Chapter 17
"Eto, ang terrestrial planets." Sabi ko nang maipakita ko ang chart ng solar system pagkatapos ng akphabet chart. "Ang Mercury, Venus, Earth at Mars. Ang mercury ang pinakamalapit sa sun, at ang pinakamainit. Sunod niya ang Venus. Then Earth, kung saan tayo ngayon. Then yung Mars, ang dry planet."
"Alam ko naman iyan eh." Oh tignan mo! Siya na nga tinuturuan nagrereklamo pa! "Wala bang mas interesadong bagay tungkol sa solar system? Napaka-common ng definition mo sa kanila."
Anak ng. Malay ko ba, eh interior designing ang course ko at hindi education. Bumabase lang ako sa stock knowledge. Hindi nga ako minsan sure kung tama ang mga information na sinasabi ko sa kaniya eh. Huwag siyang mag-expect na magtuturo ako na parang puno ako ng kaalaman. "Huwag ka na ngang magreklamo, ikaw na nga 'tong tinuturuan eh. Magkunwari ka nalang na wala ka pa talagang alam."
Nagkibit balikat siya. "Okay." Ang dali lang palang kausap nitong si Anakis.
"Eto naman ang mga gaseous planets. Jupiter, Saturn, Uranus at Neptune. Dati kasali ang Pluto sa solar system pero ngayon hindi na kasi isa siyang dwarf...planet." napasimangot ako nang makita ang mukha niya. "Parang hindi ka naman interesado Anakis eh."
"Alam ko na iyan eh." Kinuha niya ang isang story book at binuklat iyon. Tinignan niya ako muli. "Kuwentuhan mo nalang ako nito." Saka inabot sa akin ang storybook. Kinuha ko iyon at binuklat sa pinakaunang pahina, kung nasaan ang pamagat ng kuwento.
"Ang pamagat ng kuwento ay, si Maria at ang Mahiwagang Genie." Binuklat ko sa susunod na pahina.
"Si Maria ay lumaki sa isang pamilya ng mga tagasilbi. Hindi sila mayaman. At kada sumisilip siya sa bintana mula sa sira-sira nilang bahay ay nakikita niya ang mga bata na anak ng mga mayayaman suot ang kanilang magagarang damit at mamahaling mga laruan."
"Isang araw, habang hila-hila niya ang isang kabayo na pagmamay-ari ng kaniyang amo, pumunta siya sa isang ilog upang painumin ito ng tubig. Laking gulat niya nang may makita siyang isang bote at nang haplusin niya ito lumabas ang isang genie at binigyan siya ng tatlong kahilingan."
"Ang unang kahilingan na hiniling niya ay magkaroon sila ng maraming salapi kagaya ng sa mga mayayamang pamilya sa kanilang nayon. Na lahat ay mabibili nila kung ano ang kanilang gusto.
"Ang ikalawang kahilingan na hiniling niya ay ang magkaroon ng maganda at malaking bahay. Ngunit, sa kabila ng marangyang buhay, ay naramdaman niya ang lungkot."
"Dahil naging marangya sila, ang mga kalaro niya na mahihirap ay lumayo na sa kaniya, nahihiya na dahil sa estado ng buhay nila Maria. At ang mga bagong kalaro ni Maria na mayayaman, hindi niya alam kung totoo ba silang mga kaibigan o ginagamit lang siya."
"Kaya ang huling kahilingan niya na hiniling ay ang ibalik sa dati kung ano siya at ng pamilya niya noon. At doon naging masaya siya."
"Ang aral sa kuwentong ito ay matuto kang makuntento kung sino ka at kung anong meron ka." Tinignan ko si Anakis. "Nagustuhan mo ba ang kuwento, Anakis?"
"Okay lang." Sagot niya. "Ikaw? Tutal marangyang buhay naman na ang meron ka, kung bibigyan ka ng isang genie ng tatlong kahilingan, ano ang unang hihilingin mo?"
