Chapter 13

Minsan lang humingi ng favor sa akin si Keil. O kahit kay Ai. Kasi kaming dalawa ni Ai yung madalas humigingi ng pabor sa kaniya. Sa pagbisita sa bahay, sa pagdadala ng pagkain, sa paghingi ng tulong, sa pakikipagkita, except kapag sa soccer niya at pag-aaral hindi namin siya pwedeng istorbohin nun.

Minsan na nga lang humingi ng pabor sa akin si Keil, hindi ko pa nagawa.

"Oh, anakis, may dala ako para sa'yo." Matamlay na salubong ko kay Anakis na nanonood ng TV, inilapag ko ang isang malaking plastic bag na puno ng strawberry flavored foods. Nakita ko ang pagkinang sa kaniyang mga mata.

"Para sa akin ba talaga 'to?" Tanong niya na may ngiti sa labi.

"Oo naman. Di ba iyan yung request mo..." Gustuhin ko mang ngitian pabalik si anakis pero parang hindi ko magawa. Nalulungkot ako. Tinulungan ko siyang buksan yung plastic bag at hinayaan siyang pumili kung ano ang una niyang kakainin. Naglabas siya ng dalawang strawberry yogurt at binigay niya sa akin yung isa. Tahimik kaming kumakain habang magkatabing nakaupo sa harap ng TV.

"Anakis... Ano yung mafi-feel mo kapag nagrequest ka sa isang tao na gawin ang isang bagay pero hindi niya yun nagawa?"

"Hmm..." Nilunok niya muna ang laman sa bibig niya bago magsalita. "Siyempre madi-disappoint. Parang sa pagmamahal lang din iyan sa isang tao. Umaasa ka na mamahalin ka niya pero hindi naman niya ginawa. Kasi hindi ka niya mahal. Or should I say, mahal ka nga, pero hanggang kaibigan lang."

"Ouch." Hindi man ako nakaranas na hindi mahalin ng mahal ko pero ako yung nasaktan kung sino man ang nakaranas ng ganun.

"Bakit mo pala natanong?" Tanong niya at tinignan ako.

"Ah... Yung bestfriend ko kasi..." Sabi ko. "Nagrequest siya sa akin ng isang bagay pero hindi ko ginawa."

"Kaya ka ba malungkot ngayon?"

Tinignan ko siya at nagtitigan kami ng ilang segundo. Masyado atang halata na nalulungkot ako. Humaba yung nguso ko. "Nadisappoint ko kasi si Keil. Umasa siya sa akin na makikipagkita ako sa kaniya pero hindi ko siya sinipot."

"Nakakalungkot nga iyan." Sambit niya. "Dahil hindi mo nagawa yung request niya."

"Kahit may valid excuse ako?"

"Ano naman ang valid excuse mo?"

"Na... Nakalimutan ko." Una, nakalimutan ko yung request ni Anakis. Pangalawa, nakalimutan ko yung kay Rilch na hindi ko naman maalala ang napag-usapan namin. Pangatlo, yung request ni Keil. Yung sa last practice, tumanggi ako. Yung makikipagkita after practice. Um-oo nga ako, nakalimutan ko naman.

Um-oo ka nga, ulyanin naman.

"Nagiging ulyanin na ba ako, Anakis?" Tanong ko. Sana sa susunod wala na akong makalimutan. Hindi kaya maganda na bata pa ako ulyanin na.

"Parang malapit na." Nakangising sagot niya. Aba nang-aasar ata 'tong batang 'to.

Bumintong hininga ako. Bibili nalang ako ng gamot pang memorya. Mahirap na baka magka alzheimer's ako o di kaya'y selective amnesia. Joke, wag naman sanang mangyari yun.

Kinabukasan, nagbihis kaming dalawa ni Anakis dahil isasama ko siya sa pagbisita kay mama. Napagdesisyunan ko ding mag commute nalang kami dahil kasama ang plate number ko sa bawal i-drive sa high way. Mamaya pa namang hapon ang schedule ng class ko kaya may time pa kaming makabisita kay mama.

Kasama ang iba pang mga tao, andito kami sa dulo ng pedestrian lane para maghintay na mag stop light at makatawid na kami. Hawak hawak ko si anakis sa kanang kamay ko. Hindi pa man kami nakakatawid ay may dumaan na sasakyan na may karatula ng tumatakbong kagawad sa isang barangay.

"Mga kapatid, andito ako upang palambutin ang inyong puso at iboto ako sa nalalapit na halalan ngayong lunes. Nararapat na ako ang inyong iboto dahil may malasakit ako sa kapwa, sa inyong lahat. Makakaasa kayong lalago ang ating barangay at ang ekonomiya ng ating bansa. Marami na akong natulungang mga tao at sapat na iyon upang ako ang karapat-dapat na iboto sa halalan. Mga kapatid iboto ako at nasisiguro akong hindi kayo magsisisi na ako ang inyong binoto. Inuulit ko, iboto niyo ako sa halalan dahil ako ang nararapat..."

"Ang pangangampanya, parang pag-ibig." Sambit ni Anakis dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "Kahit ilang ulit mo nang sinabing mahal mo siya, kung hindi ka naman niya mahal, hindi talaga."

