Chapter 18
"Heto... Magsasabi tayo sa isa't isa ng pinaka precious secret natin at dapat hinding hindi natin ito ipagkakalat ha? Kapag nilabag niyo ang rules siyempre may consequences na mangyayari."
"Anong consequences naman, Ai?" Tanong ni Keil. Kung ano-ano naman kasi 'tong naiisip ni Ai. Andito kami sa rooftop at nag-iinuman dahil 18th birthday ko ngayon. May mahinang upbeat music pa kami at disco lights. Parang nasa bar parin kami. At tsaka ayoko ng magagarang debut noh sapat na 'tong mga kaibigan ko.
"Hm... Pag-iisipan pa natin. Haha! Shot muna!" Inangat namin ang sarili naming shot glass saka ininom ang laman nito.
"Sige, ikaw mauna, Ai."
Wala pa naman kaming tama at kakasimula pa lang ng inuman namin mga sampung minuto pa ang nakaraan. Tumikhim muna si Ai bago magsalita. "Ito yung pinaka precious secret ko na sasabihin sa inyo. Sa inyo ko lang ito sasabihin.
I had sex with my brother when I was 12."
"What?!" Sabay na sigaw namin ni Keil saka tinapunan ko ng pulutan naming mani si Ai. "Kami ata pinagloloko mo Ai eh! Eh wala ka namang kapatid!"
"Hahaha! Joke lang! Eto na!" Umayos kami ng upo at naging seryoso ulit. "Nakawitness ako ng murder."
"Talaga?" Tanong ni Keil. Tumango si Ai.
"Oo. Nakawitness ako na may minu-murder na aso."
Natahimik kami ng ilang segundo pagkatapos ay tumawa na naman siya ng malakas. "Uto uto talaga kayo noh! Diba dapat kinakatay na aso at hindi murder." Parang may tama na 'to si Ai ha. "Seryoso. May na-witness akong murder."
"Saan naman?" Tanong ko.
"Grade school pa lang ako nun. Bakasyon. Sa probinsya." Pumulot siya ng mani saka kinain. "Ako lang yung nakakita. Tinadtad ng saksak ang isang babae. Tapos yung lalake na suspect, nahulog sa bangin pagkatapos. Namatay din. Totoo ngang karma is a bitch." Saka tumawa ng malakas. Malalayo naman ang agwat ng mga bahay dito kaya okay lang na ganito kaingay si Ai. "Na-isolate tuloy yung kaso ng babae kasi hindi nila nalaman sino ang salarin."
"Hala! Baka gambalain ka nung babae kasi hindi mo nabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya." Pananakot ni Keil at malakas na hampas ang natanggap niya kay Ai.
"Ano ba Kiloy! Nananakot ka eh! Ang tagal na nun!"
"Malay mo. Hahaha..."
Sinamaan lang siya ng tingin ni Ai. "Wag nga ako. Ikaw ba Kiloy, ano pinaka precious secret mo?"
Naging seryoso ulit ang mukha ni Keil. "Dating drug addict ang tatay ko."
"Ay oo nakwento mo nga iyon." Komento agad ni Ai. "Pero nagbagong buhay naman na eh. At tsaka maayos naman yung buhay niyo sa probinsya."
Tumango tango lang ako. Napakabait ng nanay at tatay ni Keil at malaki ang farm nila sa probinsya. Alam kong hindi pa huli ang lahat at iyon ang ginawa ng tatay niya. Oo nalulong sa droga dati pero hindi imposibleng magbagong buhay at lumayo sa masamang gawi.
"Ikaw naman Mau? Ano ang pinaka precious secret mo?"
Yung sa akin? "Na nasa mental si mama."
Sumimangot si Ai. "Alam naman namin yun. Hindi naman yun secret eh."
"Pero kayo lang ang nakakaalam at si tita tungkol dun." Dahil hangga't maari, ayokong mahusgahan ng mga tao, lalo na sa mga nakapaligid ni tita. Hindi lahat ng mayayaman, magaganda ang loob. May malasakit. Hindi naman sa kinakahiya ko si mama, ayokong maipit siya sa mga mapanghusgang mga mata at dila ng mga tao.
"Mali ka! Pati yung mga nurse at mga doktor na nandun alam nila!" At tumawa na naman ng malakas ang loka. Nagtinginan nalang kami ni Keil at hinayaan si Ai na mamatay sa katatawa.
"Ako. Ako ang nagsabi sa kaniya."
Sagot ng lalaking lumapit sa tabi ni Vielle at seryosong nakatingin diretso sa mga mata ko.
Hindi ko nga pala nasabihan si Keil na nakalabas na si mama. Oh well, too late.
"What the hell, Keil?!" Malakas na sigaw ni Ai sa kaniya. "Kumakampi ka sa bruhang kagaya niya? Sira ba ulo mo?"
Hindi niya sinagot si Ai at nanatiling nakatingin sa akin. Nagkatitigan kami. Pagkadismaya ang naramdaman ko na malaman na kumakampi siya kay Vielle, at pinaalam pa ang pinaka-precious secret ko.