Napaisip ako. Bigla ay sumagi ang pamilya ko. "Una kong hihilingin na maging buo pamilya ko." Dahil alam kong imposible na iyong mangyari kaya hanggang hiling nalang iyon. Nginitian ko si Anakis. Chineck ko ang time saka tumayo. "Tulog na tayo? Mag na-9 na." Tumayo na din siya kaya sinamahan ko siya papunta sa kwarto niya.
Inayos ko sa pagkakabalot sa katawan niya ang kumot at in-on ang lampshade sa bedside table niya.
"Hindi mo ba sasabihin ang ikalawa at ikatlong kahilingan mo?" Tanong niya. Tinignan ko siya. "Ano ba ang ikalawa mong kahilingan?"
"Hindi ko pa alam. At diba sabi nila be careful what you wish for? Saka na yun..." Inayos ko ang hibla ng buhok niya. "Ikaw? Kung bibigyan ka din ng genie ng tatlong kahilingan, ano ang unang hihilingin mo?"
"Hiling ko na sana maging masaya ka. Malayo sa sakit na dulot ng nakaraan." Seryoso kaming nagtinginan. Umabot pa ng ilang segundo bago ulit siya magsalita. "Maging masaya ka."
"Masaya naman ako." Dahil andiyan pa si mama, si tita, si Keil at si Ai. "Ayoko din namang manatili sa nakaraan."
"Huwag mong isara ang puso mo sa iba. Pakinggan mo ito kahit na minsan ay mas lamang ang isip. Sasabihin ko sa'yo, walang lamang na nangyayari sa pagitan ng isip at puso. Pero ang puso kahit gaano mo pa 'to pigilan, hindi mo ito kayang diktahan. Ito sana ay iyong pakinggan." Hinila niya pa pataas ang kumot. "Matulog ka na."
Ngumiti ako sa kaniya. Hindi ko nga kayang diktahan, pero ito parin ba ang iyong pakikinggan kahit ang sakit sakit na? "Goodnight."
In-off ko ang ilaw ng kwarto niya saka lumabas. Niligpit ko ang mga charts at mga papel na nasa center table at maayos na nilagay sa ilalim nito. Kinuha ko yung bag na dala ko kanina sa labas at pumasok na sa kwarto para makapagpahinga na. Bago pa ako makapagpahinga, at nag half bath muna ako dahil ang lagkit ng pakiramdam ko.
Pagkatapos kong mag half bath ay siyang pagrinig ko ng message tone ng phone ko. Chineck ko at si Keil ang nagtext.
Mau, 8 ang start ng tournament bukas. Punta ka ha?
Oo naman. Pwede ba namang wala ako?
Haha siyempre hindi. Ikaw ang number 1 fan ko eh.
Sige sige. Matulog ka na, wag kang magpupuyat. Alam kong mananalo ang team niyo. Pambato kayo ng school natin eh.
Salamat Mau. Sige, tulog ka na din. Goodnight.
Goodnight.
Kinabukasan, 7am nang dumating ako sa campus. Nagkita kami ni Ai sa foodcourt.
"Ang dami nang mga tao ah." Salubong ko sa kaniya at umupo katapat niya.
"Oo, may mga estudyante na din galing sa ibang college, yung college na kalaban nila Keil." Tumango tango ako at nakishare sa fries na binili niya.
Tahimik lang kami nang ilang sandali lang nakita namin si Vielle na dumaan sa table namin, sinamaan niya pa kami ng tingin pagdaan niya. May kasama din siyang dalawang alipores, at sa tingin ko ay bago yung isa at iyon ang pinalit niya kay Analie. Hindi pa man nakakalayo si Vielle ay nagulat kami nang may biglang nakiupo dito sa table namin. Si Analie.
"Sorry guys. Medyo na-late ako." Sabi niya sa amin pagkaupo niya.
At dahil dun binalikan kami ni Vielle. "So, sa kanila ka na sumasama, Analie?" Maarte niyang tanong sa dati niyang alipores. Inosente siyang tinignan ni Analie.
