng kanin, "Mama."

Nabilaukan ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top