Chapter 14

"Paano ka nagkaroon ng ganitong damit, Ai?" Eh kasi hindi naman ganito ang usual niyang outfit kaya nagtaka ako kung bakit may ganito siyang style na mga damit.

Suot ko ay isang plain purple sleeveless at white skirt. Kinulot niya pa ang dulo ng buhok ko saka tinali. Pinasuot din niya ako ng puting sneakers na may puting medyas. Pinasuot din niya ako ng arm bangles na katerno sa kulay ng sleeveless top ko. Lahat 'to ay gamit ni Ai. Dumaan pa kami sa bahay niya para ayusan niya ako. Kulang nalang magbitbit ako ng pompoms buti nalang wala siyang ganun at wala din naman siyang time para gumawa nun. Kanina ko lang pinag-aralan yung sayaw at mamaya bago lumubog ang araw sasayaw ako sa seaside. Oh diba bongga yung kalokohan namin? Basta pagkatapos kong sumayaw sa publiko ihahagis ko si Ai sa dagat makikita niya.

Alam niyo naman na joke lang yun. Hinding hindi ko yun magagawa sa best friend ko. Ano lang, kurutin ko lang siya sa singit.

"Matagal na iyan sa wardrobe ko. Never ko pa naman iyan nasuot at tsaka bagay naman siya sa'yo at sa gagawin mo diba? Kpop na kpop. Ang cute mo tignan."

"Gawin mo pa kong aso."

"Anong aso ka diyan? Cute ka, parang manika. Hehehe."

"Manika?" Sambit ko. "So mukha akong laruan? Na pag may makakita sa akin magugustuhan ako, pero lalaruin lang pala?"

"Alam mo ang hugot mo." Bumaba na siya sa kotse kaya bumaba na din ako. Inayos niya pa ng kaunti ang damit ko. "Tara na kanina pa nag-aantay sa atin si Rilch."

"Andito si Rilch?" Tanong ko habang naglalakad na kami papunta sa seaside. "Bakit siya andito?"

"Tinawagan ko siya kanina. Siya yung nag-asikaso for speakers at tsaka siya yung magvi-video sa iyo."

"Eh?" Kelangan pa talaga yun? Bakit masyado atang pinag-effortan tong apology ko kay Keil? "Pwede namang tawagin nalang natin si Keil at panoorin akong sumayaw. Di naman na atang kelangang i-video pa."

"Nagtatampo iyon sa'yo. At isa pa, busy parin siya sa soccer team niya dahil pino-polish nila ang mga kelangan para sa tournament." Sabi niya saka hinawakan ako sa braso. "Huwag ka nang umangal Mau para naman 'to kay Keil eh."

Napakamot ako sa ulo at muntik ko nang masira ang hairstyle ko. Buti naayos ko kaagad. "Sige na nga. Isang round lang naman diba?"

"Oo naman. Ano sa tingin mo sasayaw ka dun hanggang 9pm? No way. Baka matapon mo pa ako sa dagat."

"Tama. Napag-isipan ko din yun Ai." Hinampas niya ako sa braso dahil sa sinabi ko. Tumawa lang ako.

Dumaan pa si Ai sa isang shop upang bumili ng snacks namin kaya pinauna niya ako sa seaside.

Pagdating ko sa seaside, nakita namin si Rilch habang tinetesting ang dslr na nakakabit sa tripod. "Hi Rilch."

"Oh, hi Maurize. Uhm..." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "You look cute and...charming, on your outfit."

"Talaga? Hehe thank you." Para naman 'to kay Keil eh. "Sure ba talaga kayo dito sa ideya niyo ni Ai?"