"Sino ka? Sorry eh, wala akong kilalang bitch." Sagot niya at natawa kami ni Ai. Sinamaan siya ng tingin ni Vielle.
"So ganun na lang? Pagkatapos ng pinagsamahan natin, ganito mo na ako tratuhin?"
"Bakit? Kung makapagsalita ka parang tinrato mo akong tunay na kaibigan."
"Tss." Hindi na nakapagsalita si Vielle at umalis nalang, kasama ang mga alipores niya. Tinignan namin si Analie.
"Uhm... Ano, Analie..." Nagsalita si Ai. "Sorry ah, pero medyo hindi kami basta bastang kumakaibigan ni Mau, ano kasi... Lalo nang magkaibigan kayo dati ni Vielle."
"Okay lang. Alam ko naman iyon." Sabi niya saka yumuko. "Ginagawa ko ito na lumalapit sa inyo kasi gusto ko kayong maging kaibigan. Sana hayaan niyo akong patunayan ko sa inyo na sincere ako..."
"Ah, o-okay... Sige... Ano... Pwede ka namang sumama sa amin sa lakad namin. Hehe. Kung okay lang kay Mau?" Tinignan ako ni Ai. Tumango ako.
"Oo naman. Okay lang." Kung sincere si Analie sa intensyon niya na makipagkaibigan sa amin, why not pagbigyan siya na ipakita iyon sa amin? Hindi naman kami masyadong masama upang i-judge agad siya porque naging kaibigan niya si Vielle dati. Hahayaan nalang namin siya na ipakita niya na maganda ang intensiyon niya sa amin at hindi niya hahayaang ma-disappoint kami kapag siya naman ang bumaliktad sa amin ni Ai. Baka yun pa ang dahilan upang hindi na ako makipagkaibigan pa sa iba sa susunod.
Quarter to 8 nang nasa soccer field na kami. Marami na ang mga estudyanteng nasa bleachers at puno na, at ang iingay nila dahil sa kaniya-kaniyang cheer sa pambato nila. Nung makaupo na kami sa nirserve sa amin na upuan, nakita namin si Keil na papalapit sa amin. At dahil dun halos mabingi kami sa sigaw ng mga schoolmates namin na nasa likod.
"Wish me luck!" Sambit ni Keil. Ngumiti kaming dalawa ni Ai. Si Analie, sa ibang puwesto siya dahil hindi naman siya nareserve ng upuan.
"Goodluck Kiloy! Kaya mo yan! Yuhoo!" Nakisabay din si Ai sa sigaw ng nasa likod. Tumawa si Keil na siyang nagpalakas lalo ng tili ng mga girls. Grabe ha! Masisira na eardrums ko dahil sa kanila.
"Mau," kinalabit ako ni Keil. "Any message for me?"
"Kaya mo iyan. Alam kong mananalo ang team niyo." Nakangiting sabi ko sa kaniya. Mas lumapad ang ngiti niya at nagtilian na naman ang mga nasa likod.
"Salamat. Sige doon na ako, magsstart na any moment ang game." Aalis na siya nang bumalik ulit. "May sasabihin ako sa'yo mamaya Mau. Pagkatapos ng game." Ngumiti na naman siya saka nagpaalam sa amin para bumalik sa quarters nila.
"Ayy? Ano yung sasabihin niya?" Tanong sa akin ni Ai. Nagkibit balikat lang ako.
Na-delay pa ng 15 minutes bago magstart ng game. Pero okay lang. Pinoy eh, laging late sa pinagkasunduang time.
Kakasimula pa lang ng game, ay may napansin ako sa kalaban nila Keil. Parang nahihirapan siyang tumakbo at ang hina niyang sumipa. At napansin din naming medyo pa-ika ika siya. Parang naghihirapan siya lalo na sa paa niya.
"Hindi mo ba napansin, Mau? Parang may mali sa kalaban?" Sambit ni Ai sa akin saka tinuro yung isang member na kanina ko na din napansin, na kalaban na napag-alaman ko na MVP nila.