Kung makapagsalita ng ganiyan si Anakis parang may experience na siya ah. "Kahit ilang ulit mo nang sinabing karapat dapat ka sa kaniya, kung ayaw niya sa'yo, hindi ka niya tatanggapin." Dugtong pa niya.

"Iyang mga kandidato? Tsk tsk..." Umiiling iling siya. "Sa una, ma-effor kung mangampaniya. House to house pa. Pero sa huli, hindi na sisipot at nawala na parang bula. Parang sa pag-ibig parin. Sa una, sasabihing mahal ka at sa huli, sasabihing sino ka? O diba? Parang di ka kilala..." Tinignan niya ako. "Madalas ganiyan ang mga lalaki, diba?"

"Ikaw ata yung bitter sa atin, Anakis." Sambit ko.Ang hugot naman kasi niya muntik ko nang hindi masikmura. "Ikaw pa yung parang babae sa ating dalawa."

"Sinasabi ko lang ito para sa iyo. Dahil ayokong mapili mo ang maling tao at magsisi ka sa huli."

"Hindi naman siguro ganun ang mga lalaki. Hindi lahat." Sabi ko. "Diba sabi mo huwag kong lahatin?"

"Hindi naman sa nilalahat ko, sinasabi ko lang iyon para ma-aware ka na mayroon talagang lalaking ganun. Hindi man lahat pero mayroon."

Nag stop light na at nakahinto na ang mga sasakyan kaya tumawid na kami.

Sta. Maria Mental Flat

"Mabait ba ang mama mo?" biglang tanong ni Anakis bago kami makapasok sa kwarto ni mama.

"Oo naman." Sagot ko saka pinihit ang door knob. "Tiyak magugustuhan ka niya, Anakis."

Nakita namin si mama na nakatalikod sa amin at minmasdan ang tanawin sa labas ng bintana. Madalas ko siyang naaabutan ng ganiyan. Inilapag ko ang mga dala naming gamit at nakita kong hindi pa nauubos ni mama ang mga prutas na pinadala ko noong nakaraan. Pinaupo ko si Anakis sa kama.

"Hi ma. Kamusta ka?"

"Maayos lang naman ako anak." Nilingon niya ako saka si Anakis. Tinitigan niya pa ng ilang segundo si Anakis bago magsalita. "Siya na ba yun?"

"Opo. Si... Anakis." Err. Wala namang magagawa si mama kung Anakis ang tawag ko kay Anakis. Kahit ang weird.

"Tumayo siya at tumabi kay Anakis. Hinawakan niya ang maliit na kanang kamay ni Anakis at masayang pinagmamasdan ang mukha niya. "Ang gwapong bata mo... Apo ko." Napangiti ako.

Nakatingin lang din sa kaniya si Anakis at hindi umimik. Nilingon ako ni mama. "Sino tatay niya?"

Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing

Nagising ako sa malakas na tunog ng bell at bigla akong napatayo nang mapagtanto kong nasa classroom na ako.

"Uy, Mau. Excited?" Tumawa si Ai na nasa tabi ko. "Kakabell pa nga lang tumayo ka na. Oo na. Pinag-iisipan ko parin kung ano yung gagawin natin para makabawi kay Keil." Nagsilabasan na ang mga kablockmates namin para sa next subject nila. "Huy."

"Huh?" Tulala kong tinignan si Ai. "Ano bang nangyari?"

"Anong ano bang nangyari?" Takang tanong sa akin ni Ai. "Tinulugan mo lang naman yung first subject natin ngayong hapon. May lakad ka ba kanina kaya napagod ka?"

Hindi ako nakasagot. Paano ako nakapunta sa school na ang naalala ko eh bumibisita pa kami ni Anakis kay mama? Ba't wala akong maalala? Ang sakit ng ulo ko.

"Hay nako, tara nalang sa field pag-isipan natin kung paano makabawi kay Keil. Tara tara." Hinila niya ako at lumabas kami ng classroom. 3pm na, at wala na kaming susunod na subject na papasukan ngayon.

Nang makadaan kami sa clinic ay pinatigil ko sa paglalakad si Ai. "Ai, pwede mo ba kong kuhanan ng gamot sa sakit ng ulo sa clinic? Ang sakit kasi talaga ng ulo ko."

"Okay ka lang?" Nag-aalala niuang tanong. "Sige. Kukuha ako. Diyan ka lang." Tumango ako at pinanood siyang makapasok sa clinic. Bigla ay nahagip ng mata ko ang imahe ni Keil kaya tumingin ako sa kaniya, ilang metro ang layo niya at nakatingin di siya sa akin.

"Keil—" tumalikod siya at naglakad papalayo. Humaba ang nguso ko. Masyado ko ba siyang nadisappoin na hindi ko nagawa yung request niya at ganiyan siya katampo sa akin? Napabuntong hininga nalang ako habang minamasdan ang likod ni Keil. Hanggang nawala siya sa paningin ko.