"We are sure this is a great idea for you to make it up to Keil." Sagot niya. "Pero kung labag naman sa kalooban mo, pwede nama—"

"Hindi, wala naman akong sinabing ganun." Putol ko sa sinabi niya. "Uhm... Ano... First time ko kasing magsayaw sa ganitong lugar." Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid at ang daming taong dumadaan-daan. "At first time ko din magsayaw ng kpop. Hehehe." Eh kasi kapag sa club o bars, sasayaw ka naman dun na walang matinong stepping. First time ko lang sumayaw na may sinusunod na stepping. Hope this would turn out well.

"Sige, start na tayo?" Tumango ako at pumwesto na sa anggulo na makukuhanan ako ng video. Ilang sandali lang nagsimula nang tumugtog ang musika kaya sinimulan ko nang sumayaw at sinunod ang steppings na napag-aralan ko kanina.

Hindi pa man dumating sa chorus ay may nagkukumpulan nang tao at pinapanood ako. Nahagilap din ng mata ko si Ai at umupo siya sa isang bangkito na dala nila ni Rilch. Si Rilch naman nakatayo lang sa tabi ng tripod at masayang pinapanood ako.

Pagkatapos ng pagsayaw ko, nagpalakpakan ang mga tao. Nag bow ako saka kinuha ang water bottle na inabot sa akin ni Ai. "Yehey! You did it!"

"I'll sent this video to you via email. Ikaw na ang magpost sa social media then put a caption. I-tag mo si Keil."

"Sige."

Umuwi ako na ganito parin ang suot ko at dala-dala ang paper bag na naglalaman ng suot ko kanina sa school. Bumungad sa akin si Anakis na nanonood ng cartoons.

"Oh? Nag-iba na ba taste mo sa fashion?" Bati niya sa akin.

"Hayy..." Binagsak ko ang katawan ko sa sofa, katabi niya. "Good evening din, Anakis. May ginawa lang kanina kaya ganito outfit ko." Nilabas ko ang phone ko at saktong natanggap ko na ang video na sinend ni Rilch. Dinownload ko iyon saka inupload sa social media.

Maurize Alcante posted a video. —with Keil Gilroy
Just now

Hi Keil :) I want to apologize to you of what happened yesterday. And let me show you this video to maybe make you happy because I heard you like to listen this song lately. I'm sorry Keil. Can we talk already? I missed you.

—Mau


"UY nakita niyo yung video na nag-viral?"

"Grabe, ngayon ko lang siya nakitang sumayaw."

"Ang lambot ng katawan niya noh?"

"Oo. Ang galing niyang sumayaw. Idol ko na siya."

Dinig naming sabi ng ilang mga estudyante habang naglalakad ako sa hallway kasabay si Ai.

"Ang daming nakanood ng video mo Mau. Nag viral pa nga eh. Na-discover na yung talent mo yieee..."

Hindi ko naman nacheck ang account ko kanina kaya hindi ko alam na nag-viral na pala. Kung alam ko lang na va-viral pala yung video eh di sana sinend ko nalang yun kay Keil via private message.

"Mau, restroom muna ako ha? Naiihi ako eh."

"Sige. Hihintayin kita dito." Dali-dali siyang tumakbo papunta sa restroom na ilang metro pa ang layo mula rito.

"How talented of you, Alcante." Nilingon ko kung sino ang nagsalita. Si Vielle. "At tingin mo ba madadaan mo lang sa sayaw yung paghingi kay Keil ng sorry? How can you be sure na papatawarin ka niya agad?" Mahina lang ang pagkakasabi niya at kalmado ang ekspresyon ng mukha niya para hindi mahalata ng iba na inaaway na niya ako. Ako? Aawayin niya? Hindi niya ako kaya. "And a girl who use to go to bars dancing kpop in public? So new to you..."

"If you keep on saying nonsense things to me you better shut up and walk your heels away." Sabi ko sa kaniya at nanatiling kalmado. Hindi pa naman ako napupuno nitong babaeng 'to at kapag napuno ako, hindi ako magdadalawang isip na sipain ang mukha niya.

