Chapter 12

"Ah Maurize, last practice namin ngayon. Manood kayo ni Ai ha?" Sabi ni Keil nang makatapos kami sa pagkain pero nanatili parin sa table.

"Oo nama—"

"Maurize, di ba may napag-usapan tayo kahapon?" Sambit naman ni Rilch at nakita ko ang lungkot sa kaniyang mata. Hala? Ano ba ang mga sinabi ko kay Rilch kahapon?

"Uhm..." Tinignan ko si Keil. Alam kasi ni Keil na gusto ko na pinapanood siya mag practice. Pero naawa naman ako kay Rilch kasi may napag usapan pala kami kahapon tapos hindi ko itutuloy.

Sige na nga. Kahit hindi ko alam ano yung napag usapan namin pagbibigyan ko si Rilch.

"Naku Keil, sorry. Si Ai nalang ang sumama sa'yo, nakakahiya naman kasi kay Rilch eh may napag usapan pala kami..." Paliwanag ko.

"Ah, okay lang." Tinitigan ni Keil ang mesa. "Last practice na sana eh. Okay lang. Pero pwede ka bang bumalik dito mamaya 6? After ng practice namin. May gusto akong sabihin sa'yo." Tumayo na siya. "Mauna na ko. Kita nalang tayo mamaya, Ai, Mau. Ingat."

Tumango ako. "O sige. Ingat ka din."

Tumayo na din si Ai. "Naiintindihan ni Keil yun." Sabi niya. "Sige na Mau, sumama ka kay Rilch eh ayoko din namang tanggihan mo siya lalo na't nag-usap kayo kahapon. Kita nalang tayo bukas ha?" Nagbeso siya sa akin at umalis na. Tinignan ko si Rilch.

"Hehe pasensiya ka na sa mga kaibigan ko. Lalo na sa inasta ni Keil kanina."

"No," umiling siya. "There's nothing wrong about it. Ako lang yung basta basta pumunta dito tapos nakalimutan mo pala yung napag-usapan natin." Naging malungkot parin yung mukha niya. "Pero siguro ngayon kung saan tayo pupunta, hindi mo iyon nakalimutan?"

Feeling ko mababaliw na ako. Or nagiging ulyanin na talaga ako?

"Hehe... O-oo naman." Pagsisinungaling ko. "Tara na?"

Ngumiti siya. "Sure."

Gamit namin ang kotse niya, pumunta kami sa kung saan. At hindi ko alam iyon. Tahimik lang ako para wala akong masabing iba.

Tumigil kami sa MOA at pinark niya ang kotse.

"I have told you, consider this as a friendly date." Sabi niya.
"Tignan natin kung anong magandang panoorin natin." Ngumiti saka tinanggal niya ang seatbelt niya. Tinanggal ko din ang seatbelt ko. Bumaba na kami at pumasok sa mall.

Umakyat kami papunta sa Cinema at tinignan ang mga movie posters na showing ngayon.

"Ano gusto mong panoorin natin, Maurize?"

"Ano gusto mong panoorin natin, babe?"

"Hmm..." Nahirapan pa ako sa pagpili kung ano yung panonoorin namin ni Euan kasi hindi ko din nakita yung mga trailers ng mga movie na 'to at hindi ko alam kung ano ang mga plot nila. Tsaka first time ko ngayong makapunta sa loob ng sinehan. Never pa kasi akong nakapunta sa sinehan dahil ayokong ako lang mag-isa ang manonood, ayaw din ako samahan ni Ai kasi sabi niya puro mga naglalandian ang nanonood ng sine, si Keil naman napaka dedicated sa varsity team at kung hindi naman busy siya sa studies.

"Babe, ikaw nalang pumili."

Nung nakapili na siya ng pelikulang papanoorin namin, hindi ako makapag concentrate sa panood dahil masyadong malamig sa loob ng sinehan.

"Nilalamig ka, Babe? Halika," Hinubad niya ang coat na suot niya at pinatong sa katawan ko saka inakbayan niya ako. Kahit papaano hindi na ako masyadong nilalamig. "Nilalamig ka parin ba?" Tanong niya.

"Hindi na gaano."

"Gusto mo mawala pa ng kaunti iyang lamig?" Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong, "Pakasal na tayo babe, gusto ko na magkaroon ng Maurize mini version."

Naramdaman ko ang init sa mukha ko kaya hinampas ko siya ng mahina. "Ang pilyo mo na ha!" Pasigaw na bulong ko. "Saan mo iyan natutunan ha?"

"Joke lang. Masyado pa kayang maaga. Dadating din tayo diyan." Sagot niya at sinandal niya ang ulo niya sa ulo ko. "At least uminit yung mukha mo. Hindi ka na nilalamig. Hehehe." Hinampas ko ulit siya at napangisi nalang sa ginawa niya. "Hindi pa naman natin yun gagawin basta hindi pa tayo kasal babe. Pero kung gusto mo—"

"Ano? Ano ha? Anong kung gusto ko?"