"Napansin ko Ai. Baka wala lang sa kondisyon yung kalaban kaya ganiyan." Bakit naman kasi nagka-ganiyan eh may laro ngayon.
Kahit naman na gusto ko manalo sila Keil, eh masyado nang nape-predict na iyan pa ang dahilan ng pagkatalo ng team nila, ng kalaban nila Keil.
Okay na din iyan. Sus. Fan ako ni Keil eh. Dapat sila ang manalo.
Natambakan ng team nila Keil ang kalaban sa halfway ng game. Pero nakabawi ang kalaban kaya ang resulta, natalo sila Keil.
"Ayy?" Disappointed ang mukha ni Ai pati na din ng nasa likod namin. "Ba't talo tayo? Ba't nakabawi ang kalaban? Kainis naman oh!"
Bumaba kami upang salubungin si Keil. Sinalubong niya sa amin ang malungkot na mukha.
"Sorry Mau, Ai. Natalo eh."
"Naku! Huwag kang malungkot Keil. Ganiyan naman talaga ang game. Win or lose." Sabi ni Ai sa kaniya.
"Pero last tournament namin yun eh. Kasi gagraduate na tayo. Tapos natalo pa."
"Sus! Ikaw talaga Kiloy! Napaka nega. Malay mo may opportunity sa susunod at iinvite ka sa isang international tournament. O i-recruit ka sa isang soccer team. Hindi pa huli ang lahat noh!"
"Oo nga, Keil. Hindi pa huli ang lahat. At okay lang naman sa amin. That's part of the game." Sambit ko at sumang-ayon sa sinabi ni Ai. Nagyakapan kaming tatlo at kinomfort siya. Naiiyak kasi siya. He love this sport kaya ganiyan siya kalungkot na last chance na sana bago kami maka graduate, tapos naging ganito pa.
"Uh... Ano pala yung sasabihin mo sa akin, Keil?" Tanong ko sa kaniya.
"Uhm... Ano..." Nilingon niya si Ai.
"Ba't sa'kin ka nakatingin Kei- ayy naku! Nakalimutan ko, hahanapin ko pala si Analie kasi magpapasabay daw yun sa atin mag-lunch. Babye!" Umalis siya na may pagtataka sa mukha at salubong ang kilay. Iniisip siguro nun, 'ba't di ako pwedeng makiusyoso sa pag-uusap nila? Tama ba 'tong ginawa ko na umalis nalang at hayaan sila mag-usap dalawa?'
Binalik ko ang tingin ko kay Keil. Napakamot siya sa batok.
"Ano kasi... Maganda sana kung nanalo kami pero talo eh." Natawa siya. "Ano... Matagal ko na 'tong tinatago at ayoko nang magpaka-duwag kasi baka iyon pa ang dahilan para maging huli na ang lahat. Ano... Sana wag mo itong mamasamain at sana hindi magbago ang pagtingin mo sa akin at rerespetuhin ko yung desisyon mo at-"
"Anong point mo Keil? Ang haba kasi ng sinabi mo." Nakakunot na ang kilay ko habang nakatingin sa kaniya at nakikinig. Ang haba haba kasi ng sinabi tapos baka ano pa ang ibig sabihi-
"Mahal kita." Sabi niya. Ngumiti ako.
"Mahal din kita. Kasi bestfriend kita." Tinignan ko ang buong paligid. Nagsi-alisan na ang mga estudyante at ang iba ay nagliligpit ng mga kalat. Malapit na din ang lunch at maganda kapag kasama si Keil sa amin sumabay ng lunch. "Tara mag-lunch na tayo Keil alam kong gutom ka n-"
"Manhid ka ba o nagmamaang-maangan lang, Mau?"
Napatitig ako sa kaniya ng ilang segundo. Wait, ano yung narinig ki ngayon lang?