"Keil may be happy of what you've posted but I know time will come he'll regret that he met you." Sabi niya saka saglit na tinaasan ako ng kilay. Sumasama na din ang tingin niya sa akin.

Hindi ako umimik at nilabanan iang ang titig niya. Magsasalita pa ulit siya nang may sumingit na isang babaeng estudyante. "Hi po." Nakatingin siya kay Vielle kaya nag-iba ang ekspresyon ni Vielle at naging mabait na siya tignan.

Nakangiti siyang nakatingin sa estudyante. "Yes?"

"Pwede po papicture?"

Agad ay tumango si Vielle. "Sure. You know hindi lahat pinagbibigyan ko na magpapicture sa akin. Pero dahil cute ka, pagbibigyan kita." Sabi niya habang kinuha ang phone na iniabot ng estudyante. In-open niya ang front camera at ready na siya magpapicture. "Halika na, let's have a selfie already."

"Uh... Ang ibig ko pong sabihin... Pwede po papicture sa aming dalawa ni ate Maurize?"

Hindi nakapagsalita si Vielle. Haha! Burn! Ano ka ngayon sister?

Natulala siya ng ilang segundo bago nakabalik sa huwisyo. "Ah—Ganun ba? S-sige." Nirotate niya ang camera saka tinutok sa amin. "One two three..."

Narinig namin ang shutter sound. "Isa pa po." Sabi ng estudyanteng nagpapicture sa akin. Ngumisi ako sa camera dahilan para makita ko ang naaasar na mukha ni Vielle.

Narinig muli namin ang shutter sound. Hinarap ako ng estudyante. "Ate Maurize, napanood ko po yung video niyo. Ang galing niyo pong sumayaw. Sana sa susunod mag dance cover ulit kayo ng iba pang mga kanta. I'm here to support you po..."

Nginitian ko ang estudyante at niyakap. "Thank you. Sige try ko."

"Yehey! Thank you po!" Sabi niya sa akin tapos nilapitan niya si Vielle at kinuha ang phone. "Thank you din po sa pagpicture sa amin."

"How about me? Hindi ka ba magpapapicture sa akin?"

"Uh..." Sumulyap muna ang estudyante sa phone niya saka may ini-scroll. "Naku, sorry po. Memory full na po. Next time nalang." Sabi niya saka nagmadaling umalis.

Hindi ko napigilan ang tumawa. "Alam mo, sponsoran mo nalang yun ng memory card para naman hindi ka napahiya sa kaniya noh? Hahaha..."

"I loathe you. Get lost, Alcante."

"Get lost as well, Montes. And make sure kapag naligaw ka, wag mong kalimutang baliktarin yung suot mo ha? Lalo na iyang suot mo ngayong ang daming galamay. Byeee" umalis na ako at pinuntahan si Ai sa restroom. Ano nang nangyari dun at natagalan?

"Sorry Mau, kakarating lang kasi ng red tide ko. Nagsuot pa ako ng pad." Paliwanag niya. Ngumiti lang ako at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Mau, si Keil oh." Sambit niya nang makita namin si Keil na nag-aabang sa harap ng classroom sa papasukan namin para sa first subject. "Lapitan mo na. Gooo~"chineer niya pa ako. Nilapitan ko si Keil at nang makita niya ako, hindi naman siya umimik.

Tahimik kaming nagkatitigan. "Ano... Keil... Sorry na." Sambit ko habang nakanguso.  "Sorry din ha dinaan ko nalang sa pagsasayaw yung pagsorry ko sa'yo dahil sa kasalanan ko nung nakaraang araw."

"Okay lang." Ngumiti siya kaya napangiti din ako. "Apology accepted."

"Hindi ka na galit sa akin?"

"Hindi naman ako galit sa'yo." Sagot niya. "Nagtatampo lang."

"Ay hehe... Oo nga."

"Ang galing mo talagang sumayaw. Halika." Hinila niya ako at napatakbo kami.

"Teka, saan tayo pupunta?"

