Chapter 15
"Hmm..." Nakahawak ako sa baba ko habang tinitignan ang iba ibang kulay ng baby powders na inihilera ko sa center table sa sala. Andito ako sa sofa at sinimulang buksan ang powder at inaamoy-amoy. Hinahanap ko yung powder na kagaya ng naaamoy ko kay Anakis.
"Parang hindi naman ito..." Komento ka nung tinry ko yung powder na kulay blue. Sinunod ko ay yung kulay pink. "Hindi din."
Nakita kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Anakis saka iniluwa siya. Ngumiti ako. "Good morning Anakis!" Tumayo ako saka niyakap siya. At sininghot din siya para malaman ko ulit ang amoy niya.
"Oh-g-good morning."
Kumalas na ako sa pagyakap. "Nagprepare na ako ng breakfast. Kumain ka na." Sabi ko saka bumalik sa pagkakaupo sa sofa at binalikan ang ginagawa ko.
"Ang layo..." Sure akong hindi yung powder na kulay yellow. Tinry ko yung kulay green. "Oh?" Tinignan ko ang label ng powder na ito saka inamoy ulit. Parang hawig siya sa amoy ni Anakis?
Tinry ko yung huling powder which is kulay purple. Lumaki ang mata ko nang maamoy ko ito. Ito yun! Ito yun!
"Ito yun Anakis!" Napalingon siya nang sumigaw ako. "Ito yung ginagamit mong powder noh? Noh?" At dahil ito yung ginagamit niya, bibili ako ng maraming ganito para sa kaniya.
"Wala akong ginagamit na baby powder." Sagot niya saka sumubo ng pagkain. Ang cute niya tignan lalo na kung paano niya hawakan ang kutsara at tinidor. Para talaga siyang bata.
Bata naman talaga siya ha? Yung utak lang, hindi.
"Eh? Paano na ganito yung amoy mo..." Inamoy ko ulit yung baby powder na kulay purple.
Hindi niya ako sinagot kaya magsasalita na sana ulit ako nang magring ang phone ko na nakapatong din sa center table. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakita kong si Rilch.
"Hello, Rilch?" Sabi ko nang masagot ko ang tawag.
[Hi Maurize. Uhm... Free ka ngayon?]
"Hmm..." Nag-isip ako kung may appointment ba ako ngayon. "Wala naman Rilch. Bakit?"
[Can I ask you out? A coffee, again?]
"I want you to teach me some stuffs." Narinig kong sambit ni Anakis pero hindi naman siya nakatingin sa akin so baka hindi ako ang kinakausap niya.
"Saan ba-"
"Kinakausap kita." Sabi ni Anakis saka tinignan ako. Tuloy nagdalawang isip ako kung si Rilch ang pagbibigyan ko o si Anakis.
"Uhm ano... Rilch pasen-"
"Nevermind. Next time nalang." Sabi ulit ni Anakis saka pumasok sa loob ng kwarto niya.
[So?]
Narinig kong sabi ni Rilch sa kabilang linya.
[Is it a yes?]
Hindi ko alam kung bakit gusto magpaturo sa akin ni Anakis. Some stuffs? Ano ba yung some stuffs na iyon? Eh lahat naman alam na nun eh. "Oo sige. Hintayin mo nalang ako sa entrance ng subdivision."
[Okay. I'll be there in 30 minutes. See you.]
Wala namang kaso sa akin na makipagkita kay Rilch. Single siya, single din ako, broken hearted nga lang ako. Broken hearted pa rin ba siya? Sabi niya isang taon na din mula nung iniwan siya ng mahal niya. Kung wala na talagang pag-asa na balikan pa siya nung babaeng mahal niya mas better na mag move on na siya diba? Para hindi na siya ma-stuck sa past.
Dapat ganun din gagawin mo, Mau.
Oo, gusto ko na ding maka-move on at mag move forward dahil alam ko nang hindi na babalik sa akin si Euan, kahit umasa pa ako alam kong wala akong mapapala. Para lang iyan sa pagtatanim ng pinakuluang buto, kung aasa ka na tutubo iyan kahit alam mong hindi iyan tutubo dahil pinakuluan na, hindi talaga iyan tutubo.