"Oh eto na, Mau. Inumin mo na." Sambit ni Ai pagbalik niya kaya nilabas ko ang tumbler ko at ininom ang gamot. Ni hindi ko nga maalala na nakabihis na ako pampasok at dala-dala ko ang bag ko. Hays ang sakit talaga sa ulo.

"Dapat gagawa tayo ng bagay na makakawala ng tampo niya sa iyo." Panimula niya habang nasa bleachers kami ng field. Hindi naman kami natatamaan ng araw at mahangin naman kaya hindi kami naiinitan. "Alam ko namang ilang araw mawawala naman iyang tampo niya pero mas mabuti kung mag effor tayo diba? Para mapasaya naman siya."

Maganda nga ang ideya ni Ai. Pero ano naman kaya ang gagawin namin para mawala ang tampo niya? Bigyan siya ng letter of apology? Flowers? Chocolates? Teddy bear?

Anak ng. Mukha akong nanliligaw.

"Ah alam ko na!" Nagulat ako at muntik na mahulog sa kinauupuan ko nang biglang sumigaw si Ai, sabay taas ng kamay niya na may hawak na ballpen. "Sasayaw ka!"

"Anak ng! Sa harap niya? At ano? Mag sstrip dance?" Iyan naman diba pag sasayaw ka sa harap ng isang tao? Mga kalokohan talaga ni Ai!

"Hindi no! Baliw!"

"Aw!" Pinitik niya ang noo ko. Ang sakit nun ah!

"May narinig kasi akong kinakanta niya. Alam mo yung sikat na kpop song ngayon? Yung Boom Boom?"

"Huh?" Eh hindi ko naman hilig ang kpop eh pano ko malalaman yun? "Anong kanta iyang Boom Boom? Boom Boom Pow?"

"Yung Boom Boom by Momoland. Sikat kaya yun! Eh one time nakita kong enjoy na enjoy siyang pakinggan yung boom boom so yung gagawin natin sumayaw ka. Gawa ka ng dance cover nung boom boom. At tsaka tsaka tsaka." Hinawakan niya ang kamay ko at para siyang kinikiliti. "Mas maganda kapag sa public ka sasayaw. Tapos i-video natin. Tapos i-post sa social media. Tapos i-tag si Keil. Tapos makikita niya. Tapos maaaliw siya. Eh di hindi na siya magtatampo sa'yo!" Masaya niyang ginalaw-galaw ang mga kamay ko na hawak-hawak parin niya. "Magaling ka naman sumayaw eh!"

"Eh? Eh hindi ko nga alam yung kanta at yung steppings!"

"Madali lang yang aralin Mau. Lika manood tayo ng video ng boom boom," nilabas niya ang phone niya. Wag mong sabihing— "Papraktisin mo na 'to kasi mamaya sasayawin mo 'to sa seaside! Sa maraming tao!"

Anak ng.

Hindi naman sa nahihiya akong sumayaw sa public. Sumasayaw ako, pero sa clubs at bars lang.

Pero dahil para kay Keil ito, gagawin ko.

"Osige. Papayag ako sa gusto mo. Pero... Sa isang kondisyon..."

"Ha? May kondisyon pa? Eh gagawin nga natin 'to para kay Keil?"

"Eh gusto ko may kondisyon eh." Sabi ko. "Basta ba may scotch whiskeyssssss. With madaming 's' iyan ha." Para naman di na ako mag abala na pumunta sa mga bars para lang uminom ng scotch whiskey. Kahit ang taong kagaya ko na palaging pumupunta sa mga lugar na iyon nagsasawa din sa dami ng nakapaligid na tao.

"Oo na. Sige na aralin na natin ang stepping. Fast learner ka naman eh."

"UY nakita niyo yung video na nag-viral?"

"Grabe, ngayon ko lang siya nakitang sumayaw."

"Ang lambot ng katawan niya noh?"

"Oo. Ang galing niyang sumayaw. Idol ko na siya."

Dinig naming sabi ng ilang mga estudyante habang naglalakad ako sa hallway kasabay si Ai.

"Mau, si Keil oh." Sambit ni Ai nang makita namin si Keil na nag-aabang sa harap ng classroom sa papasukan namin para sa first subject. "Lapitan mo na. Gooo~"chineer niya pa ako. Nilapitan ko si Keil at nang makita niya ako, hindi naman siya umimik.

Tahimik kaming nagkatitigan. "Ano... Keil... Sorry na." Sambit ko habang nakanguso.  "Sorry din ha dinaan ko nalang sa pagsasayaw yung pagsorry ko sa'yo dahil sa kasalanan ko nung nakaraang araw."

"Okay lang." Ngumiti siya kaya napangiti din ako. "Apology accepted."

"Hindi ka na galit sa akin?"

"Hindi naman ako galit sa'yo." Sagot niya. "Nagtatampo lang."

"Ay hehe... Oo nga."

"Ang galing mo talagang sumayaw. Halika." Hinila niya ako at napatakbo kami.

"Teka, saan tayo pupunta?"

"Ipagyayabang kita." Sagot niya saka kumindat. Natawa ako sa inasta niya.

"Kanino?"

"Sa buong mundo...

Na gusto kita..."

Eh?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top