"Ipagyayabang kita." Sagot niya saka kumindat. Natawa ako sa inasta niya.

"Kanino?"

"Sa buong mundo...

Na gusto kita..."

Eh?

"Ano? Gusto mo ako?" Tanong ko habang hila hila niya parin ako. Papunta kami sa quarter room ng mga soccer players. Bago pa man kami makapasok, nagsalita siya.

"Uhm..." tumagal pa ng ilang segundo bago siya nagsalita ulit.

"Oo... Gusto kita...

..Na makasama sa isang dance cover video. May inaaral kasi akong dance steps ngayon. Kung pwede lang makasama kita dun? Papayag ka ba?"

Ahhh, yun naman pala.

"Okay lang." Sagot ko. "Kapag hindi na tayo busy sa school pwede tayong mag practice."

"Great!" Ngumiti siya. Pumasok na kami sa quarters at andun ang mga kateam niya sa soccer.

"Guys, tignan niyo 'to." May pinakita siyang video sa mga kasamahan niya at iyon yung kpop dance video ko. Nakikita ko ang tuwa sa kaniyang mukha. "Ang galing sumayaw ni Maurize, diba?"

"Oo nga, Keil." Natutuwa sila habang nanonood sa video.

"Alam mo, sumayaw kayong dalawa na magkasama, tiyak maganda ang chemistry niyo pagdating sa sayaw." Sabi ng isang kasamahan niya na ang pagkakatanda ko, siya si Leeroy. "Ako bahala sa dance studio niyo, meron kami nun sa bahay."

"Sige pare, thank you."

Pagkatapos nun, nagprisinta na ihatid ako ni Keil papunta sa classroom ko pero sabi ko hanggang sa food court nalang kasi may bibilhin akong pagkain.

"Sige, text text lang Mau ha? Ingat ka." Nakangiting sabi niya at umalis na.

Bago pa ako nakapasok sa, nakita ko sa peripheral vision ko ang isang babae na naglalakad papunta sa likod nitong building ng food court. Na curious ako kaya tahimik ko siyang sinundan.

Ano na naman ang gagawing kalokohan ng babaeng ito...

Naghanap ako ng puwesto na hindi ako madaling makita. Doon nasilip ko ang babae na may dalawang kasamang alipores, nakatalikod silang tatlo sa gawi ko. At parang may inaapi silang isa pang babae.

"Did you just had a sex with my boyfriend last night?"

Nakatalikod man sa akin si ang sinundan kong babae, pero naiimagine ko yung mukha niya na ngumingisi. At nakakairita yun. "Why'd you ask? Eh di sana sinabi ko nalang sa'yo kagabi para threesome tayo."

"How dare you—"

Susugurin na sana ng inaaping babae ang bruha pero naharangan na siya sa mga alipores ng bruha. "Oops! Don't you dare touch me even the tip of ny hair."

Narinig ko ang pagtawa ng babae. "Tip of your split ends kamo."

"How dare yo—"

"Ikaw! How dare you, you bitch!" Kahit pa magsisigaw ka dito walang makakarinig kaya ganiyan nalang kung makasigaw yung babae. "Nandidiri ako sa'yo. If only I can tell people how filthy you are."

"Go on, try me." Nanghahamong sabi niya. "You can't drag me down. Masyado ka lang maepal. Kahit ang totoo naman ako ang gusto ng boyfriend mo. I wonder why? Hindi ka siguro masarap?"

"Hayop ka! Hayop ka! Mamatay ka na! Hayop ka!"

Tumawa ng malakas ang bruha at ang sakit sa tenga nun.  "Iligpit niyo iyan. Nakakasuka tignan ang mukha ng babaeng iyan." Sabi niya sa dalawa niyang alipores saka may ininject na kung ano sa babae. Tingin ko pampatulog dahil ilang segundo lang nawalan na ng malay ang babae.

Such a bitch you are, Vielle Montes.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top