Chapter 16
Nilapitan ako ng isang prof pagbalik namin ng campus. At yung tungkol sa ginawa nila ni Vielle, walang nagawa si Analie, yung alipores niya, at akuin nalang ang kasalanan na ginawa naman talaga nila. Pero inilabas niya na inosente si Vielle. Kinuha lang ang impormasyong kailangan ng mga pulis at pag-iisipan pa kung ano ang gagawin kay Analie, hindi naman siya masasabing murder lalo na't hindi naman namatay ang biktima, na-coma lang. Sa tingin ko ay attempted murder lang, at may kaya naman ang parents niya para makapagpiyansa. Yun nga lang may consequences sa ginawa niya. Sino bang magulang ang matutuwa na muntik nang makapatay ang anak nila?
Si papa kaya? Hindi ba niya alam 'tong mga kalokohan ng anak niya o nagmamaang-maangan lang?
"Miss Alcante, let me tell you one last time, huwag mo namang pagbintangan si Miss Montes. Mabait siyang bata at pinalaki naman siya ng maayos ng magulang niya. How come siya ang tinuro mo tungkol sa nangyari kahapon?"
Sigurado ba sila sa mga pinagsasabi nila?
O binubulag sila ni Vielle at nagmamaang-maangan na din?
"Yes po. Sorry po. Hindi na mauulit." Oo, hindi na mauulit na hindi na siya mabuking sa susunod. Lalo na sa mga inuuto niyang mga professors.
Hindi lahat ng nag-aaral dito, alam ang kalokohan ni Vielle. Hindi din lahat ng nabangga ni Vielle, nakalimutan na ang lahat.
Hindi ibig sabihin half sister ko siya, nasa side niya ako. Sino ba namang gusto kumampi sa kaniya na maitim ang budhi? Alam ko ang sama ko na ganito ko kinamumuhian ang kapatid ko. Nah, erase that. Wala akong kapatid na ganiyan noh! Baka ako pa ang paunahin niya sa impyerno bago siya. Pero sisiguraduhin kong hahawakan ko paa niya para sabay kaming mahulog sa impyerno.
Pagkatapos ng klase ko, tinawagan ako ng doktor ni mama kaya pumunta agad ako sa flat para makausap siya.
"There's a big significance na na-observe namin sa mama mo, Maurize. And it is healthy."
"We test her for a week kung tuluyan na ba talaga siyang gumaling. And our test worked. Gumaling na nga talaga siya."
"On how she acts, how she speak, how she remember things, and on how she recognize people. I conclude she's cured now."
Mangiyak ngiyak akong tumingin sa doktor. "Thank you po doc. Maraming maraming salamat po."
"Wala iyon, Maurize. Mag iingat kayong dalawa sa pag-uwi niyo."
Nagpaalam na ako kay doc saka pumasok sa kwarto ni mama. Nakita ko siyang inaayos niya ang mga damit niya sa loob ng bag niya.
"Parang ang dami naman atang laman niyang bag mo, ma?" Nakangiting tanong ko kay mama. Nginitian niya ako pabalik.
"May binigay din yung mga nurse at si Libeth sa akin. Eto oh." Pinakita niya sa akin ang isang bote na puno ng natuyong bulaklak sa loob nito at mga handwritten letters. Saka mga pictures. Mas lalo akong napangiti. Binitbit ko na ang bag niya at sabay na lumabas ng kwarto. Palabas na kami ng flat nang sumalubong sa amin si Lala.
"Aalis na kayo?"
Ngumiti ako sa kaniya. "Oo eh. Magaling na si mama."
"Ako din, magaling na." Proklama na.
"Talaga? Tanungin mo ang doktor mo Lala kung pwede ka nang makauwi sa inyo."
Nginitian niya ako. "Kahit naman magaling na ako, Mau. Gusto ko dito nalang ako palagi. At tsaka wala na akong mauuwian." Lumungkot ang mukha niya. Pero nawala din naman agad nang ilang segundo siyang tumitig sa akin.
"Bakit, Lala?" Taka kong tanong.
"Hindi pa pala ako magaling." Seryoso niyang sabi. "May nakikita pa kasi ako." Tinignan niya ako sa may balikat at leeg, palinga-linga ang mata niya.
"Ano yung nakikita mo?"
Tinignan niya ako diretso sa mata na dahilan ng pagtindig ng balahibo ko.
"May ahas sa leeg mo. May magtataksil sa iyo."
Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnngggggg
"Anak ng!" Napabalikwas ako at nahulog sa kinauupuan ko sa dining table. "Aray!"
"Oops. Sorry. Eto sana yung ipeplay ko." Sabi ni Anakis saka plinay ang isang kpop song. Yung kanta na sinayaw ko nung nasa seaside ako. Hawak hawak niya ang phone ko.