Paglabas ko ng subdivision, nakita ko agad siya na nakatayo sa gilid ng kotse niya. Sinalubong ko siya nang may ngiti sa labi.
"Napapadalas na ata pagkikita natin, Rilch?" Tanong ko at tumawa. Tumawa din siya.
"Why? Don't you enjoy my company? Ang sarap mo kasing kasama kaya siguro nagkaganito ako."
Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse kaya nag-thank you ako saka umupo sa passenger seat. Nang makaupo na siya sa driver seat saka ko sinagot tanong niya. "Nag-enjoy din naman ako. Sana ganito nalang palagi." Amin ko. Para naman mabaling ko sa ibang bagay ang isip ko at hindi nalang palagi kay Euan. Kung pwede lang na ipukpok ko sa semento itong ulo ko kapag maisip ko si Euan, gagawin ko. Pero ayokong mabitak ulo ko noh.
Tumigil kami sa isang cafe. Buti nalang at hindi Khav's.
"My treat. Ano gusto mo?" Tanong niya sa akin.
"Kahit ano. Ikaw bahala, ikaw naman manglilibre eh." Sagot ko.
"Okay. Two hot choco pleas-"
"Ah-ano Rilch." Nilingon niya ako. "Pwedeng wag hot choco? Ano kasi..."
"Bakit? Ah-naaalala mo ang ex mo?" Pabulong niyang tanong sa akin. Dahan-dahan akong tumango. Ewan ko parang kinakain parin ako ng nakaraan kada naaalala ko ang hot choco. Alam kong darating ang araw na hindi na ako maapektuhan, pero sa tingin ko hindi pa ako umaabot dun.
"Ah sige, 'wag nalang yun, Miss. Two Cafe au lait." Tumango yung cashier at binigay kay Rilch ang resibo. Naghanap kami ng table at hinantay ang order namin.
"Pasensiya ka na." Sambit niya. Agad akong umiling.
"Ano ka ba, okay lang." Sabi ko. "Masyado lang talaga akong naapektuhan kada may nakikita akong bagay na makakapag-paalala sa akin sa ex ko."
"Still, I'm sorry. Di ba sabi ko, sabihin mo lang sa akin kapag naiisip mo ang ex mo at gagawa ako ng paraan para hindi mo siya maisip pa. Ayokong nahihirapan ka sa nakaraan mo."
"Bakit? Nakawala ka na ba sa nakaraan mo?" Tanong ko sa kaniya. "Isang taon na nung iniwan ka na nung babaeng mahal mo diba? Naka-move on ka na ba?"
Hindi siya nakaimik. Kaya naisip ko na wrong move yung pagtanong ko sa kaniya.
"Sorry." Ako naman yung nagsorry. "I shouldn't have asked about personal questions, right? Baka mag-iba na yung pakikitungo mo sa akin."
"No, it's not like that. Nagtanong din naman ako sa'yo about personal questions so quits tayo." Napabuntong hininga siya. "Kaya siguro hindi tayo nakakapag-move on kasi hindi natin matanggap na iniwan tayo ng mahal natin."
"Oo nga." Sumang-ayon ako.
"Alam mo, dapat hindi na natin pag usapan ang mga ex natin." Sabay kaming natawa. "Usap nalang tayo tungkol sa mga interes natin."
Pagkatapos naming mag-coffee at mag kuwentuhan, hinatid niya ako sa bahay kasi may pasok pa ako mamayang hapon.
"Ingat ka Rilch."
"Sige, thanks. See you around." Nagpaalam na siya at umalis. Saktong pagpasok ko sa bahay ay may nag doorbell. Sinilip ko kung sino at nakita ko si Keil.
"Oh? Keil? Naparito ka?" Salubong ko sa labas ng gate.
"Gusto lang kitang iinform Mau," sambit niya.
"Ano yung iiinform mo? Halika pasok ka muna."
"Hindi na. Mabilis lang ako." Tanggi niya. "Hindi ako makakapasok mamaya at bukas kasi maghahanda na kami para sa tournament ngayong sabado. Tsaka nireserve ko na kayo ng bleachers sa unahan para makita kitang chini-cheer ako... Siyempre kasama si Ai." Sabi niya saka ngumiti. Napangiti din ako.
"Ngayon pa lang na-eexcite na ako Keil. Gusto mo gawan kita ng banner?"