"Kung gusto mo... Alis na tayo dito sa sinehan kasi sobrang lamig na ng kamay mo hehehe."

Isang beses lang kaming nakapagsine at sa bahay nalang kami nag mo-movie marathon. Bibili siya ng mga movie tapes tapos dun mas nagkakaroon kami ng relaxing na quality time.

Namimiss ko na siya.

"Maurize?"

"H-ha?" Nilingon ko si Rilch. Ilang sandali ata akong nakatulala.

"Okay ka lang?"

"Oo, okay lang." Sagot ko. "Pwede bang hindi nalang tayo mag-sine? Parang wala namang magandang panoorin eh."

"Oo nga naman. Sa susunod nalang tayo mag-sine. Saan mo gusto ngayon?"

"Hm..." Nilibot ko ang mata ko at tinignan ang paligid ng mall. "Dun nalang." Sabi ko sabay turo nung isang sikat na pastry shop. Tumagal pa ng ilang segundo bago siya tumango at pumasok kami doon.

"Ano kayang masarap dito?" Sabi ko habang tinitignan ang mga cakes na naka display. Tinuro ko ang chocolate mousse at tinignan si Rilch. "Eto kaya? Mukhang masarap. Dalawa nito?" Tanong ko sa kaniya.

"Uh... Pwede bang iba nalang?"

"Good afternoon, Ma'am, Sir," sambit ng babaeng cashier. "Eto po ang best seller namin ngayon, ang special chocolate mousse cake." Sabi niya at tinuro din ang chocolate mousse na tinuro ka kanina.

"Ano Rilch?" Tanong ko sa kaniya. "Mukha naman kasing masarap. Eto yung kukunin ko. Kung gusto ko yung sa'yo iba nala—"

"Hindi. Iyan nalang din." Putol niya sa sinabi ko. "At dalawang hot choco."

"Uh— macchiato yung akin." sabi ko.

"Ah sige. Dalawang macchiato nalang din."

Umupo na kami sa bakanteng table. Ilang sandali lang naiserve na ang inorder namin.

"Two chocolate mousse cake and two hot choco."

"Thank you." Sabi ko sa server.

"Nga pala Rilch, hindi mo kaman kailangang mag-abala na magkaroon tayo ng uhm... Friendly date." Sabi ko kay Rilch.

"Okay lang naman, Maurize." Ngumiti siya. "Ang totoo niyan eh, gisto kitang makilala pang husto."

"Wala namang espesyal sa akin Rilch. Sa tingin ko pareho lang naman ako sa mga ibang babae diyan. Napaka common."

"Hindi." Umiling siya. "May something na kakaiba sa iyo at nagustuhan ko iyon. Alam kong masyado pang maaga at kakakilala pa lang natin pero I think I like you already." Sabi niya. "I mean, gusto kita bilang kaibigan. Gusto ko maging close tayo."

Nung mag 5:30 pm na, inaya niya ako sa seaside para manood ng sunset.

"Gusto mo, sumakay tayo sa ferris wheel?" Tanong niya sa akin.

"Babe, tara sakay tayo sa ferris wheel para makita mo ng mas maganda ang sunset." Sabi ni Euan saka hinila ako papunta sa ferris wheel. Pagsakay namin, manghang-mangha ako sa kulay kahel na araw at ulap. Ang sunset ang pinakamaganda at pinakagusto kong panoorin.

"Wow." Iyan lang ang nasabi ko. Nasspeechless ako sa ganda ng sunset. Kung pwede lang hindi na gumalaw ang araw sa puwesto niya ngayon at sunset nalang palagi sa buong araw.

"Uy babe, tignan mo parang ang bilis gumalaw ng araw. Malapit na siyang magtago." Sabi ko kay Euan na hindi ko inaalis ang paningin ko sa papalubog na araw. Hindi siya nagsalita kaya nilingon ko siya at nakita kong nakatitig siya sa akin.

"Para sa akin," Sambit niya. "Ikaw ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko. At ikaw ang pinakamagandang babae at mahal na mahal ko. Higit pa sa sunset na nakikita natin ngayon." At dahil dun napangiti ako.

"Kahit gusto kong panoorin ang nakakamanghang sunset," hinawakan ko siya sa pisngi. "Walang makakalamang sa'yo at ikaw ang din pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko. Higit pa sa sunset na nakikita natin ngayon." Napangiti din siya ng mas malawak at hinalikan ako sa labi.

"Sa mukha mo pa lang, parang ayaw mong sumakay sa ferris wheel." Narinig kong sabi ni Rilch sa tabi ko. "Dun nalang tayo sa may bench."

Naglakad kami at umupo sa bench at minamasdan ang paglubog ng araw.

"Ano kasi..." Nagsalita ako. "Naalala ko lang yung ex ko nang makita ko iyang ferris wheel."