"I-off mo nga iyan Anakis..." Inis akong tumayo pero nahilo ako kaya tumakbo ako sa sofa at binagsak ang katawan doon. Ang sakit ng ulo ko. Ano ba ang nangyari?
"Napagod lang iyang mama mo, apo." Narinig kong sabi ni mama. "Hayaan mo na muna."
"Ilang oras na siyang nakatulog, lola." Sabi ni Anakis dahilan para mapadilat ako bigla ng mata. "Baka magalit pa sa akin kung ba't di ko siya ginising at malipasan pa siya ng gutom." Nakita ko ang paglapag niya sa phone ko sa dining table. Umupo ako ng maayos.
"Bakit, ano bang nangyari?"
Nilingon nila akong dalawa. "Wala. Nakatulog ka lang naman pagdating niyo ni lola." Sagot ni Anakis.
May ahas sa leeg mo. May magtataksil sa iyo.
May ahas sa leeg mo. May magtataksil sa iyo
May ahas sa leeg mo. May magtataksil sa iyo
Una kong naisip si Vielle. Ahas naman talaga yun. Mas lalong sumakit ang ulo ko nang maisip ko siya. Kinamot ko ang ulo ko saka tumayo at pumunta sa banyo.
Kinabukasan, umuna akong gumising nila mama at Anakis dahil may bibilhin ako sa isang general merchandise store malapit dito. Bumili ako ng educational charts, gaya ng Alphabet, Solar system, Good Manners and Right conduct chart. Sinamahan ko na din ng table of elements at world map. Bumili din ako ng story books na pwedeng kulayan ang mga drawing sa loob. Tsaka crayons at lapis.
Pagkatapos kong bilhin ang mga kakailanganin ko ay umuwi na ako agad. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung bakit magpapaturo sa akin si Anakis, hindi ko din alam kung ano ang ipapaturo niya sa akin, at ito lang yung naisip ko. Sana naman tama 'tong ginawa ko, baka mamaya batuhin niya pa ako ng kaldero kapag nalaman kong hindi pala ito yung ibig niyang sabihin. Hayss bahala na.
Pagpasok ko sa pintuan, nakita ko si mama na gising na.
"Anak, saan ka galing? Ang aga mo atang umalis." Tanong niya saka isinalang ang takuri sa gas stove.
"Bumili po ako ng gamit para kay Anakis, ma." Sagot ko saka inilapag ang binili ko sa center table.
"Magpapakulo ako ng tubig, papalitan ko yung tubig sa thermos, hindi na mainit anak eh."
"Sige po." Nilapitan ko si mama at niyakap siya mula sa likod. "I love you ma."
"I love you too, anak."
"Sorry sa nagawa ko dati ma..." Bumuntong hininga ako saka mag hinigpitan pa ang yakap kay mama. Ngayong kasama ko na si mama, mas aalagaan ko pa siya ng mabuti.
"Wala kang kasalanan anak." Hinarap niya ako saka hinaplos ang ulo ko. "Wala kang dapat ika-sorry. Andito lang si mama palagi sa tabi mo." Napangiti ako.
"Pupunta tayo kay Tita Lyra mamaya. Sasabihin ko ngayon na nakalabas ka na. Tiyak matutuwa iyon at magpapahanda."
Tumawa siya. "Alam ko iyon. Sige mamayang hapon punta tayo."
"Nakalabas na mama mo? Talaga?" Paninigurado ni Ai sa sinabi ko. Andito kami sa school at naglalakad-lakad lang kahit saan. Tapos na yung subject na schedule namin ngayong hapon. Hindi ko nakita si Vielle at wala akong planong makita siya. Kahit naman na makita ko siya iniisip ko nalang na hindi siya nag-eexist noh.
"Oo nga. Punta din tayo mamaya sa bahay ni Tita Lyra kasi magpapahanda siya ng pagkain."
"Ay bongga iyan! Sige sige magdadala din ako ng scotch whiskey na nirequest mo sa akin."
"Oo tamang tama!" Na-excite tuloy ako. "Tawagan din natin si Keil para maka-join sa atin mag-inuman."
"Ano ka ba! Eh tournament bukas tapos paiinumin mo. Kawawa naman yung bestfriend nating iyon." Sabi niya sabay hampas sa braso ko.
"Hehe sorry." Isinabit ko ang braso ko sa braso niya, na palagi naming ginagawa. "Punta tayo food court."
"Sige, magmeryenda tayo."
Bumili kami ng burger, fries at coke. Hawak hawak ang sarili naming tray ay nagpalinga-linga kami sa paligid kung saan ang bakante.
"Dito, Alcante, Pamplona." Narinig naming sabi ng boses ng babae sa nadaanan naming table. Paglingon namin, si Analie, yung alipores ni Vielle.