Nakita ko ang pag-ngisi ni Vielle sa tabi niya. "Everybody! Listen up!" Kinuha niya ang atensiyon ng mga estudyante dito sa loob ng food court. "Not all socialites have perfect state of life. And who would like to have an acquaintance with a socialite who's mother stays in a mental hospital? Anytime soon baka magwala nalang siya dito at nabaliw na!" Saka siya tumawa ng nakakainis sa tenga. "You know, like mother, like daughter!"
May narinig akong ilang napatawa pero wala akong pake sa kanila. Instead, ningisian ko si Vielle. How pathetic. Is this how she wants to gain fame? Then she's a famewhore. "Eh ano naman kung nasa mental ang mama ko?"
Nilingon niya ako. Tinasaan ng kilay. Namewang. "Means kelangan naming matakot sa'yo. Mahirap na, baka kami pa ang mapagbunutan mo ng galit dahil may saltik ka na."
Tinawanan ko siya. Oo mapagbubunutan ko talaga siya ng galit. Kung yung dugo ko ihahalintulad sa langis, kapag may aswang ay kukulo ito. Si Vielle yung aswang. "May nararamdaman ka palang takot, Montes? Akala mo naman sobrang tapang mo... Eh kahit kuhanan lang ng impormasyon sa police station eh nagawa mo pang maglaglag ng kaibigan."
Sinamaan niya ako ng tingin. "It's because binulag mo si Analie. Pakialamera ka talaga!" Hinawakan niya si Keil sa braso. "Let's go Keil. Hindi natin dapat sayangin ang oras sa mga taong walang silbi sa lipunan."
"Aba! Nagsalita ang may silbi sa lipunan! Impakta!" Nanggigigil sa galit na sabi ni Ai sa tabi ko.
Umalis na si Vielle kasama ang mga alipores niya at si Keil.
Isinabit ni Ai ang braso niya sa akin. "Pigilan mo ko Maurize dahil hindi ako magdadalawang isip na gilitin ang leeg ng bruhang iyan! Nakng—bwiset! Sarap murahin lahat ng mura sa mundo!"
Hinawakan ko si Ai sa balikat. "Kalma. Tayo dapat ang hindi magsayang ng oras sa taong walang silbi sa lipunan."
"Tama!"
Umalis na kami palabas ng food court kasama si Analie.
"Eh ano namang meron kung nasa mental hospital ang mama mo, Maurize?" Tanong ni Analie paglabas namin.
Bago pa ako nakasagot ay nagsalita na si Ai. "Aba'y ewan ko. At ewan ko din kung ano ang kinapuputok ng butsi ng bruhang Vielle na iyon. Porque't nasa mental hospital ang mama niya?" Anak ng. Ako yung tinanong diba? Si Ai talaga! "At teka... Bakit nasa side niya si Keil? Ang pagkakaalam ko never pa niya kinausap si Vielle ever since... How come Mau?"
Nagkibit balikat ako. At kung ano man yung dahilan, hindi ko alam. Pero may possibility na may ginagawa na namang hindi maganda si Vielle.
Naisip ko yung huli naming napag-usapan ni Keil nung nakaraan.
Mahal kita
Manhid ka ba o nagmamaang-maangan lang, Mau?
Hindi mo ba ako mapansin bilang ako at hindi bilang isang bestfriend?
"Nga pala Mau! Sa bahay mo ako matutulog ngayon ha?" Sambit ulit ni Ai at tumango ako. Nagpaalam na si Analie sa amin dahil may klase pa siyang aatendan, hindi namin siya kaklase. Pumunta na din kami ni Ai sa klase namin na kaklase din namin si Vielle. Hindi ko naman pinagdadasal na hindi siya pumasok sa klase, dahil kung hindi siya papasok, meaning guilty siya—na walang silbi sa lipunan.
Hindi siya pumasok. Guilty siya.
Habang nasa klase kami, napansin kong may something na gumagapang sa paa ko. Nakasandals lang kasi ako ngayon at nang sinilip ko, mga malalaki at sobrang pula na mga langgam ang nasa paa ko. Napansin ko din na mayroon nang tuldok tuldok na pula, kagat siguro ng langgam.
"Omg sorry, Alcante." Sambit ng kaklase ko na nasa likod. Nakita ko na may niligpit siya na empty plastic wrapper ng isang chocolate cupcake. "Naiwan ko sa sahig kanina. Nilanggam. Omg yung paa mo! Naku sorry sorry!" Nilapitan niya ako saka pinagpagan ang kanang paa ko, dahilan para tumahimik ang klase at napatigil sa pagsasalita sa harap ang prof.
"Hindi, okay lang. Hindi ko din naman napansin." Sabi ko at pinigilan siya sa ginagawa niya.
"Anyare, Mau?" Tanong ni Ai sa tabi ko. Nilingon ko siya.