"Ah... Ganun ba?" Sabi niya. "Sabihin mo lang kapag naaalala mo siya. Gagawa ako ng paraan na maalis ang pag-iisip mo sa kaniya kahit sandali lang."

Ngumiti ako. "Hindi mo na kailangang gawin yun. Okay lang ako." Simula sa cafe, sa hot choco, sa sinehan at sa ferris wheel, ano pa ang susunod na makakapag-paalala sa akin ni Euan? Ang dami naming alaala ni Euan at hindi na ako magtataka kung sa lahat ng bagay maalala ko siya.

Tahimik naming minamasdan na lumubog ang araw at nung dumilim na ay tumayo na kami.

"Sana maka-move on na tayo para hindi na tayo masaktan pa." Sambit niya habang naglalakad kami papuntang parking lot.

"Teka sandali lang, Rilch." Tumigil siya sa paglalakad. "Pwede mo ba akong samahan muna sa supermarket? May bibilhin lang ako." Sakto kasing andito na kami sa mall.

"PANSIN ko lang," sambit niya. "Ba't puro strawberry flavor?" Tanong niya nang naglalagay ako sa basket ng mga pagkaing strawberry flavored. Muntik ko nang makalimutan na uuwian ko pala si anakis ng request niya. Baka magreklamo na naman at magtampo sa akin kapag hindi ko siya binilhan. Malay niyo umaasa parin siya ngayon na uuwian ko. Kaya eto ginagawa ko.

"Hehe. May pagbibigyan ako nito." Sabi ko.

"Ah. Para sa aso mo? Kumakain ba ang aso mo ng mga ganiyan? Buscuits, yogurt, fruit juice, strawberry jam?"

Anak ng. Ginawa niya pang aso yung anak ko.

"San mo nakalap ang impormasyon na para sa aso ko ito?" At tsaka wala akong alagang aso noh. Eh hindi ko nga maasikaso ng maayos yung anakis ko, yung aso pa kaya? Buti nga iyang si anakis kapag walang pagkain sa bahay naglalakwatsa. Hindi ko lang alam kung saan siya pumupunta. Hindi kaya pumupunta siya sa kalye at nangangalkal ng basura? Hindi naman siguro. Dahil kung oo, eh di sana amoy basura siya pag-uwi niya.

"Eh yun ang sinabi mo kahapon..."

Eh? "A-ahhh... Hehe sa iba 'to. At siyempre para sa isang tao to noh. Ang sosyal naman ng aso kung eto yung ipapakain ko sa kaniya."

"Ah... Haha akala ko sa aso..."

Habang naghahanap pa ako ng iba pang pagkain na lasang strawberry ay may bumangga sa akin dahilan para malaglag ang hawak kong basket at natapon ang laman nito. Nalaglag din yung dala dala niyang mga personal necessities sabay ng pagkaupo niya sa sahig. "Anak ng. Ang luwag ng daan oh!" Napasigaw ako. Dahil bukod sa amin ni Rilch, siya lang din ang naririto sa imported products section nitong supermarket. Napalingon ang mga tao sa malayo dahil sa sigaw ko. Pinulot ni Rilch ang mga pagkain at isa-isang binalik sa basket.

Nakayuko ang babaeng bumangga sa akin at hindi pa tumatayo. Hindi ko narinig na nag sorry siya kaya nagsalita ako ulit. "Miss, grabe naman kasi ang luwag luwag ng daan tapos namangga ka pa. Nananadya ka ba?"

Tumaas ang kilay ko nang pag-angat ng ulo niya nakita ko kung sino siya. Bigla ay kumulo ang dugo ko nang makita siyang umiiyak.

"Oh no, Miss Montes." Sabi ni Rilch saka inalalayan na makatayo si Vielle. Pinulot din niya ang mga pinamili ni Vielle at inabot ito sa kaniya. "Pasensiya ka na. At hindi naman namin aakalaing mababangga mo kami eh maluwag yung daan." Tama. Hindi naman kasi crowded yung supermarket.

Umiiyak parin si Vielle at nakakaawa siya tignan. Except me, knowing na nagpapapansin na naman iyan siya. "Thank you. Nahilo kasi ako at hindi ko akalaing mababangga ko yung kasama mo." Tinignan niya ako na para bang inaway ko siya kahit wala naman akong ginawa sa kaniya.

"Are you okay now? Gusto mo ipa-check ka namin sa ospital?"

"No, okay lang ako." Pinunasan ni Vielle ang luha niya. "Thank you."

"Hanggang ngayon magkasama parin kayo?" Narinig ko ang isang pamilyar na boses sa likuran namin. Paglingon ko, nakita ko si Keil. "Mag se-seven na at magkasama parin kayo. Diba may usapan din tayo, Mau? Ba't di ka sumipot?"

Pero pwede ka bang bumalik dito mamaya 6? After ng practice namin. May gusto akong sabihin sa'yo.

Anak ng. Nakalimutan ko.

First time ko siyang hindi napagbigyan sa request niya. At dalawang beses pa talaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top