"Diba ikaw yung lagi kong nakikitang kasama ni Montes?" Takang tanong sa kaniya ni Ai. Tumango si Analie. "At ba't naman kami makikijoin sa table mo?" Pagtataray niya. "Baka mahawa kami sa ugali ni Vielle, mahirap na." Bulong niya malapit sa akin.
Kinaway niya ang kamay niya at umiling. "Wala akong gagawing masama sa inyo. At hindi na ako sasama kay Vielle. Never again." Maamo ang mukha niya at hindi makapal ang make up niya kesa sa itsura niya last time, na kasama niya si Vielle.
Nagdadalawang isip pa kaming dalawa ni Ai. Makikijoin ba kami sa table niya? Eh may mga bakanteng tables pa naman, bakit naman kami makikijoin sa kaniya sa iisang mesa?
"Ano? Nagawa niya yun sa'yo?" Natatawang sambit ni Ai kay Analie habang andito kaming tatlo sa iisang table. Pinipigilan niyang tumawa sa kinuwento ni Analie tungkol sa nangyari kahapon. Hindi ko kasi na-share kay Ai yung tungkol kahapon.
"Oo," sagot ni Analie. "Nilaglag niya talaga ako. Akala ko tunay siyang kaibigan. Galit na ako sa kaniya ngayon." Sabi niya na may galit sa kaniyang mga mata. "Binalik ko yung binayad niya sa akin para wala na siyang maisusumbat sa akin. Na-grounded din ako. Bwisit na Vielle iyan."
Tinawanan ulit siya ni Ai kaya hinampas ko itong kasama ko. "Bakit? Eh uto-uto siya eh!" Tinuro niya si Analie. "Kawawa ang magiging alipores ni Vielle sa susunod. Nanglalaglag eh hahaha. Sabagay, ano ba para sa kaniya ang mga alipores niya? Edi basura."
"Ai naman eh!" Saway ko sa kaniya.
"Okay lang. Alam ko yun." Yumuko si Analie. "Siguraduhin niya lang na hindi na niya ako babanggain dahil ilalabas ko ang baho niya. Tingnan niya lang." Tiim-bagang niyang sabi. Oh, may kakampi na ako.
Umalis na kami sa campus ng 5pm para pumunta sa bahay ni tita lyra. Pero dumaan pa kami sa bahay ni Ai para kumuha ng isang bote ng whiskey at isang ladies wine. Pagdating namin kila tita, andun na si mama at nagkukwentuhan silang dalawa ni mama. Natigil lang nang makita kami papasok.
"Maurize! Aiessa!" Salubong sa amin ni tita lyra saka bineso kaming dalawa. Tumayo din si mama at niyakap kaming dalawa ni Ai.
"Hi tita Lyra! Hi tita Laura, welcome back!" Bati ni Ai sa kanilang dalawa. Binigyan ko lang silang dalawa ng matamis na ngiti. "Ladies wine for titas and whiskey for us." Sabi ni Ai saka inabot kay tita lyra ang bote ng wine.
Tinanggap ni tita ang bote. "Thank you Ai. Gutom na ba kayo? Tara kain na tayo."
Kumain kaming apat sa dining table at nagkuwentuhan. Inabot kami hanggang 8pm at napagdesiyunan nang umuwi kasi may trabaho pa si tita kapag umabot pa kami doon hanggang hatinggabi. At tsaka para makapagpahinga na din si mama.
"Anak, dito muna ako magse-stay sa tita lyra mo." Sambit ni mama. Tumango ako.
"Osige po. Andito naman ang mga gamit mo. Tawagan niyo nalang po ako sa landline dito." Sabi ko.
"Sige anak, mag-iingat ka." Nagyakapan kami.
"Alis na po kami tita." Paalam ni Ai. "Until next time po."
Pag uwi ko, nakita ko si Anakis na nakupo sa sofa. Nakaupo lang siya, hindi naman naka-on ang TV.
"Hinintay mo ba ako, anakis?" Biro ko. At tsaka 8:30 na, dapat natutulog na siya.
Nagkainuman din kami ni Ai doon sa bahay ni Tita kaya medyo tipsy na ako. Pero okay pa, nasa huwisyo pa. "Di mo ba ako tuturuan?"
Bigla kong nilingon si Anakis nang magsalita siya. Tuloy nawala ang pagiging tipsy ko. "Tuturuan? Ngayon? Dis-oras ng gabi?" Nabusy ako kanina kaya hindi ko siya naturuan. "Bukas nalang anakis, nakainom ako eh."
Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Teka, nalungkot siya? Eh masungit iyan eh! "Osige." Yumuko siya sa kinauupuan niya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hinawakan ang doorknob ng kwarto ko. Pipihit na ako nang bitawan ko ito at binalikan si Anakis.
"Sige. Tuturuan kita. Pero one hour lang ah? Bawal ka mapuyat." Sabi ko at maraming beses na tango ang sinukli niya sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top