"Ikaw talaga, wag ka nang mag-abala. Ikaw lang makita ko, sapat na. At si Ai."
"O sige sige."
"Alis na ko ha? Ingat ka Mau."
"Ikaw din noh mag-iingat ka. Mahirap nang baka may mangyari sa'yo bago ang tournament. Wag naman sana."
Ngumiti siya. "Salamat. Alis na ko."
"Sige Keil."
Pero bago pa siya makaalis ay lumapit pa siya sa akin upang... halikan ako... sa pisngi.
Nagulat ako pero binigyan lang niya ako ng isang ngiti. Saka kumaway at sumakay sa kotse niya. Tulala kong pinagmasdan ang papalayo niyang kotse.
Wait, what was that?
Pagdating ko sa school, may nakita akong babae na nagko-comfort ng isa pang babaeng umiiyak. Nilapitan ko sila.
"Anong nangyari sa kaniya?" Kawawa naman kasi yung itsura ng babae halatang kanina pa siya iyak nang iyak.
"Magkaklase po kami at nakita ko nalang siya na umiiyak dito kaya nilapitan ko at kinomfort. Kahapon pa po siya ganito. Yung bestfriend po kasi niya..."
"Bakit anong nangyari sa bestfriend niya?" Umupo ako sa tabi nila. Alam kong hindi maganda na makiusyoso sa problema ng iba pero may kutob ako kung bakit nagkaganito yung babae.
"Nakita po namin kahapon na nakahandusay nalang sa sahig yung bestfriend niya na duguan ang ulo. Natakbo na po sa ospital, buhay pa naman, pero comatose po."
Tumahan ang babaeng umiiyak saka may pinakita sa aking I.D. "Siya yung bestfriend ko. At sino ang gumawa sa kaniya nun, hindi ko siya patatakasin. Magbabayad siya."
Tama nga ang hinala ko. Ang babaeng nasa I.D. ay yung babaeng nakita ko kahapon na inapi ng bruhang si Vielle. "Huwag kayong mag-alala. Nasa paligid lang ang gumawa nun at nagpapatay-malisya sa ginawa niya. Mahahanap din natin siya." At maghahanap ako ng matibay na ebidensiya laban kay Vielle.
Pinatahan na namin ng tuluyan ang babae kaya inayos niya ang sarili niya. Nagpaalam na ako para makipagkita kay Ai kaya nilabas ko ang phone ko para tawagan siya.
"Stop there."
Napatigil ako sa paglalakad at nakita ang bruha sa harapan ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano na namang kelangan mo? At tsaka huwag mo nga akong iniistorbo, wala akong oras sa isang bitch na katulad mo."
"Hindi porque't bestfriend ka ni Kiel eh sa tabi mo nalang siya palagi." Mas tumaas ang kilay ko. Ba't napunta kay Keil ang usapan?
"Kaya kung pwede ba, huwag ka nang lumapit kay Kiel." Dugtong pa niya. Ngumisi ako.
"Bakit? Girlfriend ka ba niya at ganiyan ka makapagsalita? Hindi ka pa nga girlfriend pero possessive ka na?" At anong karapatan niya para ilayo sa akin si Kiel? Bestfriend ko si Kiel, eh siya? Ano ba siya? Edi hayop. "Sabagay, wala namang gustong makipag girlfriend sa isang taong may tinatagong baho. Tsk tsk ako lang yung nahihiya sa'yo."
Sinamaan niya ako ng tingin. "Wala kang alam."
"Talaga?" Lumaki ang mata ko, kunwaring nagulat. "Wala akong alam pero alam kong may ginawa ka kahapon resulta ng pagka-comatose ng babaeng yun?"
Lumaki ang mata niya. "A-anong sinasabi m-"
"Anong sinasabi mo, Miss Alcante?" Nilingon ko ang nagsalita sa gilid. Isang prof. At napagtanto kong nakatayo pala kami ni Vielle malapit sa Admin's Office. "Ano yung sinabi mong may ginawa si Miss na resulta ng pagka-comatose ng babae? Bakit? Ano bang kinalaman ni Miss sa nangyari kahapon, Miss Alcante?"