"May nilanggam na pagkain sa ilalim. Nakagat ako ng mga langgam." Sinilip ko ang kanang paa ko na medyo namumula na.
Manhid ka ba o nagmamaang-maangan lang, Mau?
"Ang manhid ko noh? Hindi ko man lang naramdaman na kinakagat na pala ako ng mga langgam." O nangmamaang-maangan lang siguro ako na walang langgam na gumagapang sa paanan ko. Ngumiwi si Ai sa sinabi ko.
Pagkatapos ng klase, ay dumaan kami ni Ai sa clinic upang makahingi ng petroleum jelly para sa paa ko. Saka ko na kasi naramdaman yung sakit, inabot pa ng ilang minuto bago ako nagreact sa sakit ng kagat ng mga langgam.
Ibig sabihin, hindi ako manhid.
Late reaction lang.
"Ai." Tawag ko. Nilingon niya ako. Andito kami sa soccer field at nag-aantay ng tsansa na makita si Keil para makausap siya. At pagpaliwanagin. "May gusto ba sa akin si Keil?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Gusto?"
Nah. Erase that. Hindi iyan ang sinabi ni Keil sa akin nung nakaraan. "I mean, alam mo ba na mahal ako ni Keil?"
Hindi niya ako sinagot at tinitigan lang. Ilang segundo ay tumawa siya. "Siyempre! Mahal ka niya! Mahal din niya ako, kasi magbestfriends tayo! Mau talaga!" Napa-iling-iling pa siya at tumatawa. Iniisip siguro nito, 'kalokohan talaga ni Mau, di nalalayo sa mama niyang nasa mental'. Aba! Kapag iyan ang sinabi niya itutulak ko siya mula rito sa pinakataas na baitang nitong bleachers at pagulong pabagsak sa lupa na parang bola.
"Hindi eh, kasi may sinabi siya nung araw ng tournament, na mahal daw niya ako. Sinagot ko naman na mahal ko din siya kasi kaibigan ko siya. Pero tinanong niya ako kung manhid ba talaga ako o nagmamaang-maangan lang?"
Natahimik si Ai at tinignan ako diretso sa mata. "Ay? May sinabi siyang ganun?" Tumango ako. Bumuntong hininga ako at tumitig sa malawak na berdeng damo ng soccer field.
"Late yung naging reaction ko kasi hindi ko maabsorb yung nga sinabi niya. Dun ko naisip na, parang iba yung pinahihiwatig niya..."
"Na ano? Na mahal ka niya? As in mahal? Love? With feelings sagad?" Nilingon ko siya. "Wala akong alam kung ano yung nararamdaman niya. Wala siyang sinabi." Seryosong sabi niya.
"Tingin ko may kinalaman doon kung bakit parang binaliktad tayo ni Keil ngayon."
Kumunot ang noo niya. "At kelan pa naging mababaw si Keil? Alam kong hindi ka kaagad nakapag react sa sinabi niyang mahal ka niya pero hindi naman siguro iyon ang dahilan kung bakit nasa side siya ni Vielle? Ang tanga niya kung ganun. Well, tanga nga siya kasi andun na eh." Sumimangot siya. "Tapos pinaalam niya pa yung pinaka precious secret mo. Sa ngayon galit ako sa kaniya. Ano? Resbakan natin para tumino?"
"Hayaan mo muna." Rerespetuhin ko kung ano ang desisyon ni Keil. Siguro nasaktan siya pagkatapos nung usapan namin kaya nagkaganito na ang nangyari.
"Eh paano iyan? Diba may usapan tayo na may consequence kapag nilabag natin ang rule na huwag ipagkalat ang pinaka precious secret natin?"
Pinag-iisipan ko pa iyon. "Ewan. Ikaw bahala."
"Since galit ako ngayon, F.O. muna." Gulat kong siyang nilingon. "Bakit?! Eh sa galit ako eh. Sabi mo ako bahala."
Parang nagkapalitan pa kami ng kaibigan. Sa amin si Analie, kay Vielle si Keil. Anak ng buhay 'to.
Pagsapit ng gabi, kasama ko umuwi si Ai na may dalang extra ng damit na kinuha niya pagdaan namin sa bahay nila bago dumating dito sa bahay ko.
"Waa! Namiss kong mag-sleep over dito Mau!" Binagsak niya ang katawan niya sa sofa at niyakap ng mahigpit ang unan na nakapatong. "Anong bago sa bahay mo, Mau?"
"Wala naman. Ganun pa rin." Sabi ko saka nilabas ang phone mula sa bag. Itetext ko si mama.
Nakita ko sa peripheral view ko ang pagtayo ni Ai at paglapit niya sa isang kwarto. Huli na nang makapag react ako nang makita na nasa harap siya ng kwarto ni Anakis.
"Ano 'to?" Tanong niya dahilan para mabitawan ko ang hawak hawak kong phone.
Anak ng. Ano idadahilan ko? Sasabihin ko bang may anak na ako?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top