"Anong pinagsasabi mo?" Nakakunot na naman ang noo ko habang tinitignan siya. "Keil baka gutom lang iya-"
"Hindi mo ba ako mapansin bilang ako at hindi bilang isang bestfriend?"
Hindi ako nakasagot. Hindi maabsorb ng utak ko sa mga sinasabi niya. Kung sa computer pa, nagha-hang o not responding, o 404 not found.
Kumurap ako at napansin kong wala na siya sa harapan ko at nakita ko nalang na naglalakad na siya palayo. Hahabulin ko ba siya?
Dumating ang lunes, at hindi ko siya nakausap mula nung huli naming pag-uusap nung araw ng tournament. Tinry ko naman siyang i-contact, pero laging cannot be reached. Tinetext ko, hindi naman nagrereply. Nagtampo na naman sa akin, ano bang kasalanan ko?
Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch ni Ai at ni Analie dito sa foodcourt. Nagtatawanan pa kami nang biglang may bumagsak na pares na kamay sa table namin. Andito na naman ang bruhang si Vielle at nagpapansin na naman.
"Kung akala mo tapos na ako sa'yo Alcante, pwes nagkakamali ka." Sabi ng bruha at ang talim ng tingin sa akin. "This is because you meddle on my business. Why don't you just shut up and turn your heels away like what you just told me? Pinagbintangan mo na nga ako, kinuha mo pa sa akin si Analie."
"At bakit?" Tumayo si Analie at nilabanan ang masamang tingin ni Vielle. "Hindi niya ako kinuha mula sa'yo. Kasi in the first place ikaw yung bumugaw sa akin at choice ko na sa kanila sumama kasi mas masahol pa sa aso iyang ugali mo."
"How dare yo-"
"Huwag mo kong ma-how dare you Vielle! Alam kong konti pa lang ang nababangga mo pero darating ang time na malalaman ng lahat ng mga estudyante dito kung ano talaga ang totoo mong ugali."
Imbes na matakot si Vielle, ay binigyan niya pa kami ng nakakalokong ngiti. "I don't care. I don't even care about the people around here! Wala naman silang magagawa dahil hindi naman sila ang may-ari nitong campus."
"At ikaw, ang may ari nito?" Sumabat na ako. "No wonder sinusuhulan mo ang mga prof dito para magbulag-bulagan at para hindi umabot sa papa mo ang mga kalokohang ginagawa mo dito."
"What?!" Tuminis ang boses niya. "Oh my gosh, napaka judgemental mo naman Alcante. You don't know me."
"Di kita kilala? Pwes mas lalong hindi mo ako kilala." Nagsamaan kami ng tingin nang ngumisi na naman siya ng nakakaloko.
"What's with the news that I heard just recently?" Sambit niya. "Na nasa mental pala ang mama mo? O well, sana sumunod ka sa yapak ng mama mo at maytuluyan ka na. I'll be happy with that."
Sa lahat ng pwedeng pag-usapan, ayokong pinag-uusapan si mama. Lalo na kapag tungkol sa kaniyang kondisyon.
"Baka one day bigla nalang yung tumakas sa mental at hahanapin niya yung mga anak niya. Crispin? Basilyo? Mga anak ko!" Dugtong pa niya saka tumawa ng malakas.
May ahas sa leeg mo. May magtataksil sa'yo.
Dalawang tao lang naman ang pinagsabihan ko tungkol sa kondisyon ni mama. At sinabi ko dati na sikreto lang namin iyon dahil ayokong mapaghusgahan ng ibang tao.
"Sino nagsabi sa'yo niyan?" Tiim bagang kong tanong kay Vielle. Nilingon ko si Ai.
"Why would I tell her? Hindi kami close noh!" Mataray niyang sabi sa akin. Kung hindi si Ai, edi-
"Ako. Ako ang nagsabi sa kaniya." Sagot ng lalaking lumapit sa tabi ni Vielle at seryosong nakatingin diretso sa mga mata ko.
Siya ba ang sinasabi ni Lala na ahas?
How can you do this to me, Keil?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top