Nakita ko ang dalawang alipores ni Vielle na kasama niya kahapon, tumatakbo sila papalapit sa bruha. "Girl, what is happening here?" Narinig kong bulong ng isa.
"She don't know what she's saying, Prof." Malumanay na sabi ni Vielle. "Wala akong alam dun."
May nakita pa akong ibang professors na lumapit sa amin. "Anong nangyayari dito?"
"Opo, may kinalaman si Vielle sa nangyari kahapon." Sagot ko. "Pinaligpit niya sa dalawa niyang alipores ang babae saka may ininject na pampatulog. Tungkol sa duguan na ulo ng biktima, no wonder hinampas ito ng matigas na bagay. Swerte parin sila na na-comatose lang at hindi namatay. Kundi tatawagin ko silang mga mamamatay tao." Sabi ko sabay turo sa kanilang tatlo. Nakita ko ang pagkagulat sa kanilang mga mata.
"Totoo ba iyon, Miss Montes?"
"H-hindi po!" Nagsimula na siyang umiyak. Waw. Best actress talaga. "Wala po akong alam dun. Wala po siyang ebidensiya! Hindi totoo iyon..."
"Miss Alcante, hindi ka dapat nagbibintang kaagad na wala kang pinapakitang ebidensiya." Oo, alam kong wala akong ebidensiya at napag-isipan kong huwan nang sayangin ang oras ko para hanapin ang ebidensiya. Last naman na 'to para kay Vielle at sa susunod hindi ko na siya palalampasin.
"Tama po. Wala po siyang pruweba na ako nga ang may gawa nun."
"Alam mo ba kung sino ang pinagbibintagan mo?"
"Opo." Sagot ko kay prof. Siya lang naman ang legal na anak ng mayor. Ano bang laban ko sa babaeng 'to eh ako ang anak sa labas? "I'm aware. And I'm not scared of her because I know what I'm doing right now." Gusto ko lang naman siya balaan dahil dadating ang araw na lalabas ang mga sikreto niya. Kahit anong pilit mong takpan ang kaldero, kapag puno ang laman nito ng usok galing sa pinakuluang tubig, sisingaw at sisingaw ito palabas.
"Tama man o hindi ang bintang mo Miss Alcante kay Miss Montes tungkol sa nangyari kahapon, mas mabuti pang ipagbigay alam natin ito sa awtoridad para magkaroon sila ng karagdagan-"
"Siya po!" Nagulat kami sa sigaw ni Vielle. "Siya po ang may gawa nun." Tinuro niya ang isang alipores niya at nagulat din sa ginawa ni Vielle. Masyado naman atang halata si Vielle? "Ang totoo po, natatakot po akong sabihin sa inyo kasi pinagtangkaan niya po ako, ang totoo siya po ang gumawa nun. Nakita ko po siyang inaapi niya yung babae."
"WHAT?! What are you saying Vie-"
"Huwag ka nang magmaang-maangan pa Analie dahil ikaw ang may gawa nun!" Inosente siyang tumingin sa mga prof. "Binigyan niya pa ako ng pera pero hindi ko tinanggap. Para saan pa? May pera kami at hindi ko kelangan ang perang ibibigay niya. Ang sama niya. Ayoko sa kaibigang mamamatay tao." Sabi niya at sinamaan ng tingin ang alipores niya.
Napabuntong hininga ang isang prof. "Kailangan talaga nating ipagbigay alam ito sa mga awtoridad."
"Opo. Kailangan po." Sang-ayon ni Vielle sa prof. Tumaas ang gilid ng labi ko. Naghuhugas kamay ang bruha. Sabagay hindi naman dumapo ang kamay niya sa babaeng inapi nila kahapon. Totoo namang ang mga alipores niya ang responsable sa pagka-coma ng biktima. Pero sino ba ang nag-utos? Si Vielle. Siya ang mastermind. Matalino siya pero hindi ako namamangha sa mga dirty tactics niya.
"Ano ka ngayon?" Bulong ko sa alipores na tinuro ni Vielle kanina habang naglalakad kami palabas kasama ang mga prof papunta sa malapit na police station. "Binaliktad ka diba? Tsk tsk. Akala mo siguro kahit sinuhulan ka na niya ng pera eh safe and secured ka na." Ningisian ko siya saka umunang maglakad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top